Summer Kiss 2
Summer Kiss 2 ♥ Candy Store
"Ate! Picture po kayo sa sandcastle!"
Tinitigan ni Skye ang batang lumapit. Hawak-hawak nito ang camera na ngayo'y nakatutok sa kanya. Nagdalawang-isip si Skye kung magpapa-picture siya o aalis na sa lugar na 'yon. Sa huli, tumabi siya sa sandcastle na ginawa, bahagyang yumuko at nag-peace sign, ngunit nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha.
"Three…Two…One. Smile!"
Click!
"Congratulations po Ate! Sa susunod po ulit!"
Tumango lang si Skye nang magpaalam ang bata. Sa huling pagkakataon, muli niyang sinulyapan ang sandcastle na ginawa at ang ribbon na nakakabit dito na may nakasulat na 1st place.
Itinabi ng dalaga ang trophy at medal sa gilid ng kanyang obra maestra. Sa lahat ng sumali sa sandcastle making contest, ang kanyang ginawa ang nanguna sa nasabing patimpalak. Ang totoo niyan, hindi talaga inakala ni Skye na mapipili ang kanyang sandcastle. Ni wala nga talaga siyang balak sumali dito, kundi lamang sa consolation prize na sweet delights.
Ipinatong ni Skye ang itim na hood at isinuot ang sunglasses. Dinampot niya ang consolation prize at nagsimulang maglakad paalis. Kahit na walang kasiguraduhan kung saan siya patungo, iisa lang ang gusto niya--ang maubos ang hawak niyang bag na puno ng chocolates bago pa ito ma-kumpiska ng kanyang boyfriend na si Eros.
Sumilip ang dalaga sa kanyang wristwatch. Dalawang oras at kalahati na ng iwanan niya ang boyfriend sa tinitirhan nila. Magkasama kasi silang dalawa kanina matapos mag-swimming ni Skye sa dagat kasama ang kanyang mga babaeng kaibigan at si Eusebio. Ang kaso lang, nakatulog si Eros habang nanonood sila ng movie, kaya sinamantala ito ni Skye para pumuslit ng tsokolate. Alam niya kasing kapag kasama niya ito, bantay sarado siya sa mga matatamis.
Saktong dinala si Skye ng mga paa niya sa isang chocolate shop matapos maubos ang kanyang kinakain. Muli siyang tumingin sa wrist watch, at hinulaang tulog pa rin ang boyfriend hanggang ngayon. Puyat na puyat kasi ito nitong mga nakaraang araw dahil sa kakabantay sa kanya at sa ngipin niyang masakit. Kaya naman siguro ngayon ay nagbabawi na ito ng tulog, at ganoon rin siya, nagbabawi ng kain sa matatamis.
Pumasok si Skye at dumiretso sa pinakadulong upuan kung saan medyo tago ito. Lumapit ang isang waiter at nakangiti nitong binigay ang menu. Mabilis na nagningning ang mga mata ni Skye. Itinuro niya ang kanyang order simula sa cover ng menu hanggang sa pinakalikod nito.
Nang mai-serve ang kanyang order, naging busy ang dalaga sa pagkain at sa pagbabasa ng bagong libro na tungkol sa chocolates. Aliw na aliw siya sa nakikitang bagong experiments na ginagawa sa pinakamamahal na pagkain. Lahat ito ay puro masasarap at lahat ay gusto niyang subukan.
Hindi na namalayan ni Skye ang oras. Bigla na lang siyang nakaramdam ng kakaiba. Agad niyang isinarado ang libro, inilabas ang maliit na kutsilyong lagi niyang dala at itinutok sa taong nasa harap niya.
Nagulat siya nang mahawakan nito ang kanyang kamay at sinalag ang kanyang tira.
"Skye."
Sumalubong sa dalaga ang blankong ekspresyon ng mga mata ni Eros. Mula sa pagkakatitig nito sa kanya ay bumaba ito sa kanyang kinakain, at muling bumalik sa kanya.
Umayos ng upo si Skye at ibinalik ang kutsilyo sa pinaglalagyan nito. Alam niyang may kasalanan na naman siya sa kanyang boyfriend at sinuway na naman ang utos nito.
Umupo si Eros sa tapat niya. Minasa-masahe nito ang magkabilang-gilid ng ulo gamit ang isang kamay at saka bumuntong-hininga.
"How many times do I have to tell you that you're grounded from eating chocolates?" tanong ng kalmado ngunit ma-awtoridad na boses nito.
Tahimik lang na nakaupo si Skye. Nangangalahati pa lang siya sa kanyang inorder. Siguradong ipababalik ni Eros ang natitira pang kalahati.
"Let's go home," utos ng binata. "Baka sumakit na naman 'yang ngipin mo."
Naaalarmang tumingin si Skye kay Eros. "Just let me finish this one. It's the best part."
"Please." Muling ginamit ni Skye ang puppy eyes technique.
Walang nagawa si Eros kundi bumuntong-hininga at pagbigyan ang hiling ng girlfriend. Kahit kailan ay hindi niya talaga matitiis ito.
"Fine. Make it quick."
Matapos kumain ni Skye at ipabalik ni Eros ang natitirang pagkain na inorder nito ay dumiretso sila sa tinitirhan. Wala pa rin ang iba pa nilang kasama, malamang ay kasa-kasama nito ang kanya-kanyang kasintahan. Nagluto si Eros ng popcorn habang inaayos ni Skye ang papanoorin nilang bagong anime. Nang maayos ay naupo silang dalawa sa sofa, naka-akbay si Eros kay Skye habang nakasandal naman ang ulo ng dalaga sa balikat nito. Nasa gitna nilang dalawa ang popcorn na niluto ng binata.
Hindi na napansin ng dalawa na nakatulog silang parehas. Mag-gagabi na ng magising si Skye. Nakaupo pa rin silang dalawa sa sofa. Nakayakap ang isang kamay ni Eros sa kanyang likod hanggang balikat habang nakapatong ang ulo nito sa kanya. Samantalang siya naman ay naka-unan sa dibdib ng binata, ang kanyang dalawang kamay ay nakapulupot sa bewang nito.
Nagdahilan si Skye na inakalang unan niya si Eros kaya niyakap niya ito. Hindi dahil sa kung ano pa mang dahilan, basta unan si Eros. Tapos ang usapan.
Muling sinilip ng dalaga ang wristwatch at biglang naalarma. Malapit nang magsimula ang patimpalak ng isa sa mga chocolate shops. Kailangan niyang makapunta roon sapagkat alam niyang bubuhos ang matatamis na bagay kapag nanalo siya sa contest.
Dahan-dahang kumalas si Skye sa binata at siniguradong hindi magigising ito. Saglit niyang nilinis ang mga natapong popcorn, kinumutan si Eros at saka umalis papunta sa chocolate shop. Alam niyang pagagalitan na naman siya ng boyfriend kapag nalaman nitong sumusuway na naman siya. Sana lang ay mapasarap ang tulog nito at makabalik siya ng maaga para hindi nito malaman ang kalokohang ginagawa niya.
Hindi na maitatago pa ang excitement at kasiyahan na nararamdaman ni Skye nang pumasok siya sa chocolate shop. Madaming tao ang naghihiyawan, nagch-cheer sa mga kasali sa nasabing patimpalak. At nasa gitna ang nagni-ningning na tatlong bags na punong-puno ng mamahalin at sari-saring tsokolate na matatagpuan sa iba't ibang parte ng mundo.
Nagregister si Skye at pumunta sa kanyang pwesto kahanay ang iba pang mga kasali. Hindi niya alam kung anong klaseng laro ang gagawin rito pero iisa lang ang alam niya--kailangan niyang mapanalunan ang tatlong bags na iyon.
"Are you ready?!"
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Skye nang magsalita ang emcee. Naghiyawan ang mga tao at hindi niya mapigilang mapangiti.
"In behalf of our crew, we welcome you to our opening and our first chocolate shop competition! May we all have a wonderful night full of luscious and sweet delights! Let's not wait any longer, let the competition begin!"
Nagpalakpakan ang mga tao. Nagsi-handa na ang mga kasali lalong-lalo na si Skye. Ito na ang pagkakataon kung saan makakamit niya na ang pinakamamahal na tsokolate.
"Simple game mechanics. The person who eats most of today's cuisine will win our prize! Easy? Well, you better think again because for today's cuisine.."
Sabay-sabay na binuksan ng mga waiter ang nakatakip na pagkain. Tumambad sa kanila ang maliliit na bowl na punong-puno ng..
"Shit!"
Hindi maiwasang mapamura ni Skye. Sa totoo lang, nang makita niya ang laman ng bowl, ilang beses niya nang pinatay-patay sa kanyang isipan ang game master.
Kung bakit sa lahat ba naman ng ipapakain sa kanila, ginisang ampalaya pa? Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ng pagkain.
"Contestants, ready. On your mark, ready.. set.."
"Oh you gotta be fcking kidding me," umirap si Skye ngunit wala siyang magawa kundi lumapit sa ampalaya.
"Go!"
Halos masuka-suka si Skye sa kinakain niya. Nalalasahan niya ang mapait nitong lasa lalo na't wala itong kasamang iba pang pagkain. Hindi niya na halos mabilang kung naka-ilang baso na siya ng tubig. Pero sige pa rin sa pagkain si Skye, mapanalunan lang ang unang papremyo nila.
Tumunog ang buzzer, hudyat na tapos na ang patimpalak. Sinimulan ng bilangin ng mga judges kung ilang bowl ng ampalaya ang naubos ng bawat contestant. Mabilis na tumakbo si Skye papuntang C.R. at doon isinuka ang kinain. Pakiramdam niya, parang kahit anong oras ay maco-convert ang kapangyarihan niyang demonyo sa ampalaya.
Muling bumalik si Skye sa stage at nadatnan ang scoreboard na nakasabit sa itaas. Doon nakalagay ang mga pangalan at kung ilang bowls ang nakain ng bawat isa. Naka-ranking na ito at halos mapasigaw si Skye ng mura nang makitang pang-apat lang siya. Mabuti na lang at mabilis na napigilan ang kanyang sarili.
Ibinigay ng emcee ang consolation prize sa mga sumali ngunit hindi pa rin umalis si Skye. Inaantay niya ang awarding kung saan makikita niya kung sino ang nanalo. May balak kasi siyang bilhin (at takutin kung hindi man ito pumayag) ang napanalunan nito.
Napakunot ang noo ng dalaga ng makitang nakasuot ng puting maskara at itim na hood ang mga nanalo sa third, second at first place. Para silang isang grupo, o mukhang kulto na talagang pinagplanuhan ang patimpalak na ito.
"Congratulations! I hope you had a fun night everyone. Til our next event!"
Natapos ang programa at hindi inalis ni Skye ang tingin sa unang nanalo. Sinundan niya ito, hanggang sa makalabas sila ng chocolate store at makalayo dito.
Nang mapansin ni Skye na medyo kumokonti na lang ang mga tao sa dinadaanan nila, mabilis niyang nilapitan ang nanalo at inikot ito paharap sa kanya.
"Let me get this straight. I want--"
Biglang nanlaki ang mga mata ni Skye nang tanggalin ng nanalo ang kanyang hoodie at maskara.
"E-eros?"
"Hey."
"I-I.. I.." hindi malaman ni Skye kung anong gagawin. Nakatitig lang sa kanya ang boyfriend, hinihintay sa kung ano mang eksplanasyon ang kanyang sasabihin sa pagsuway niya dito.
"Have you eaten your dinner?" biglang tanong ng binata.
Bahagyang umiling si Skye. Muli na naman siyang naalarma sa tono ni Eros, ang kalmado ngunit ma-awtoridad na boses nito.
Walang anu-ano'y hinawakan ni Eros ang kanyang kamay at hinila papunta sa kung saan. Tahimik lang silang naglalakad. Ramdam ni Skye ang pagtatampo ni Eros sa kanya. Ilang beses na kasi siya nitong pinagsasabihan pero sumusuway pa rin siya.
Nakarating silang dalawa sa isang seafood restaurant. Nag-request si Eros ng table for two at siya na rin ang nag-order ng kakainin nila nang makaupo silang dalawa.
Nai-serve na lahat-lahat ang kanilang inorder pero wala pa ring umiimik sa kanilang dalawa. Tahimik lang silang naka-concentrate sa kanilang kinakain.
Inaamin ni Skye na hindi siya sanay na ganito si Eros. Nagkakaroon sila ng tampuhan pero madalas ay nauunang mag-sorry ang kanyang boyfriend sa kanya kahit na madalas ay siya ang may kasalanan. Ngayon, mukhang wala itong balak na ito ang mag-ayos sa relasyon nilang dalawa. Ang mahirap pa, ginagamitan siya nito ng isang cold war.
Hindi alam ni Skye ang gagawin. Hindi niya alam kung paano aayusin ito. Malinaw na siya ang may kasalanan. Mahirap kasi para sa kanya ang magsabi ng simpleng 'sorry'.
Paano na lang kung hindi nila ito maayos? Paano na lang ang tatlong bags ng chocolate na hawak-hawak ni Eros ngayon?
Napabuntong-hininga si Skye at napatingin sa kabilang direksyon. Biglang nagkaroon ng ideya si Skye ng makita ang magkasintahan na kumakain sa gilid nila. Sweet na sweet ang mga ito, at halos langgamin na sa kanilang kinauupuan.
Doon niya biglang naalala ang sinabi ni Eusebio na kung minsan, subukan naman niyang magpaka-sweet sa boyfriend niya. Hindi kasi sanay si Skye doon dahil hindi niya alam kung paano ito gumagana.
Pero kahit ganoon, kailangan niyang subukan.
Kinuha ni Skye ang tinidor at tinusok ang gulay saka itinutok ito kay Eros. "Say aaah."
Halatang nagulat si Eros sa ginawa ng girlfriend ngunit mabilis nitong napalitan ang emosyon. Kinain niya ang gulay at muling nanahimik.
Hindi mapigilan ni Skye na mag-pout. Mukhang mahihirapan siya amuhin ang boyfriend niya. Pero kahit ganon, hindi siya pwedeng sumuko. Lalong-lalo na kung nasa harapan niya lang ang pinakainaasam-asam na tsokolate.
Matapos kumain ng dalawa ay naglakad-lakad sila sa tabi ng dagat. Namamangha si Skye sa karagatang nagmimistulang sumasalamin sa bilog na buwan at kalangitang puno ng bituin. Ganunpaman, hindi maiwasang mag-alala ng dalaga para sa binata. Kahit na magkatabi lamang sila nito, ramdam na ramdam niya na para bang ang layo-layo nito sa kanya.
Bumuntong-hininga muli si Skye. Ito na talaga ang huling pagkakataon niya. Kung hindi sila magkakabati ni Eros ngayong gabi, hindi niya na alam kung anong mangyayari.
Tumigil si Skye sa paglalakad kaya napatigil din si Eros. Napayuko ang dalaga at sinubukang iwasan ang titig ng binata.
"S-sorry."
Namalagi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Maya-maya'y binasag na ni Eros ang katahimikan.
"You know why I am doing this right?" hinila ni Eros si Skye papalapit sa kanya at niyakap ito. "I just don't want to see you in pain. It hurts me even more."
Muli ulit bumulong ang binata. "Just promise me you'll limit your sweets intake, okay?"
Tumango si Skye. "Promise."
"And you'll brush your teeth."
"Hai."
"Everytime you eat something."
"But--"
"Skye."
Napatingin si Skye kay Eros at hindi maiwasang umirap. "Fine."
"Good girl."
Hinalikan ni Eros ang dalaga sa noo nito at saka hinawakan ang kamay ni Skye. Bumalik ang dalawa sa normal, nagkwe-kwentuhan habang naglalakad sa tabing dagat.
Maya-maya ay napansin ni Eros ang pasulyap-sulyap na tingin ni Skye sa tatlong bags na hawak niya sa isang kamay.
"Babe."
Napatingin ang dalaga sa kanya. "Sorry. Sweet tooth problems. I just.. I really can't help it."
"Besides, the bitter taste of that green horrible vegetable thing still lingers in my tongue."
Biglang napataas ang isang kilay ni Eros. "And what are you implying, babe?"
Umiling si Skye. "Nothing."
"Skye."
Bumuntong-hininga ang dalaga. Kilalang-kilala talaga siya ni Eros. Humarap siya dito at tinodo niya na ang puppy eyes technique.
"Just one please. One tiny piece of chocolate. Babe, pleaaaase!"
Matagal siyang tinitigan ni Eros. Sa huli, hindi niya pa rin ito natiis.
"Damn, why does it have to be so hard to resist you?" Hinalungkat ni Eros ang isang bag at naglabas ng isang box ng pocky.
"These bags full of sweets is for you babe. Just promise me you'll eat one at a time. Okay?"
"Haaii~"
"I'll keep an eye on you. Understand?"
"Haaii~"
At dahil hindi na makapag-hintay pa si Skye, naglabas na si Eros ng isang stick ng pocky. Nagulat ang dalaga ng kinagat ng binata ang kabilang dulo nito, at ginalaw-galaw ang pocky stick na para bang pinapakagat ang dulo sa kanya.
Hindi nakatiis si Skye at kinagat ang kabilang dulo. Napagdesisyunan niyang pagdating sa gitna ay puputulin na lang niya ito.
Unti-unting nagkakalapit ang mukha nila ni Eros. Konting-konti na lang at magkakadikit na ang mga labi nila. Kahit na matagal na silang magkasama, hanggang ngayon ay wala pa rin silang official first kiss.
Ramdam na ni Skye ang paghinga ni Eros, pati na rin ang tungki ng ilong nito. Puputulin niya na sana ang pocky stick ngunit naunahan siya ng binata. Naramdaman na lang ni Skye ang malambot na bagay sa labi niya.
At ang tamis-tamis nito.
Ngayon lang nakaramdam si Skye ng ganito. Napigil niya ang hininga, at para bang mayroon mga paro-parong nagwawala sa loob ng tyan niya. Hindi niya lubos maintindihan ang nararamdaman, pero siguradong mas masaya siya ngayon kesa sa tuwing kumakain siya ng tsokolate.
Ito na ba ang tinatawag nilang 'kilig'?
Bahagyang humiwalay si Eros ngunit nanatiling magkadikit ang tungki ng mga ilong nila.
Ngumiti ito at saka bumulong ng isang kanta,
"You're the sweetest thing I've ever seen before. I'm like a kid in the candy store."
~
Candy Store by Faber Drive baby \m/ Happy 200k M.A. Salamat sa suporta guys!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top