Mission: Night Kingdom

Keep Safe Philippines.

Chapter 25

Mission: Night Kingdom

The Music Puppeteer, The Dancing Phoenix and The Art Illusionist

~~~**~~~

Meanwhile, in the Monster Academy..

~Aizen’s POV~

“Ice-nee-chaaan~ antayin mo ko!,” rinig na rinig ko yung boses ni Yuuki habang naglalakad ako sa hallway. Tumigil ako saglit para makaabot siya sa akin.

“Pupunta ka rin kay Secretary Reodica?,” tanong niya nang maabutan niya ako. The usual Yuuki, may hawak na burger, fries and cokefloat habang kumakain ng marshmallows. Kung iimaginin niyo, hindi niyo talaga maiimagine. Joke. Ganyan katakaw si Yuuki.

“Oo. Pinapatawag daw ako e. Hindi ko nga alam kung anong meron. Pupunta ka din?,” she nodded. Inoffer niya sakin yung pagkain niya pero umiling na lang ako. Jusko, kulang pa sakanya yan.

Sabay kaming naglakad papunta sa portal na maghahatid sa amin papunta kay Secretary Reodica. It’s been three days since umalis sina Tabitha sa Academy. At sa loob ng three days, wala kaming ginawa ni Yuuki kundi kumain at kumain at kumain.

Pero syempre joke lang yon. Sa loob ng three days, hindi namin aakalaing sasabak kami sa isang intense training kasama ang mga Upper Monster Class. Itong training na ito ay nagsilbing activity na rin namin. My brother, Neo Kagame, dominated the training at siya ang nagtop sa overall ranking. Of course, bilang kapatid niya, I got the second. Shikuri Suzumiya, the Dancing Phoenix got the third and Yuuki Sakkaku got the fourth. The rest, sinundan na ng iba pa naming classmates.

“Wait lang nee-chan, ubusin ko lang to,” nagkakandarapa si Yuuki sa pagkain niya dahil nasa tapat na kami ng portal. Lamon kung lamon e. Ilang segundo lang at nagpakawala na siya ng malakas na dighay.

“Ahehehe. Sorry,” nahihiya niya pang sabi.

Pumasok na kami sa loob ng portal at awtomatikong dinala kami nito sa isang malaking kwarto na napapalibutan ng kulay asul na mga bagay. Secretary Rizzio Reodica is a blue lover. Magmula sa tali niya sa buhok hanggang sa sapatos niya, lahat ay kulay asul. Magsusuot lang siya ng ibang kulay kung lalabas man siya ng kanyang office o ng academy.

Sa loob ng kanyang office room, nadatnan namin silang magkausap ni Shikuri Suzumiya, ang Fire Dragon at si Ms. Rizzio. Base sa kanilang ekspresyon, mukhang seryosong seryoso ang bagay na pinag-uusapan nila.

Tumigil sila sa pag-uusap nang makita nila kaming dalawa ni Yuuki. “Nandito na pala kayo. Have a sit,” iminosyon ni Ms. Rizzio ang dalawang upuan sa tapat niya na katabi naman ni Shikuri. Mabilis na sumunod kami ni Yuuki sa pag-uutos niya.

“Pinapatawag niyo daw po kami,” sabi ko. Inayos ni Secretary Reodica ang kanyang blue eyeglasses at may kinuhang mga papeles. Inabot niya ito sa amin at sabay naming binasa ni Yuuki.

“ANO?! May foodfight ang Night Kingdom at Sirenade Empire?!,” gulat na sigaw ni Yuuki. Tignan mo tong babaeng to, foodfight talaga ang term para sa war ng dalawang Kingdoms. Pero Sirenade Empire?

“Diba, yung Sirenade Empire ang kaharian nina Shontelle at Ayesha?” tanong ko. Naalala ko to dahil sa crest na nasa flag na nakita ni President Jenkyl sa Papilio Imperil. Ito yung kaharian na umubos sa mga paro-parong nagbabantay sa red ranunculus. Inimbestigahan namin ito at nalaman namin na sa kahariang ito kabilang sina Shontelle, Ayesha at pati na rin si Nerd.

“Exactly. Ang Sirenade Empire din ang mahigpit na kalaban ng Night Kingdom. Sa ngayon, nabalitaan ko na kumikilos na ang Sirenade laban sa aming kaharian," ramdam ko ang kaba ni Shikuri but she tried to hide it through her emotionless face.

"Ano daw ang kanilang kailangan?," Yuuki asked. Tama. Hindi naman aatake ang Sirenade Empire kung wala itong kailangan sa kanilang kaharian. Maraming bagay ang pumasok sa isip ko. Wealth? Land? Authority? Power?

Pero sa ganitong klaseng sitwasyon, iisa lang ang may malaking posibilidad. With the group of Shontelle, Ayesha and Nerd at sa mga recent activities nila. 

Panigurado, may kinalaman ito sa Dark Reapers, kay Phelestien at sa Zephyr Stone. Ang resurrection.

"The body of the Five Dark Reapers. Sa ngayon, sa unang labanan sa pagitan ng dalawang kaharian, nagawang kuhain ng Sirenade Empire ang tatlo sa limang katawan ng Dark Reapers," Ms. Rizzio answered. Oo nga pala, ang Night Kingdom ang napag-utusang magtago ng limang katawan ng Dark Reapers. Sa pagkakaalam ko, sa iba't ibang lugar nila itinago ito. The Kingdom has the duty to keep the secrets and protect the corpses of the Dark Reapers. Ang mga bangkay na ito ay hindi man lamang masunog o madispatya. It seems like they were protected by some kind of spell na hindi mawari ng academy. Kaya minabuti na lang na itago ito at ilayo sa masasamang kamay.

"The Kingdom is already asking for help. Hindi nila aakalaing lumakas ang Sirenade Empire sa loob ng ilang taon," Secretary continued. To think that the most powerful kingdom already needs the Academy's help, paniguradong isang madugong labanan talaga ito.

"According sa investigation na isinagawa ng troop ko, there's someone behind the Sirenade Empire that supports them. Ito daw ang dahilan kung bakit mas dumoble ang lakas nila ngayon. Though hindi pa namin kilala kung sino ito, iisa lang ang pwedeng mahinuha. Itong taong ito ang mastermind ng lahat. Siya din ang may kagustuhan na mabuhay si Phelestien. And to think he did all of this, he possesses one hell of a power," Shikuri reported. Mukhang alam ko na kung saan patutungo ang usapang ito.

"Mission: Night Kingdom?," I smiled. Panibagong misyon na naman. Panibagong adventure. Dapat lang! Hindi kaya ako nakasama dun sa misyon nila sa Papilio Imperil. Sayang naman ang beauty at lakas ko no. Tsaka baka makahanap din ako ng prince charming dun! Yung kasing talino at gwapo ni L from Death Note. Haaaaay.

"Right. Kayo ang napili ng Council para isagawa ang mission na ito. Dapat makakasama niyo si Neo pero may iba pang pinagawa sa kanya ang council. In three days time, magsisimula na ang ikalawang labanan sa pagitan ng mga kaharian. Plano na nilang kunin ang natitirang dalawang katawan ng Death Reapers. This time, gusto ng council na dalhin niyo ang mga ito sa bago nitong pagtataguan. You shall be the guardian of these two corpses. Gusto nilang makarating ito ng safe sa bago nitong lokasyon," Ms. Rizzio instructed. Sinabihan niya din kami na ilang oras na lang ay dadating na ang sundo namin galing sa Night Kingdom. Maaga niya kaming dinismiss sa meeting para makapaghanda kami agad.

Now this is going to be fun.

~~~**~~~

"Yuuki! Tapos ka na ba? Nandyan na sundo natin!," sinadya ko pa talaga si Yuuki sa suite niya dahil inabot na kaming dalawa ni Shikuri ng thirty minutes sa pag-aantay. Ano ba kasing ginagawa nitong babaeng to?

Pwersahan ko na sanang bubuksan ang pinto nang biglang bumukas ito at tumambad sa aking ang tatlong malalaking bagahe. Halos hindi na nga ito magkasya papalabas ng pintuan e.

"Sumimasen (Sorry), nee-chan. Ready na ako!," excited na sabi niya. Bukod sa tatlong malalaking bagahe kanina, may dalawang backpack pa na halos sasabog na sa sobrang dami ng laman ang nakasukbit sa harap at likod niya. Yung totoo? Buti hindi niya naisipan dalhin yung buong apartment sa Night Kingdom sa sobrang dami ng dala niya.

"Bakit ang dami mong dala? Anong laman yang mga yan?," hindi makapaniwalang tanong ko. Isipin mo na lang kasi, limang malalaking bagahe dala ng isang maliit at cute na bata. Kung iimaginin niyo, hindi niyo talaga maiimagine.

"Para ready ako! Girl scout ata to. Yung tatlong malalaking bagahe, puro pagkain. Tapos itong backpack sa likod ko, mga damit ko at mga kailangan ko sa panglaban. Yung backpack naman sa harap, pagkain ulit," ang laki ng ngiti sa mukha niya. Kung hindi lang talaga cute tong batang to, kanina ko pa to binatukan.

"E pano mo dadalhin lahat ng yan? Iwan mo na yan!,"

Nagpout siya at napakamot sa ulo. Bigla siyang ngumiti na parang nakaisip ng bright idea. May kinuha siya sa bag at ngumisi ng malawak.

"Nee-chan, gusto mo?," ibinalandra niya sa harap ko ang isang MALAKING PACK NG POPCORN. Mabilis na kinuha ko ang dalawang bagaheng puno ng pagkain.

"Tara na. Kanina pa tayo inaantay ni Shikuri. Ambagal mo kasi e," narinig ko pa siyang nag-Yes at tumawa. Kung hindi lang talaga dahil sa popcorn na yun, Nako!

Hindi pa man kami nakalayo ay sumigaw si Yuuki na may nakalimutan daw siya. What is it this time? Hindi naman siya nagtagal. Lumabas na si Shikuri na may hawak-hawak na itim na notebook at pilit pinagkakasya sa loob ng kanyang bag.

"Ano yun?," tanong ko sakanya nang makalapit siya sa akin. Mabilis na umiling siya at sinabi niyang wala. Hindi ko na lang di pinansin at nagpatuloy na lang kaming maglakad papunta sa sundo namin.

Pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa notebook na iyon. Lalo na ng mabasa ko ang naka-imprint na golden letters sa harap.

'Pen and Ink'

~~~**~~~

Inabot rin kami ng isang araw sa paglalakbay. Hindi ko inakalang ganun kalayo pala yung Night Kingdom. At sa loob ng isang araw, naubos na ni Yuuki yung laman ng isang bagaheng puro pagkain.

Nakapagplano na rin kami sa misyon na gagawin namin. Hihintayin na lang namin ito kung ito ay effective o hindi.

"Mga nee-chan! Tignan niyo! May fiesta!," nakadungaw si Yuuki sa labas ng bintana. Sumilip na rin ako at bumungad sa aking ang masayang aura ng mga tao. Nagtatawanang mga bata, makukulay na banderitas, mga magulang na nagbabatian sa isa't isa. Pati ang mga hayop dito ay masaya kasama ang kanilang mga amo. Halos di mo na maipinta ang kasiyahan na nakaukit sa kanilang mga mukha.

Mahirap isipin na maaaring sa mga susunod na araw, mabubura na sa mundong ito ang kanilang mga ngiti.

"Parang walang digmaan no?," malungkot na sabi ni Shikuri habang pinagmamasdan ang mga kababayan niya.

Nagulat pa kami ng itinuro kami ng isang bata. "Nanay! Nanay! Yung Captain oh! Si Captain Shikuri bumalik na! Nandito siya! Nandito!," masiglang sabi niya habang hinahabol ang kalesang sinasakyan namin.

Nagsilingunan ang mga tao sa amin at binigyan kami ng matatamis na ngiti, sinabuyan ng mga bulaklak at may iba pa ngang hinabol pa talaga ang kalesa namin maibigay lang ang prutas na hatid nila.

"Hello! Hello sa inyo! Konnichiwaaa~ Hi! Hello!," bati  ni Yuuki sa kanila pabalik. Ngumiti ako at ginaya siya na bumabati na rin sa kanila. Pati si Shikuri, tahimik na kumakaway.

Maya-maya, nakarating na rin kami sa palasyo ng Shey Family. Sinalubong kami ng mga knights ng Night Kingdom, kasama na dito ang mga troops na pinamumunuan ni Captain Shikuri Suzumiya, mga iba't ibang prinsipe at prinsesa na nakatira sa Night Kingdom, mga maids and butlers at iba pa.

Pinapunta kami ng isang kawal doon sa throne room kung saan nandoon si King Nicholas at Queen Sakura, ang mga magulang ni Princess Kaguya. Pagbukas ng isang malaking arch-like door ay tumambad sa amin ang red carpet fit for the royalties. Mga mamahaling chandeliers, naglalakihang statues, golden gadgets, towering pillars at iba pa. Ganito pala talaga ka-bongga sa isang palasyo.

"Your highness," lumuhod si Shikuri at tumungo nang makalapit kami sa hari at reyna. Ginaya namin siya ni Yuuki bilang pagbibigay galang na rin sa mag-asawa.

"Maligayang pagbabalik, Suzumiya. Magandang araw naman sa inyong dalawa," pagbati ng hari. 

"Kamusta na si Kaguya?," puno ng pag-alala ang mukha ni Reyna Sakura.

"Wag ho kayong mag-alala. Nasa mabuti po siyang kalagayan. Ang presidente ng Monster Class na si Jenkyl Faelivrin ang nagbabantay sakanya ngayon. Makakaasa po kayo sakanya," buong paggalang na sagot ni Shikuri.

"Kung ganoon, magpahinga muna kayo. Mukhang nanggaling kayo sa isang nakakapagod na biyahe. Nakahanda na ang inyong mga kwarto. Mamayang hapunan na lag tayo mag-usap," nakangiting sabi ng hari.

"Uhh.. may pagkain po ba kayo? Nagugutom na po kasi kami," siniko ko si Yuuki. Tignan mo to, puro pagkain ang nasa isip. Nagulat kami ng tumawa ang hari.

"Oo nga pala. Bakit hindi muna kayo kumain at pagkatapos ay tsaka kayo magpahinga," pumalakpak ang hari at lumabas ang isang maid. "Maghanda kayo ng kakainin. Yung magugustuhan ng ating mga bisita."

Mabilis na tumalima ang maid at iginiya kami sa dining hall ng palasyo. Matapos naming kumain ay nagpahinga na kami sa kanya-kanyang kwarto para makapaghanda mamayang gabi.

~~~**~~~

"Gusto kong makilala niyo ang isa sa mga prinsipe dito at ang pinakamagaling naming kawal maliban kay Suzumiya. Siya ang isa pang makakasama niyo sa pagsasagawa ng misyon," pumasok ang isang lalaking kasing edad lang namin. Kakatapos lang naming kumain ng hapunan at nandito kami ngayon sa Strategy Area ng palasyo kasama ang hari, ang ilang mga generals at yung lalaking pumasok.

"Hi. Name's Lancer. You are?," nakangiting tanong niya at inabot niya sa akin ang kamay niya para makipagshake-hands

"Nee-chan, gwapo oh. Type ka ata," nagwink pa sa akin si Yuuki. Alam ko! Jusmeyo, siya na ba ang prinsipe ng buhay ko? Siya na ba si L na nagkatawang tao-- este halimaw pala at napunta sa mundong ito? To think of it, L din ang simula ng pangalan niya.

I tried to calm myself down and grab his hand. "Aizen Kagame from Monster Academy. My friends usually call me Ice," I answered back.

"I'm Yuuki!" cheerful na sabi naman ng batang nasa likod ko. Pinaupo na kami ng hari at sinabi ni Shikuri ang nagawa naming plano.

Simple lang naman ang plano. Imbes na dadalhin namin ngayon gabi ang mga bangkay sa bago nilang lokasyon, bukas ng tanghali namin ito gagawin. May mga decoy na inassign si Shikuri para magsagawa ng kunwariang 'Corpse Transportation' dahil inassume namin na alam ng kabilang kaharian ang tungkol sa pag-alis namin ngayong gabi. Bukas ng tanghali, sasabay kami sa mga tao na mag-eevacuate sa kabilang parte ng kingdom kung saan malayo sa digmaan. Mas mahirap kasi kaming ma-track kung makikihalubilo kami sa maraming tao. Isa pa, apat lang kami na magsasagawa nitong misyon. Mas madaling gumalaw kasi kapag konti lang kayo. Mas madaling makapagsagawa ng teamwork.

"Instead of taking the normal route, we'll go to the dangerous yet shortest one," matapang na sabi ni Shikuri. Ito na ang pinaka-alas namin at ito rin ang pinakadelikado sa trabaho namin. Fifty-fifty ang tsansang makalabas kami dito ng buhay. Pero may tiwala ako kay Shikuri. Alam kong hindi niya kami ipapahamak.

Nagkaroon ng debate tungkol sa daang tatahakin namin. May mga sumang-ayon, may mga hindi dahil nag-aalala sila na kung hindi kami makalabas ng buhay, baka mawala na sa possession ng kingdom ang mga natitirang katawan. Naging maingay sa Strategy Room. Nagsisimula na kasing magsigawan ang mga Generals. Hindi ko sila masisisi dahil nagpapanic na rin siguro sila sa digmaan na ito.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Shikuri at humampas ng malakas sa malaking bilog na lamesa kung saan kami ay nakapalibot. Awtomatikong napatahimik ang mga kanina pang nagbabangayan na Generals.

"Eleven years of service. Hundreds of dangerous missions. Countless numbers of life-risking strategies," hinarap niya ang mga Generals at tinitigan sila sa mga mata. "I never failed a single one and yet you still doubt me."

Silence filled the air. Sa huli, nagsalita na rin si King Nicholas na kanina pa tahimik at nakikinig sa aming usapan.

"The girl's right. We will pursue this. Let's put our faith in the four soldiers for I believe that they will succeed in this mission. After all, they will be lead by my strongest warrior, the Dancing Phoenix," nakangiting sabi ng hari.

"Get yourselves ready. We have a battle to win," King Nicholas said and left the room determined to finish the Sirenade Empire.

~~~**~~~

~Yuuki's POV~

"Oyasuminasai, Shikuri-nee-chan, Ice-nee-chan."

"Good night" sabay pa nilang sabi. Waaa~ Ang cu-cute talaga ng mga big sisters ko. Parang ako lang. Pero syempre mas cute ako kesa sa kanila.

Pumasok na ako sa room ko filled with cute and fluffy and cute and fluffy and cute and fluffy and cute and fully stufftoys. I jumped into my bed at nag-fly yung mga feathers na nakalagay dito. Waaaa~ kawaiii~

I got up. Yuuki's not sleepy yet. Kinuha ko yung bag ko na puno ng pagkain at kumuha ako ng chocolate bar. My favorite. Yum yum!

Buti nga, kahit anong gawin kain ko, hindi ako tumataba. Because Yuuki is so cute and fluffy and cute and fluffy and cute and flu-- tama na nga. Ang hyper ko nanaman. Hihi.

Yuuki is really nervous for tomorrow's mission. Hindi dahil mahina ako or what. Ang lakas ko kaya! But I'm nervous kasi mawawala nanaman ako sa sarili ko. When I fight, I'm not the cute and fluffy and adorable Yuuki anymore. I'm Yuuki the fierce and beautiful art illusionist. Rawr!

Pagkatapos kong ubusin yung chocolate bar, kumuha pa ako ng isa. At isa pa. At isa pa. At isa pa. At isa pa. Chocolates are like drugs, nakaka-addict sila. Yum!

Nung wala na akong makapang chocolate bar, bumalik na ako sa kama. Baka pagalitan ako ni Ice-nee-chan bukas kapag late ako nagising. Wawa naman si Yuuki the cute and fluffy and adorable kid.

Bigla kong naalala yung notebook na muntik ko nang maiwan sa suite ko. I got up fast and fished inside my bag. 

"Waaa~ akala ko kung ano nang nangyari sayo," I hugged my notebook. Tinignan ko ito at dito nakasulat ang title ng notebook in golden imprints.

'Pen and Ink'

I remembered my mom talking about this notebook. She gave me this when I was 5 years old. She told me that whatever happens, I need to protect this notebook.

I remember pa when she said na sa notebook na ito, nakasulat ang future ng world namin. Mga future na mangyayari katulad na sabi nila. And the most important thing written in this notebook is the resurrection spell that the Dark Reapers needed to wake Phelestien the bakulaw. Ugh! I hate him! Pero Mom said na I can't open this notebook and read what's inside. She warned me na wag ko daw ipapahawak o ipapabasa man lang sa iba. Wag daw bubuksan.

Because when I do..

Yuuki can no longer eat her food because she will die.

~~~**~~~

AN: Yeah, so simula na ata to ng plot. Kaya siguro tigil muna ng pag-uupdate dito. Or pwede ding pabilisin ko ang update para matapos na. Aish! Hindi ko alam! Bahala na T^T HAHAHA basta aayusin ko muna yung plot.

Meanwhile, habang nag-aantay kayo ng update. Try reading my other story entitled 'Beat'. Nag-eeksperimento ako dun e. Sinusubukan kong lagyan ng romance :)) So yeah, kung may time at trip niyo, basahin niyo. :)

Tulungan niyo ko. May mga tanong ba kayo tungkol dito sa story. Yung mga mysteries na gusto niyng masagot at hindi ko matandaan na nailagay ko pala yun dun. Alam niyo naman, mahilig ako sa on the spot kaya kung ano-ano nang pinaglalagay ko. Nalilihis na nga yung storya e. Pinag-tritripan ko na lang. xD

Anyway, Salamat sa pagbabasa :)) Salamat sa votes and comments. Sa mga dedications. Sa mga nag-follow. Salamat sa suporta. <3

Dedicated pala sakanya. Salamat ng marami sa suporta mo sa MA at Beat. <3 Waaaa~ bibigyan kita ng Popcorn xDD HAHAHAHA

I'll be waiting for your questions. Thank you ulit *U*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top