Monster Divas
Chapter 6
Monster Divas
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“Okay. Now that you build your own group, we shall construct our first activity of the day. And it’s entitled, Knowing Your Enemy.”
"The main purpose of this activity is to know each other through battle. Learn about their powers, their weaknesses and their abilities. Well, introducing yourselves in front of the class is too mainstream." saglit na tumawa si Mrs. Dammon pero bumalik ulit siya sa seryoso niyang pananalita. "So it's really fun to have such a cool way to know each other. And also, another main purpose of this activity is to know who is capable of possessing the Light Sword, Seif."
Natuon ang atensyon ng buong klase nang pumunta sa touchscreen na blackboard si Mrs. Dammon. Pinakita niya dito ang isang 3D na mapa ng magiging battle arena namin.
“Before I discuss the map, I want you to assign your leader. I’ll give you 10 minutes to choose. Five minutes to know each other and the other five minutes to choose your leader. Timer starts now.” Pag-uutos samin ni Mrs. Dammon.
Awtomatikong lumapit ang kaninang magkakalayong upuan samin at nagform ng maliit na bilog. Umupo na kami para mapag-usapan kung sino ang magiging leader.
“So let’s start? We should say our name, monster type and ability. I’ll go first.” Umayos ng upo si Princess Sebby at sinimulan ang pagpapakilala.
“Ayoko ng first name ko so call me Sebby. Sebby Steinway, Elf type and can cast spells. Ayesha, next.”
Sumunod naman si Ayesha na katabi ni Princess Sebby sa kaliwa niya.
“Hi. I’m Ayesha Lore. Mermaid type and can control water.” Ngumiti siya saamin at nagnod kay Shontelle dahil ito na ang kasunod.
“Shontelle Harrison. Siren type. Kapag kumanta ako, automatically yung kalaban ko mapupunta sa isang dreamland. And that dreamland sucks his powers. Kapag hindi siya nakaalis agad, at the end of the song is his death. Also, with my voice I can create sonic boom. That’s all. Tabitha?” Nagnod din siya sakin tanda na maaari nakong magsalita.
“Ako si Tabitha Klein. Fairy ang monster type ko. Kaya kong magpagaling ng mga sugat at mga sakit. Salamat po.” Nalipat naman ang mga tingin namin kay Ms. Skye na siyang katabi ko.
“Skye von Einzbern. Demon. Re-equiping weapons. Can use dark magic.”
Biglang nagkatinginan sina Ayesha at Shontelle. Parang may kung ano silang narinig at hindi makapaniwala.
“von Einzbern?!” gulat na sabi ni Shontelle. Buti na lang at may kalayuan kami sa ibang grupo kaya hindi siya narinig.
“Whoa.” Hindi makapaniwalang sabi naman ni Ayesha.
“That’s why you look so familiar. Wow. Hindi ako makapaniwala na nakakausap kita ngayon.” Manghang manghang sabi ni Shontelle.
“The only daughter of von Einzbern family. One of the strongest and wealthiest families in the world of monsters. That’s why you have that aura.” Sabi naman ni Ayesha.
“We could talk about it later. Let’s proceed.” Bagot na bagot na sabi ni Ms. Skye.
“Sorry girls, ganyan talaga yan si Skye. Bored na bored sa buhay. Sumisigla lang yan pag nakikipaglaban. Anyway, sino ang magiging leader natin?” sabi ni Princess Sebby.
“I’ll definitely go with Skye.” Suhestiyon ni Shontelle.
“Me too.” Segunda naman ni Ayesha.
“Ikaw Tabitha?” tanong naman sakin ni Princess Sebby.
“Si Err..” syempre kung ako ang tatanungin, si Ms. Skye ang pipiliin ko. Kaso ayaw ni Ms. Skye sa mga ganyang bagay e. Madami daw gawain yan. Mababagot lang siya.
Mukhang alam na ni Princess Sebby yung iniisip ko kaya tinanong niya si Ms. Skye na abala sa pakikinig ng music. Parang andami atang may headset ngayon ha. Si Shontelle tsaka si Ayesha. Pati na rin yung lalaking pumasok ng late kanina. Seriously, anong meron?
“Skyebeybeh, payag ka ba?”
“No.”
“Haaaay. Kahit kelan ka talaga girl. Naloloka ang beauty ko sayo.” Sabi sakanya ni Princess Sebby sabay humarap na siya kina Ayesha and Shontelle.
“You know what girls, kahit anong gawin niyong pilit dyan kay Skyebabe, hindi papayag yan. Masyadong matrabaho ang pagiging leader kaya ayaw niya. Low energy lifestyle yan e.”
“Pero siya ata ang pinakamalakas dito sa grupo natin.” Sabi ni Ayesha.
“And I bet she knows more about the weaknesses of other monsters.” Segunda naman ni Shontelle.
“Ayesha would be a good leader.” Nagulat kami ng biglang nagsalita si Ms. Skye. Once in a blue moon lang naman kasi magsuggest yan. At minsan lang magsabi ng mahahabang sentence. Nakakailang mahahabang sentences na siya ngayon araw ha.
“Last 60 seconds.” Pagpapaalala ni Mrs. Dammon
Biglang tinuro ni Ayesha ang sarili niya na parang hindi makapaniwala. “Ako? W-wala akong alam dyan.”
“Kay Ayesha na rin po ako.” Sabi ko sakanila. May tiwala ako sa pinili ng master ko.
“Oo nga Ayesha. Kaya mo yan.” Nakangiti naman si Shontelle.
“Ay girl. Malaki ang tiwala namin dito kay Skye. Minsan lang magganyan yan. Osha, settled na. Si Ayesha ang leader natin.” Sabi naman ni Princess Sebby.
“Eh?! Hala! Wala akong alam sa mga ganyang bagay. Baka magfail lang tayo sa activity. Si Shontelle na lang o kaya ikaw Sebby.”
“Girl. Keribels mo yan. Fighting. Tsaka may tiwala sayo si Skye o. Go lang ng go. Wala na rin tayong time yaknow?” Pagcheecheer sakanya ni Princess Sebby.
“Time’s up. Leaders remain and the rest may go to room 5 located at the third floor. You may now construct your strategies, learn more about each other. Wait for further instructions.” Umupo si Mrs. Dammon sa upuan niya at hinintay ang mga leaders.
“Go Yesha! You can do it!” nagthumbs up si Shontelle sakanya.
“Pakitaan mo sila ng beauty mo girl.” Nagtapik baba naman si Princess Sebby na ang ibig sabihin ay maganda.
“Good Luck po Ayesha. Go go!” cheer ko din sakanya. Ngumiti siya samin ng alangin at parang kinakabahan.
“Girl, alis na kami. Ciao!” pagpapaalam ni Princess Sebby at lumabas na kami ng classroom. Iniwan si Ayesha sa tapat ng teachers table. Bago magsara ang pintuan, kinakausap na sila ng seryosohan ni Mrs. Dammon.
~~~**~~~
Pagdating namin sa room 5, agad agad kaming naghanap ng mapwepwestuhan. Dun kami umupo sa may bandang sulok para di kami mapansin. Nagkwentuhan kami tungkol sa strategy namin at iba pang abilities na maaaring gamitin sa activity mamaya. As usual, si Princess Sebby ang pinakamadaldal. Si Ms. Skye naman, nakasubsob sa may upuan at natutulog.
Maya-maya, may tatlong babae ang lumapit sa katabing upuan namin. Pumalakpak ng tatlong beses ang babaeng nasa gitna, sapat na para makuha ang atensyon ng mga tao sa loob ng classroom. Kulay dilaw ang buhok ng babae, may pagkakulot sa dulo at may pares siya ng cat ears. Tumingin siya sa dalawang kasama niyang kambal at nag-grin. Identical twins ang mga ito at pati suot ay parehas.
Nagulat na lang kami ng dahan-dahang ibinuhos ng babaeng dilaw ang buhok ang red wine na hawak niya sa babaeng nakapwesto sa table na kasalukuyang nagbabasa ng makapal na libro. Mangiyak-ngiyak ang babae dahil sa ginagawa sakanya pero wala siyang magawa. Pati mga kasama niya, tinitignan lang siya.
“How pathetic.” Sambit nung babae nang maubos ang red wine. Nagtatawanan lang ang kambal na kasama niya sa likod. Tuluyan nang umiyak ang babaeng nagbabasa ng libro.
“Ay kaloka tong haliparot na to ha. Masampolan nga.” Anang ni Princess Sebby. Tatayo na sana siya kaso bigla siyang pinigilan ni Shontelle.
“Sebby, no. Madadamay ka lang.”
“Eh girl! Look o. Nakakaawa si classmate natin. Hindi naman pwedeng tutunga-tunganga tayo habang kinakawawa siya ng mga lechugas na yan. We need action you know?” sabi ni Princess Sebby na atat na atat nang tumayo.
“Wag na. Please. You don’t know them. Hindi mo kilala kung sino ang makakalaban mo. Baka kung ano pa ang mangyari sayo.” Pagmamakaawa ni Shontelle.
“Princess Sebby. Mas maganda po kung susundin natin si Shontelle. Umiwas po tayo sa gulo.”Sabi ko rin kay Princess Sebby. Mahirap na, first day na first day, guidance ang bagsak namin.
“Kung ayaw niyo, di wag. Basta ako, I’m going to help that poor girl.” Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Shontelle sakanya at nagdirediretso kung nasaan ang mga babae. Susundan ko sana siya kaso nagsalita si Ms. Skye.
“Let him.” Wala kaming nagawa kundi ang manood.
“Hey you! Girl with pancit canton hair! What do you think you’re doing?” nagpamewang si Princess Sebby at tinaasan ng kilay ang babae.
Umabante naman ang isa sa kambal at tinuro si Princess Sebby. “And who do you think you are talking to our queen like that?”
Ngumiti si Princess Sebby ng malapad sa kanila at dahang dahang umikot sa pwesto niya. Parang pinagmamalaki niya kung ano ang meron siya at gusto niyang masilayan ito ng mga tao sa loob.
“Me? Ako lang naman ang nag-iisang diyosa na sasambahin mo.” Mataray na saad ni Princess Sebby na ineemphasize ang DIYOSA.
“Diyosa? Saan banda?” This time yung isa naman ang umabante. Yung kambal na ang kalaban niya.
“Mula ulo hanggang paa. E ikaw…” dahan dahan siyang lumapit papunta sa kambal at tinignan ito mula ulo papunta sa paa at bumalik ulit sa ulo. “…Mula ulo, mukhang paa.”
Nagtawanan ang mga tao sa loob ng classroom. Napahiya ng sobra ang kambal kaya hindi nila napigilang magalit.
“YOU!” sabay nilang sambit at sa isang iglap, nagtransfrom na sila sa kanilang monster form. Isang serpent.
“We’ll kill you!” galit na galit na sabi ng kambal. Nilabas nila ang kanilang espada at aktong susugurin na nila si Princess Sebby nang pinigilan sila nung babaeng dilaw ang buhok.
“Enough. Haylee. Kaylee.” Malakas na pagkakasaway nito. Agad napatigil ang kambal at bumalik sa likod nung babaeng dilaw ang buhok.
“Patawad po Queen Xianna.”
“Hindi na po mauulit.” Nakayuko ang kambal habang humihingi ng patawad sa babaeng dilaw ang buhok.
“So Xianna pala ang pangalan mo pancit canton. What a lame name.” pang-aasar pa ni Sebby.
“Queen. Sabihin niyo lang po at papatulan namin siya.” Sabi nung isa sa mga kambal.
“Edi patulan mo. Papalag ako no at patatalbugin ko ang mga beauty niyo papunta sa Bermuda Triangle.” Paghahamon ni Sebby.
Nanlilisik na ang mga mata ng kambal pero pinigilan sila ni Xianna. Tumingin ito kay Sebby at nalipat saamin sabay ngumiti ng nakakatakot.
“Let them be. Let’s see what they can do in the activity. I’m sure they will beg for my mercy when we already show them who we are. Brace yourselves.” Saktong pagbukas ng pinto ay iniluwa ang limang leaders kaya naman bumalik agad ang mga estudyante sa kani-kanilang tables. Tinalikuran naman si Princess Sebby ni Xianna pati na rin ang dalawang kambal na kasama nito kaya bumalik na rin siya sa table namin na iritang-irita.
“Makapag-english naman yung frogletus na yun. Kinaganda niya na yun? Kaloka.” Iritang-iritang sabi ni Princess Sebby.
Kinawayan ni Shontelle ang bagong dating na si Ayesha. Agad agad na lumapit ito saamin.
“Guys. Evacuate tayo sa ibang room. Dun ko na lang ieexplain yung mechanics.” Sabi niya kaya tumayo na rin kami at lumabas ng room 5.
Hindi naman kalayuan ang room na pinuntahan namin. Pagpasok ay simpleng classroom lang, hindi ganun kalaki pero hindi rin ganun kaliit. May sampung silya ang nandun at isang table. Agad kaming umupo sa pinakaharap para masimulan na ang gawain. Pumunta sa may table si Ayesha at inilabas niya ang kanyang laptop na may 3D na mapa.
“Before we start, may feeling ako na may nangyari habang wala ako. Mind sharing it?” sabi niya, eyeing Princess Sebby.
“Aynako. Naloloka ang beauty ko sa frogletus na yun. Waley ako sa mood magshare. Basta kelangan nating manalo.” Sabi ni Princess Sebby.
“Tabitha? Kindly tell what happened back there.” Nakangiti niyang sabi sakin.
“Kasi po kanina may tatlong babae pong lumapit dun sa katabing table namin tas tinapunan niya po ng red wine yung babae. Tapos hindi po nakapagpigil si Princess Sebby kaya nagtarayan po sila nung tatlong babae.”
“Wait. Three girls? Don’t tell me—“ napatigil si Ayesha sa sasabihin niya ng biglang sumabat si Shontelle.
“Monster Divas.”
“Oh no. This is a big problem.” Napahawak sa noo niya si Ayesha na parang problemadong problemado.
“Yesha. Nasabihan tayo ng Brace Yourselves.” Dagdag pa ni Shontelle.
“Sino ba kasi yang mga frogletus na yan?” tanong ni Princess Sebby.
“Halos lahat ng nasa Special Monster Class ngayon ay galing sa Little Monster Academy o ang primary education ng Monster Academy. Exclusive lang to sa mga monster na malalakas talaga at kilalang-kilala. Limang taon kaming nag-aral dito, at karamihan sa mga kaklase natin ngayon ay kaklase namin dati. Isa na rin dito ang grupo nina Xianna o mas kilala bilang Monster Divas. Halos lahat kami ay natatakot sakanila dahil unang-una sa lahat, ang pamilya ni Xianna ay isa sa mga pinakamalalakas na halimaw dito sa monster world at isa rin sa pinakamayayaman. Kaya hanggat maaari ay umiiwas kami sakanila dahil ayaw naming madamay ang reputasyon ng pamilya namin.” Pagkwekwento ni Ayesha.
“At lahat ng nasasabihan nilang tao o grupo ng ‘Brace Yourselves’, sinisigurado nila na pababagsakin nila ang grupong iyon hanggang sa magmakaawa ang mga ito. Hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha ang gusto nila.” Dagdag pa ni Shontelle.
“Sila na po ba ang grupo na pinakamalakas sa Special Monster Class?” tanong ko.
“Not really. Sa ngayon, hindi pa natin alam dahil may mga bagong salta sa klase natin katulad ninyo. Atsaka isa pa, kung may mas lalakas pa sa grupo nila, ang grupo nina Zeke iyon. Even our teachers sa Little Monster Academy ay hindi sila kinaya. They’re dangerous.” Sagot ni Shontelle sa tanong ko.
“Ang mabuti pa, mamaya na lang natin pag-usapan yan. Sa ngayon, kelangan nating gumawa ng strategy para sa activity at para mapaghandaan na rin natin ang banta ng Monster Divas.” Sabi ni Ayesha.
“C’mon girls. I think this is going to be fun. Let show them what we can do.” Princess Sebby said with a grin in his face.
Monster Divas. Beware. Here we come.
~~~**~~~
AN :))
Dedicated sa isa pang masipag na reader neto :3 Hi Liaaa~ Si Zen ha xDD LOL
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top