Monster Fight 1
Chapter 8.1
Monster Fight Part 1 :3
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“Saan na tayo pupunta?” hingal na hingal natanong ni Shontelle habang patuloy pa rin kaming tumatakbo.
Simula ng mapunta kami dito, tumakbo na agad kami papunta sa Fire Falls. Medyo may kalayuan ito dahil binagsak kami sa may lugar malapit sa Greenfields. Sa ngayon, nakalagpas na kami sa unang destinasyon na dapat naming daanan, ang Blue Daffodils.
“Sa pagkakatanda ko, malapit na dito yung kweba na maraming Jellyfish.” Sagot ni Princess Sebby habang sumulyap siya sa compass niya. Ginawa niya ito mula sa bato na pinulot niya kanina. Konting spell lang at poof, isang improvised na compass.
Ilang sandali pa, natanaw na namin ang kwebang sinasabi ni Princess Sebby. Patakbo kaming lumapit doon at namangha kami sa aming nakita.
“Beautiful.” Hindi ako makapaniwala sa nasisilaan ko ngayon. Sino ba naman ang hindi magagandahan sa kwebang ito na punong puno ng mga makukulay na Jellyfish. Kahit walang tubig, patuloy ang paglangoy nila sa loob.
“Yet dangerous. Bilisan na natin at baka may makasalubong pa tayo.” Nagsimula ng maglakad ng dahan-dahan si Ayesha papasok sa loob ng kweba. “Huwag niyong didikitan ang tentacles nila.” Dagdag pa niya. Sumunod na rin kaming pumasok sa loob. Bago pa man kami tuluyang makapasok, napatingin kami sa labas dahil sa isang malakas na ingay.
Isang force field ang lumitaw nang di kalayuan saamin. Masyadong malaki ang force field na ito kesa sa inaakala ko. Kita ito siguro sa buong isla.
“Tara na. Baka maabutan pa nila tayo.” Sabi ni Ayesha kaya nagpatuloy kami sa paglalakad. Paglagpas ng kwebang ito, Fire Falls na ang bubungad samin. Medyo may kahabaan yung kweba na pinasok namin at habang papalayo kami ng papalayo, palaki ng palaki ang mga jellyfish.
“Watch your moves. Ingat tayo, mas lalo silang dumadami.” Paalala pa ni Ayesha.
May-maya, nagulantang kami sa malakas na sigaw ni Princess Sebby.
“Shontelle!” agad tinulak ni Princess Sebby si Shontelle kaya natumba silang parehas. Muntik na kasi siyang dumikit sa isang jellyfish.
“Ayos lang ba kayong dalawa?” agad akong lumapit sa kanila at tinulungan silang makatayo.
“Ayos lang ako. Thank you Sebby, hindi ko nakita yun. Sorry kung muntik ka pang mapahamak.” Sabi ni Shontelle.
“Ano ka ba girl? Kaya nga nagteam tayo para magtulungan e. Tsaka Ok lang na—OUCH!” naputol ang sinasabi ni Princess Sebby at agad siyang napalayo sa pwesto niya. Biglang nagdugo ang kanyang kanang braso.
“Anong problema?” tanong ni Ayesha.
“May parang kumuryente sakin e. Arouch. Anchakit” mangiyak ngiyak na sabi ni Sebby habang hawak hawak niya ang braso niya.
“Kuryente? Damn!” biglang napatingin kami sa dating pwesto ni Sebby.
Mula doon, isang jellyfish ang lumabas.
May kuryenteng nabubuo sa mga tentacles ng jellyfish. Nang magkuryente na ng tuluyan ang mga tentacles nito, tumigil ang lahat ng jellyfish na nasa loob. Napatigil kami. Kinakabahan sa pwedeng mangyari.
“Takbo!” sigaw ko. Inalalayan ko si Princess Sebby habang tumatakbo. Sina Ayesha naman at si Shontelle ang pansamantalang nasa likod namin at sinusubukang pigilan ang mga jellyfish na humahabol samin.
Naramdaman ko ang panghihina ni Princess Sebby. Unti-unti na sigurong kumakalat ang lason na gawa nung jellyfish. Madami na ring dugo ang nawala sakanya. Kailangan magawan ko muna ito ng paraan.
Itinapat ko ang isang kamay ko sa sugat niya. May puting ilaw ang lumabas at unti-unti itong nagiging bilog.
“Rivers of blood stop your flow. Thy wound shall be closed.” Mahinang sambit ko at nagconcentrate ng maigi sa sugat ni Sebby. Kahit papaano nasarado naman ito pero hindi pa lubusang magaling. Nandoon pa rin ang lason sa loob ng katawan niya.
“Tabitha! Sa gilid mo!” narinig kong sigaw ni Ayesha kaya’t awtomatikong napatingin ako sa gilid at nadatnan ang isang malaking jellyfish. Agad na kinuha ko ang dagger na binigay sakin ni Ayesha bago pa man kami pumunta sa Nightwood. Binigyan niya kami ng mga sandata para maiwasan namin ang paggamit ng kapangyarihan namin at hindi maubos ang mana bar. Hiniwa ko ito sa gitna at nagpatuloy pa rin sa pagtakbo.
Sa di kalayuan, nakikita ko na ang lagusan palabas. Napatingin ako kay Sebby.
“Konting tiis na lang po Princess Sebby. Malapit na tayo.” Narinig kong umungol siya. Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo hanggang sa nakalabas na kami ng kweba.
~~~**~~~
~Ayesha’s POV~
“Sa tingin mo ba magiging OK si Sebby?” alalang tanong ni Shontelle saakin. Kanina pa siya palakad-lakad sa harapan ko.
“Oo naman. Kaya yan ni Tabitha. Magtiwala ka lang.” nginitian ko siya para hindi na madagdagan ang pag-aalala niya. Ilang minuto na rin ang nakalipas mula ng makarating kami rito sa Fire Falls. Sa di kalayuan ay tinanaw ko ang maliit na improvised tent na gawa sa mga nagkalat na kahoy at dahon. Sa loob na iyon ginagamot ni Tabitha si Sebby.
Napahinga ako ng malalim. Sana maging OK sila.
Ilang saglit lang, lumabas na si Tabitha mula sa tent. Agad kaming lumapit ni Shontelle.
“Okay na ba si Sebby?” mabilis na tanong ni Shontelle.
“Wag kayong mag-alala. Naaalis ko naman lahat ng lason sa katawan niya. Kailangan niya lang ng pahinga para mabalik ang lakas niya.” Nakangiting sagot ni Tabitha.
“Ang mabuti pa magpahinga rin muna tayo kahit mga ilang minuto lang at magsagawa ulit ng panibagong strategy.” Umupo kami sa tapat ng tent at nagsindi ng bonefire si Tabitha.
“Maghahanap lang ako ng makakain natin.” Tumayo si Shontelle pero agad ko siyang pinigilan.
“Delikado, wag na.”
“Wag kang mag-alala, hindi ako lalayo. Tsaka mas mapapabilis ang paglakas ni Sebby kung kakain siya.” Ngumiti siya at naglakad na palayo.
Kakausapin ko sana si Tabitha pero mukhang napagod siya sa ginawa niya dahil nakapikit na ang mga mata niya. Hinayaan ko na lang muna siyang matulog at tumayo ako para magsiyasat ng lugar.
Fire Falls ang pinili naming lugar bilang base camp. Malaki ang tyansa namin manalo dito dahil malakas ang kapangyarihan ng waterfalls lalo na kung mag-aapoy. Maaari naming magamit ito laban sa grupong mapupunta dito. Isa pa, dito rin namin pwedeng maisagawa ang Skill Alliance na pinaplano namin laban sakanila kung sakaling magkagulo-gulo ang plano. Hanggat maari ay hindi sana namin magamit iyon dahil nakakaubos ng kapangyarihan. Balak naming maghintay dito hanngang sa tatlong grupo na lang ang matira o kung mas seswertihin at dalawa. Isa pa, konti lang ang mga halimaw dito kaya makakaiwas talaga kami sa gulo.
Matapos kong siyasatin ang lugar, bumalik na ulit ako sa pwesto namin. Nandoon na rin si Shontelle na may dalang iba’t ibang prutas at kumakain na sila ni Tabitha.
“Kain na tayo Yesh!” tawag niya saakin. Umupo na rin ako at kumuha ng prutas.
“Gigisingin ko lang po si Princess Sebby.” Tumayo si Tabitha at pumasok sa tent. Maya-maya, lumabas na siya at kasunod niya si Sebby.
“Gosh! Gaano katagal ako nagbeauty sleep at hindi ko namalayang nandito na pala tayo sa Fire Falls?” maarteng saad niya.
“Glad your back.” Saad ko ng narinig ko nanaman ang salitang ‘beauty’. Bumabalik na naman siya sa pagiging makulit niyang bakla.
“Sebby~ Akala ko mamamatay ka na!” niyakap siya ni Shontelle.
“Ghad girl! Hindi tayo talo noh. Babae ka, binabae ako. So no no no! Tsaka ako mamamatay? Nawalan na ng kagandahan dito sa mundo.” Pilit siyang kumakawala sa pagkakayakap ni Shontelle.
Umupo na rin sila at nakisalo sa pagkain. Maya-maya, nawala na ang force field na nakita namin kanina. Grabe. Antagal ng laban nila ha. Pero hindi katagalan, isang force field nanaman ang lumitaw sa di kalayuan. Saglit lang ito at nawala na rin agad.
“Mukhang tayo na ang next target nila.” Mahinang saad ko.
“I bet that’s Monster Divas. Saglit lang kasi yung labanan.” Dagdag pa ni Shontelle.
“Anyway, we have to be ready. I can’t wait to kick their butts.” Humagikgik si Sebby at inubos ang kinakain niya. Tama siya, kailangan na rin naming paghandaan kung ano man ang mangyari.
“Tabitha? Si Skye ba ayaw kumain?” bigla kong natanong kay Tabitha.
“Tulog na tulog po si Ms. Skye e.” sagot naman niya at nagpatuloy sa pagkain. Matapos kumain ay nag-usap usap kami ng magiging battle formation at kung ano ano pa.
Hanggang sa dumating na ang inaantay namin.
“Look who’s here.” Mataray na sambit ni Sebby nang sa di kalayuan ay natanaw naming ang mga naglalakad na Monster Divas. Napatayo kami at humarap sakanila. This is the time.
“Scared?” Xianna chuckled. “Mukhang pinaghandaan niyo ah. I really hope this would be a good fight. Or you won’t last like the last group we fought. Jeez. So lame. I still remember how they beg for my mercy.”
“Alam mo, puro ka satsat e. Bakit hindi nalang natin diretsuhin to. O baka naman, ikaw ang natatakot samin?” Sebby flashed an evil smile.
“Then let’s start. Oh and I promise, YOU will beg for my mercy.” Xianna snapped and in an instant, a force field was set all over the place.
“Mercy mercy. Wala ka na bang ibang sasabihin kundi yang mercy mo? Kakaloka. Wag kang mag-alala, tatapusin kita kaagad para hindi masyadong masira yang beauty mo. Oh sorry, wala ka nga palang beauty. Dahil ang tunay na kagandahan, saakin lang makikita. Tapusin na natin to you frogletus!” mahabang litanya ni Sebby na inemphasize pa niya ang last two sentences.
“Slaves!” Xianna snapped again at mula sa likod ng puno, dalawang babae ang lumabas.
Ang babaeng nasa kaliwa ay may maikling buhok ito na kulay itim. May hawak na libro at nakasalamin ng makakapal. Halatang takot na takot ito dahil kanina pa siya palingon-lingon at bigla siyang napayakap nang mahigpit sa libro na hawak niya. Kulay pink ang mahabang buhok ng babaeng nasa kanan. Asul ang kanyang mga mata at kalmado ang expresyon nito. Medyo maliit at batang tingnan kumpara sa mga kaklase na nakita ko. Mga bagong transferee siguro itong dalawang babae.
Umabante naman ang dalawang kambal at iniwan si Xianna sa likod.
“Queen. Kami na po ang bahala sakanila. Dyan na lang po kayo.” Sabi ng isa sa kambal.
“Oo nga po. Mapapagod lang po kayo kung kakalabanin niyo pa ang mga walang kwentang iyan.” Sabat naman nung isa.
“Siguraduhin niyo lang na matuturuan yan ng leksyon. Let them feel the presence of the queen.” Saad ni Xianna at umupo sa isa sa mga bato doon.
Hinarap kami ng dalawang kambal pati na rin ang tinawag niyang slaves.
It’s time.
“Monster Unleash!” sabay sabay nilang sambit at nagtransform sa kaniya-kaniyang monster form.
Nag-iba ang naging itsura ng kambal at naging serpent. Pero sa pagkakataong ito, pinag-isa nila ang kanilang katawan at bumuo ng 8 feet tall na serpent. Pinalabas nila ang isang espada na gawa sa iba’t ibang ahas.
Sa kabilang banda naman, ang babaeng may pink na buhok ay nananatili sa anyong tao niya. Nagkaroon ng isang scroll sa may likod at may hawak siyang itim na feather. Nanatili siyang nakatingin samin. Blankong expression ang nakikita sa kanyang mukha.
Ang babaeng may hawak ng libro ay lumapit kay Xianna at lumuhod. “H-hindi ko na p-po kayang s-saktan sila. A-ayoko na po. G-gusto ko na pong umuwi Queen Xianna.” Mangiyak ngiyak na sabi nito. Tinitigan lang siya ni Xianna at tumawa ng mapait.
“Gusto mo nang umuwi? Fine. I’ll grant your request.” Hinawakan niya sa leeg ang babae. Unti-unti niyang itinaas ang katawan nito.
“T-t-tama n-na p-po.” Nagpupumilit na tanggalin ang kamay ni Xianna.
Ngumiti ng nakakatakot si Xianna. Sa isang iglap, naubos ang life bar ng babae dahil sa matutulis na kuko ang nakatusok sa leeg niya. Unti-unting nawala ang katawan nito at bumalik sa pagkakaupo si Xianna.
“Pati ang sariling leader niyo, pinapatay mo. Anong klase kang teammate?!” Galit na galit na sabi ni Sebby.
Ngumiti lang sakanya si Xianna. “Hindi ko naman siya kailangan. Tsaka masyado siyang maarte. Nagiging pabigat lang siya sa grupo. Isa pa, ako ang tunay na lider dito.” Inirapan niya si Princess Sebby at muling inutusan ang mga alalay niya. “Haylee! Kaylee! Bilisan niyo dyan. O baka naman gusto niyong si Yuuki na ang ipalit ko sainyo?! BILIS! Ayokong nag-aantay.”
“Patawad po Queen. Bibilisan lang po namin ito.” Bumalik ang tingin saamin ng kambal.
“Monster Unleash!” kami naman ang nagtransform sa monster form namin.
“Shontelle, ikaw na ang bahala kay blue eyes. Sebby, let’s take those two down. Tabitha, healer support.” Utos ko sakanila at pumunta sa kaniya-kaniyang pwesto.
Akala namin, handang handa na kami. Hindi pala.
Simula nang pagbukas niya ng scroll na iyon at ang paglapat ng itim na feather sa papel, nagulo ang stratehiyang matagal naming pinaghandaan.
~~~**~~~
An :) Dedicated sa kanya yung buong chapter 8 xDD LOL :DD Bwahaha. Sorry sa pambitin xDD Hindi ko pa tapos yung laban e. Kaya pinutol ko muna :DD Yie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top