Revelation
Chapter 16
Revelation
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
It’s been three days since nagmeeting kami sa headquarters. Sa loob ng tatlong araw, walang nangyaring kakaiba. Nanatiling normal lang ang lahat. Walang nagpapasabog, walang sira-sirang gamit, walang gulo. Mukhang tama nga ang hinala ni Ace, hinihintay nila ang tamang oras. At ang tamang oras na iyon ay mangyayari sa araw na ito.
Isang meteor shower ang magaganap mamayang gabi.
At ngayong gabi din, mangyayari ang isang inaasahang labanan.
“Yuuki tapos ka na ba?” naabutan ko si Yuuki na inaayos ang scroll and pen niya. Nilagay niya ito sa isang backpack. “Yes Onee-chan. Halika na.” lumabas kami ni Yuuki sa kwarto. Nadatnan namin si Sebby na nanonood ng Angel Beats na anime habang kumakain ng chips.
“Sebby, pupunta kami kay Ms. Skye ha.” Paalam ko sakanya. Tumango lang siya habang tutok na tutok sa panonood. Ganyan talaga si Sebby, hindi namamansin pag nanonood. Ayaw niyang nagugulo siya.
Naglabas ng isang box ng tissue si Yuuki at inilagay ito sa side table. “Onii-chan, nakakaiyak yan. Nandito yung tissue sa side table ha.” Tumango lang si Sebby.
“Sige Sebby. Bye bye.” Lumabas na kami ng suite nila ni nerd. Bukas ang huling araw namin sa Rigel Dungeon. Naayos na kasi ang Rapunzel Tower kaya itratransfer na lang ang mga gamit namin sa dorm.
Napagdesisyunan na lang namin ni Yuuki na maglakad dahil maaga pa naman bago ang itinakdang oras. At exactly 5:00 pm, nakarating kami sa gate ng Diamond Heaven.
“What do you need ma’am?” tanong ng security doon sa may gate. Bago pa kami makasagot, may biglang nagsalita sa computer security ng gate at sinabing bisita kami ng Monster Five. Pinagbuksan kami ng gate at isang maid ang sumalubong saamin. Iginaya niya kami sa loob ng Diamond Heaven.
“Tabitha, Yuuki.” Nag-aantay si Neo sa may grand staircase. Tinanguan niya ang maid at dali-dali naman umalis ito. Sumunod kami sakanya paakyat sa second floor.
Binuksan ni Neo ang isa sa mga pinto doon. Sa pagkakaalam ko, ito ata ang suite ni Zeke. Pinapasok niya kami sa loob at nakita namin sa living room sina Ice at Zeke na parehas na busy sa pagtitipa sa laptop. Black and white lang ang lahat ng gamit dito.
Umangat ang tingin ni Zeke saakin pero bumalik din agad ito sa ginagawa niya. Umupo na lang kami ni Yuuki sa isang couch doon malapit sakanila.
“Do you want anything girls?” tanong ni Neo. Umiling lang ako. Si Yuuki naman ay humingi ng juice. Pumunta sa kitchen si Neo para kumuha ng juice at iniabot kay Yuuki.
“They’re late.” Impatient na sabi ni Zeke matapos ang ilang minuto. Wala pa kasi sina Skye at Ace at anong oras na. Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa silang dalawa.
“Speaking of.” Sabi ni Ice at nag-inat. “Aish! Nakakapagod naman. Konti pa!”
“What took you so long?” nabubwisit na sabi ni Zeke.
“We got a little thing to check. It’s okay now.” Si Ace ang sumagot at umupo sa tabi ni Zeke. Tumabi naman saakin si Ms. Skye. May kinakain naman siyang ice cream ngayon.
“We only have err..” sinipat ni Neo ang wristwatch niya. “less than 2 hours to verify our plan.” Ang alam ko, 7:00 pm magsisimula ang meteor shower.
“Finally! I’m done.” Sabi ni Ice at tumigil na siya sa pagtitipa. Saglit niyang isinara ang mga mata niya at tumingin saamin. “Yosh. Let’s start!”
Ang totoo niyan. Nakapagplano na kami noong mga nakalipas na araw. Ayos na ang lahat. Ang gagawin lang namin ngayon ay pag-aaralan ulit ang plano namin para siguradong walang palpak.
Naglatag si Ice ng mapa sa table. Mapa ito ng buong park na malapit sa mga dorms namin. Hindi lang ito basta park dahil sa sobrang lawak nito. Dito rin sa park na ito pupunta ang karamihan sa gustong manood ng meteor shower. May mga naka-assemble kasi na gadgets dito para magamit sa panonood ng meteor shower. Nasa maliit na hill sila na nakalocate sa may bandang gilid ng park.
Again, inexplain ulit ni Ace at Zeke ang plano. Sila kasi ang nagdevised ng plan. Sumunod naman ay ang mga iba pang plano na kung saka-sakaling magkaroon ng aberya sa orihinal. Matapos ang isa’t kalahating oras, umalis na kami sa suite ni Zeke para pumunta sa assigned na lugar.
Magkasama kami ni Ice na pumunta sa isang abandonadong tree house na nasa loob ng parke. Tagong-tago ito at sinigurado namin na hindi kami mahahanap ng mga kalaban dito. Isinet-up namin ni Ice ang tatlong laptop. Iba’t ibang video screens ang nag-appear sa tatlong laptop. Nanggaling ito sa mga camera na inimplant ng council sa buong park.
Ilang oras na lang at papatak na ang alas syete.
“Nandoon na sila.” Sabi ni Ice na nakatingin sa isa sa mga screen. Nasa mga assigned places na pala sina Ms. Skye. Magkakahiwalay kasi sila. Si Yuuki at Neo ang magkasama at binabantayan ang playground. Mabuti na lang at walang tao doon dahil halos lahat ay nasa green field, specifically sa may hill part. Nakaspread naman sina Skye, Ace at Zeke sa buong green field. Medyo malayo sila sa may hill kung saan nandoon ang iba pa naming classmate.
Biglang may nag-appear na screen doon. Si Mrs. Dammon.
“Mrs. Dammon! Good evening po!” bati ni Ice.
“I just want to inform you that we are already settled here.” Sabi ni Mrs. Dammon. Alam na ng mga professors namin ang mga nangyayari. Ang totoo niyan, sila dapat ang mag-aasikaso sa problemang ito. Ang kaso lang, masyado silang busy sa mas malaki pang problema. Kaya napasok ang Monster 5 dito para lutasin iyon. Si Mrs. Dammon dapat ang gagawa nito pero mas pinili ng council na panatilihing normal ang lahat. Na hanggat maaari, mas unahin niya ang kaligtasan ng mga estudyante niya.
“Yes ma’am. Ilang minuto na lang at magstastart na ang palabas. Kung maaari lang po ay maging alerto tayo.” Tumango si Mrs. Dammon at nawala na ang screen na iyon. Bumalik ulit ang tingin ko sa iba pa. Naghihintay na sila para sa pagsisimula ng palabas.
Kinuha ni Ice ang isang headset at binigay saakin. Isinuot niya naman ang isa pang headset at nagsalita.
“Ilang minuto na lang at magsisimula na ang meteor hower. Kung maaari lamang ay magsipaghanda na.”
Matamang naghintay ang mga kasama namin. Inaantay ang paglabas ng kalaban.
Napatingin ako sa wall clock. Isang minuto na lang.
Biglang nagsalita si Mrs. Dammon sa other line at sinabing nagsimula na ang Meteor Shower.
At gaya ng hula ni Ace, nagsilabasan na ang mga kalaban.
At sa ayaw at gusto ko, nakita ko na kung sino ang nasa likod ng bawat gulo.
Tama ang lumabas sa imbestigasyon ni Ace.
~~~**~~~
[Flashback]
“Actually, we already know who they are and what they want.” Nagsalin ulit si Ace ng wine sa glass niya. Lahat kami nakatulala sakanya maliban kay Ms. Skye na patuloy ang pagkain ng lollipop. Inantay namin siyang matapos uminom ng wine.
“Spill it, Ace.” Buo ang atensyon ni Zeke sakanya.
Ace cleared his throat. “Check it out.” Naglabas siya ng ilang mga papeles at nilagay ito sa lamesa. Zeke scanned throught it. After a while, he put down the paper and looked intently to us.
“So the rumors are true.”
Ace nodded then smiled. “Guess we cannot escape fate at all, Zeke. We’re in danger once again.” Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawa. Anong rumor? Danger? Sila? At ano ang nasa loob ng papel na iyon?
“Okay guys. I don’t understand anything at all.” Angal ni Ice na naguguluhang nakatingin sa dalawang lalaki. Tumango kami ni Yuuki bilang pagsang-ayon sakanya.
Tumikhim si Neo at tumingin sa dalawa. “Looks like I know what you’re talking about. Is this related to ‘that’?” tumango si Ace. Zeke handed him the papers and like what he did, Neo quickly scanned it.
Umangat ang tingin niya at napabuntong-hininga siya ng malalim.
“Alam niyo naman siguro ang tungkol sa Hidden Deck diba?” we nodded. Ang Hidden Deck ang pinakamatanda at pinakasikat na myth sa buong Monster World. Kung hindi mo alam to, hindi ka tunay na Monster.
"Oh No. Not that myth again." angal ni Ice. Mukhang alam na rin niya kung ano ang pinag-uusapan nila.
Like what Ace did, Neo sipped his wine before he started explaining things. “May mga bali-balita na may isang grupo ang nakahanap sa katawan ng mga miyembro ng Death Reapers at gusto nilang irevived ang black group na iyon. Para magawa iyon, gusto nilang subukan ang mga nakalagay sa Hidden Deck.”
“Baliw na ba sila? Sino ba ang may gustong mabuhay ang mga yon? Magkakaroon na naman ng war sa buong Monster World. Mararanasan na naman natin kung ano ang impyerno.” angal ulit ni Ice.
“Hindi ko alam kung anong pakay nila sa pagrerevived ng Death Reapers. Pero ang ilang miyembro ng grupong iyon ang nanggugulo sa academy natin ngayon.” Sagot naman ni Neo.
“Ano naman pong kailangan nila sa atin?” hindi ko napigilang magtanong.
“May mga nagsasabi na sa academy na ito matatagpuan ang Zephyr Stone.” Natulala kami sa sinabi ni Neo. Hindi ko akalain na sa academy na ito nakatago ang Zephyr Stone. Ilang daang taon na iyon hinahanap. Ang Zephyr Stone ay isang gem na nagtataglay ng napakalakas na kapangyarihan. Ito rin ang pangunahing kagamitan para sa pagressurect ng isang namayapang monster. Pero kung nandito ang Zephyr Stone, diba dapa hinahanap na iyon ng Council para maprotektahan?
“So iyon po ang dahilan kung bakit sila nandito?" Naging seryoso na rin ang tono ni Yuuki. Sabay na tumango sina Ace at Zeke.
Ice grinned. “Eto na naman tayo sa bagay na yan.”
“We don’t have a choice. They’re all busy with bigger problems outside the academy.” Sabi ni Ace.
“Hindi pa pala namin nasasabi sa inyo.” Nakatingin si Neo sa amin ni Yuuki. “Binigyan kami ng council ng isang mission tungkol sa problemang iyon. Ang proffesors natin ang dapat gagawa nito but unfortunately, may mas malaki silang problemang inaasikaso sa labas ng academy. Kaya wala silang magawa kundi iatas sa amin ang problemang ito. At dahil alam niyo na ang tungkol dito, makikipagcooperate kayo samin.”
“Sige po.” sabi ko. May magagawa pa ba kami? Isa pa, nandito ang amo ko. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan ng ganun-ganun na lang.
“Anyway, let’s get back to business.” Nakaubos nanaman ng isa pang glass si Ace at nagsalin siya ulit. Hindi naman siya siguro addict sa wine no?
“According to our investigation, three members of that group are inside this academy. You already know how tight the security we have in this academy right?” tumango kami. Hindi basta-basta nakakapasok ang kung sino man sa academy na ito. Kailangan mo ng I.D para makapasok. Kung wala ka nito at nagpilit kang pumasok, papatayin ka agad nila.
Kung ang ibig sabihin ni Ace ay hindi basta-basta nakakapasok ang mga miyembrong iyon kung hindi sila taga-academy. Ibig sabihin, parte na sila ng academy na ito sa simula pa lang.
“The three members are among our classmates.” Madiin na sabi ni Ace. “How did we know? They can’t be staffs or maids or butlers in this academy. We already checked their background and nothing seems suspicious.”
"E pano yung mga teachers? Malay mo involve din sila dito." sabi ni Ice. May point siya.
Si Neo ang sumagot. "I don't think so. Kasi kung ako ang teacher na iyon, sisiguraduhin ko na walang makikialam sa plano ko at pipigilan niya tayo sa paglutas nito. Pwedeng siya rin ang lumutas nitong problemang ito para mamonitor niya ang mga alagad niya di ba?"
"And I wouldn't waste 20 years of my life teaching those damned students for this shitty mission." segunda ni Zeke na badtrip siguro dahil sa pananalita niya. Kung sabagay, ang pinakabagong teacher dito ay 20 years nang nagtuturo.
“So ang ibig mong sabihin, tatlo sa mga classmates natin ang nagpapanggap?” tumango si Ace sa sinabi ni Ice.
“We checked their backgrounds and even stalked them.” Ace grinned. “And I guess Skye’s hunch were right.”
“Sino po sila?” Yuuki asked.
Ace answered.
At hindi ko akalain na iyon ang magiging sagot niya.
[End of Flashback]
~~~**~~~
“Kung ganon, totoo nga talaga.” Malungkot na sabi ni Ice. Kaharap na ngayon ni Zeke ang isa sa mga miyembro ng grupo, ang isa pa ay nasa lugar ni Ace at ang huli kay Ms. Skye. Ang mga alagad ng tatlong iyon at kaharap naman nina Yuuki at Neo.
“As expected mula sa magagaling na estudyante ng academy. Mabilis niyong nahulaan kung sino kami at ano ang pakay namin.” Tumawa ng mapait ang kaharap ni Ace. “You even saw right through our plans.” sabi pa nito.
Tama siya, nahulaan ni Ace kung ano ang plano nila. Ngayong gabi na ito nila hahanapin ang Zephyr Stone. Alam kasi nila na busy ang mga studyante sa panonood ng meteor shower. At kapag nagtagumpay sila sa paghahanap, pasasabugin nila ang academy na ito. Mula sa pagiimbestiga namin, nalaman namin kung saan sila manggagaling at kung ilan silang susugod. At ayon dito, sa park na ito sila mangagaling kaya naman dito namin piniling salubungin ang mga kalaban.
Nagsmile lang si Ace. Parang kampante lang siya ngayon.
Mula sa screen, sabay-sabay na tinanggal ng tatlo ang itim na cloak na nakabalot sa kanila. Sabay-sabay rin naming nakumpirma ang identity ng mga ito.
Nerd.
Shontelle.
Ayesha.
Sino ba namang mag-aakala na sila pala ang tatlong miyembro?
Tumawa si Nerd. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.
“Ilang araw rin akong nagtiis sa pambubully niyo. Pero ayos lang iyon dahil makakaganti na ako ngayon.” Siya pala ang kaharap ni Zeke ngayon. “Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo saakin! Kayong dalawa ni Ace!” napahikab lang si Zeke. Bakit ba ang kakampante nila ngayon?
“Okay.” Matamlay na sagot niya.
“Hi Skye. Surprised?” amused na amused na sabi ni Ayesha kay Ms. Skye. Nagshrug lang si Ms. Skye at patuloy ang pagkain sa lollipop niya. Hanggang dito ba naman?!
“Your probably scared by now? Very well then, Let’s start shall we?” may tubig na bumalot sa buong katawan ni Ayesha.
Nagsimula na ang labanan.
Tutok na tutok kami ni Ice sa apat na video screen.
Patuloy na gumagamit ng sonic boom si Shontelle. Patalon-talon naman ang kalaban niya na si Ace para maiwasan ito. Out of the blue, biglang lumitaw si Nerd sa tabi ni Shontelle at nagcast ng spell. May hawak hawak siyang libro sa isang kamay habang ang isang kamay naman niya ay nakatutok kay Ace. May apoy ang sumirkulo sa kinatatayuan ni Ace.
“Fvck.” Napatakip sa ilong si Ace. Tatalon sana ulit siya palabas ng apoy pero tumaas ito.
“Sheep! Holy Cow! Sheep Sheep Sheep!” natatarantang sabi ni Ice. “Zeke! Si nerd nasa lugar ni Ace.” Sabi niya sa microphone na nakaattach sa headphones. Tumatakbo na si Zeke papunta sa lugar ni Ace. Narinig pa namin itong nagcuss.
Gumamit ng Ice magic si Ace para mafreeze ang mga apoy pero mabilis itong natutunaw. Naging itim na ang mga apoy. Lalong nanghina si Ace.
Saktong dumating si Zeke at sinipa ang nerd. Tumilapon ito sa may puno doon. Mabilis na nawala ang apoy sa paligid ni Ace.
“AHHH!” binigyan ni Shontelle ng sonic boom si Zeke pero hinarang ito ng espada ni Zeke. Nagcrack ito at tuluyang nasira. Pumunta si Zeke sa kaibigan at inalalayan ito.
“Getting weaker Ace?” nakasmirked na sabi ni Zeke.
“Shut up! I’ll teach that brat who’s the boss.” Pinunasan ni Ace ang tumulong dugo sa gilid ng labi niya. “Cover me up Zeke. I’ll make this place a big icy field.” Pumikit si Ace at itinapat niya ang dalawang kamay sa ilalim niya. Mula sa kinatatayuan niya, unti-unting kumakalat ang yelo sa buong lugar.
“Oh no no no!” sabi ni Nerd at nagsimula nanaman ichant ang spell katulad sa apoy kanina. Pero naudlot ito nang tinira siya ni Zeke gamit ang bago niyang summon na espada. Napaatras ang kalaban papunta kay Shontelle. Tinira ulit siya nito ng isa pang Sonic Boom pero naiwasan ito ni Zeke.
“Yuuki!” awtomatikong napadako ang tingin ko sa screen kung saan kinakalaban nina Neo at Yuuki ang mga alagad nina Nerd. Mula sa kumpol ng skeleton soldiers ni Neo, lumabas si Yuuki na iniikutan ng scroll. Umatras si Neo sa likod ni Yuuki. Biglang umilaw ang scroll ni Yuuki at isang malaking dragon ang lumabas dito. Parang wala sa sarili na kinokontrol ni Yuuki ang dragon para kalabanin ang mga alagad nina Nerd. Nakabackup naman sa dragon ang mga skeleton soldier ni Neo.
“Tatakbo ka na lang ba ng tatakbo ha Skye?” impatient na sabi ni Ayesha. Napatingin naman ako sa video screen kung saan sina Skye at Ayesha ang magkaharap. Patuloy ang pagtira sakanya ni Shontelle ng tubig pero iniiwasan ito ni Skye at patakbo-takbo lang sa field. Ni wala siyang sandata na hawak. Tinatakasan niya lang ang tubig.
Nagulat si Ayesha sa sinagot ng aking amo. “Can’t you wait? I’m still eating my lollipop. Wait till I finish it.” Sabay kain sa lollipop niya.
Napafacepalm na lang kami ni Ice. Seriously? Uubusin niya muna talaga iyon?
“Ah! Nakakainis!” nabubwisit na sabi ni Ayesha pero maya-maya napalitan ng kakaibang ngiti ang ekspresyon niya. “Tingnan na lang natin kung ano ang magagawa niyo dito.”
Hindi namin inaasahan ang pagdating ng mga iba pang alagad nina Ayesha. Walang nakabantay sa may lugar na iyon. Tinatahak nila ang daan papunta sa mga dorms.
“Sheep naman oh.” Tumayo si Ice mula sa kinauupuan niya. “Tabby. Ikaw na bahala dito. Mapapasabak ako e.”
“Mag-iingat ka.” Sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya at ibinigay saakin ang headphones.
“Ireport mo na lang kung ano ang mga nangyayari sakanila.” Inabot ko naman iyon at isinuot. Bumaba na si Ice ng tree house at tumakbo papunta sa mga bagong dating na kalaban.
Katulad ng bilin niya, sinasabi ko ang mga nangyayari sa mga kasama namin sa pamamagitan ng headphones na binigay ni Ice. Kasalukuyan na ring tumutugtog si Ice ng violin at ilang halimaw ang kumakalaban sa bagong dating.
May biglang tumunog. Isang nakakatakot na tunog.
Sa hindi malaman na dahilan, tumigil sa pagtira ang mga kalaban. Pati sina Ayesha, Shontelle at Nerd. Yumuko sila. Saglit na natahimik ang buong lugar.
“The hell is happening here.” Sabi ni Neo na inaalalayan si Yuuki dahil sa sobrang hina na nito. Nagamit niya ng husto ang kanyang kapangyarihan sa pagsummon ng dragon.
Maya-maya biglang umangat ang tingin nila at bumukas ang mga mata. Nakakatakot ang mga ito. Naging puti. Parang wala sila sa sarili.
“Nandito na siya.” Wala sa loob na sabi ni Nerd. Napatingin sa itaas sina Zeke at Ace. Ganoon din sina Skye, Yuuki, Neo at si Ice.
“Sht.” Nagcuss si Zeke.
“Never take away your attention from us.” Nakangisi si Nerd. Bigla siyang nagchant ng spell at isang malaking kamay ang humambalos sa dalawa. Tumilapon ang mga ito. Bumalik na ulit sila sa dati. Nagsimula ulit ang labanan.
Pero ngayon, mas malakas na sila.
“Tab—G—o—om--ere!” natatarantang sabi ni Ice habang tumutugtog ng violin. Hindi ko siya maintindihan dahil sa tugtog ng violin niya.
“Ano?” nagsalita ako sa headphones.
Tinigil niya saglit ang pagtugtog at natatarantang sumigaw.
“Get out! Now!”
Mula sa bintana ng tree house, isang itim na cloak ang lumilipad papunta sa kinalalagyan ko. Ito na siguro ang nakita ng iba ko pang kasama. Dali-dali akong tumayo at akmang bababa na ng tree house pero huli na.
Naramdaman ko na may mga chains na pumulupot sa katawan ko at hinila at palabas ng tree house. Naramdaman ko na lang ang malakas na impact ng pagtama ko sa lupa.
Napangiwi ako sa sobrang sakit.
Itinaas niya ulit ako at pinatama naman sa puno. Sa lupa ulit. At sa puno.
Hindi na ako makasigaw sa sobrang sakit. Parang unti-unti akong dinudurog.
Pinilit kong abutin ang dagger na ibinigay saakin ni Ice. Pero sobrang higpit ng pagkakatali saakin ng chains kaya hindi ko maigalaw ang mga kamay ko.
Hanggang sa unti-unti, lumuwag ang chains na nakapulupot saakin. Bumagsak ako mula sa ere. Napayakap ako sa sarili ko.
Sobrang sakit.
Sinubukan kong tumayo. Nanlalabo ang mga paningin ko. Humawak ako sa isa sa mga puno para makakuha ng balanse.
Nadurog ata ang mga buto ko.
Inaninaw ko kung ano ang nangyari. May isang bulto ang nakatayo sa harapan ko. Nakaharap siya sa lumulutang na itim na cloak.
Napasandal ako sa puno sa sobrang panghihina. Medyo lumilinaw na ulit ang mga mata ko. Nakatitig lang ako sa taong nasa harapan ko ngayon.
Itim na hoodie. Katawan na pambabae.
Siya yung babaeng sumusunod saakin!
Unti-unti niya tinanggal ang hood na suot niya. May mga sungay siya sa magkabilang gilid. Itinaas niya ang kaliwang kamay at isang mahabang staff na may matulis na blade ang lumitaw. Para itong spear na may mahabang blade.
Nilingon niya ako. May captivating violet eyes siya. Tinanguan niya ako at nagsimulang sumugod sa itim na cloak na lumulutang.
Pinaulanan siya nito ng chains na mabilis naman niyang sinasalag gamit ang sandata niya. Sinubukan siyang itrap nito pero maliksi siya at madaling nakawala. Tumalon siya papunta sa kalaban at tinira ito. Pero mabilis na nahawakan ang sandata niya at ibinato siya pabalik sa lupa.
Mabilis siyang nakatayo ulit. Pinatamaan ang kalaban ng maraming beses. Nahulog ang kalaban mula sa ere.
Muli narinig na naman namin ang nakakatakot na tunog. Mas malakas ito kesa sa nauna.
Umatras ang kalaban at natabunan siya ng mga chains. Ibinato ng babae ang kanyang sandata pero hindi na ito umabot dahil nawala na parang bula ang kalaban.
Pinulot ng babae ang sandata niya at mabilis na naglakad papunta saakin.
Bigla akong kinabahan.
“S-sino ka?” halos wala nang boses ang lumabas saakin. Ngumiti lang siya at ipinatong ang isang kamay niya sa ulo ko.
Bago ko pa ito matanggal. Nawalan na ako ng malay.
~~~**~~~
AN :) Hindi ako umabot kahapon >3< Happy 2k sa MA :)) Mehehe :D Salamat sa pagbabasa guys. \m/
Dedicated sa pinakamamahal kong Ranibabes. :* Bukod sa siya yung unang nagcomment sa last UD, lumabas na character niya. Mehehehe :3 Salamat sa kanya dahil sa mga hula niya na mangyayari sa next chapter. Ewan ko ba pero kapag kachat ko yan, kung ano anong ideya ang pumapasok sa isip ko :) LOL salamat Ranibabes.
Kay Winter_girl yung dedication ng next update nito :) So peace muna sa unang magcocomment. Mehehehe :3
Yun lang. Salamat ulit sayo na nagbabasa nito. Sa comments at votes mo. You rock \m/
Picture ni Ice sa side :) Ang epic kong mag-edit =3=
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top