Love Potion
Chapter 19
Love Potion
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“Last set, come into the field.” Pagtawag ni Coach. Tumayo na ako at pumunta sa field. Kasama ako sa tatlong nahuling estudyante na magte-take ng activity. Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko.
“Let’s do our best.” Narinig kong sabi ni Jenkyl.
Si Jenkyl! Kinakausap niya ako!
“A-ah. O-opo.” Nagbow ako sakanya. Grabe, parang lalong dumoble ang kaba ko ngayong kasama ko pa siya. Ang isa sa mga halimaw pagdating sa sports especially sa Archery.
Jenkyl Faelivrin. Sino bang hindi makakakilala sakanya? Ang respetadong class president namin. Ang pinakamabait at may pinakamahabang pasensya sa amin. Palagi siyang nakangiti sa kabila ng mga nakakastress na problemang kinakaharap niya bilang Class President. Running for valedictorian din siya. Pero sa kabila ng almost perfect niyang katauhan, siya yung tipo na tao na you don’t want to mess with. Mahaba ang pasensya niya pero kapag sinagad mo, welcome to hell ka na.
Nginitian niya ako at sabay kaming naglakad papunta sa field.
“So for the last set we have Tabitha Klein, Jenkyl Faelivrin and Xianna Teschler. Students, get your bow and arrow.” Muling pag-iinstruct ni Coach. Kinuha ko yung silver na pair na bow and arrow na nakalagay sa gilid ko. Nagulat ako sa bigat nito.
“Ready.” Hinila ko pabalik ang arrow sabay itinutok sa dummy na nakatapat saakin.
“Power Aim.” Ito na. Napapikit ako at pilit na pinapakalma ang kapangyarihan ko. Sinusubukan kong isama ito sa pana na hawak ko ngayon.
Concentrate Tabitha Concentrate.
Breathe in.
Concentrate.
Breathe out.
“If you’re ready, then shoot.”
Breathe in.
Concentrate.
Breathe out.
Naramdaman ko na lang na lumulutang ako. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at iba’t ibang symbolo ang tumambad saakin. Mga puzzles, riddles at kung ano-ano pang mind games ang nakapaligid saakin. Napapikit ulit ako.
Naramdaman ko na ang mga simbolong kumapit sa pana na hawak ko. Binitawan ko ito at hinayaan ang mga simbolo na bigyang lakas ang pana.
“Tabitha Klein shot her arrow. Tabitha Klein, 5th circle.” Pag-aanounce ni Coach. Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman at tumama sa dummy yung pana. Yun nga lang e, pasang-awa ang makukuha kong marka.
Lumapit ako sa kinatatayuan ni Coach at tumayo sa tabi niya. Nakatutok ang buong atensyon ko sa dalawang natitira sa field.
Itinira ni Xianna ang pana niya. Parang may malaki at matutulis na claw ang humiwa sa seal nang tumama ang pana.
“Xianna Teschler, 3rd circle.” Announce ni Coach nang bumaon na sa dummy yung pana ni Xianna. Walang emosyon lang siyang umalis sa pwesto niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makahuma sa nangyaring pangongontrol sakanya nina Ayesha. Simula ng araw ng aksidenteng iyon, bihira lang magsalita si Xianna o mam-bully. Parang na-trauma siya sa pangyayari.
Nagulat na lang ako nang biglang bitawan ni President Jenkyl ang arrow niya. Parang may meteor ang nanggaling sa mga kamay niya. Nagbigay ng napakalakas na impact ng magtama ang seal at ang meteor.
“Ara ara.. Gomenasai, Coach-senpai.” Nakangiting sabi ni Jenkyl. Pano ba naman, nasira niya yung mga dummies. Take note: MGA. Ibig sabihin, nadamay yung dalawa pang dummies na nandoon. Ang lakas niya talaga.
Sinabi ni Coach ang mga katumbas ng marka ng mga circle na natamaan namin. Marami ang bumagsak dahil ni hindi man lang nasira ang seal na nakaprotekta sa dummy. Mabuti na lang at kahit papaano ay naka-5th circle ako.
~~~**~~~
“Bakla! Bakla! Open the door! OMG! Bakla!” patakbo akong pumunta sa pinto ng suite namin at pinagbuksan si Sebby. May nangyari ba at naghihysterical tong baklang to?
“Anong meron? May gulo ba? Anong nangyari?” natataranta kong sabi. Naramdaman ko din si Yuuki na nasa likod ko at ngumunguya pa. Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng hapunan.
Hingal na hingal si Sebby. Mukhang tumakbo siya papunta dito. Lalo tuloy akong kinabahan.
“Owiahahoaaii?” punong–puno ang bibig ni Yuuki kaya hindi ko siya maintindihan.
“Let me in first bakla.” Sabi niya at pinapasok ko naman siya. Dumiretso siya sa couch at pabagsak na umupo. “Tubig.. kelangan ko ng tubig.” Hingal na hingal na sabi niya.
“Mamaya na yang tubig mo. Ano bang nangyari?” natataranta na ako. Habang tumatagal, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
“Kase.. kase..” Pabitin pa tong si Sebby e.
“Kase?”
“Uwaaa~ Anong nangyari Onii-chan?!” namanage na ring sabi ni Yuuki.
“Kase..
..Ang ganda ko.”
Napa-face palm kaming dalawa ni Yuuki. Yung totoo?!
“Sebby..” I let out my warning tone. Ano nanaman bang pinagsasabi nitong baklang to?
“Joke lang mga bakla. E kase.. may natanggap na naman ako. Look o!” Itinaas niya ang isang letter na kulay Indigo. “Nakita ko sa labas ng suite ko. Ang creepy bakla!” himutok niya.
“Pfft~ HAHAHAHA. Another love letter for Sebby. HAHAHA.” Sabi ko. Kinuha ko yung letter sakanya. Sayang naman at baka itapon niya pa. “Hindi mo ba babasahin?”
“Hindi kaya ng beauty ko bakla. Babae siya, maganda ako. Hindi ko kaya.” Maarteng sabi niya. Yung totoo anong connect nung pagiging maganda niya?
“Ang arte nito. Yuuki!” ibinigay ko kay Yuuki yung letter. Binigyan ko siya ng nod at pumunta ako sa likod ni Sebby.
“O-oy. W-what a-are you going to do?” nagpapalipat lipat ang tingin samin ni Sebby. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Sebby.
“Bakla! hindi pa ako handa. Ayoko pa baklaaa~ Rape! Rape! Raaaaape!”
Binatukan ko siya. “As if naman Eusebio. Alam kong tatakpan mo ang tenga mo. Kaya sa ayaw at sa gutso mo, maririnig mo ang babasahin ni Yuuki. Gora na!”
“Ayoko! Ohh! My ears! My beautiful Eaaaaars!” nag-inarte pa ring sabi ni Sebby. Binatukan ko ulit.
“Nakakailan ka na Tabitha ha. Majojombag na kita.” Pagbabanta ni Sebby. Hindi ko na siya pinansin. “Simulan mo na Yuuki.”
“Ehem-ehem.. Mic test mic test.” Sabi ni yuuki doon sa microphone na hawak niya. Kung saan man niya nakuha iyon, hindi ko alam. Nagpakawala muna ng malawak na ngiti si Yuuki bago niya basahin ang sulat.
“Sebby my love..”
~~~**~~~
Sebby my love,
Did you receive my letter last time? I hope so. Did you know? It was written with love. My undying love for you :”””>
Love at first sight.
I didn’t believe in that actually. Until I met you. :”> I don’t know what happened but everytime I wake up from my sleep, your handsome face flashes into my mind. I couldn’t stop thinking about you.
And from that moment.. you already invaded my world.
Invaded my heart. <3
P.S. I know we are destined to each other :”> Daisuki Sebby my love <3
Currently inlove with you,
Airby (Air+Sebby=Forever)
~~~***~~~
“Kyaa!” Nagtatalon kami ni Yuuki sa sobrang kilig.
“Uwaaa~ Sebby-niichan. Kinikilig akooo~” naiiyak na sabi ni Yuuki.
“Magpakalalaki ka na nga Sebby!. Yie! Spell kinikilig? A-K-O!”
“Oh so ganon na pala spelling ng kinikilig ngayon ha Tabitha?!” mataray na sabi niya. Sus, kinikilig din yan sa inside eh.
“Kinikilig ka lang e.”
“OMG! Over my dead sexy gorgeous body!” tumayo si Sebby mula sa kinauupuan niya. “Ewan ko sainyo. HMP! Maganda ako, yun yon.” And nag-walk out na siya sa suite namin. Nagkatinginan lang kami ni Tabitha, nagshrug lang siya at nagtatalon na lang ulit kami sa sobrang kilig.
~~~***~~~
Twin Miller’s POV
“Xianna Teschler, 3rd circle” Todo palakpak ang kambal na si Haylee at Kaylee. Kahit kailan, magaling talaga ang Queen nila.
“Buti pa si Queen Xianna, nakathird circle.” Sambit ni Kaylee. Bumalik nanaman ang malungkot na atmospera sa dalawa. Hindi kasi nila nasira ang seal na nakaprotekta sa dummy
“Syempre, malakas ang Queen natin e. Kaya sa tingin ko, kailangan din nating magsanay para mapagmalaki niya tayong dalawa.” Buo ang loob na sabi naman ng kakambal ni Kaylee na si Haylee. Tumayo ang dalawa sa kinauupuan nila at tumakbo papalapit kay Xianna.
“Queen Xianna, ang galing niyo po talaga.” Inabot ni Haylee ang bote ng tubig na hawak niya kay Xianna. Tahimik na tinanggap naman ito ng dalaga.
“Oo nga po. Magaling na, maganda pa!” Proud na sabi naman ni Kaylee. “May gusto po ba kayo Queen? Nagugutom po ba kayo? Naghanda po kami ng pagkain.”
Pero malamig na tugon lang ang nakuha ng dalawa mula sa Queen nila.
“I want to go home.”
“Ah sige po Queen Xianna, ihahatid po namin kayo pauwi.” –Haylee
“Kami na po magbibitbit ng gamit mo.” –Kaylee
“I want to go home.. Alone.” Walang emosyon na sabi ni Xianna. Tuluyan nang naglakad palabas ang dalaga at iniwan ang kambal na malungkot.
“Kelan kaya babalik ang dating Queen?” napabuntong hininga na lang si Haylee. Hindi lingid sa dalawa ang nangyari sa reyna nila. Alam nila na kinontrol ito at nagkaroon ng trauma. At nalulungkot sila para sakanya.
“Wag kang mag-alala, maibabalik din siya.” Siguradong sigurado na sabi ni Kaylee. “Mababalik natin siya.”
“Anong ibig mong sabihin Twin?” tanong ni Haylee. Ngumiti naman ng pagkatamis tamis si Kaylee at may binulong sa kapatid.
~~~**~~~
“Sigurado ka ba dito Twin?” hindi pa rin mapakaling tanong ni Haylee kay Kaylee. Nasa harap sila ngayon ng isang kilalang shop. Ang Underground Potion Shop. Tumakas pa ang kambal mula sa academy para lang makapunta dito sa isang parte ng Monster Town kung saan nakatayo ang shop.
“Oo naman. Kapag nabili na natin ang Love potion na iyon, sigurado akong maiinlove si Zeke kay Queen Xianna. At boom! Masaya na ang Queen natin at babalik na siya sa dati!” excited na sagot ni Kaylee.
“Ang galing mo talaga kapatid! Kaya kapatid kita e.”
“Ewan ko sayo. Tara na, kanina ‘niya’ pa tayo inaantay.”
“Niya?”
“Oo. Yung nagbabantay sa shop na to. Kaya let’s go na.” Hinila ni Kaylee ang kakambal papasok sa kakaibang shop. Binuksan nila ang pinto at tumambad sa kanila ang isang matandang babae na nagbabasa ng isang makapal na libro.
Napaangat ang tingin ng matanda sa dalawa.
“Anong kailangan niyo mga binibini?” ngumiti ang matanda at nakita ang madidilaw na ngipin nito. Para siyang isang witch na kontrabida sa mga fairytale stories.
Umabante ng lakad si Kaylee. “A-ako po yung tumawag sa inyo kagabi. Yung nag-order po ng love potion.”
Tumayo ang matanda at pumunta sa mga bookshelves. May hinila siyang isang particular na libro at sa isang iglap, napalitan ang mga libro doon ng mga iba’t ibang lalagyan ng potions. May mga label na nakalagay dito. Kinuha ng matanda ang isang maliit na bote na may pulang likido at ipinakita ito sa dalawa.
“Effective ba yan?” tanong ni Haylee.
Ngumiti ulit ang matanda. “Ipainom o ipakain mo lang sakanya iyan. Mahihimatay siya at magigising pagkatapos ang tatlumpung minuto. Ang unang taong makikita niya ang siyang mamahalin niya.”
Napangiti ang kambal. Akmang aabutin na ito ni Kaylee pero biglang nilayo ito ng matanda. Inilahad ng matanda ang palad niya sa harap ng kambal.
“Ang bayad?”
Nagkatinginan ang kambal. Alam nilang mahal ang ganitong klaseng potion.
“M-magkano po ba?” tanong ni Haylee.
“150,000 exons.” Kalmadong sagot ng matanda.
“HA?! E ilang buwan na rin nating allowance yun ah!” gulat na sambit ng kambal.
“Kung ayaw niyo.. edi wag.” Ilalagay na sana ito ng matanda sa shelf pero pinigilan ito ni Kaylee.
“B-bibilhin po namin.” Nilabas ni Kaylee ang pitaka at naglabas ng pera. Ganoon din ang ginawa ni Haylee. Halos wala nang matira sa allowance nilang dalawa. Pero gagawin nila ang lahat para mapasaya ang Queen nila.
Inabot nila ang bayad sa matanda at masaya naman itong tinanggap. Nakuha nila ang potion at dali-daling umalis ang kambal sa shop na iyon.
~~~**~~~
[Kinabukasan]
“Twin kinakabahan ako. Baka hindi gumana yung plano natin.” Sabi ni Haylee. Nasa locker room sila ngayon. Sila lang ang tao dahil ang karamihan ay nasa canteen na dahil recess time ngayon.
“Ano ka ba. Huwag ka ngang nega. Isipin mo na lang na matutuwa sa atin si Queen pag nagawa natin ito.” Ibinato ni Kaylee sa kambal ang isang maid uniform. Katulad ito ng uniform ng mga maid na nagser-serve ng inorder na pagkain sa canteen.
“Suotin mo na yan. Madali lang naman tong gagawin natin e. Kukuhain lang natin ang inorder na pagkain ni Zeke, ilalagay ng patago yung potion at iser-serve sa kanya. Tapos!”
“Ang talino mo talaga Twin! Halika na nga at baka di pa natin siya maabutan.” Mabilis na nagbihis si Haylee at patagong pumunta ang kambal sa canteen.
Saktong nakita nila si Zeke na umoorder ng kanyang pagkain.
“Twin, game na. Ang plano wag kalimutan ha.” Sabi ni Haylee. “Nandito lang ako sa may entrance at naka-ready ang potion.”
“Sige Twin. Good luck sakin.” Pumasok na si Kaylee sa napakalaking kitchen room sa canteen. Itinago niya yung mukha niya sa pamamagitan ng buhok niya. Mahirap na at baka mapansin siya. Mabuti na lang at nagkakagulo sa buong canteen. Madami kasing nag-oorder ngayon since naubos na ang mga stocks na binili ng mga estudyante sa monster town.
Mukhang umaayon sa akin ang kapalaran. Mapapadali na ang trabaho ko.
“You there! Take this to central table. Ordered by Mr. Zeke.” Sabi ng matabang chef. Siya ata ang head chef dito e. Agad naman akong tumalima sa utos ni Big Chef. Kinuha ko ang plato na hawak niya at dali-daling pumunta sa pinagtataguan ng kambal ko.
“Twin, eto na.” pabulong kong sabi sakanya. Dali-dali naman niyang binuhos ang pulang likido hanggang sa maubos ito.
Pagkalabas ko, may nakasalubong akong isang maid. Umakto akong masakit ang tiyan. Mabilis naman niya akong inalalayan.
“Okay ka lang?” nag-aalalang sabi niya.
“Kelangan ko ng C.R. Pakiserve naman to kay Mr. Zeke of central table. Please.” Sabi ko. Matalino kasi si Zeke at baka mahalata niya na may kakaiba sa pagkain niya. Mahirap na, baka mabuko pa kami.
“Sigurado ka bang okay ka lang? Ihatid kita gusto mo?”
“Oo. Mas mahalaga tong order niya.” Inabot ko sakanya ang plato. “Sige na.” umalis ang maid at dali-dali naman akong pumunta sa kambal ko.
Hinila niya ako patago.
“Okay na.” sabi ko.
“Good. Now let’s see what’s going to happen.”
“Teka? Pano yung taong kelangan niyang unang makita? Pano natin gagawin yun?”
“I’ll take care of it my dear twin.”
~~~**~~~
Tabitha’s POV
Nakarinig ako ng malalakas na tili habang kumakain ng recess time. Awtomatikong napalingon ako sa center table. Andaming nagkukumpulan na babae dun. Pati yung mga staff ng canteen, nagtatakbo papuntang center table. Wala sa loob na napatayo ako at naglakad papunta sa komosyon.
Nagulat lang ako sa nakita ko.
“Girl, anong nangyari?” naramdaman ko si Sebby sa likod ko. Tumingin ako sakanya.
“Si Zeke at Ace.. nawalan ng malay.”
“O, anong ginagawa mo dyan? Gamitan mo ng healing powers teh! Bawal tayong mawalan ng gwapo!” natauhan ako sa sinabi ni Sebby. Mabilis akong nakisiksik sa mga fangirls na nandoon. Pagdating ko ay agad akong lumuhod at itinapat ang dalawang kamay ko sa ulo nina Zeke at Ace. Hindi ko na inalintana yung mga pinagsisigaw ng mga fangirls nila.
Nagconcentrate ako at nagsambit ng isang healing spell.
“Life shall be given. Eyes thy open.”
Pero laking gulat ko ng hindi sila nagising. Pinaulit-ulit ko ang spell pero ayaw gumana. Paanong nangyari?
“Ang mabuti pa ay dalhin natin sila sa clinic.” Sabi ni Kaylee. Yung isa sa mga kambal na followers ni Xianna. Pano ko nalaman na siya si Kaylee? Yung earrings nila. Star kay Kaylee at Moon naman kay Haylee.
Nagtanguan ang mga maid na staffs at agad na tinawag nila ang mga butler sa canteen. Pinagtulungan nilang buhatin ang dalawa. Nakasunod naman ang tatlo pang natitirang members ng Monster 5. Bago tuluyang lumabas, tinawag ako ni Ms. Skye.
“Come with us Tabitha, we might need you.”
Agad akong tumalima at sumunod si Sebby. “Sama ako. Yuuki! Ikaw na lang magpaalam sa teacher natin kung anong nangyari.” Sigaw pa niya kay Yuuki.
Hindi na namin narinig ang sinabi ni Yuuki dahil tuluyan na kaming nakalabas ng canteen.
~~~**~~~
“Ano ba kasing nangyari sakanya?” tanong ni Haylee. Hindi ko alam pero nandito silang tatlo nina Xianna at kakambal niya. Siguro nag-aalala sila sa dalawa lalo na si Xianna. Mukhang nababagabag siya sa nangyari kay Zeke.
“Hindi namin alam. Sa pagod at puyat siguro. Buong gabi silang naglaro ng video games e.” pageexplain ni Ice.
Pumasok si Nurse Lisa sa clinic. “Ang mabuti pa, bumalik na kayo sa klase niyo. Ako na ang bahala sakanila.”
Napansin kong sumipat sa relo niya si Kaylee. “Okay lang Nurse Lisa, mags-skip na lang kami ng klase. Hindi rin naman mapapakali ang Queen namin e.” napatingin ako kay Xianna. Parang wala siya naririnig at nakatingin lang siya kay Zeke. Mukhang nag-aalala siya ng husto.
Nagulat ako ng biglang nagsalita si Ms. Skye.
“I’ll stay.”
Hindi ko alam pero biglang may nasense ako na danger sa pananalita niya. Parang may kakaibang nangyari.
“Dito na rin ako. Sasamahan ko si Skye.” Sabi ni Neo.
“Ako din. Tinatamad akong pumasok e.” tugon naman ni Ice.
“Ahh hindi. Kahit kami na lang magbantay.” Sabi ni Haylee. Sinegundahan naman siya ng kapatid niya. “Oo nga. Tatawagin na lang namin kayo kung nagising na sila.”
Pero parang hindi narinig ang kambal. “Stay na lang din ako dito at pagmamasdan ang pagmumukha nitong dalawang gwapo.” Sabi ni Sebby.
“Walang aalis, edi dito na lang din ako.” Sabi ko.
“Ay hindi. Bumalik na kayo. Baka hanapin pa nila tayo.” Pagpupumilit ni Kaylee. Ano bang problema nila at gusto nila kaming paalisin?
“No worries. Pinasabi ko na kay Yuuki na nandito tayo sa clinic.” Nayayamot na sabi ni Sebby. Pumunta siya sa may table doon at kumuha ng tubig. Habang umiinom, may napansin siyang bola.
Kinuha niya ito. “Ang cute naman nitong ball.” Ibinato niya ito sa sahig para patalbugin pero laking gulat niya ng tumalbog ito ng pagkataas taas at papunta sa kinahihigaan ni Zeke.
Parang slow motion ang sumunod na nangyari.
Hinabol ni Sebby ang tumatalbog na bola dahil tatama ito sa mukha ni Zeke. Bigla siyang natisod sa maliit na upuan na katabi nung kama. Pipigilan sana siya ng kambal pero huli na. Nahulog si Sebby dire-diretso sa kama ni Zeke.
“NO!” sigaw ng kambal.
Biglang nagising si Zeke at tumambad sakanya ang mukha ni Sebby. Dali-daling tumayo si Zeke mula sa pagkakahiga niya at hinawakan sa magkabilang balikat si Sebby. Nagkatitigan sila.
“S-Sebby..” Namula ang mga pisngi ni Zeke. Napatingin siya sa ibang direksyon at parang nahihiya kay Sebby. Anong nangyayari?! Nagbublush ba si ZEKE? SI ZEKE? SI ZEKE?
Halatang gulat si Sebby sa mga nangyayari ngayon. Muling tumingin sakanya si Zeke at sumigaw ng pagkalakas-lakas.
“Sebby, I love you!”
~~~**~~~
Kaylee’s POV
“What the hell?!” –Ice
“Oh sht!” –Neo
“..” –Skye
“No!” –Haylee
“Patay tayo dyan.” –Tabitha
*stunned – Queen Xianna
Paanong nangyari yun? Nasa ayos naman ang plano ah. Panong?! AHH! Hindi pwede! Hindi!
Lumapit ako kay Zeke. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya kay Sebby.
“Tigilan mo na nga siya Zeke! Hindi siya! Hindi!” sigaw ko. Nagulat ako ng bigla niya akong tinignan ng masama at tinulak ng malakas. Akala ko mahuhulog ako sa sahig pero nasalo ako ng isang malambot na kama.
Kama ni Ace.
Hindi ko alam kung anong meron pero bigla akong napatingin sakanya.
At sa di inaasahan..
..nakatingin na rin siya saakin.
“Kaylee.. you’re so beautiful”
HOMAYGAD! A dream come true!
~~~**~~~
AN :3 Pasensya na. Ako ay namemental block. Sana nagustuhan niyo. Salamat sa pagbabasa :)
Dedicated sa kapatid ko. Mga descendants kami ni Mavis. :3 Salamat kapatid sa suporta. Lumabas na rin character mo! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top