Nightwood

Chapter 7

Nightwood

 ~~~**~~~

~Tabitha’s POV~

Pinakita samin ni Ayesha ang magiging battle arena gamit ang 3D map na nilagay ni Mrs. Dammon sa laptop niya. Isang maliit na island na malapit sa eskwelahan ang gagamitin para sa nasabing activity. Pinindot niya ito at iba’t ibang screen ang lumitaw sa ibabaw. Pinakita dito ang mga nangyayari sa iba’t ibang parte ng isla. Sabi ni Ayesha, may mga hidden cameras daw kasing nakaimplant sa buong island para mamonitor kung ano ang mga nangyayari. Matagal-tagal din namin itong pinagmasdan hanggang sa nakuha ang atensyon ko ang isang pamilyar na lugar doon.

“Teka, ito yung lugar kung saan namin nakuha yung dalawang golden monster cards.” Bigla kong nasabi nang makita ko ang pamilyar na bato. Lalo ko pang nilapitan yung screen at tinitigan kong mabuti.

“Sigurado ka girl? Baka naman namamalikmata ka lang?” sabi ni Princess Sebby at nagsilapitan na rin sila sa pwesto ko.

“Sigurado ako Princess Sebby. Dito pa nga po ako nagtago e, tapos dito naman po si Ms. Skye.” Tinuro ko ang lugar kung saan ako nagtago at nakita ko yung halaman na nagtatakip sakin noon na isang hawi lang, makikita na ako nung cyclops na nakalaban namin.

"Saan niyo nakuha yung monster cards?” tanong ni Shontelle.

“Sa ibabaw nung bato, may lumulutang na golden box. Binabantayan yun ng isang Cyclops. Matapos makipaglaban at matalo ni Ms. Skye yung Cyclops, hinati niya yung bato sa dalawa. Fake cards kasi ang laman ng golden box. Sa loob ng bato, nakatago yung real cards. Ang nakapagtataka lang kasi, buo na ulit yung bato dito.” Tinitigan ko talaga yung lugar. Hindi ako magkakamali, sigurado talaga ako.

“That’s Nightwood. Identical twin ng Silver Forest o ang lugar kung saan tayo nag-entrance exam. Parehas ng features ang Silver Forest at Nightwood kaya’t lahat ng makikita mo sa Silver Forest ay meron din dito. Akala rin namin nung una ay eto yung lugar ng entrance exam dahil nakita ko yung lugar kung saan kami na-trap ni Shontelle. Pero malaki ang pinagkaiba nila, mas delikado sa Nightwood dahil mas marami at mas malalakas ang mga pure monsters na pagala-gala. This place is divided into three parts like Silver Forest. At ang unang parte ay ang Greenfield na nasa kaliwang bahagi ng Nightwood.” Finocus ni Ayesha ang parteng kulay green sa mapa. Isang screen ang lumabas sa tuktok nito at nakavideo ito sa Greenfield.

Sa unang tingin, may mga bears o pangakaraniwang oso ang natutulog sa damuhan. Pero maya-maya, isang itim na uwak na kasinglaki ng sasakyan ang lumapag sa damuhan at binulabog ang mga oso. Agad nagsilayuan ang mga oso sa uwak. Akala namin yung uwak talaga yung kalaban. Mali pala. Ilang saglit lang kasi, bumalik ang mga oso pero hindi na ito katulad ng mga osong nakita namin noong una. Dinoble ang laki nito at mas mahaba ang matutulis nitong kuko. Sinubukang lumaban ng uwak pero masyadong madami ang mga oso kaya’t wala itong nagawa. Dahan-dahan na pinunit ang mga pakpak ng kaawa-awang uwak. Damang-dama ang sakit sa pagsigaw nito. Maya-maya, tinapon ang gutay-gutay na katawan ng uwak sa isang parte ng Greenfield at nilamon ito ng damuhan. Bumalik ulit ang mga oso sa dati nilang itsura at natulog na parang walang nangyari.

“Poor Crow.” Mahinang sabi ni Shontelle.

“Bear Pact. Weak type of pure monster, pero bakit sila ganyan kalakas? It’s because of the secret of the Greenfield. Dahil dito nakatago ang four leaf clover.” Pumindot ulit si Ayesha sa laptop niya at isang imahe ng four leaf clover ang lumitaw sa mapa. Teka, nabasa ko ang tungkol sa four leaf clover dati sa isa sa mga libro na nakakalat sa kwarto ni Ms. Skye.

“Ang four leaf clover ay isa sa mga magical na halaman at iilan na lang ang bilang nito. Marami ang sumubok na hanapin ang halaman na ito dahil sa legendary myth na madodoble ang lakas ng kapangyarihan ng isang halimaw. Ilang buwan, ilang taon hinahanap nila ito hanggang sa sumuko na sila. Hanggang sa isang grupo ng mga pangkaraniwang oso ang napadpad sa lugar at dahil sa sobrang gutom, kinain nila ang mga damo na nandito. Sa hindi inaasahang pangyayari, isa sa kanila ang nakakain ng four leaf clover at simula noon, binantayan na nila ang lugar na iyon at pinrotektahan ang oso na nakakain nito. At ang sinumang makatalo o mapatay ang osong nakakain ng clover ay mabibiyayaan ng dobleng lakas ng kapangyarihang taglay niya ngayon.” Pagkwekwento ko. Tama, naalala ko na yung libro. Forgotten Myths. Nabasa ko kasi ang myth na iyan doon. Hindi ko inakala na totoo ito at ang lugar ang Greenfield. At ngayon, isa ito sa pupuntahan namin..

“So you’re saying na maaaring ito ang puntiryahin ng iba pang grupo para makuha ang four leaf clover?” tanong ni Princess Sebby. Sabagay, kung ako ang papipiliin, mas gusto kong pumunta sa lugar na ito dahil malaki ang tyansa na makuha ang four leaf clover, malalakas naman ang mga kasama ko. Kapag nagkataon, malaki ang pag-asang magawa namin ang activity na ito.

“Exactly. 70% chance na ang dalawa o tatlo sa limang grupo ang pupunta dito. At kapag nangyari yun, maaaring maenggage ang Monster Fight.” Sabi ni Ayesha at nagpindot ulit sa laptop niya sabay lumabas ang mechanics sa monster fight.

Awtomatically, maeengage ang Monster Fight once na nagclash ang dalawang magkaibang grupo. Isang forcefield ang babalot sa buong lugar at walang sinuman ang maaaring makapasok sa forcefield na iyon hanggat hindi natatapos ang labanan sa pagitan ng dalawang grupo. Ang bawat kasali sa laro ay may life bar at mana bar. Ang mana bar ang nagsasabi kung ilang porsyento ng power energy na lang natitira para magamit ang kapangyarihan mo. Nilimitahan ng council ang paggamit ng kapangyarihan para maiwasan ang anumang aksidente. Kapag naubos naman ang life bar ng mga kasapi ng isang grupo, talo sila at eliminated na sa activity.

“Monster Fight is one of the sub-goals we need to accomplish. Basically, we have our main goal—Catch the Falling Star at ito ang activity ngayon. Every year, as a welcome gift para sa mga nakapasa sa Monster Academy, especially sa Special Monster Class, nagpapadala ang kalangitan ng isang munting regalo in the form of shooting star. And this year, whoever catches the star shall receive the light sword ‘Seif’. Pero hindi ganun kadali yun. Lalabas lang ang shooting star kapag dalawang grupo na lang ang natira sa battle arena.” pag-eexplain ni Ayesha.

“Which means we should eliminate the other groups.” Sabi ni Shontelle.

“Yes. At hindi biro ang mga grupo na makakalaban natin. Pero mamaya na natin sila pag-uusapan, let’s scan the map first ang try to memorize it.”

Napatayo naman si Princess Sebby sa kinauupuan niya. “Memorize? Ay kaloka. Hindi ba nila ipapadala yang mapa na yan?”

“Unfortunately, iiwan lang natin ito dito. Wala tayong magagawa, gusto nila tayong pahirapan e. Malakas trip nila e.” natawa na lang siya.

“Ay kaloka. Palibhasa wala silang binatbat sa kagandahan ko e.” pagmamalaki ni Princess Sebby sabay hawi ng bangs niya. Yung totoo? Anong kinonect ng kagandahan niya sa pinag-uusapan namin?

“Tigilan na po natin ang pag-iilusyon Princess Sebby. Ayesha, tuloy na po natin yung sa mapa.” Nakita kong inirapan ako ni Princess Sebby kaya natawa na lang ako.

“Sa kanang bahagi naman ng Nightwood ang Fire Falls. Simpleng water falls lang ito sa unang tingin. Pero kada anim na oras, the falls is set on fire. Wala masyadong pure monsters na pagala-gala dito at kung meron man, saglit lang sila dahil ayaw nila sa apoy.” Finocus ni Ayesha ang lugar ng Fire Falls. Tama nga siya, simpleng water falls lang ito sa unang tingin pero kung titignan mong mabuti, may red glow sa gilid ng water falls.

Sumunod naman niyang finocus ang huling lugar na nakalagay sa gitna. “Ang huling lugar at ang pinakadelikado sa lahat. Halos sakop ng Lost Ruins ang buong Nightwood sa sobrang laki nito. Unfortunately, dito namamalagi ang ibang pure monsters, especially ang mga malalakas.”

“So kailangang iwasan natin yan?” tanong ni Shontelle.

“We can’t. You see, sa lugar na ito babagsak ang falling star. Sa ayaw at sa gusto natin, kailangang pumunta tayo dito.” Sabi ni Ayesha sabay pinalabas ang mga screen na nakavideo sa iba’t ibang monsters na namamalagi sa Lost Ruins. Saglit na natahimik ang buong lugar. Lahat nakatutok sa mga screen na naduon, pinagmamasdan ang mga halimaw na makakalaban namin.

“Proceed.” Binasag ni Ms. Skye ang katahimikan. Buong discussion, tahimik siya. Nag-iisip na ng strategy siguro. Nawala ang lahat ng screen. May pinindot ulit si Ayesha at tatlong malalaking screen ang lumabas. Sa tatlong screen, may iba’t ibang pure monster.

“Pure monsters. May tatlong uri nito sa Nightwood. Weak type, Average type and Master type. 60% ng mga halimaw sa Nightwood ay weak type of monster. Malalaman mo na ang isang halimaw ay weak type kung ang life bar nito ay kulay green. Average type has a yellow life bar at 30% ng mga halimaw ay nakapailalim dito. The last, Master type has a red life bar at merong 10% nito sa Nightwood. As much as possible, iwasan natin ang Average type at Master type.” Binalik ulit ni Ayesha sa mapa ang screen. Sinubukan naming imemorize ang bawat lugar. Naghati na rin kami kung saang parte ng lugar dapat imemorize.

Nang tumunog na ang bell, hudyat na ito na sampung minuto na lang ang natitira. Nilabas ni Sebby ang character profile ng maaaring kalaban namin. Nakuha namin ito sa pamamagitan ng pagdedescribe nina Shontelle at Ayesha dahil karamihan sa mga kaklase namin ngayon ay naging kaklase nila sa Little Monster Academy. Hindi man kumpleto dahil may mga bagong halimaw, malaking tulong na rin ito para makapagform na rin ng strategy laban sa kanila. Matapos magdiscuss tungkol sa maaari naming makalaban, sumunod namang diniscuss namin ang mga tactics na gagamitin sa activity pati na rin ang mga kapangyarihan at ang Skill Alliance. Ang Skill Alliance ay ang pinagsamang kapangyarihan ng dalawang monster para magkaroon ng mas malakas na atake. Kailangang comnpatible ang kapangyarihan ng dalawa para maisagawa ito.

“I will serve as the defense. Sebby and Shontelle, kayo ang magiging attack team ng grupo.” Sabi ni Ayesha pagkatapos mapag-usapan kung sino-sino ang magsasagawa ng Skill Alliance. “Tabitha, ikaw ang magiging healer ng grupo. You should focus on Sebby and Shontelle. Hangga’t kaya natin ang kalaban, hindi muna natin gagalawin si Skye. She will be our ace. Kaya hanggat maaari, huwag natin sayangin ang mana bar niya.” Dagdag pa ni Ayesha.

          Ilang saglit lang, pumasok na si Ms. Skye sa kwintas ko at pumunta kami sa labas ng building. Nandoon na rin ang iba pa naming kaklase. Nakita ko ang masamang tingin saamin ng grupo ng Monster Divas. Maya-maya, tumunog na ang Father Clock at lumabas si Mrs. Dammon.

“Begin.” Sabi niya at pumalakpak ng isang beses.

The next thing we knew, nasa Nightwood na kami.

  ~~~**~~~

Dedicated sakanya :)) Salamat sa mga comments and votes mo :)) Hihi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top