Random Rainbow

Chapter 4

Random Rainbow

 ~~~**~~~

~Tabitha’s POV~

Congratulations! You passed the Entrance Exam. You are now an official monster student.

Welcome to Monster Academy.

          Biglang umilaw ang simbolo na nakalagay sa mga Golden Cards at lumabas ang isang black portal hole. Pumasok kami dito kahit hindi namin alam kung saan ito papunta.

Sa tapat ng malaking pintuan kami dinala ng black hole. Sa sobrang laki nito, nagmimistula kaming mga dwende. Gawa ito sa ginto at nagniningning ang mga maliliit na dyamanteng nakadikit sa mga gilid nito. May isang napakalaking dragon ang nasa gitna na nakapabilog sa apat pang dyamante-- isang pula, asul, berde at dilaw. Ang mga dyamanteng binabantayan nito ay may kaibahan sa iba pang dyamanteng nakadikit sa may pinto. May kalakihan kasi ito at parang may nagliliwanag na ilaw sa loob.

Biglang bumukas ang pinto at isang matangkad na babaeng nakasalamin ang lumabas. Nakapusod ang kulay asul niyang buhok at nakasuot siya ng kulay puting blusa na tinernuhan ng paldang itim. Naglabas siya ng isang ballpen at isang itim na notebook at may isinulat dito.

“You must be Tabitha Klein and Skye Ziel von Einzbern?” tanong niya matapos magsulat sa kanyang notebook.

“Opo/Yes.” Sabay naming sagot ni Ms. Skye.

Nilahad niya ang kanyang kamay kay Ms. Skye at nakipagkamay dito. “I’m Ms. Rizzio Reodica, secretary of the head master. Congratulations on passing the entrance exam.” pormal niyang pagpapakilala. Tumango lang si Ms. Skye.

Ako naman ang nakipagkamay sakanya. “Thank you po.” masaya kong tugon.

Iginiya niya kaming dalawa ni Ms. Skye sa loob. Napakalaki ng silid na ito at parang halos ilang silid-aralan na rin ang kasya dito. Kaunti lamang ang mga kagamitan na nasa loob. Mga upuan, lamesa, bookshelves at iba pa. Napakalinis tignan ang kwarto dahil sa puting pintura nito. Isama mo pa ang kaliwanagan sa buong silid dahil sa liwanag na nanggagaling sa tatlong malalaking bintana na gawa sa transparent na salamin. Mukhang napakataas ng building na ito dahil mula sa mga bintana ay makikita mo na ang mga ulap at maaari mo nang hawakan ito.

Sa magkabilang dulo ng silid ay may dalawang pintuan. Medyo may kaliitan ito kumpara nung nasa labas pero parehas lang ng disensyo. Pumunta kami sa may kanan na pintuan at pinaupo muna kami ni Secretary Reodica sa may sofa malapit sa may bookshelf.

“Wait here. I’ll just check the principal.” Pumasok siya sa pinto. Kakausapin ko sana si Ms. Skye pero abala siya sa pagbabasa ng libro na nakuha niya sa katabi naming shelf. Tatanungin ko sana siya tungkol sa dorms tsaka sa classes. Paano na lang kasi kapag magkaiba kami ng dorm? Tapos baka sa Special Class pa siya at sa Lower Class ako mapunta? Tapos pwede pang magkaiba schedule namin? Hindi ko siya mababantayan na mabuti.

Maya-maya pa, lumabas na si Secretary Reodica. “You may now go inside.” Hindi pa rin binibitawan ni Ms. Skye yung libro na binabasa niya. Ano kaya yun at mukhang interesado si Ms. Skye?

Bumungad saamin ang nakatalikod na swivel chair pagpasok namin sa loob. Medyo may kalakihan ang silid at kaunti ring kagamitan ang laman. Puro mga bookshelves ang karamihan ng kagamitang nandito. May iba’t ibang painting din ang nakasabit sa mga dingding. Sa may dulo ng silid ay ang nag-iisang table at ang swivel chair na nakaharap sa may malaking bintana.

“Lord Hales, nandito na po sina Ms. Klein and Ms. Einzbern.” Sabi ni Secretary Reodica. Tama ba ang pagkakarinig ko? Si Lord Hales?

“Ahh Yes. Thank you Ms. Rizzio. You may leave now.” boses ng bata ang sumagot.

“Yes Lord Hales.” Nagbow si Secretary Reodica at nakayukong lumabas ng silid.

Unti-unting umikot ang swivel chair paharap samin. Isang batang lalakeng nasa edad na pitong taong gulang ang nakaupo dito. Kulay silver ang kanyang buhok at dilaw na mga mata. Nakasuot siya ng tuxedo na may tatak ng eskwelahan sa bandang kaliwa ng kanyang dibdib. Sa kanyang kanang kamay ay apat na magkakatulad na silver na singsing pero iba’t ibang kulay ng diamante. Katulad ng diamante na nasa labas ng pinto.

“G-good afternoon p-po.” Nahihiya kong sabi sakanya kaya napayuko ako. Hindi ko akalain na makikita ko siya ng personal at makakausap ko pa. Katulad nga ng sabi-sabi, napakalakas ng aura niya.

At parang isang pitik niya lang, mamamatay ka na.

Napakadelikado. Nakakatakot. Nakakakaba.

Mukhang naramdaman ni Ms. Skye ang pagkakaba ko pati na rin ang aura. Napansin ko kasi na napaangat siya sa librong binabasa niya upang tingnan kung sino iyon. Hindi mo kasi maaabala yan si Ms. Skye hangga't nagbabasa siya ng magandang libro. Depende na lang kung sobrang importante o mas dapat na pagtuunan ng atensyon.

“Good afternoon.” Ngumiti saamin ang bata. Para siyang matanda kung magsalita. Nagpalipat-lipat sa aming dalawa ni Ms. Skye ang tingin niya.

Lalong lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi. Napayuko ako nang mapansin kong nakatuon sa akin ang atensyon niya.

"Ms. Klein, is there anything you want to say?" Bumuka ang bibig ko pero walang boses ang lumalabas. Ganito ako kapag sobrang kinakabahan. Napailing na lang ako sa tanong niya.

"Are you nervous?" muli akong napasulyap sa kanya pero agad namang bumalik ang tingin ko sa sahig. Napatango ako bilang pagsagot sa kanyang kwestyon.

Tumawa siya. "May I ask why?"

Sawakas ay nakapagsalita na rin ako. "H-hindi ko po akalain na makikita ko po kayo dito."

Siya si Lord Hales. One of the Legendary Trio. Ang Legendary Trio ang grupong nakatalo sa Dark Reapers at sa lider nitong si Phelestien sa kasagsagan ng unang digmaan sa Monster World. Dahil dito, sila na rin ang naturingang pinakamalalakas na monster sa buong monster world. Walang nakakaalam kung nasaan ang dalawang kasamahan ni Lord Hales, pero nagpapasalamat na rin ang mga monsters na natira pa siya para gabayan ang Monster World. Kaya naitayo ang Monster Academy at iba pang eskwelahan na nagtuturo sa mga monsters na palakasin at kontrolin ang kanilang mga kapangyarihan.

 Hindi ko akalain na makikita ko siya dito. Masyado kasi siyang importante na tao.

"I personally dropped by to see the new batch who will enter the Special Monster Class. Also.." nalipat ang tingin niya kay Ms. Skye. "I'm excited to see the heir of the Einzbern family going to this kind of school."

Ito kasi ang unang beses na pumasok sa eskwelahan si Ms. Skye. Kadalasan ay nagha-hire ng private tutor ang mga magulang niya para turuan siya. Ako naman ay nakaranas na ng pagpasok sa eskwela noong nasa orphanage ako.

“It has been a long time since I saw you, Ziel.” Ngumiti siya kay Ms. Skye. Kumunot ang noo niya pero hindi pa rin siya nagsalita. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa second name niya. Mga magulang niya lang ang may karapatan doon. Kapag ginawa to ng iba, pinapatay niya rin. Pero ngayon, tinawag siya ni Master Hales. Anong meron kaya sakanila?

“Anyway, I just want to officially welcome you to Monster Academy. And congratulations because you are one of the luckiest students to enter the Special Monster Class or the Highest Class.”

“Salamat po.” Sagot ko.

“Also, Charles would like to give you these.” Binuksan ni Lord Hales ang drawer ng lamesa niya at nilabas ang dalawang sulat. “Let’s see.. The blue one is for Ziel then the yellow is for Ms. Klein.” Inabot niya saamin ang sulat. Charles is the first name of Ms. Skye’s father. Sir Charles Kiel von Einzbern.

“I’ll be expecting a good performance from you two, especially from you Ziel. I hope you enjoy your school year. If you have any questions, you can ask Ms. Rizzio. Again, congratulations.” Pinindot niya ang pulang buton na nasa lamesa niya. Maya-maya pa bumukas ang pinto at pumasok si Secretary Reodica.

“Take them to the Random Rainbow.” Utos ni Lord Hales at agad namang tumalima si Secretary Reodica.

“Yes Lord Hales.”

“Thank you po Principal Lord Hales.” At nagbow ako sakanya.

“You’re welcome.” ngumiti siya saakin at tuluyan na kaming lumabas ng silid. Lumitaw ang black portal hole at dinala na kami nito sa aming susunod na destinasyon, ang Random Rainbow.

  ~~~**~~~

Sa isang lumang mansyon kami dinala ng black portal hole. Pahaba ito at nahahati sa tatlong palapag. Isang matandang babae ang nagwawalis ng mga tuyong dahon sa tapat ng mansyon. Agad na lumapit ang matandang babae para salubungin kami.

“Magandang araw po, Ms. Reodica. Magandang araw rin sainyo.” Malugod niyang bati.

“Magandang araw rin po Aling Lucia. May bakanteng kwarto pa po ba kayo dito?” magalang na tanong ni Secretary Reodica.

Sandali namang napatigil ang matanda upang makapag-isip. “Para sakanilang dalawa ba? Sa pagkakatanda ko kasi, isang kwarto na lang ang bakante.” Tugon niya.

“Oho sana e. Hindi pa po kasi naaayos yung mga dorms. Pansamantala lang po sana.” Humarap naman samin si Secretary Reodica. “Okay lang ba sainyo ang magkasama sa iisang kwarto?”

Tumingin ako kay Ms. Skye at tumango naman siya. “Sige po. Ayos lang po samin ni Ms. Skye.”

“It’s settled then.. Dito muna kayo ni Ms. Einzbern ngayong gabi. Bukas ay agad naman kayong itatransfer sa mismong dorm na naka-assign sa inyo.”  Sabi niya saamin tapos humarap sa matanda at nagpaalam. “Aling Lucia, kayo na po bahala sakanila. Ipapasundo ko na lang po sila bukas ng umaga. Aalis na po ako.”

“Sige po. Halina kayo at ihahatid ko na kayo sa kwarto niyo.” Dinala niya na kami sa loob ng mansyon.

Habang nasa loob kami, bigla ko siyang tinanong kung bakit Random Rainbow ang pangalan ng building na iyon.

“Ito kasi ang pinakaguest building namin. Lahat ng mga bisita o mga estudyante na katulad niyo na wala pang matitirahan ay pansamatala dito muna tumitira. Kaya ito tinawag na random kasi iba’t ibang tao ang mga nakatira dito. Halimaw pala.” Ngumiti siya saakin.

“E bakit po rainbow?”

“Malalaman mo mamaya iha kung bakit pagdating niyo sa kwarto.” Nagpatuloy kaming maglakad hanggang sa makarating kami sa pinakadulong pintuan. Kinuha ni Aling Lucia ang mga susi at binuksan nito.

Isang pahabang puting kwarto ang bumungad saamin. Nandito ang mga pangunahing kagamitang kailangan namin. Wala namang kakaiba. Ano yung sinasabi ni Aling Lucia na Rainbow?

“Pasok kayo.” Pumasok kami ni Ms. Skye at dun namin nalaman kung bakit rainbow. Biglang nalagyan ng kulay ang pintura sa loob. Nagmistula itong buhay dahil gumagalaw ang pintura. Sa isang parte ng silid, isang asul na dagat ang kalmadong gumagalaw. Sa kabilang banda naman, kulay pula ang mga bulaklak na nakadisenyo.

“Ang mga nakapintura dito ay gawa ng inyong mga damdamin. Kung ano ang iyong tunay na nararamdaman, lalabas iyon sa kulay ng dingding. Isa sa inyo ang may kulay na asul. Kalmado at relax lang ang nararamdaman niya ngayon samantala ang isa sa inyo ay excited at hindi alam ang gagawin dahil sa kulay pula. Tama ba?” ngumiti saamin ng makahulugan ang matanda.

“Ahh. Hehe..Opo. Ako po yung exited at hindi mapakali. Kakaiba po kasi dito e.” pag-amin ko.

“Hindi kailanman nagsinungaling ito. Kaya nga maraming pumupunta dito kapag gustong malaman ang tunay nilang nararamdaman.” Pagmamalaki ng matanda.

“Ang galing naman po. Ano pa po ba yung ibang kulay?” tanong ko

Biglang tumunog ang bell galing sa baba. Dali-daling nag-ayos si Aling Lucia. “Yung iba pang impormasyon tungkol dito sa kwarto ay nakalagay sa pulang libro sa may drawer. Basahin niyo na lang. Nandito na rin ang mga kailangan niyo. Kung meron pa kayong ibang kailangan o katanungan, hilahin niyo na lang yung lubid sa may pinto. Magpahinga na kayo at ako’y may bisita ata.” Pamamaalam ng matanda.

“Sige ho, maraming salamat po.” Nagbow ako sakanya at hinarap ang mga gamit namin.

“Ms. Skye, magpahinga na po kayo. Ako na po mag-aayos ng mga gamit.” Tumango lang siya at humiga sa kama. Binuklat niya yung libro na binabasa niya kanina habang nag-aantay kami sa principal. Teka?! Hindi niya ata naibalik?!

Sinimulan ko nang mag-ayos ng gamit at magluto para sa hapunan na kakainin namin mamaya. Mahimbing na mahimbing ang tulog ni Ms. Skye kaya naligo na muna ako at inayos ang mga gamit na dadalhin namin bukas sa klase. Mga bandang alas syete, ginising ko siya para kumain ng hapunan. Pagkatapos ay nagshower siya at bumalik sa kwintas para dun magpahinga. Nag-ayos na rin ako para makapagpahinga na. Pagkahiga ko, andaming bagay ang mga pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung makakasurvive ako sa academy na to. Kung magiging mababait saakin ang mga magiging kaklase ko. At kung ano ano pa. Pero sana makaya ko. Ay mali—KAKAYANIN KO TO.

Sana maging okay ang lahat bukas. First Day of school na! FIGHTING!

Ay teka. Nakalimutan ko yung sulat ni Mr. Einzbern. Bukas ko na lang siguro babasahin yun. Nakalimutan rin naman ni Ms. Skye basahin yung kanya e. XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top