Last Butterfly

Chapter 21

Last Butterfly

~~~**~~~

~POV~

“Sino ka?” malakas ngunit nakangiting tanong ni Jenkyl, ang class president ng Special Monster Class.

Ngumiti ng nakakatakot ang babaeng kaharap nila.

“Anastasia, The Queen of the Butterflies.”

Nagulat ang grupo sa kanilang narinig. Oo, inasahan nilang makakalaban ang tagapamahala ng lugar na ito pero hindi nila inakalang ganito kaaga. At ang isa pang ikinagulat nila ay ang hitsura nito. Pawang itim at pula lang ang makikitang kulay sa pakpak nito. Malayong-malayo sa dating napakaganda at napakakulay nitong mga pakpak na animo’y nakahigop ito ng bahaghari. Napansin ng grupo ang gutay-gutay nitong mga damit, mga gasgas sa maputi at makinis na balat at ang mga dugo sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Mukhang napasabak sa isang labanan ang reyna bago sila.

“I would never let you harm my kingdom again.” Madiin at determinadong sabi nito. Walang anu ano’y umilaw ang mga pakpak nito at nagsimula siyang umikot sa ere. Mabilis na kumuha si Jenkyl ng tatlong pana at tumakbo papalapit sa reyna. Sinundan naman ito ni Shikuri na bumuga ng isang napakalaking bolang apoy sa harap ni Jenkyl. Dinasalan muna ng archer ang kanyang mga pana bago ito tuluyang pinakawalan sa bolang apoy. Umikot-ikot ang tatlong pana habang papasok sa apoy, hinihigop ang kapangyarihan ng naturang elemento. Nawala sa ere ang elemento at mula dito, isang naglalagablab na bulalakaw ang mabilis na papunta sa reyna kung saan patuloy pa rin itong umiikot.

Hindi pa man nakakalapit ang bulalakaw sa reyna, tumama na ito sa isang invisible shield. Nagdulot ng kuryente ang pagtama ng dalawa hanggang sa tuluyang nawala na parang bula ang naglalagablab na bulalakaw.

Bumagsak sa lupa ang bali-baling tatlong pana ni Jenkyl. Kasabay nito ang pagtigil ng pag-ikot ng reyna. Humupa na ang ilaw sa mga pakpak nito na mas dumoble ang laki kesa sa orihinal. Nagkaroon ng mga namumuong kuryenteng bilog sa harapan ng pakpak nito.

Sa huling pagkakataon, ngumiti ulit si Anastasia sa kanila. Isang nakakapanindig-balahibong ngiti na mangagaling sa reyna ng mga paro-paro.

Pumwesto ang limang miyembro ng grupo. Alam nilang hindi magiging madali ang labanan na ito.

~~~**~~~

Pabagsak na humiga si Shontelle sa kanyang kama. Balot sa benda ang buo niyang katawan. Kitang-kita ang mga galos at sugat na natamo niya mula sa pakikipaglaban kay Anastasia, ang reyna na namamahala sa Butterfly Empire.

“Ugh! That wicked butterfly!” inis na sambit nito sabay binaon ang mukha sa malambot na unan. Nasa kalahati ng mga kawal niya ang namatay at ang mga natira ay nasa malubhang kalagayan. Kahit siya ay muntik na rin mamatay mula sa pakikipaglaban sa babaeng iyon. Mabuti na lang at naisagawa niya ang kailangan niyang gawin. Kahit papaano, nabawasan din ang pinoproblema niya.

Biglang bumukas nang napakalakas ang kanyang pinto. Ni hindi na siya nag-abalang silipin kung sino ang pumasok. Alam niyang si Ayesha ito dahil ngayon ito nakatakdang umuwi at magreport tungkol sa misyon na iniatas sakanya.

“Ano ito?!” narinig niya ang galit na galit nitong boses. “Nababaliw ka na ba Shontelle?! Ang utos sa atin ay kuhain sina Zeke at Ace! Hindi patayin ang mga ito!”

Napaangat ang mukha niya mula sa pagkakabaon sa unan at tiningnan si Ayesha. May mga hawak itong mga papeles at iba’t ibang litrato ng mga nangyayari sa academy. Pinilit niyang makaupo at napakagat siya sa kanyang labi dahil sa sobrang sakit na dulot ng mga sugat niya.

“Just what the hell happened to you?!” muling singhal nito. Isa pang sigaw niya, papatulan niya na talaga ito. Nakakainis na siya. Masakit na nga ang katawan niya, sisigawan pa siya.

“Pwede ba? Chill ka muna?” madiin na sabi ni Shontelle. Napahawak sa noo niya si Ayesha at sinubukang kumalma sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Ilang sandali pa, umupo na ito sa gilid ng kanyang kama at handa nang makipag-usap sakanya ng matino.

“Now, can you explain to me what’s happening here?” nilapag nito ang mga papeles at litrato sa harap niya. Tungkol ito sa potion na ininom nina Zeke at Ace. “Hindi sila pwedeng mamatay.” Dagdag pa nito.

“Deary, they’re not going to die.” Paninimula ni Shontelle. Naaliw siya sa mga nakalap na impormasyon ni Ayesha sa loob ng academy. Ito ang misyon na naitas sa kanya, ang maging mata sa loob ng academy at alamin ang lahat ng nangyayari. Napakaimposible noong una dahil sa mahigpit na seguridad ng naturang paaralan pero nagawa ni Ayesha na makapagpuslit ng dalawang maliliit na halimaw.

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Ayesha. “Narinig ko ang tungkol sa potion, ang pulang tattoo at kung paano sila magiging estatwa at mamamatay kapag bumuka ang pulang bulaklak.”

“I told you, they’re not going to die. Sa tingin mo ba? Hahayaan ko ang ganoong pangyayari? Puh-lease.” Maarteng sabi ni Shontelle. “Isa pa, masyado silang malakas para mamatay ng ganun ganun lang. They’re kings for heaven’s sake.”

Ibinaba niya na ang mga binabasang papeles at hinarap ang gulong-gulo na si Ayesha. She’s so naïve.

“Deary, ang mga narinig mo tungkol sa potion, it’s true. Lahat iyon, magmula sa pagiging inlove, pulang tattoo, pagiging estatwa at ang pulang bulaklak. Ang kinaibahan lang, pinababaan ko ang rate ng epekto ng potion regarding sa pagkamatay ng uminom nito. Instead na mamamatay sila habang nakaestatwa sila, makakawala sila sa pagiging estatwa at tuluyan na silang magiging puppet ng taong gumawa ng potion.”

“I don’t get the last part.” Pagconfessed ni Ayesha. Nagbigay muna ng malalim na buntong hininga si Shontelle. Pano niya ba i-eexplain ito?

“Magiging estatwa sina Zeke, di ba?” tumango si Ayesha. “Ilang oras lang silang ganun. Pagkatapos, kusang mawawarak ang mga batong bumabalot sa katawan nila at tuluyang makakawala ang dalawa sa pagiging estatwa nila. Pero hindi na sila babalik sa normal. Oo ang katawan at kapangyarihan nila ay ganoon pa din pero ang pag-iisip nila, macocontrol na ito. Parang puppet lang na kinocontrol ng isang puppeteer. Kapag kontrolado na natin sila, hindi na tayo mahihirapan na makuha ang iba pang kings. Hindi na tayo mahihirapan isagawa ang plano natin.”

“Pero pano natin sila makokontrol?” muling tanong ni Ayesha.

“Good question. Wag kang mag-alala deary, kontrolado ko ang lahat.” Saktong pagkasabi ni Shontelle noon ay pumasok si Nerd, dala dala ang isang pamilyar na kwintas at ang itim na libro na palagi nitong hawak. Mukhang nagtagumpay rin ito sa misyon niya.

“Nandito ka na pala Ayesha.” Bati ni Nerd. Ibinigay niya ang kwintas kay Shontelle at masaya namang tinanggap ito ng dalaga. “Rough fight?” tanong ng lalaki nang mapansin nito ang mga bendang nakabalot sa buong katawan niya.

“Well, what do you expect? Reyna e. Ito na ba ‘yon?” tinignan ni Shontelle ang kwintas. Nagningning ang pamilyar na itim na pendant nito.

“Yes. Muriel’s necklace. Dinispatya na rin namin siya. Amboring niya nga e. Ni hindi man lang lumaban.” Sagot ng lalaki.

Tumawa ng mapait si Shontelle. “Kawawang matanda.”

“What’s with the necklace?” muling tanong ni Ayesha. Ibinigay ni Shontelle ito sakanya para matignan niya itong mabuti.

“Muriel’s necklace. Ang susi para mapasunod natin sina Zeke at Ace. Susundin lang ng dalawa ang kapangyarihan kung saan gawa ang potion na nainom nila. At dito sa necklace na ito, nakakulong ang kapangyarihan ng witch na iyon.”

“E paano ‘yon? May pag-asang makaalis pa sa spell na iyon sina Zeke at Ace dahil sa butterfly na nagbabantay sa red ranunculus. Nasa butterfly empire na sina Neo ngayon at nakikipaglaban. Baka makuha nila ang paro-paro!” sambit ni Ayesha.

“Ilang beses ko na bang sasabihin sa iyo na kontrolado ko ang lahat?” naiirita nang sabi ni Shontelle. Pero hindi siya pwedeng mairita ngayon. Ngayong malapit na silang magtagumpay at matutuwa ang Master nila. Masyadong masaya ang araw na ito.

Muling natuon ang atensyon ni Shontelle kay Ayesha.

“Deary, napatay ko na ang lahat ng paro-parong nagbabantay sa red ranunculus. Wala nang maiiuwi pa sina Neo na buhay na paro-paro. Kaya nga ganito ang hitsura ko ngayon.” Pagmamalaki ni Shontelle. Aba dapat lang! Mahirap kayang makipaglaban sa reyna na ‘yon!

“So Papilio Imperil no longer exists.” Manghang sabi ni Nerd.

“Ano ka ba. Mga butterfly lang na nagbabantay sa red ranunculus ang pinatay ko. Hindi lahat ng butterfly sa lugar na iyon. Nakakabwisit kasi na queen yun e! Hindi pa mamatay-matay!”

Napatigil sa paghanga si Nerd at biglang binuklat ang itim na libro na hawak niya.

“Hindi mo napatay lahat ng paro-parong nagbabantay sa red ranunculus!” takot na takot na sabi ni Nerd. Tumawa si Shontelle pero naiinis na siya sa lalaking ito.

“Bakit? Nandun ka ba nung pinapatay ko lahat? Nakita mo bang may natira? WALA. Sinigurado ko na walang makakatakas.”

Kinuha ni Nerd ang isang papel mula sa itim na libro na hawak niya at ipinakita ito sa harap ni Shontelle. “Hindi mo napatay lahat.” Madiin na sabi nito. “May isa pang natira.”

Galit na kinuha ng dalaga ang papel at binasa ito. Napamura na lang siya.

Bakit sa lahat ng oras, nakalimutan niya pa ang bagay na iyon!

~~~**~~~

“Fang of the Night! Awaken!” sa ikalimang pagkakataon, pinakawalan ulit ni Jenkyl ang ilang daang pana niya na nakapokus lang sa reyna ng mga paro-paro. Binugahan ni Shikuri ng apoy ang mga panang iyon at nagliliyab itong tumama sa invisible shield ni Anastasia.. Katulad ng ibang nangyari sa tira nila, nagkaroon ng kidlat nang magtama ang dalawa. Hindi nila hahayaang mapunta ulit sa wala ang tira nila.

‘Kapag ito hindi gumana, lagot na.’ saisip ni Jenkyl. Kanina pa nila sinusubukang sirain ang invisible shield na ito. Hindi kasi makaabot man lang sa reyna ang mga tira nila. Pero alam niya na konting tiis na lang at masisira na ito. Bakas kasi sa mukha ni Anastasia ang panghihina niya dahil sa sobrang gamit ng kanyang kapangyarihan.

“Terrence!” sigaw ni Jenkyl. Mabilis na naintindihan ng binata ang gustong iparating ng presidente. Mula sa mga bakal, gumawa siya ng isang matibay at napakalaking drill. Pinagana niya ito at marahas na umikot na nagbigay ng nakakabinging ingay na umalingawngaw sa buong lugar. Hinagis niya ito, kasabay ng mga panang nag-aapoy. Tumama ito sa pinakagitna ng invisible shield na nagbigay ng napakalakas na impact kaya naman napakalakas din ang kidlat na pumipigil dito.

“You can never break it. Disappear!” nagpakawala si Anastasia ng ilang bolang kidlat mula sa kanyang mga pakpak. Mabilis na hinarang ito ni Neo gamit ang mga malalaking halimaw na sinummon niya. Kung tutuusin, si Neo ang may pinakanagagamit na kapangyarihan. Siya ang sumasalag sa mga bolang kidlat na pinapatama ni Anastasia at ang pumroprotekta sa apat na pilit sinisira ang invisible shield.

Huminga ng malalim ang dalawang dragon at nagpakawala ng isang napakalaking bolang apoy si Shikuri at bakal naman kay Terrence. Tumama ito sa drill na ginawa ni Terrence na dahilan para lumakas ang pag-ikot nito at mas lalong lumalim sa invisible shield ni Anastasia.

“The sun shall set, the moon shall rise. Stars shall appear. Guide us, Holy Light!” isang kakaibang pana ang sinummon ni Jenkyl. Mukha itong itim na espada, na may golden imprints na nakapalibot dito. Tumakbo siya papunta sa isa sa mga halimaw ni Neo na malapit sa drill. Tumalon siya mula sa mga balikat nito at buong lakas na hinila ang napakalaki at kakaibang pana. Inasinta niya ang likod ng drill, sabay pinakawalan ang panang hawak niya.

Para itong meteor sa sobrang bilis at sobrang lakas na tumama sa drill. Mas lalong bumaon ang drill na dahilan na tuluyang tumagos ito sa invisible shield. Parang natigil ang oras. Lahat pinagmamasdan ang unti-unting pagcrack ng napakalaking shield. Hanggang sa tuluyan nang bumigay ito at nasira.

Ilang saglit pa, nakita na lang nila si Skye na nasa harapan ni Anastasia. Isang scythe ang nasa kamay niya. Hinampas siya ni Skye nang napakalakas na dahilan ng pagbagsak nito sa lupa. Tatayo pa sana ito para subukang pang lumaban pero naunahan siya ni Skye at ang scythe nito at nakatapat na sa leeg ni Anastasia.

“Kill her already, Skye.” Madiin na sabi ni Neo. Tuluyan nang bumigay ang katawan niya. Mabilis na sinalo siya ni Terrence at Shikuri.

“Mauubusan na tayo ng oras. Hahanapin pa natin ang paro-parong nagbabantay sa red ranunculus.” Segunda pa ni Terrence.

“Hindi niyo na sila makikita.” Naghihysterical na sabi ni Anastasia. Mukha na itong naiiyak dahil muli nitong naalala kung paano pinatay ang mga paro-parong pinoprotektahan niya.

“Pinatay sila. They’re already dead. They’re gone. GONE!” tuluyan nang umiyak ang reyna. Wala itong magawa. Masyado na itong mahina para makipaglaban pa.

“H-hindi maaari yan.” Takot na takot na sabi ni Jenkyl. Natatakot siya na baka wala na talagang lunas pa para kina Zeke. Na wala man lang siyang nagawa bilang presidente ng klase nila.

Mabilis na nakalagpas si Jenkyl kina Skye papasok sa isang kweba. Ang sanctuary kung saan nabubuhay ang lahat ng mga paro-parong makikita mo sa buong monster world. Wala siyang naaninag kundi kadiliman. Nagulat pa siya nang biglang sumindi ang isang bolang apoy. Nasa tabi na niya pala si Shikuri. Naglakad silang dalawa papunta sa loob at nilakasan ni Shikuri ang kanyang apoy, sapat na para makita nila kung ano ang nasa loob.

Daan-daang patay na paro-paro, mga sira-sirang pakpak, wasak na lugar at mga nagkalat na patay na katawan ng mga kawal. Parang isang delubyo ang dumaan sa lugar na ito.

Mabilis na hinanap ng dalawa ang bulaklak na red ranunculus. At sa kasamaang palad, tuluyan nang namatay ang bulaklak dahil wala nang paro-paro ang prumroprotekta dito. Wala na silang lahat. Walang natira maski isa.

Wala na silang maiuuwi pa para kina Zeke at Ace. Sa huli, talo pa rin sila.

Mission Failed.

Alam nilang wala na silang mapapala dito kaya lumabas na ang dalawa. Bago tuluyang lumabas, napansin ni Jenkyl ang isa sa mga nakakalat na flag ng mga kawal. Nakita niya ang crest na nakaguhit dito.

Ang crest na iyon. Mukhang alam niya na kung sino ang mga pumatay. Dali-dali siyang sumunod kay Shikuri palabas ng kweba para ihatid sa kanila ang masamang balita.

“Mission Failed.” Pormal na sabi ni Shikuri.

“Wala nang natira.” Segunda ni Jenkyl. “Mukhang planado ito.” Dagdag pa niya.

Saglit na natahimik sa loob. Iba’t ibang emosyon ang nararamdaman ng bawat isa. Kalungkutan, pagkadismaya at galit.

Nagulat sila nang binasag ni Skye ang katahimikan.

“No. The last butterfly is still alive.”

~~~**~~~

~Tabitha’s POV~

 

“Sheep sheep sheep! Asan na ba sina Neo?!” natatarantang sabi ni Ice. Nag-aalala siyang nakatingin sa dalawang lalaki na ang kalahati nang kanilang mga katawan ay tuluyan nang naging bato. At patuloy itong umaakyat papunta sa kanilang mga ulo.

“Ayame!” sigaw ni Yuuki. Pati siya natataranta na din. Inalalayan niya si Ayame na makaupo sa isang couch. Hinang-hina na ito. Kung titignan mo, siya ang may pinakamalaking kontribusyon dito. Ginamit niya na ang buong kapangyarihan niya para mapigilan ang pagkalat ng pulang tattoo.

Wala pang isang minuto siyang nakakaupo ay tumayo na ulit siya. Inihanda ang gadget na inimbento niya para mapigilan ang pagkalat ng tattoo.

“Tabitha, isa pa.” tawag niya saakin. Hinawakan ko muli ang balikat nina Zeke at Ace. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at sa ikapitong pagkakataon, binigkas ko ulit ang spell na makakatulong kay Ayame na pabagalin ang pulang tattoo.

“AHHH! Ahck!” sigaw ng dalawa. Pigil na pigil ang sigaw nila sa sobrang sakit na nararamdaman nila.

Napabitaw at napaupo na lang ako nang matapos ang ginawa ni Ayame. Naramdaman ko na rin ang katawan ko na unti-unti na ring bumibigay.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Xianna at Haylee.

“Anong sabi ni Mrs. Dammon? Anong balita?” bungad sakanya ni Ice. Napailing na lang ang dalaga. Kahit ang adviser nila ay natataranta na rin. Itinawag na ito sa council at sa ngayon, ang tanging maasahan nila ay sina Neo.

Mukhang wala nang oras. Asan na ba kayo Ms. Skye?

“Sebby, time spent with you was remarkably awesome. I love you honey. Forever and always.” Nakangiting sabi ni Zeke kay Eusebio. At ang bakla, iyak ng iyak habang pinagmamasdan ang balikat nito na nagiging bato na.

“I-I l-love you too, Honey.” Tuluyan nang humagulgol si Sebby.

“Kaylee, sweetie. Remember me okay? When I’m gone, I want you to continue your life and find someone who will love you more than I do. But always remember I’m still here, guiding and loving you forever. I love you sweetie.” Sabi naman ni Ace kay Kaylee na naiiyak na rin. Sino ba naman kasi ang hindi maiiyak kung malapit nang mamatay ang dalawang gwapong to? Ano ba naman yan! Ano bang pinag-iisip ko?

Nasa leeg na nila kumakalat na bato. Wala na talaga.

Nagulat na lang kami nang biglang marahas na bumukas ang pinto. Mabilis na pumasok si Ms. Skye habang hila-hila ang isang babaeng nakaitim at may pakpak na kulay itim at pula.

Matamang tinignan ni Ms. Skye ang babae. Ang boses niya ay puno ng awtoridad.

“You shall do what I say.”

Hindi pa huli ang lahat.

~~~**~~~

AN :3 Pasensya na sa late update. Inedit ko pa yung Monster Academy (lalo na yung mga parts regarding sa plot). Anyway, sana nagustuhan niyo :) Salamat sa pagbabasa \m/ You rock \m/

Si Anastasia pala sa gilid. Di ko na inedit. Di na kaya ng powers ko xDD HAHAHA yun, salamat sa pagbabasa.

Dedicated pala sakanya. :D Salamat sa comments, and votes mo. Siya yung bagong nagcomment na nagulat ako sa last chapter xD HAHAHAHA. Hindi ko na alam kung sino dedecaetan ko sa susunod. LOL. Yun. Salamat ulit

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top