Summer Kiss 1
Summer Kiss 1 ♥ Sandcastle
Aliw na aliw si Tabitha sa pagbuo ng sandcastle. Hindi niya na halos namalayan kung ilang oras na niyang ginagawa ito. Simula kasi nang umahon sila ng mga kaibigan sa dagat, nahalina siya ng puti at pinong buhangin kaya napagdesisyunan niyang magpaiwan.
At eto siya ngayon, parang bata na tuwang-tuwang nilalagyan ng shells ang sandcastle niya.
Nananahimik si Tabitha at abalang-abala sa pagde-design nang may tumama sa kanya. Agad siyang lumingon sa kanyang gilid, at nakita ang topless niyang boyfriend na nakaupo sa di kalayuan na may hawak na maliliit na bato.
Muli siyang binato nito, at tumama sa braso niya.
"Zeke!" saway ni Tabitha, at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Pero hindi natigil ang binata af patuloy na binabato nito si Tabitha, dahilan upang mainis ang dalaga.
"Ang kulit mo!"
"Isa!"
"Wag ka ngang magulo!"
Ngunit kahit anong saway ni Tabitha, hindi pa rin ito tumigil sa pangungulit sa kanya. Naiinis na siya, hindi dahil sa masakit ang mga maliliit na batong tumatama sa braso niya, kundi dahil hindi siya makapag-concentrate sa binubuo niyang sandcastle.
Muli siyang binato ni Zeke at sa pagkakataong ito, hinarap na siya ng kasintahan na may nakamamatay na tingin.
"Kapag di ka tumigil, magb-break tayo."
Mabilis na nawala ang tila mapaglarong ngiti sa labi ni Zeke. Tumigil ito sa pambabato, at maya-maya'y tumayo sa kinauupuan nang walang imik.
Hindi mapakali si Tabitha dahil sa kanyang ginawa. Isang parte sa kanya ang masaya dahil magagawa niya na ulit ng mapayapa ang sandcastle. Pero may isang parte sa kanya ang nagui-guilty dahil sa sinabi niya kay Zeke.
Nagulat na lang si Tabitha nang may malamig at magaspang na bagay ang pumahid sa kanyang dalawang pisngi. Pinanggigilan pa ito, at saka ikinalat sa buong pisngi niya ang malamig at magaspang na bagay na napagtanto niyang basang buhangin.
Nang mawala ang pares ng kamay na lumamutak sa mukha niya, agad siyang tumingin sa likod at nakita ang tuwang-tuwa na si Zeke.
Kung bakit ba kasi ngayon pa tinamaan ng kakulitan ang boyfriend niya.
"Humanda ka sakin!"
Tumayo si Tabitha at hinabol si Zeke na tawa ng tawa. Nahawa na rin ang dalaga sa saya nito, at halos maubos na ang hininga niya sa kakatawa at kakahabol.
"Magpahuli ka naman!" hingal na sabi ni Tabitha. Mahirap kasi itong habulin, mabilis tumakbo at malalaki ang hakbang.
Bumagal naman ang takbo ni Zeke nang makitang pagod na ang girlfriend. Nang mapansin niyang konti na lang at maaabot na siya ni Tabitha, biglang lumingon si Zeke at hinawakan ang naka-angat na kamay nito.
Hinila niya si Tabitha papunta sa kanya at sabay silang bumagsak sa buhanginan, siya ang nasa ilalim habang nakapatong naman sa kanya ang dalaga.
Sabay silang tumawa at pilit na naghahabol ng hininga.
Napatingin si Zeke kay Tabitha nang umangat ang ulo nito mula sa pagkakahiga sa kanyang dibdib. Ngumiti ang kanyang girlfriend, at mabilis na dumapo ang dalawang kamay nito sa pisngi niya. Pinahiran siya nito ng basang buhangin at pinanggigilan din katulad ng ginawa niya dito kanina.
"Stop it!"
"Ayoko nga! Ganti ko 'yan sa'yo. Bleh!"
Matapos panggigilan ni Tabitha ang kanyang boyfriend, umikot siya paalis dito at nahiga sa tabi. Maya-maya, tumayo si Zeke at inilahad ang kamay kay Tabitha.
"Let's go."
"Saan?"
Kibit-balikat lang ang sagot ng binata. Ganunpaman, inabot ni Tabitha ang kamay nito at nagsimula silang maglakad sa tabing-dagat.
Hindi maipaliwanag ni Tabitha ang nararamdaman. Sa ilang buwang relasyon nila, bihira lang ang ganitong scenaryo.
Na hawak ni Zeke ang kamay niya habang naglalakad sila sa tabing-dagat.
Madalas kasi, puro pang-aasar at pagsusungit lang ang ginagawa ng boyfriend niya. Akala niya talaga wala ang salitang 'sweet' sa sistema nito.
Pero ngayon, hindi niya na maitago ang kilig na nararamdaman. Lalo na't nararamdaman niya ang mahigpit na hawak ni Zeke sa kanyang kamay.
Hindi niya maiwasang mapangiti.
"Why are you smiling?" kunot-noong tanong ni Zeke.
Ngumiti ng malawak sa kanya si Tabitha. "Wala. Masaya lang ako. Ang sweet mo eh."
"Tsk."
Mahinang tumawa si Tabitha nang umiwas ng tingin sa kanya si Zeke. Pasimpleng ipinatong ng binata ang libreng kamay sa ibabang parte ng mukha nito, sinusubukang itago ang ngiti na namumuo sa kanyang labi. Alam kasi ng dalaga na kinikilig din ito, dahil bukod sa namumulang mukha, namumula rin ang kanyang tainga.
Magkahawak-kamay silang naglalakad, kapwa hindi alam kung saan talaga sila pupunta. Hanggang sa natanaw nila ang mga nagkukumpulang tao at banner na nakasabit sa di kalayuan.
"Tara, tignan natin!" Hinila ni Tabitha si Zeke at patakbong lumapit ang dalawa papunta rito.
Sandcastle Making Contest
Nagningning ang mga mata ni Tabitha. Mahilig kasi siya sa sandcastles. Madalas sa mga pictures lang siya nakakakita ng magaganda at eleganteng kastilyong buhangin. At ngayon, siguradong makikita na niya ito sa kanyang harapan.
"Do you want to join?"
Napatingin siya kay Zeke. "H-ha? A-ah hindi hindi. Ayoko, manonood na lang ako."
Matamang tinitigan siya ng kasintahan. Kontra sa sinasabi nito, halata sa kanyang girlfriend na gusto nitong sumali.
"Let's join."
"Zeke, wag na. Tsaka magagaling sila, baka.. alam mo na.. baka matalo lang tayo." Bulong nito tsaka tumungo.
Humarap si Zeke kay Tabitha, hinawakan ang baba nito at ini-angat ang ulo para magtama ang kanilang mga mata.
"I don't give a damn if we lose. I just want to see you enjoy this event. Seeing you smile while making that sandcastle, that's the best price I'll ever receive from this contest."
Sa pagkakataong ito, si Tabitha naman ang napaiwas ng tingin, sinusubukang itago ang mala-kamatis niyang mukha.
Mas gusto niya ang dating Zeke na nang-aasar at nagsusungit lang. Kapag siguro ganito ka-sweet si Zeke araw-araw, baka maubusan siya ng dugo sa kaka-nosebleed.
Sumali nga ang dalawa sa nasabing event. Magkatulong ang mga ito sa pagbuo ng sandcastle. Tinuturuan ni Tabitha si Zeke kung paano mapanatiling matibay ang castle para hindi ito gumuho.
Napatitig si Tabitha kay Zeke. Nakakunot na ang noo nito, palagay niya'y nauubusan na ng pasensya sa paghulma sa kastilyong buhangin. Ganunpaman, hindi pa rin ito tumitigil sa paggawa.
Hindi maiwasang mapangiti si Tabitha. Hindi naman kasi mahilig si Zeke sa ganitong bagay pero ginagawa niya ito para sa kanya. Sino ba naman ang hindi mai-in love lalo sa ganitong lalaki?
Isang gwapong topless na gumagawa ng sandcastle? Hindi na rin masama.
Matapos ang humigit-kumulang dalawang oras, natapos ang event. In-annouce ang mga nanalo at hindi inaasahan ni Tabitha at Zeke na makukuha nila ang second spot.
"Kuya, ate. Picture po kayo sa sandcastle!"
Isang batang babae ang nasa harapan nila at may nakasabit na camera sa leeg nito.
Inilagay ni Zeke ang pulang ribbon na may tatak na 2nd place sa sandcastle na gawa nila. Pumwesto ang dalawa sa likod ng sandcastle, itinaas ni Tabitha ang trophy habang naka-akbay naman sa kanya si Zeke.
"Okay.. 3, 2, 1..."
Biglang hinawakan ni Zeke ang baba ni Tabitha at inilingon ito paharap sa kanya. Nabigla na lang ang dalaga nang mabilis dumampi ang malambot na labi nito sa labi niya
"Smile!"
Click!
"Waa~ ang sweet niyo po kuya! Balik po ulit kayo ni ate dito ha," ini-abot ng bata ang picture kay Zeke at saka nagpaalam. "Congratulations po ulit!"
Hindi mai-alis ni Zeke ang ngiti sa labi ng makita ang picture. Ipinakita niya ito kay Tabitha at nanlaki ang mata ng girlfriend.
Ito ang picture ng first sandcastle nila, pati na rin ang kanilang first kiss.
~
Kyamii: Wait, hindi pa naman nagkaroon ng first kiss si Tabitha at Zeke sa story diba? O meron na? Nakalimutan ko XD hahaha. Bukas ko na lang ilalagay yung sa dedications pag nag-pc na 'ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top