Rapunzel Tower
Chapter 11
Rapunzel Tower
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“Don’t worry. Hindi naman malala ang mga natamo mong sugat. Take some rest then drink this before you sleep. It can help generate your power.” Inabot saakin ni Nurse Lisa ang isang green na tablet. Nakainom na ako nito kanina. Ampait ng lasa.
Nagbow ako sakanya. “Salamat po.” Lumabas siya ng clinic room.
Dito kami dinala matapos ang nangyari sa Nightwood. Mabuti na lang at nakaligtas kami sa tirang iyon nina Skye at Zeke. Hindi rin tuluyang namatay ang Ultimate pero nakatulog ito. Nagpadala na rin ang council ng portal hole para makalabas kami doon. At diretsong dinala kami sa clinic. Pinatawag naman sina Skye at Ayesha ni Mrs. Dammon. Tatlo lang kaming nandito sa clinic room dahil yung ibang grupo ay nasa kanya-kanyang clinic room.
“Girl. Buti na lang at hindi tayo masyadong naapektuhan. Baka natusta tayo ng wala sa oras pag nagkataon.” Sabi ni Princess Sebby na nakaupo sa kabilang higaan.
“San kaya nanggaling yung Ultimate?” tanong naman ni Shontelle. Umupo na rin siya sa tabi ko.
“Huh? Hindi ba kasama sa activity yun?” naguguluhang tanong ni Princess Sebby. Kinuha niya ang isang basong tubig na nakapatong sa side table at ininom.
“Nu-uh. Pinagbawalan na ang pagtratraining laban sa isang Ultimate simula pa lang ng nasa Little Monsters Academy kami. Marami kasing nangyaring aksidente hinggil dito. Kaya ine-eliminate na sila ng council sa mga activity/training ground. Ang nakakapagtaka, pano nakalusot ang Ultimate sa council at saan nanggaling yun?” --Shontelle
“Ay kaloka yan peh. Mystery unsolved ang peg. Bet ko yan.”–Sebby
“May tanong ako. Paano yung ano, yung mga napatay ng Ultimate? Sina Xianna at Nerd. E diba walang force field ang na-set noong dumating ang Ultimate? So walang Monster Fight ang naenggage? Ano, uhm.. Na-nama..” hindi ko na natuloy ang sinasabi ko. Naalala ko kasi yung pagkakatusok ng Ultimate kay Nerd pati na rin ang pagharang ni Xianna at pagsalo niya sa apoy. Nakakatakot isipin na baka namatay sila ng tuluyan sa activity.
“Namatay? Nope. They’re alright. Hindi kasi registered ang Ultimate sa mga pure monster list kaya kapag nagkalabanan ay walang force field ang naeengage. Pero may Clam field ang bumabalot sa buong isla at nakaactivate ito everytime na may activity na gaganapin. Kaya kahit walang force field na bumalot laban sa unknown specie, awtomatically ang laban na nangyayari sa islang iyon ay Monster Fight. At hangga’t nakikita ang life and mana bar ay Monster Fight pa rin yun.” Mahabang pag-eexplain ni Shontelle.
“Geez. Sana okay lang sila.” Mahina kong sambit. Buti na lang at monitored ng council ang laban. Kung hindi, yari kami.
“Ohpuhlease. Matibay mukha ni frogletus noh. Mas nag-aalala ako kay nerd. Kahit na hindi kagwapuhan yun, lalaki pa rin yun.” Sabi ni Princess Sebby.
Biglang pumasok si Ayesha sa clinic room. May dala-dala siyang envelope.
“So what’s up? Anong sabi ni Mrs. Dammon?” tanong ni Sebby nang umupo si Ayesha sa tabi niya.
“Nasaan po si Ms. Skye?” tanong ko. Kasama rin kasi siyang pinatawag.
“Ahh. Pinatawag pala si Skye ni Ms. Reodica. Pinapasabi niya pala na mauna ka na daw. Mukhang matatagalan pa kasi sila at may meeting sila sa principal.”
“Sila?”
“Yeah. Kasama si Zeke.”
“Ah. Salamat po.” Kasama nanaman niya ang lalaking yun. Ano bang meron sakanila?
“Welcome. So guys, I have bad news and good news. Anong una?”
“Bad news.” We said in unison.
“Bad news is nakasalalay ang allowance natin for this month sa activity. Individually.”
“Individually?” –Shontelle.
“Yes. Ibig sabihin, kung paano tayo gumalaw sa activity. Naka-base ito sa power, skill and intelligence ng bawat isa sa atin. Another bad news, magkakaroon ulit ng labanan dahil hindi naman nakuha ang Seif. So magkakaroon na naman ng activity sa last three groups left. Which means..” napatingin si Ayesha kay Sebby.
“OMG! KASALI SINA XIANNA?! ANG FROGLETUS NA YON?!” napatayo si Sebby then hawi ng bangs and upo ulit. Nagnod naman si Ayesha.
“Pero hindi pa alam kung kelan nakaschedule iyon. And hindi ko rin alam kung anong klaseng activity ang ipapagawa sa atin. Ang pinakalast na bad news, ay wait.. Good news muna kasi malilito kayo sa last na bad news. Ang good news ay..
..Ayos na ang dorms natin!”
“Whoo! Yes! I can’t wait to design my own room!”--Shontelle
“Nice! Naeexcite ako!” --Tabitha
“Uwaaa~ Sleep over!” --Sebby
“Sleep over agad? HAHA. Anyway, ang bad news ay dalawa kayo sa isang room. So kailangan niyong magkasundo ng ka-room mo dahil magsasama kayo for the whole school year.” --Ayesha
“What?! No Privacy?! Pano pag naka-room ko si Xianna? Ohgosh This. Is. Hell.” Napatayo nanaman si Sebby at hawi ulit ng bangs. Pero hindi na siya umupo ngayon.
“Chill Sebby. Good news yon para sayo. Why? Dahil lalaki kaya makakasama mo. Magkahiwalay kasi ang dorm ng girls sa boys.”
“Huweh?!” alam niyo yung nagniningning na nanlalaking mata ni Sebby? Nakakatakot.
“Oo kaya umupo ka na.” hinila ni Ayesha si Sebby paupo at sinimulan ulit ang good news and bad news niya.
“Another bad news, hindi natin kilala kung sino ang makaka-room natin. Hindi naman nag bunutan, so random talaga. Okay let’s proceed sa good news. Wala munang magrereact okay?” tumango kami. “Good news number 1, walang pasok bukas. Number 2, ibibigay ang allowance natin hanggang end of the month. Good news number 3, pupunta tayo sa Monster Central Town bukas para makabili ng mga kakailanganin natin para sa dorm. In short, IT’S SHOPPING baby!” Napatayo si Ayesha at nagsayaw sayaw. Pero napatigil naman siya ng napansin niyang hindi masaya sina Sebby at Shontelle. Blanko lang ang expression nila. Wala. Walang buhay.
“O anong nangyari sa inyo? Aren’t you happy? Makakashopping tayo bukas? Gala mode on?” pagtatanong ni Ayesha.
“Sabi mo walang magrereact e. Pwede na ba?” blankong expression ni Sebby. Nakatingin lang siya sa kawalan. Nakakatawa yung mukha niya. HAHAHA.
“HAHA. Sure sure.”
Tumalon sina Shontelle at Sebby sa kama. Parang mga bata. Kawawa yung kama, nahihirapan sakanila.
“We’re going on a shopping. We’re going on a shopping.” Kanta pa nung dalawa habang magkahawak-kamay at tumatalon ng pabilog. Nakisali na rin sakanila si Ayesha. Mga baliw.
“Guys! Chill! Mapapagalitan tayo ni Nurse Lisa.” Sabi ko.
Umupo na sila pero halatang-halata sa mga mukha ang excitement.
“Aren’t you excited Tabby?” –Ayesha
“Excited po. Hihi. First time ko po kasing magshoshopping na maraming kasama.” Nahihiyang sabi ko. Sumasama ako kay Ms. Skye pag nagshoshopping siya. Kadalasan naming pinupuntahan ay mga pagkain at libro. Pati syempre mga tindahan na nagtitinda ng anime stuffs.
“Uwaaaa~ maghahanap tayo ng boys. Kakain tayo. Mamimili ng mga damit. OMG! There are so many things to do! KALOKA!” excited na sabi ni Sebby.
“Oo nga pala Ayesha, bakit walang pasok bukas?” –Shontelle
“May special meeting ang mga teachers with the principal. Makokonsumo ang lahat ng oras natin kung hihintayin sila so dineclare na lang na walang pasok at para na rin makaadjust tayo sa mga dorms natin.”
“Ohh. Okay, proceed na.” –Sebby
“And yung grades natin. Hindi ko pa ito nababasa dahil gusto ko sabay-sabay tayong kabahan.” Nilabas ni Ayesha ang isang envelope. Binuksan niya ito at nilabas ang isang papel. Bago tuluyang buksan ang papel, tinanong niya muna kami. “Ready?” We nod then she opened the paper and read what’s written on it.
“Ayesha Lore: A-
Eusebio Steinway: B+
Shontelle Harrison: B+
Tabitha Klein: B+
Skye von Einzbern: A-
Good thing na isa tayo sa mga natirang grupo. Mataas na ang nakuha natin. Kaya mataas din ang allowance natin. So ang equivalent ng mga letters sa grade at ang allowance na makukuha natin.
A+ > 99 > 85,000 exons
A > 98 > 70,000 exons
A- > 97-96 > 55,000 exons
B+ > 95-94 > 40,000 exons
B > 93 > 25,000 exons
B- > 92-90 > 10,000 exons
C+ > 89 > 5,000 exons
C > 88-86 > 1,000 exons
D > 85 > 500 exons”
“COOL! Kahit papaano ay mataas na rin ang nakuha natin.” –Shontelle.
“Alam na ba ni Skye to?” –Sebby
“Nope. Pakisabi na lang pala sakanya.” –Ayesha
“Hala! Magagalit yun. First time niyang makakuha ng 97-96 na grade. Naku ang babaeng yun. Magseseryoso na naman.” –Sebby
“Speaking of Skye, pasok nga pala siya sa Top 5 na students para sa Diamond Heaven. Pasok din sa standards yung grade niya so 100,000 exons ang makukuha niyang allowance. Remember yung sinabi nung host, top 5 na students ay makakakuha ng 100,000 na exons as long as mataas yung grade.” –Ayesha
“Ohh. Antaas naman nila magbigay ng allowance.” –Sebby
“Not really. Mataas ang presyo ng bilihin nila dito.” –Ayesha
“Ah basta. I can’t wait to go shopping!” –Sebby
“Me too!” segunda naman ni Ayesha.
“Me three” –Shontelle
“Me four!” excited ko rin na sabi.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Nurse Lisa.
“Tabitha Klein? Nasa baba na ang sundo mo.” Sabi niya.
“Sige po. Susunod na po ako. Salamat po.” Kinuha ko ang bag ko at inayos ang mga gamit ko. Tumingin ako kina Shontelle.
“Hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ko.
“Wala pa ata yung sundo namin e.” –Shontelle
“Ahh ganun ba? Sige mauna na ako. Bye bye.” Isinukbit ko na yung bag ko at nagpaalam sakanila.
Bineso-beso ako ni Sebby. Ganyan nga pala siya magpaalam. “Bye girl. Call me ha. Can’t wait na malaman kung sino ang ka-room mo. Jusme, manalangin ka na kung si Xianna yan.”
“HAHA. Grabe ka Princess Sebby. Malay mo mabait pala siya. Sana.” Mahina kong sambit.
“Magsasaklob muna ang langit at lupa bago mangyari yun.” Dagdag pa ni Ayesha.
“Haha. Bahala na. Lalo akong kinakabahan. Sige bye bye!” paalam ko.
“Bye bye! Tawagan mo kami pag nakauwi ka na ha!” –Ayesha
“Oo nga. Chikahan girl!” –Shontelle
“Sige.” Lumabas na ako ng clinic room at dumiretso sa labas ng school. Nakita ko si manong doon na nag-aantay. Pumasok ako sa loob ng kotse.
~~~**~~~
“Miss Tabitha.”
Naalimpungatan ako nang marinig ang butler/driver namin. Agad-agad akong umayos ng upo. Nakatulog pala ako.
“Nandito na tayo.” Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan palabas. Medyo nahihilo pa kasi ako dahil siguro sa pagod at sa binigay na gamot saakin ni Nurse Lisa.
“Salamat po manong. Kayo na po bahala kay Ms. Skye. Naiwan po kasi siya sa school. Sige po, Ingat po kayo.”
“Sige iha. Mauna na ako.” Nagbow si manong saakin at naglakad papunta sa sasakyan. Pinagmasdan ko muna ang papalayong sasakyan bago ko hinarap ang dorm na titirahan ko sa buong school year.
Ang Rapunzel Tower ay isang dorm na eksklusibo lang para sa mga babaeng estudyante ng Special Monster Class. May limang palapag ito. Ang unang palapag ay ang lobby. Ang natitirang palapag ay ang mga rooms para sa estudyante. May tatlong rooms kada palapag. Sa bawat room, dalawang estudyante ang nakatira. Mas mabuti daw kasi kung dalawa ang nasa isang room para mabantayan ang isa’t isa.
At doon ako kinakabahan. Hindi kasi pinaalam saamin kung sino ang magiging ka-roommate namin.
Sana hindi siya bully.
Sana hindi siya maarte.
Sana mabait siya.
Sana magkasundo kami.
Sana sana. Andaming sana!
Lalo tuloy akong kinabahan.
Paano kung si Xianna nga yung kapartner ko?
Ngayong wala pa naman si Ms. Skye. Lalo tuloy akong kinabahan.
Pumasok na ako sa complex at nadaanan ang lobby nito. Mukha siyang five star hotel. Puno ng magagarang paintings, mga mamahaling furnitures, glass windows at red carpet na naglea-lead sa grand staircase sa gitna. May elevator ding katabi ito. Dahil pagod na ako, ang elevator na lang ang ginamit ko. Pinindot ko ang 3rd floor.
RT5 ang room na nakaasign saakin.
Bumukas ang elevator at lumabas ako. Medyo malayo ang nilakad ko para makarating sa RT 5. Anlawak siguro kada room. Nasa gitna ang room ko.
*dugdug dugdug*
Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe ang kaba ko. Huminga ako ng malalim at pinihit ang door knob.
Andilim ng kwarto pagbukas ko. Buti na lang at nasa gilid ang switch ng ilaw kaya mabilis kong nakapa ito.
*POP
Nagulat ako ng may confetti ang pumutok.
“A-a-anou.. K-k-ko.. kon-n” nagstammer yung babaeng nasa harap ko. Pulang-pula ang mukha niya at pinipilipit niya ang confetti na pinaputok niya kanina. Huminga siya ng pagkalalim at nagbow.
“K-konnichiwa, Onee-chan. Y-youkoso irrashai mashita.” Nanatili siyang nakayuko. Hindi ako makapaniwala na siya yung magiging room mate ko.
[Hello big sister. Welcome!]
“Arigatou, Y-yuuki-chan!” sambit ko at hinawakan ang balikat niya. Napaangat ang ulo niya at pulang-pula pa rin siya. Pero nagniningning ang mga mata niya. Ang cute niya. Ibang-iba siya sa Yuuki na nakilala namin noong nakipaglaban kami sakanila though nanatili pa rin ang kalmado niyang ekspresyon. Siya yung nagdradrawing na ka-grupo ni Xianna. Paano ba siya napasama sa grupo na iyon? Samantalang mukhang mabait siya at well, mahiyain.
“Hindi ko inakala na ikaw ang magiging room mate ko.” Sabi ko habang nakangiti ako sakanya. Yumuko na naman siya at hinawakan ang laylayan ng palda niya.
“What’s wrong?” nag-aalala kong tanong. Hindi siya mapakali habang pinipilipit niya yung palda niya. Inantay ko ang sagot niya.
“Onee-chan.” Tumingin siya saakin with her cute blue eyes. May konting luha ang nasa gilid nito. Para siyang paiyak kaya nataranta ako. Pero. Ang CUTE NIYA!
“Halaaa~ Wag kang umiyak!” natataranta kong sabi. Napayuko ulit siya.
“Onee-chan. Gomenasai! Gomenasai!” paulit-ulit niyang paghingi ng tawad.
“Huh? Bakit? Wala ka namang masamang ginagawa ah.” hinagod hagod ko ang likod niya.
“E kasi po. Nasaktan ko po ang isa sa mga kaibigan niyo. Hindi ko po sinasadya. Sorry po. Sorry.” Tinutukoy niya ay yung pakikipaglaban kay Shontelle. Niyakap ko siya. Ang cute din ng boses niya. Sinong mag-aakala na may malakas na kapangyarihan ang cute na babaeng to? Ang inosente niya.
Hindi ko tuloy napigilan at niyakap ko siya.
“Okay lang yun. Kasama sa activity yun e. Wala ka namang kasalanan.”
Pinunasan niya ang luha niya at tumingin saakin. Ilang beses ko na bang sasabihing cute tong kasama ko?
“Talaga po Onee-chan? Wie! Thank you po.” Yumakap na rin siya saakin. Ang cuuuute niya! Para akong may bear na hawak.
Kumalas siya saakin at niyaya niya ako sa may dining room. May nakahandang cake dun at juice.
“Onee-chan. Kain na po tayo!” pagyayaya niya saakin.
“Niluto mo yan Yuuki?”
“Opo” nahihiya nyang sabi.
“Tara kain na tayo!” umupo na kami at nagsimulang kumain.
Habang kumakain, pinagmasdan ko ang buong lugar. Pink ang pintura ng kwarto. Magkadikit ang living room at kitchen. Kumpleto na rin ang gamit sa pagluluto.
Nag-usap kami ni Yuuki habang kumakain. Mahiyain siya at mapapansin mo ito kapag nakayuko siya at pinipilipit ang laylayan ng palda niya. Pero kapag nakausap mo na siya ng matagalan, nagiging madaldal na siya. Ang cute din ng boses niya. Tapos ang bata pala niya, 14 years old. Siya ang pinakabata sa buong Special Monster Class. Accelerated kasi siya. Ang cool din ng buhok niya, kapag malayo, light caramel ito at kapag malapit ay nagiging pink.
Matapos naming kumain ay pumunta na kami sa living room. Kumpleto na rin ang furnitures, puti ang pintura ng mga dingding. Pinasok rin namin ang nag-iisang bedroom. Dalawa ang kama dito at may isang side table sa gitna. May night lamp din dun. Mukhang pink and white ang motif ng mga kwarto rito sa Rapunzel Tower.
Umupo kami sa sofa at kumain ng popcorn. Nag-usap kami sa mga gagawin namin bukas para isaayos itong dorm namin.
“Gusto mo bang sumama bukas Yuuki?” tanong ko sakanya sabay kuha ng popcorn.
“Ahh. Wag na po. N-nakakahiya.”
“Kasama mo naman ako e. Tsaka para makilala mo rin sina Sebby. Masaya silang kasama.”
“Baka po kasi galit sila saakin.” Mahina niyang sambit at yumuko nanaman.
“Hindi naman sila magagalit. Kay Xianna at sa kambal lang naman sila galit e. Sama ka na. Para makapag kwentuhan pa tayo.”
“S-sige po. Sana po maging masaya tayo bukas. First time ko pong makakapagshopping ng may kasamang iba.” Excited niyang sabi.
“Ako rin. First time kong maraming kasama. Tsaka bibili na rin tayo ng mga pagkain natin at iba pang design sa room natin.”
“Uwaaa~ sana may tindahan silang anime.”
“At maraming cute na bagay.”
“At maraming pagkain.”
“At.. at ano pa ba?”
“Pagkain *O*” nagniningning mga mata niya. Ang cute niya.
Natawa ako. “Sinabi mo na yan e. HAHA.”
“Oo nga po pala, kailan po natin aayusin yung mga gamit natin?” Nakalagay lang kasi ang mga bag namin sa isang tabi at hindi pa namin naayos.
“Bukas ng umaga siguro bago magshopping. Pagod tayo ngayon para sa activity e. Bukas na lang para may energy.”
“Ah sige po.” Humikab siya.
“Inaantok ka na o! Tara tulog na tayo. Inaantok na rin ako.”
“Sige Onee-chan.” Pumasok na kami sa bedroom at naghanda ng pagtulog. Nagkwentuhan pa ulit kami saglit bago tuluyang makatulog.
Excited na ako para bukas!
~~~**~~~
“Kaya po ba talaga nilang bantayan iyon? Baka po mapahamak lang sila. Alam niyo naman po kung sino ang kalaban natin.”
“Don’t worry. They create a good team. I trust them. Isa pa, baka nakakalimutan mong malakas ang pinanggalingan nilang angkan. Atsaka, sila ang mga Guardians. Baka nakakalimutan mo iyon.” Kampanteng sabi niya sa kausap.
“E paano po kapag umatake ulit sila? Kakayanin ba nila iyon.” Hindi pa rin mapakaling sabi ng kausap.
“Never underestimate their power.” Iyon lang ang nasabi niya at tumalikod na sa kausap.
~~~**~~~
AN :) Luh? Anong meron sa last part? HAHA. LOL. Meet Yuuki Sakkaku! The Art Illusionist!
Peh! Aariba na character mo! xDD LOL. Salamat po sa patuloy na pagbabasa. Yung ibang nag-enroll po, konting kembot na lang at lalabas na sila. Idededicate ko po sainyo ang chapter na iyon kapag lumabas na po sila. Yun lang :) Arigatou
Picture of Yuuki sa side :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top