Papilio Imperil

Chapter 20

Papilio Imperil

~~~**~~~

~POV~

Umupo si Ace mula sa pagkakahiga niya at hinawakan ang kanang kamay ni Kaylee na noo’y nakatitig sa mukha ng binata. “Kaylee.. you’re so beautiful.”

“Wag mong sabihing..” naputol na lang ang sinasabi ni Ice nang halikan ni Ace ang hawak niyang kamay ng dalaga. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Kaylee. Nagpapalipat-lipat ang kanyang tingin sa kanyang kamay at sa gwapong binatang nasa harap niya ngayon.

Nabasag lang ang katahimikan sa buong kwarto ng biglang tumunog ang cellphone ni Kaylee. Mabilis na binawi ng dalaga ang kamay niya at dali-daling lumabas ng kwarto para sagutin ang tawag. Sinundan naman siya ni Ace.

“Just what the hell is happening here?!” mataray na tanong ni Ice sa kambal ni Kaylee na si Haylee. Napayuko na lamang siya at halatang guilty sa mga nangyayari ngayon.

Kumuha si Neo ng isang basong tubig at iniabot ito kay Ice.

“Keep your head cool, Sis.” Puno ng awtoridad na sabi ni Neo. Kinuha ni Ice ang isang basong tubig at umupo sa may upuan katabi ni Skye, pinagmamasdan ang kaganapan sa buong kwarto.

Hindi na nakatiis si Tabitha at lumapit siya kay Haylee.

“Ano ba kasing nangyari?” malumanay niyang tanong.

Napabuntong-hininga si Haylee. Tumingin siya kay Tabitha, na nalipat naman sa mga nagtatanong na mata ng kanyang Queen. Wala siyang nagawa kundi sabihin ang totoo.

“N-napansin kasi namin na malungkot si Queen Xianna nitong mga nakaraang araw. Bilang mga kaibigan niya, hindi naman namin matiis na makita siyang ganoon. Kaya nag-isip kami ng kakambal ko ng plano para mapasaya siya. Tapos yun, sabi ng kapatid ko may alam na daw siyang paraan kung paano sasaya si Queen Xianna. Pumunta kami sa isang shop sa may Monster Town kung saan nagbebenta sila ng iba’t ibang potion..” naputol ang sinasabi ni Haylee nang nagsalita si Ice.

“Underground Potion Shop ba ang pinuntahan niyo?”

Tumango naman ang dalaga. Lalo itong ikinagulat ni Ice.

“Eh? Pano kayo nakalusot doon? Pili lang ang mga customer na nakakapasok doon.”

“Ewan. Tinawagan lang namin yung nagbabantay sa shop. Umorder ng isang love potion tapos pinapunta niya kami para bayaran yun. Tapos..” biglang humina ang boses ni Haylee. Hirap na hirap siyang sabihin ang mga susunod na kataga. “T-tapos ano.. n-nilagay n-namin sa.. sa pagkain ni Zeke.”

Sumandal si Neo sa pader at matamang tinignan si Haylee. “Pero bakit kay Eusebio? Bakit si Kaylee?”

“K-kasi yung unang taong makikita nila ang siyang mamahalin.”

“Kaya pala pati si Ace nadamay.” Bumuntong-hininga si Ice. “Kinain niya rin kasi yung pagkain ni Zeke.”

Natahimik nanaman ang buong kwarto. Lahat ng nasa loob ay namromroblema, lalo na ang magkapatid na si Neo at Ice. Silang magkapatid kasi ang pinakamalapit sa dalawa. Magkakabarkada na sila simula pagkabata pa lang. Silang apat na ang magkakasama kaya pinoprotektahan nila ang bawat isa.

“Wag dyan. Ano ka ba.. ahihi.. nakikiliti ako. Hihihi” kinikilig na sabi ni Sebby. Nakayakap kasi sakanya si Zeke mula sa likod habang nakabaon ang mukha nito sa leeg niya. May binulong ang binata na siyang ikinakilig ni Sebby.

“Ano ka ba.. hindi kaya ako maganda.” sabi niya sabay hampas ng mahina sa braso ni Zeke. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Kaylee na kahawak-kamay si Ace. Napansin nila na namumutla siya.

“Yung tawag..” wala sa loob na sabi niya. Iginiya siya ni Ace sa isang kama at pinaupo siya doon. Hinagod hagod ng binata ang likod ng dalaga at muling hinalikan ang kamay nito.

“A-anong meron sa tawag?” tanong ng kakambal niya.

“S-sina Ace at Zeke..” nanginginig na sabi niya.

“..nasa panganib sila.”

~~~**~~~

Abalang-abala sa pag-aayos ng mga gamit ang matanda. Muli niyang sinipat ang buong lugar. Ang lugar kung saan siya isinilang at lumaki. Ang Underground Potion Shop. At ngayon, hindi niya aakalain na dadating ang araw na lilisanin niya ang lugar na ito, ang nag-iisang tahanan niya sa loob ng maraming taon.

Kilala ang pamilya nila bilang mga witch na gumagawa ng iba’t ibang potions. Naalala niya pa noon, sikat na sikat sila at palaging mabenta ang mga potions na ginagawa nila. Hanggang sa dumating ang araw na sinugod sila ng mga tao/halimaw dahil sa potions nila. Marami ang sa kanyang mga ka-angkan ang namatay. Kaya’t nagtago ang mga nakaligtas sa kanila at nagpatuloy ang pamumuhay. Hindi pa rin nila tinigilan ang paggawa ng mga potions. Pero simula noon, pinipili na lang nila ang mga taong pinagbebentahan nila.

Pinagsama-sama ng matanda ang kanyang mga bagahe at nilagay ito sa may labas ng kanyang shop. Sinipat niya ang kanyang relo at matamang naghintay para sa kanyang sundo.

Biglang tumunog ang kanyang makalumang cellphone. Sinagot niya eto.

“Hello?”

“Madam Muriel. Ako ito. Si Shontelle. Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?” anang ng kanyang kausap sa kabilang linya.

“Oo naman iha. Nagawa ko na ang potion na sinasabi mo at naibigay ko na rin sakanila. Sa katunayan nga, nagamit na nila ito.”

Tumawa ang babae. “Maaasahan ko talaga kayo Madam Muriel. Nasabi niyo na rin po ba sakanila ang totoo sa potion na iyon?”

“Oo. Tinawagan ko siya kanina. Halatang gulat na gulat siya sa sinabi ko.”

Mababakas ang saya sa tono ng kausap niyang si Shontelle. “Kung ganoon, kami na po ang bahala. Sa ngayon, katulad ng napag-usapan, antayin niyo na lang ho ang sundo niyo. Ilang saglit na lang at pupunta na siya dyan.”

“Maraming salamat iha.” Ibinaba na ng matanda ang telepono. Biglang dumating ang sinasabing nilang sundo na nakasakay sa isang sasakyan. Sumakay na siya sa loob habang inilalagay naman ng isang malaking mama ang mga bagahe niya sa likod. Tuluyan na silang umalis sa lugar na iyon.

Napangiti na lang siya. Sa wakas, mamumuhay na siya ng tahimik at may bonus pa na malaking pera. Hindi niya akalain na may magbibigay na ganoong kalaking halaga para sa isang potion. Pero wala siyang pakialam. Ang gusto niya lang ay yumaman at maipaghiganti ang kanyang angkan.

Pero mukhang hindi na mangyayari iyon.

Sa hindi malamang dahilan, bigla siyang dinalaw ng antok.

At sa muling pagdilat ng kanyang mga mata, napapalibutan na siya ng mga nakamaskarang tao na balot na balot sa itim na kasuotan.

Isa-isa siyang pinagsasaksak ng mga ito.

~~~**~~~

“A-Anong ibig mong s-sabihin?” sa wakas na nasabi din ni Xianna. Pinilit niyang ngumiti pero kahit anong gawin niya, hindi niya magawa.

“K-kasalanan ko po ang lahat ng ito. Patawad po Queen Xianna. Patawad po.” Umiiyak na sabi ni Kaylee. Yayakapin na sana siya ng kakambal niya ngunit naunahan naman ito ni Ace.

Tumayo si Skye mula sa pagkakaupo niya. Buong diskusyon, nakikinig lamang siya habang kumakain ng dalawang lollipop. Naglalakad siya papunta sa may pinto nang biglang habulin siya ni Tabitha.

“Saan po kayo pupunta Ms. Skye?”

“Mrs. Dammon.” Tipid niyang sagot. Naalarma naman ang kambal at dali-dali silang pumunta sa harap ni Skye.

“Wag niyo po kaming isumbong. Aayusin po namin ito.” Pagmamakaawa ni Haylee.

“Gagawan po namin ito ng paraan. Please po.” Segunda naman ni Kaylee.

Pero binalewala lang sila ni Skye at binuksan ang pinto sabay lumabas.

“Skye is right. They can help us.” Sabat ni Neo at sinundan si Skye palabas. Walang nagawa ang iba kundi sumunod sa dalawa papunta sa opisina ni Mrs. Dammon.

Inayos ni Mrs. Dammon ang salamin na suot niya. Malaking problema ito. Kinuha niya muli ang kanyang telepono at sa panglimang pagkakataon, idinial niya ang numero ng kanyang kaibigan  na isa ring teacher ng Monster Academy, sa Upper Monster Class ito nagtuturo.

Sa wakas, nasagot na rin ito ng isang lalaking. Halatang matanda na ito dahil sa kanyang boses.

“Helia, napatawag ka?” sagot ng nasa kabilang linya. Nakarinig siya ng mga ingay sa background na di niya mawari kung ano.

“Pasensya ka na Antonio. Naabala pa kita. Kelangan ko ang tulong mo ngayon.” Walang paligoy-ligoy na sagot ni Mrs. Dammon. Nagulat ang kanyang mga estudyante dahil sa pagtatagalog niya. Kadalasan kasi, kapag kinakausap nila ito ay ingles ito kung sumagot.

“Ano ba iyon?”

“Naalala mo ba si Muriel? Yung tagabantay ng Underground Potion Shop?”

“Oo. Bakit?”

“Napagbentahan niya ng love potion ang dalawa sa mga estudyante ko. Sa ngayon, dalawang lalaki ang apektado sa love potion. At ang malala pa, hindi ordinaryong love potion lamang iyon na gumagana ng isang araw lang. May halo ito.”

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Antonio.

Huminga ng malalim si Mrs. Dammon. “Ayon sa mga estudyante ko, tumawag si Muriel kanina. Ang sabi niya, kapag kumalat na ang pulang tattoo sa kanang kamay nila at bumuka ang isang pulang bulaklak, magiging estatwa na ang mga taong apektado nito at tuluyang silang mamamatay.”

Sandaling natahimik ang kausap niya. “Sandali lang Helia, mukhang alam ko ang kasong iyan. Babalik ako. Sandali lang.”

Matamang naghintay ang mga tao sa silid. Lahat sila kinakabahan at nag-aalala para kina Zeke at Ace na noo’y masayang masaya sa piling ng kanilang mga mahal na sina Sebby at Kaylee.

Nagulat sila ng biglang sumigaw ang nasa kabilang linya. “Nakita ko na!”

“Go on Antonio.”

“Ang tattoong kumakalat sa kanilang kamay ang stem ng isang bulaklak. Magmumula ito sa balikat at magtatapos sa pulso. May sampung dahon ang tutubo dito. Kapag tumubo na ang pinakahuling dahon, unti-unti nang magiging estatwa ang katawan nila hanggang sa tumubo ang isang pulang bulaklak. At kapag bumuka na ang bulaklak..” napatigil si Antonio pero itinuloy niya ulit.

“Mamamatay sila.”

“Anong kailangan naming gawin para mapigilan to?” kalmadong tanong ni Mrs. Dammon. Hangga’t maaari, ayaw niyang magpakita ng kahit anong emosyon sa kanyang mga estudyante.

“Papilio Imperil.” May sinabi pa si Antonio kay Mrs. Dammon at mukhang naintindihan na guro kung ano iyon. Nagpasalamat siya at ibinaba niya na ang telepono. Tinignan niya ang mga estudyante niya.

“Miller..” napaangat ng tingin ang kambal kay Mrs. Dammon. “I’ll deal with you later.”

Tumango ang kambal. Halatang takot na takot sila at kabadong baka mapalayas sila sa eskwelahan. kapag nangyari iyon, malaking kahihiyan ito sa pamilya nila.

Tinanggal ni Mrs. Dammon ang kanyang salamin at inilagay ito sa kanyang lamesa. Sumandal siya sa kanyang upuan at halatang problemado siya.

“We will take the risks Mrs. Dammon.” Matatag na sabi ni Neo.

“Alam po naming busy ang mga teachers sa iba’t ibang problema ngayon. Kaya kung hindi po nila kami matutulungan, handa po kaming gawin ang kinakailangan.” Segunda naman ng kanyang kapatid na si Ice.

Tinitigan sila ni Mrs. Dammon. Ang magkapatid na ito, gagawin nila ang lahat para kina Zeke at Ace. Kung sabagay, iyon naman talaga ang tungkulin nila. Tungkulin bilang Guardians.

“Papilio Imperil…” paninimula ni Mrs. Dammon. “... o mas kilala bilang Butterfly Empire, ang lugar kung saan matatagpuan ang iba’t ibang klase ng paro-paro.” Tumayo mula sa kanyang pagkakaupo si Mrs. Dammon at nilapitan si Zeke. Nagulat ang binata nang biglang punitin ng kanyang guro ang kanang manggas ng kanyang uniporme. Lumantad sakanila ang nagliliwanag na pulang tattoo. Pero wala pang dahon ang sumulpot dito.

“Red Ranunculus… iyon ang bulaklak na tutubo sa dulo ng pulso nila.” Bumalik ulit sa pagkakaupo si Mrs. Dammon.

“Ang kailangan niyong gawin ay pumunta sa Papilio Imperil at hanapin ang paro-paro na siyang nagbabantay sa Red Ranunculus. Hulihin ninyo ang paro-paro at dalhin dito ng buhay sa lalong madaling panahon.”

“Yes Mrs. Dammon.” Sagot ni Neo.

“And one more thing, gusto kong bumuo kayo ng dalawang grupo. Sa ngayon, wala tayong maasahan kundi ang mga sarili natin. Alam niyo naman ang problema na kinahaharap ng eskwelahan natin ngayon. Ang isang grupo ay ang mga pupunta sa Papilio Imperil. Tandaan niyo na puro mga paro-paro ang makakalaban niyo doon. Ang isang grupo naman ay ang magpapabagal sa daloy ng tattoo. Hanggat maaari, ipunin niyo ang mga taong maaaring makatulong sa inyo.” Sumipat si Mrs. Dammon sa relo niya.

“Wala na tayong oras. Ang mabuti pa ay iorganisa niyo na ang grupo at bumalik dito ang kung sino mang mapipili sa pupunta sa Papilio Imperil.”

Tumango ang mga estudyante sa loob at dali-dali silang lumabas para pag-usapan ang plano.

~~~**~~~

~Jenkyl’s POV~

Kumatok ako sa pinto ni Mrs. Dammon.

“Come in.” narinig kong sabi niya kaya binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob kasunod ang apat ko pang kasama.

“We are the group who will retrieve the butterfly.” Sabi ko. Kinuwento sakin ni Neo ang nangyari kina Zeke at Ace. Alam kasi niya na kahit papaano ay may sapat akong kaalaman tungkol sa lugar na ito. Mahilig kasi akong magbasa ng mga libro tungkol sa mga paro-paro. Kaya isa sa pinag-aaralan ko ay ang Papilio Imperil o Butterfly Empire.

“Very well then. Here’s the access for the academy’s security. Take care of yourselves and be sure to come back alive.” Paalala ni Mrs. Dammon.

“We will.” Sagot naman ni Neo. Nagpaalam kami sakanya at nakalabas na ng academy sa pamamagitan ng pass na binigay ni Mrs. Dammon.

“Let’s go?” nakangiting tanong ko sakanila.

“Yeah. I’m bored.” Bagot na bagot na sabi ni Terrence, isa sa mga pinakatahimik na kaklase ko. Nagtransform siya sa isang metal dragon. Ganoon na rin ang ginawa ni Shikuri, ang fire dragon. Mas malaki ang advantage kung mga lumilipad na mga halimaw ang kasama namin dahil lumilipad din ang makakalaban namin. Sa ngayon, silang dalawang dragon lang ang likas na kapangyarihan na makalipad.

Kaming lima ang makikipaglaban sa mga paro-parong iyon at sisiguraduhin na makukuha ang Red Ranunculus.

Sumakay kaming dalawa ni Skye sa likod ni Terrence samantalang si Neo naman kay Shikuri. Nang handa na kami ay lumipad na ang dalawang dragon papunta sa destinasyon namin ngayon.

Ang Papilio Imperil.

~~~**~~~

~Tabitha’s POV~

“Habang tumatagal, mas lalong silang nagiging possessive.” Narinig kong bulong sakin ni Ice. Nasa library kami ngayon at kami ang grupong magpapapigil o magpapabagal sa pagkalat ng tattoo. Hindi namin alam kung saan nagpunta si Xianna at Haylee. Baka siguro naghahanap din ng iba pang paraan para mapigilan ang pagkalat.

Napalingon ako sa tinitignan ni Ice. Nakita ko nanaman sina Ace at Zeke kasama sina Kaylee at Sebby sa kabilang table.

“Pwede ba Zeke! Saglit ka lang naman hihiwalay e.” naiinis nang sabi ni Ayame. Pinipilit niya kasing hiwalayin si Zeke kay Sebby para masubukan ang panibagong gadget na ginawa niya. Sinama namin siya dito dahil alam naming malaki ang maitutulong niya. Specialize kasi siya pagdating sa mga emosyon. Mababasa niya iyon at makakagawa siya ng gadget para doon.

“Don’t wanna.” Lalo pang humigpit ang yakap ni Zeke kay Sebby. Mukhang naubos na ang pasensya ni Ayame kaya tinapat niya na ang bagong gadget na ginawa niya kay Zeke at Sebby.

“Bakla! Ayoko pang mamatay!” natatarantang sabi ni Sebby. Pero itinira na ni Ayame ang bagong gadget niya at nagliwanag ang buong library. Dali-dali akong pumunta sa pwesto nila para kung sakaling may mangyari ay maagapan ko agad.

“Ugh jeez.” Nasambit na lang ni Ayame. Hindi nanaman gumana ang gadget na gawa niya. Umalis siya sa table na iyon at pumunta sa isa pang table para gumawa nanaman ng panibago.

“Okay lang kayo?” tanong ko kina Sebby.

“I think so girl.”

Narinig ko ang tawag ni Ice kaya napalingon ako sa pwesto namin kanina. “Tabitha! Nandito na.” Nakita ko ang iba’t ibang makakapal na libro na nilapag ng librarian. Lumapit ako sa table namin.

“Sana makatulong ang mga iyan.” Sabi ng librarian.

“Opo. Maraming salamat po.” Nginitian ko ang librarian at sinimula kong buklatin ang mga libro. Napansin kong nakabalik na pala sina Haylee at Xianna at lumapit sila sa amin para tulungan kami.

Napabuntong-hininga ako. Sana magtagumpay na sina Neo.

~~~**~~~

Jenkyl’s POV

“Neo! Dapa!” sigaw ko sakanya at mabilis naman niyang sinunod. Ibinato ni Terrence ang bola ng metal na ginawa niya sa dilaw na paro-parong malapit kay Neo.

Tumalikod naman ako at idinikit ang likod ko sa likod ni Shikuri.

“Ako sa taas, ikaw sa baba.” Sabi ko sakanya at tumango naman siya. Bumunot ako ng tatlong pana at isa-isang pinatama ito sa mga paro-parong pasugod sa amin mula sa taas.

“548!” narinig kong sigaw ni Neo. Napangiti ako.

“Ms. Faelivrin, kindly jump at the count of three.” Pormal na sabi sakin ni Shikuri. Ganito siguro magsalita ang mga knights sa kingdom.

“One.” Bumunot ako ng limang pana.

“Two.” Sabay sabay ko itong nilagay sa bow ko at hinila.

“Three.” Tumalon ako sabay umikot.

“Fang of the Night, awaken!” Pinakawalan ko ang limang pana habang nasa ere. Dumoble ito ng dumoble hanggang sa hindi na mabilang ang mga ito. Kung saan saan tumama ito at ilang paro-paro din ang natamaan.

“623!” Anunsyo ko sakanila sabay humawak muna sa isang malaking sanga ng puno. Nagpalambitin muna ako doon habang hinihintay si Shikuri na matapos bumuga ng apoy. Umiikot siya ng umiikot habang bumubuga kaya lahat ng mga paro-parong malapit sakanya ay nasusunog.

Matapos ang ilang sandali ay tumalon ako pababa malapit kay Shikuri at nakahanda ang mga pana.

“659.” Sabi niya. Ngumiti nanaman ako. Mukhang ineenjoy nila ang maliit naming pustahan. Nagpustahan kasi kami na kung sino ang pinakamadaming paro-parong napatay ay ililibre siya ng pagkain sa canteen sa loob ng isang buwan. Hindi naman mahirap kalabanin ang mga paro-parong ito. Sadyang madami lang sila kaya medyo nahihirapan kami.

Nagpatuloy ang labanan. Habang tumatagal, dumadami ng dumadami ang napapatay naming mga paro-paro. Pero parang hindi sila nauubos.

“1065!” sigaw ni Terrence matapos magpakawala ng mga matutulis na bagay na gawa sa metal.

Naalarma ako ng hindi ako makarinig ng mga kalansing ng espada. Buong labanan din, hindi sumisigaw si Skye.

“Skye! Asan ka?! Okay ka lang ba?!” sigaw ko habang nakikipaglaban.

“2156..2157..2158.” narinig ko ang kalmadong pagbibilang ni Skye. Saglit na napatingin ako sa pinanggagalingan ng boses niya. Hindi siya gumagamit ng kahit anong espada at panay sipa at suntok lang ang ginagawa niya. Mukhang napagod na rin siya sa paglabas ng kapangyarihan niya.

Pero kahit na. Grabe, ganun lang ang ginagawa niya pero naka dalawang libong paro-paro na agad siya. Anong klase siyang halimaw?!

“HALT!” nag-echo ang sigaw ng babae sa buong garden. Biglang nagliparan ang mga paro-parong kalaban namin papasok sa isang cave. Natira kaming lima sa pinakaentrance ng garden.

“What is it this time?” tanong ni Shikuri. Naglabas siya ng isang bolang apoy sa kanyang kamay.

“I can smell another monster.” Bulong ni Terrence. “A powerful one.”

Nanatiling tahimik ang kapaligiran.

Hanggang sa isang babaeng may napakagandang pakpak ng paro-paro ang lumabas.

“Sino ka?!” tanong ko sa babae.

Ngumiti ng nakakatakot ang babae.

“Anastasia. The Queen of the Butterflies.”

~~~**~~~

AN :) Happy Birthday kay Ranibabes :"">

Dedicated kay Ghost Terrence. Ang dakilang lalaki na kauna-unahang nag-enroll sa academy *O* Mabuhay ka dre! xDD Lumabas na pala character niya. :D

Yung POV

Salamat ulit sa pagbabasa guys. You Rock! \m/

Kaylee and Haylee Miller sa kabila. Kung may mga typo ako o wrong grammar, pakisabi na lang para maayos natin :D Katulad nung last UD, andaming typos. Baliw na talaga ako.

Yun. Ang haba na. Basta. Salamat -bows-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top