Ruins
Chapter 9
Ruins
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“Your next” diretsong nakatingin saakin ang mga blankong mata ng taong nasa harapan ko. Ibang Shontelle ang nakikita ko ngayon. Mali. Hindi siya si Shontelle.
“Sebby! Ngayon na!” sigaw ni Ayesha kaya kumilos agad si Sebby. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay at pinagdikit ang kanyang hintuturo at hinlalaki para bumuo ng tatsulok. Itinapat niya ito kay Shontelle at nagwika ng isang spell.
“Trap thy soul and body. Seal with power and strength"
Isang transparent na pyramid ang nagkulong kay Shontelle sa loob nito. Pilit siyang kumakawala, pinagsusuntok at pinagsisipa ang pader pero matibay ang pyramid. Saktong umapoy ang Fire Falls. Huminga ng malalim si Ayesha at sinubukang kontrolin ang tubig. Noong una ay nahihirapan siya pero kalaunan ay unti-unti niya nang napapasayaw ito. Pinalibot niya ang umaapoy na tubig sa pyramid. Ginamit namin ang abilidad ng Fire Falls para makatulong na mapalakas ang spell na gagawin ko.
Nagkatinginan kami at tumango siya, hudyat na maaari ko nang simulan.
Napatingin ako sa mana bar ko, napakakonti na nito. Sana ay kayanin pa ang isasagawa kong spell.
Lumapit ako sa pyramid at hinawakan ang tubig na bumabalot dito. Hindi mainit dahil sa apoy na kasama dito. Bago ako pumikit ay tinignan ko muna ang mga mata ni Shontelle. Blanko pa rin ito. Pero alam ko na sa loob loob niya ay humihingi siya ng tulong. Nararamdaman ko kung gaano siya naghihirap na pigilan ang tinta na kumalat sa buong niyang katawan at tuluyang kuhain nito ang kanyang sarili.
Huwag kang mag-alala Shontelle, hindi kita pababayaan.
Pumikit ako at pinakiramdaman ang kapangyarihan ng apoy at tubig na pilit pinagsasama. Ilang minutong pa, mas naging kalmado na ang dalawang elemento, unti unti nang nagsasama. Pagkakataon na para isama ang natitira kong kapangyarihan. Sinubukan kong ibalanse ang kapangyarihan ko sa dalawang elemento. Mabuti na lang at hindi ito ganoon kahirap ibagay. Ilang saglit pa at binigkas ko na ang spell. Naramdaman kong unti-unting umiinit ang pyramid pero bawal bumitaw hanggat’t hindi pa tapos ang spell. Parang nasusunog na ang mga kamay ko sa sobrang init. Lalong humigpit ang hawak ko para hindi ako makabitaw.
Hindi ako bibitaw.
Hindi ako bibitaw, Shontelle.
~~~**~~~
~Ayesha’s POV~
Unti-unting lumiwanag ang loob ng pyramid. Nakita ko rin ang namumulang kamay ni Tabitha na nakahawak sa pyramid. Hindi pa rin siya bumibitaw kahit na sobrang init na nito. Nag-aalala na rin ako kay Shontelle sa loob.Walang tigil kasi ang pagsigaw niya. Sana ay walang mangyari sakanilang masama.
Maya-maya, may itim na usok ang kumawala sa pyramid. May pinulot si Sebby na bato sa gilid niya at nagsagawa ng isang spell. Naging glass container ito at kumuha siya ng itim na usok. Sinarado niya itong mabuti para makasiguro na hindi ito lalabas.
Humupa na ang liwanag sa loob ng pyramid. Tinanggal na ni Tabitha ang pagkakahawak niya dito at nawalan ng malay. Buti na lang at nasalo siya kaagad ni Sebby. Nasira na rin ang pyramid na pinagkukulungan ni Shontelle. Tumakbo ako papunta sa pwesto nila at nadatnan ko si Shontelle na nakaupo at hawak-hawak ang ulo.
“Shontelle, ayos ka lang ba?” tanong ko at inalalayan ko siyang makatayo. Sumunod kami kay Sebby papunta sa improvised tent. Ipinasok niya sa loob si Tabitha samantalang naiwan kami ni Shontelle sa labas.
“A-Anong nangyari Ayesha? N-nasaan ang mga kalaban?” hinang-hina niyang tanong.
“Wag kang mag-alala, wala na ang mga kalaban. Hindi mo ba natatandaan? Natalo mo sila.” takang-taka ko.
Kumunot ang noo niya na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. “Ako? Natalo sila? You’re kidding me.”
“Sheez, you should have seen yourself. Kinalaban mo sila ng mag-isa. And the way you sing, the way your voice sounds. It’s not the usual.” Naalala ko nanaman ang itsura ni Shontelle. Nakakatakot. Bumalik nanaman ang kilabot sa buong katawan ko. Sa ilang taon naming pagiging magkaibigan, ngayon ko lang siya nakitang ganoon.
“I don’t remember a thing about that. The last thing I remember was that everything was dark and I don’t have any control on myself until there’s something warm that embraced me. Then I saw a light, I hold it until I consumed all the energy and power that I need.” Napahawak nanaman si Shontelle sa ulo niya. “Akala ko makakaalis na ako sa lugar na iyon ng ligtas kasi nagcracrack na yung kulungan. Pero may usok na pumasok tapos nasinghot ko ito and then I black out.”
“Probably that smoke was controlling you. Don’t worry, inalis na ni Tabitha iyon sa katawan mo and Sebby already trapped in a glass container.”
Itinakip niya ang kanyang dalawang kamay sa mukha niya at nagsimula nang umiyak. “I’m sorry. Nagiging pabigat ako sainyo. I’m sorry.” She’s such a crybaby eversince we were little. Pinat ko ang ulo niya para mapatahan siya.
“Hey, don’t say that. Kung hindi dahil sayo, malamang nakikipaglaban pa rin tayo sakanila hanggang ngayon.” I smiled. Biglang lumabas si Sebby sa tent.
“Oo nga girl. Kinabog mo ang beauty ko sa Monster Fight. Kakaloka.” Sabi niya sabay umupo sa tabi ni Shontelle. “Girl, wag ka nang mag-emote diyan. Hindi bagay e. Tingnan mo o, uhog mo lumalabas.” Panloloko ni Sebby na nginunguso ang ilong ni Shontelle.
Hinampas siya ng mahina ni Shontelle. “Wala naman e. Tsaka hindi ako gumaganon no. Ikaw ata yun e.” nakangiti pang sabi nito.
“Joke lang. To naman di mabiro e. Pero seriously girl, hindi ka pwedeng pang best actress.”
“At sino naman ang pwede dun aber?” tanong ko naman sakanya.
“Of course sino pa ba? Sino ba ang nag-iisang dyosa ng kagandahan at merong ever hot sexy body?” tanong ni Sebby na nagtapik baba.
“Uhh.. Ako?” sagot ko. Alam ko naman sarili niya tinutukoy niya e.
“Echusera to. Mangarap ka Ayesha.”
“Skye?” si Shontelle naman.
“No.”
Mukhang hindi satisfied si Sebby sa mga sagot namin kaya tuloy-tuloy lang hula namin.
“Xianna?”
“Haylee?”
“Kaylee?”
“Yuuki?”
“Shontelle?”
“Tabitha?”
Salitan naming sagot ni Shontelle. Pero hindi pa rin nagbago ang bored and not satisfied na look niya saamin.
“Xianna? Like duh?! Ikakamatay ko kapag naging artista yan. And the rest, NO.” bored niyang sagot.
“E sino ba kasi? I’m running out of ideas.” Sabi ko sakanya. Actually, alam naman namin ni Shontelle na siya yung sagot. We just like to mess with him.
“Oh I know! How can I ever forget this person.” sigaw ni Shontelle. Biglang nagtwinkle ang eyes ni Sebby. Sige pa. Shine Bright Like a Diamond ang peg!
“Who who?” nabuhayan si bakla.
“Edi si Kyam-kyam!” masiglang sabi ni Shontelle.
“Sino yun? Baka naman alienated specie yang sinasabi mo ha.” Sagot ni Sebby na nagpout na.
“Sheez. Si Kyamii! Ang dakilang manunulat nitong story na to.” Sagot ko sakanya.
“Dyosa yun Seb! Sexy yun grabe. *____*” nagtwinkle ang eyes ni Shontelle.
“Kamusta na nga pala siya?” tanong ko kay Shontelle.
“Balita ko, wala daw matinong plot tong story natin e. Pero ayos lang daw yun. Maganda pa rin siya.”
“Enako. Kung sino yang Kyamiichurvabels na yan. Mas maganda ako sakanya. Nag-iisa lang ang ganitong specie na ito.” Pagmamalaki ni Sebby.
“Ingat Sebby sa pagsasalita, baka—“ pinutol ni Sebby ang sasabihin ni Shontelle.
“At baka ano?! Maganda ako, author lang siya. Wala siyang magagawa. Bwahaha!” sabi ni Sebby with an evil grin.
“Sige ka. Ikaw din. Baka mawalan ka ng love life.” Sabi ko naman sakanya. Bigla siyang napatigil sa pagtawa ng evil laugh niya.
“Syempre joke lang noh. Hindi naman kayo mabiro e. Siya kaya pinakamaganda. Gandang di mo inakala ang peg! Hi Kyamiibabe! *kaway kaway* ”
Ilang minuto pa, napagdesisyunan na naming gisingin si Tabitha. Tumunog na ang isang kakaibang bell, hudyat na paparating na ang shooting star. Kailangan na naming mapuntahan ang pinakahuling lugar. At sigurado ako na nandun ang huling grupo na kakalabanin namin, ang grupo nina Zeke.
“Ano na nga pala ang nangyari kay Xianna? Natalo din natin siya?” biglang tanong ni Shontelle habang tinatahak na namin ang daan papunta sa Lost Ruins.
“Unfortunately girl, matibay ang mukha ni frogletus. Ayun nakatakas siya.” Sagot ni Sebby.
“Grabe! Hindi niya man lang tinulungan ang mga kasama niya?” sabi ulit ni Shontelle
“Yeah. Alam mo naman na sarili lang naman niya ang iniisip niya e.” sagot ko sakanila.
“Saan na natin siya hahanapin? Tsaka diba lalabas lang ang shooting star kapag dalawang grupo na lang ang natitira? Since buhay pa siya, tatlo pa rin ang nandito sa arena.” Sabi ni Tabitha.
“Sigurado akong dumiretso na iyon para hanapin ang grupo nina Zeke. In the first place, kaya lang naman siya pumasok sa school na ito ay dahil hinahabol niya si Zeke. Sigurado ako na kaya siya nakikipaglaban ngayon ay para matulungan niya ang grupo ni Zeke na makuha ang Seif at mapansin sya ni Zeke.” Sagot ko naman.
“Masyado kayang obsessed yung babaeng yun kay Zeke. Hindi sumusuko kahit na pinagtatabuyan na siya.” Segunda naman ni Shontelle.
“Sino ba kasi yang Papa Zeke na yan?” nandyan na naman ang twinkling eyes ni Sebby. Interesado talaga siya kapag lalaki ang pinag-uusapan.
“Yung late na pumasok kanina.” Sagot ni Shontelle
“SINO? YUNG LAMPANG NERD?! Gosh! Ganoon ang mga taste ni Xianna?! I can’t believe this!” nabigla si Sebby at pigil na pigil ang tawa.
“Makalampa naman to. Hindi yun. Tatlo kaya silang late kanina. Yung nerd, tsaka yung dalawang hottie. Yung nagbigay ng rosas kay Mrs. Dammon at yung isa ay may nakasalampak na earphones sa tenga niya.”
“OMO dalawa silang gwapo. Sino dun si Papa Zeke?”
“Yung naka-earphones. Si Ace naman yung nagbigay nung rose. Yung nerd naman ay si—“ pinutol ni Sebby ang pagsasalita ni Shontelle.
“I don’t care about that nerd. Tell me more about Zeke and Ace.” Mas lalong nagshine bright like a diamond ang mga mata ni Sebby.
“Guys, save the chat later. We’re already here.” Awat ko sakanila at tumigil kami sa pwesto namin.
“Hindi kami guys. We’re gals. Err.. Yesh? Sure ka dito girl?” naguguluhang tanong ni Sebby. Tumigil kasi kami sa gitna ng daan. Wala kasing kahit anong sign ng Ruins dito.
“Yep! Oh wait. Nandito lang yon e.” naglakad lakad ako para hanapin ang punong may palatandaan. Nakita ko rin ang simbolo ng araw na nakaukit sa isa sa mga branch ng puno. Hinigit ko pababa ang branch at nagkaroon ng mahinang pagyanig ng lupa. Maya-maya, tumaas ang humaharang sa totoong daanan ng Lost Ruins.
“Ohh. Natatakpan ng curtain. Kaya pala..” biglang sambit ni Tabitha. Isang curtain na may imaheng katulad ng daanan ang humaharang papunta sa Lost Ruins. Kapag nagdire-diretso ka dito, mapupunta ka sa ibang lugar at kahit kalian ay hindi mo na mapupuntahan ang Lost Ruins.
“Let’s go?” I asked and they nod. Sama-sama naming pinasok ang huling lugar.
Lost Ruins.
~~~**~~~
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Maswerte kami dahil hanggang ngayon, puro mga weak type of monsters ang nakakasalubong namin kaya kahit papaano, nakakaiwas kami sa gulo dahil hindi naman nila kami inaano. Habang papalayo kami ng papalayo, padami ng padami ang mga nagkalat na rubble, bricks pati na rin ang mga sirang statues. Hanggang sa may natanaw kami kastilyo.
Sa labas ng kastilyo, nagkalat ang mga naglalakihang halimaw. Napatigil kami sa paglalakad.
“They’re already here.” Sabi ko sabay tumingin ako sa abandonadong kastilyo.
“Who?” tanong naman ni Sebby.
“Sino pa ba ang makakagawa ng mga ganyan?” sabi naman ni Shontelle
“Zeke” I answered.
“A-average type of monster iyan hindi ba?” tanong ni Tabitha. I nod.
“Ganoon ba sila kalakas?” sabi ni Sebby na hindi makapaniwala sa nakikita niya. Sino ba naman kasi ang hindi mamamangha sa mga nagkalat na average monsters na nagkalat sa labas ng kastilyo. To think na mahirap itong kalabanin at aaminin ko na aabutin kami siguro ng isang buong araw matapos lang ang mga halimaw na ito. Iyon ay kung makakasurvive kami.
“More than what you’ve imagine.” I said then pushed the main door. Dahan dahan na nagcreak ito at pumasok kami sa loob. Maliwanag ito dahil sa ilaw na nanggaling sa labas. May mga istatwa na nakakalat sa loob, sira sirang paintings, basag na chandeliers at mga nakakalat na glass wines, golden spoons, forks and plates. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kabilang pintuan. Nagkatinginan muna kami at nag nod sa isa't isa.
Binuksan ko ang pinto.
Ang throne room.
Lugar kung saan magaganap ang huling laban.
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“Finally! They're already here.” Sambit ni Ace. Isa sa mga late at nagbigay ng rosas kay Mrs. Dammon. He grinned like a Cheshire cat. Nakaupo siya sa upuan ng hari, nakadequatro at diretsong nakatingin saamin. Pag lalo mong tinititigan, lalong gumagwapo.
“Gosh. Kill me now.” bulong ni Princess Sebby na naglalaway na sa nakikita niya ngayon.
Sino ba naman kasi ang hindi maglalaway? Kahit ako natutulala sa nakikita ko e.
Madami na akong mga nakikitang lalaki. Mga suitors ni Ms. Skye o kaya mga anak ng mga kapartner ng mga magulang niya. Hindi naman maitatanggi na gwapo ang mga iyon pero ang mga nandito.
Grabe. Parang mga Greek Gods.
And Goddess. May babae kasi silang kasama na ngayon ko lang napansin.
Tatlo lang silang nandito at mukhang wala si Zeke, yung lalaking nakaearphones. Wala kasing nakaearphones e. At kulang pa sila ng isa? Nasaan yun?
“Oy Neo, where's the boss?” bagot na tanong ni Ace sa kasama niya na lalaki. Nakaupo ito sa may hagdanan papunta sa pinakaupuan ng hari. Nakapangalumbaba siya at pinaglalaruan niya ang singsing na hawak niya.
“Malay ko. Bat di na lang natin sila tapusin para wala nang problema si boss at makaalis na tayo?” bagot na bagot ding sagot nito sabay nag inat.
“Have you forgotten that boss has some unfinished business with one of them?” tumingin tingin siya saamin at napakunot ang noo niya. Anong problema nito?
“Edi idispatya na yung hindi kailangan. Nakakabagot kaya. Tingnan mo si Ice, kanina pa naglilinis ng violin niya dyan.” Reklamo pa ng lalaking tinawag na Neo.
“Ice. Do you know where Zeke is?” tanong naman ni Ace dun sa babaeng abalang abala sa paglilinis ng violin niya. "Damn! He's making me wait." naiinis niya pang dugtong.
“Naiinip na daw siya kaya lumabas. Wag kang mag-alala, papasok na rin yun in 3..2..1” biglang sumabog ang bintana sa may gilid ng throne room at isang lalaki ang pumasok. Nakasuot ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Mayroon siyang maroon na buhok at pulang mga mata. Nakasuot siya ng earphones. Eto na ata si Zeke.
“Yow boss! Where the hell did you go?” tanong ni Neo.
“Air.” simpleng sagot nito sabay napatingin saamin. At nakuha niya pa talagang magpahangin sa lagay na iyan ha.
“Damn you Zeke for making me wait. The one you're looking for. I don't think she made it.” Sabi naman ni Ace. Nagsmirk lang si Boss Zeke. Teka? Bat siya binoboss ko?
Lumapit si Zeke sa kinatatayuan namin. Napatayo na rin ang mga kasama niya at wari ay inaabangan ang susunod na kilos ng boss nila.
“Oh Gosh. Lalapitan ako ni Papa Zekebabe. I can’t take it anymore. He’s so HOT!” halos mabaliw baliw na si Sebby sa kinatatayuan niya. Napatulala kami sa papadating na si Zeke. Ang lakas ng aura at charisma niya.
We came back to our senses when Ayesha shouted.
“Don’t you even dare Zeke.” Pero nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad sina Zeke. Awtomatikong humanda kami para sa anumang mangyayari. Nilabas ko ang dagger samantalang nakaposisyon na ang kamay ni Ayesha para pagalawin ang kung ano mang tubig. Si Shontelle naman ay mukhang naghahanda na sa pagkanta niya samantalang si Sebby ay naglalaway pa rin.
“Princess Sebby!” sinubukan ko siyang tawagin pero walang nangyari at nakatuon lang ang atensyon niya kay Zeke. “Huy Sebby! Huy huy!”
Sa sobrang busy ko sa pagtawag ko sakanya, hindi ko namalayan na nakalapit na pala saakin si Zeke.
Hahawakan niya na sana ang kwintas ko pero biglang lumabas si Ms. Skye at tinabig ang kamay niya.
Tumalon siya pabalik sa grupo niya na malawak ang ngiti. Ngiting napakadelikado.
Hindi ako masyadong mahilig sa mga gwapong lalaki pero..
..ngiti pa lang niya nakakamatay na.
Sa sobrang kilig, napahiga si Princess Sebby at nagpagulong gulong. Ang OA nitong baklang to.
“Gosh gosh gosh gosh gosh gosh gosh.” Walang humpay niyang pagsabi ng gosh at paggulong.
“Shall we settle it then?” nakasmirk na sabi ni Ms. Skye kay Zeke.
“Strong enough? Let’s see.” Lalong lumapad ang ngiti ni Zeke.
Ano bang meron sa dalawang to?
“Eusebio” sabi niya at biglang tumigil sa paggulong si Sebby. Pinalapit siya ni Skye at binulungan. Lalong nagtwinkle ang mga mata ni Sebby.
Sumunod ay kinausap naman niya kami.
“Main event. I don’t want to lose.” Madiin na sabi ni Ms. Skye. Seryosong seryoso siya kaya wala ni isa saamin ang may gustong mag-interrupt. Binigyan niya kami ng ilang informations tungkol sa weakness ng kasama namin. Mga bilin na bawal kalimutan.
Handa na kami. Handa na rin sila. Simula na ng labanan.
Mag-GGo signal na dapat si Ms. Skye pero sa hindi inaasahang pangyayari..
May tatlong maliliit na halimaw ang sumingit sa gitna ng battle arena namin.
“Adorable *O*” nasambit ni Shontelle nang makita ang halimaw na kasing laki lang ng daga. Pero agad niyang binawi dahil sa life bar na lumabas dito.
Pula
Master type.
“The hell?!” sigaw ni Neo.
“Kung kelan naman maglalabanan na e.” angal naman nung babaeng may hawak na violin na nagngangalang Ice.
Napaatras kami ng unti-unti lumaki ang mga ito. Ang dating mga cute na halimaw, isa nang nakakatakot na higante.
At nadagdagan pa ng dalawa.
Uwaaaa~ Lima na sila!
May isang boses ang biglang umalingawngaw sa buong lugar.
“Ang limang halimaw na iyan ay kusang ibinigay sainyo para malaman kung gaano kayo kalakas. Kapag hindi niyo natalo iyan, hindi niyo makukuha ang Seif at mawawalan kayo ng allowance within 3 months.”
“Ah sh*t! Pahirap naman o!” reklamo ni Neo. “Tapusin na nga natin yan.”
Nang tumugtog na si Ice ng kanyang violin. Nagsimula na ang labanan.
~to be continued
~~~**~~~
AN. Nawala lahat ng iniimagine ko dito sa part na ito kaya Cinut ko muna. Medyo boring? Sa tingin ko. Ang sakit kasi ng katawan ko e. LOL Happy April Fools nga pala :)
Dedicated sakanya :D Peh! Lumabas na character mo! Salamat sa patuloy na pagsuporta :)
Tabitha Klein sa side :bd
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top