Investigation
Chapter 15
Investigation
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
Tinakpan ko ang bibig ni Yuuki. Pigil ang hininga naming dalawa. Sana hindi siya narinig ni Xianna. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi kasi gumagalaw sa kinatatayuan niya si Xianna.
Parehas kaming nakahinga ng maluwag nang tumayo na si Xianna. Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng labi niya at naglakad papunta sa grand staircase.
Akala ko, ligtas na kami ni Yuuki.
Mali pala.
Naging mabilis ang pangyayari. Naglabas si Xianna ng limang pana at sabay-sabay na tinira ito sa kinatataguan namin. Napayakap na lang kami sa isa’t isa ni Yuuki at napapikit.
Sa isang iglap, biglang may humawak sa balikat ko at tinakpan ang aking bibig. Napahawak ako sa kamay niya at aalisin sana ito pero mabilis siya at nahila niya ako paalis sa kinatataguan namin ni Yuuki. Kasabay ng paghila sa akin ay isang anino ang lumabas sa kinatataguan namin at sinalag ang mga panang ibinato ni Xianna.
“HMP—hmmhp!” pilit ako kumakawala sa pagkakahawak niya saakin. Tinakpan niya ang mga mata ko at patuloy ang paghila saakin sa kung saan. Ang higpit ng hawak niya, hindi ako makahinga.
Nakarinig na lang ako ng pagbukas ng isang sliding door. Hinila niya ako at marahas na isinandal sa pader.
“Sht! You—Argh!” napasabunot na lang si Zeke sa buhok niya. Humarang sa gitna namin si Ice. “Chill Zeke. Plan B!” pagkasabi niya noon ay agad na lumabas sa kwarto si Zeke. Natulala na lang ako kay Ice na noo’y nakaharap na saakin.
“Tabitha, paanong.. nevermind.” gulong-gulo siya. Naglakad siya papunta sa isang table na may tatlong laptop. Sumunod na ako sakanya at umupo sa tabi niya nang bigla na lang akong maalarma.
Si Yuuki?!
Napatayo ako. “Ice! Si Yuuki!”
Hindi niya inalis ang tingin niya sa mga screen. “She’s already with Ace and Skye.”
Nakahinga ako ng maluwag. Mukhang pagod na pagod si Ice. Wala siyang sa mood sumagot ngayon at isa pa ay ang namumula niyang mga mata.
“Ano bang nangyayari?” hindi ko natiis na magtanong. Tinitigan ko lang ang mga screen sa laptop, mga video na magagalaw at nakakahilo. Parehas na may hinahabol sa dalawang video. Si Xianna at yung kasama niya. Ayon kay Ice, nakakabit kay Zeke at Neo ang mga camera kaya magulo. Sa huling screen naman, itim lang ang nandito at may nagsasalita. Kaso hindi ko naman maintindihan.
“I’ll explain it to you later.”
~~~**~~~
Patuloy sa paghabol ang dalawang lalaki na sina Zeke at Neo. Nasira kasi ang Plan A nila dahil sa hindi inaasahang pagsulpot nina Yuuki at Tabitha kaya ipinagpatuloy nila ang Plan B. Hindi nila aakalain na gagamitin nila iyon.
Mukhang alam ng mga hinahabol nila ang pasikot-sikot dito sa Rigel Dungeon. Isa pa, handang handa ang dalawang ito dahil iba’t ibang patibong. Mukhang planado na ito.
Iniharang ni Neo ang kanyang mga nasummon na skeleton soldiers. Isang malakas na pagsabog ang nagpatalsik sa mga buto nito.
“Badtrip naman to!” reklamo ng binata. Kanina pa kasi siya nagsu-summon ng nagsu-summon pero patuloy lang itong pinapasabog ng hinahabol nila. Humarap sakanila si Xianna at sabay-sabay na tinira ang pitong pana. Mabilis na sinalag ito ni Zeke gamit ang kanyang itim na espada. Patuloy lang ang habulan.
Lumiko pakaliwa ang mga hinahabol nila. Bago tuluyang sundan ang mga ito sa pagliko, pinauna muna ni Neo ang mga bagong summon na skeleton soldiers. At gaya ng hinala niya, sunod-sunod ang pagbagsak ng mga espada mula sa kisame.
“Sht!” malakas na cuss ng isa sa mga hinahabol nila. Sa wakas, naabutan na nila ang mga ito. Mukhang mali ata sila nalikuan ng daan. Isang malaking pader ang nakaharang sakanila. Wala nang matatakasan pa.
Dead End.
“Guess you have no other choice but to fight us.” Neo smirked. Ngumiti lang ang nagcuss at naglabas ng mga bomba. Si Xianna naman, nakatulala lang sa dalawang lalaki. Blankong emosyon. Parang wala siya sa sarili niya.
“I’ll handle the cat.” Pagkasabi niyon ni Zeke ay sinugod niya si Xianna na noo’y nakatransform na sa isang malaking leon. Sumigaw ang kanyang kalaban na sa tingin niya ay maririnig sa buong lugar.
Maliksi ang leon. Halos hindi na makita ang mga galaw nito pero nagagawa pa ding salagin ni Zeke ang bawat tangka ng pagkalmot nito. Pinaikutan ulit si Zeke ng leon. Parang nagteteleport lang ito, nasa harap niya pagkatapos ay nasa likod na ito. Humahanap ng tamang oras si Zeke para patamaan ang leon pero masyado itong mabilis. Hindi niya inaasahan na magmumula sa taas ang tira nito. Tumilapon siya sa pader at sa sobrang lakas ng impact nito ay nagkaroon ng crack ang ding-ding.
“Zeke!” sigaw ni Neo nang makita ang kasama na tumama sa pader. Pupuntahan niya sana ito nang hinarang siya ulit ng kasama ni Xianna. Mabilis na pinagalaw ni Neo ang isang skeleton soldier na malapit sakanya para maharangan ang pagtira ng kalaban.
Nagtapon ito ng maliliit na bomba sa direksyon niya. Tumalon siya papalayo na sakto dahil nagsimula nang pumutok ang bomba.
“Let’s end this already, Neo.” Mabilis na pumunta si Neo sa kinalalagyan ni Zeke. Gamit ang kanyang mga alagad, ginawa niya itong pananggalang sa mga bomba na patuloy na itinatapon ng kasama ni Xianna. Hanggang ngayon, hindi nila alam kung sino ito. Balot na balot kasi ito kumpara kay Xianna.
Kinalas niya ang mga skeleton soldiers at nagsama-sama ito para maging malalaking buto. Kinuha iyon ni Zeke at tumalon sa ere, isa-isang itinapon sa paligid ng malaking leon.
“Gruwaaaaaah!” galit na galit na sigaw ng leon nang tuluyan itong makulong dahil sa mga buto. Bago pa ito tuluyang masira ng leon, mabilis na binalutan ni Zeke ang kulungan ng itim na kapangyarihan.
“Nagsisimula na siya Zeke.” Sabi ni Neo nang mapansin ang kasama ni Xianna na gumagawa ng malaking pampasabog. Nakataas ang dalawang kamay ng kalaban niya at sa ibabaw noon ay isang malaking itim na parang bubblegum ang nabubuo.
Tumango si Zeke kay Neo. Ipinatong ni Neo ang dalawang kamay niya sa balikat ni Zeke. Isang kakaibang aura ang bumalot sa buong katawan ni Neo. Pilit na pinapalakas nito ang pulang aura ni Zeke. Pumikit ang dalawa.
Isang hanging ang sumirkulo sa buong lugar na iyon. Noong una ay banayad lang hanggang sa lumakas ng lumakas na parang nasa loob sila ng isang tornado. Nawala ang espada na hawak-hawak ni Zeke. Pinagdaop niya ang dalawang kamay. Isang malakas na enerhiya ang namumuo doon.
Nagmulat ang mata ni Zeke.
Pula.
Nagliliwanag ang mga pula niyang mata.
Sa oras na nagliwanag iyon.
Tumigil ang pag-ikot ng hangin. Ang pamumuo ng bomba. Ang pagkolekta ng enerhiya.
Isang malakas na pagsabog ang nangyari sa buong lugar.
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“Thank you Mr. Lichen.” Ngumiti ang Music teacher namin sa lalake kong kaklase nang matapos na itong makapagperform ng kanyang piece. “Next, please come in front Ms. Sakkaku.”
Tumayo si Yuuki habang hawak-hawak ang clarinet niya. It’s her turn to play her piece. Music ang subject namin ngayon at ang activity namin ay iperform ang assigned piece sa amin.
Huminga nang malalim si Yuuki at tsaka tinugtog ang ibinigay sakanyang piece.
[Please play the music on the side]
Nang matapos si Yuuki ay natahimik saglit ang buong klase dahil inaantay ang mga marka na nakuha namin sa ginawang activity ngayon. Si Yuuki kasi ang last performer. Hindi nagtagal ay inannounce naman ito at sa awa naman ng Diyos, walang nakakuha ng bagsak.
Nagpaalam ang music teacher namin. Uwian na pala.
“We need to go. Now.” Walang emosyon na bulong saamin ni Zeke nang makalapit siya. Nagkatinginan kami ni Yuuki, dali-dali naming inayos yung gamit namin at sumunod kay Zeke. Isang puting limo ang naghihintay sa labas. Pinagbuksan kami ng butler ng pinto at nasa loob na pala ang iba pang Monster 5. Sumakay na si Yuuki, pero bago ako tuluyang makasakay, narinig ko yung nakakabinging tawag ni Sebby.
“Tabitha!” tumatakbo siya papalapit saakin.
“Bakit?”
“Wait bakla. Pahingahin mo muna ako.” Nagbreathe in breathe out siya at pagkatapos ay tinanong ako. “San ka pupunta? Bat kasama mo ang mga papables?” Hindi pala alam nila Sebby ang nangyari kagabi—more like kaninang madaling araw. Akala kasi nila, walang nangyari. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng labanan ay agad ginising ang staffs ng hotel para isaayos ang mga nasira at ibalik sa normal. Nagtaka nga sila sa laki ng damage e, mabuti na lang at nasa first floor lang iyon. Wala namang kaalam-alam ang staff sa nangyaring gulo dahil mahimbing ang tulog nila. Ganoon din ang iba pang naninirahan doon. Pero mabilis na naisaayos nila ang dorm at nagpretend na walang nangyaring gulo. Normal lang din ang daloy ng lessons kaya parang normal lang ang lahat. Ang nakakaalam lang ng mga nangyari ay ako, si Yuuki, ang Monster 5 at ang council.
Magsasalita na ako nang biglang sumabat si Zeke. Nagulat ako nang bigla niya akong inakbayan. “We’re going on a group date. She’s my lady tonight. Got a problem with that?”
Natulala si Sebby sa mga mata ni Zeke. “W-wala po.”
“Well then, get inside now Tabitha. We’re going to be late.” Aya saakin ni Zeke. Wala na akong nagawa kundi sumakay sa limo.
~~~**~~~
Gabi na nang makarating kami sa isa sa mga Headquarters na nagkalat dito sa Monster Academy. Seriously, gaano ba talaga kalaki tong school na to?
Wala kaming group date. Palusot lang ni Zeke iyon. Hanggat maaari, gusto niyang sekreto muna ang lahat ng tungkol sa gulo. Nadamay lang kami ni Yuuki dahil nandoon kami mismo sa pangyayari.
Pinagbuksan kami ng butler at isa-isa kaming lumabas sa limo. Isang maid ang sumalubong saamin at iginiya kami sa loob ng headquarters. Sa isang kwarto kami ipinasok, kung saan may isang bilog na lamesa at ilang upuan na nakapalibot dito.
“The dinner will be sent to you shortly. Is there anything you need ma’am, sir?” tanong ng maid saamin. May binulong si Skye sa sarili niya na mukhang narinig ni Ace. Magkalapit lang kasi sila.
Ngumiti si Ace sa maid na dahilan ng pagblush nito. Agad-agad na yumuko ang babae.
“Do you have any popcorn and sweets here?” tanong ni Ace.
“Y-yes sir.”
“We would like to have a pack of popcorn, any sweets you have and wine for me. Neo, Zeke, what do you want?” tumingin si Ace sakanila.
“I’m fine with wine. Zeke?” sagot ni Neo.
Umupo si Zeke sa isa sa mga upuan doon at nilabas ang isang laptop. “Same.”
Tumingin saamin si Ace. “How about you girls?” nangingiting sabi niya.
“Water please.” Tumango ako sa sinabi ni Yuuki.
Bumalik ang tingin ni Ace sa maid at sinabi ang mga gusto namin. Pagkalabas nito ay umupo na kami paikot sa la mesa.
“Okay!” paninimula ni Ice. Nilabas niya pa ang dalawang laptop. “Let’s start.”
“First things first.” Sabi ni Neo at tumingin siya saamin. “Paano kayo napunta sa sitwasyon na yon?”
Kinwento namin ni Yuuki ang pagmamarathon ng Death Note, ang pagkahilo niya, pagchant ko ng spell at ang pagkarinig namin ng pagsabog. Hanggang sa napunta na kami sa lugar na iyon.
Pagkatapos naming magkwento, dumating naman ang mga pinakuha ni Ace. Agad na kinuha ni Ice yung malaking pack ng popcorn at nilantakan ito. Ganoon din si Ms. Skye na dala-dalawang malalaking lollipop ang hawak at dinidilaan.
“I wonder how come they’re not affected by the spell.” Uminom si Ace sa glass na hawak niya.
“Iyon din ang iniisip ko. Pero mas maganda siguro kung mamaya na lang natin pag-usapan iyon.” Patuloy pa rin ang pagtipa ni Ice sa mga laptop na gamit niya habang kumakain ng popcorn. “I already received an email from the council.” Binasa niya ito ng malakas. Tungkol ito kay Xianna. Absent siya kanina sa buong klase dahil sa nangyaring aksidente. Marami nga ang nagtaka pero ang sinabi lang sakanilang dahilan ay nagkasakit daw si Xianna. Na halos hindi nila mapaniwalaan dahil once in a blue moon lang ito magkasakit. Sa huli, nakalimutan na nila ang tungkol sa pagliban ni Xianna. Ayaw kasing ipaalam sa iba pa naming kaklase ang tunay na dahilan kung bakit siya liban ngayon. Maaari kasing makaapeko ito kay Xianna at magcause ng panic. Nakasailalim kasi siya ngayon sa imbestigasyon.
“It’s really true eh? Wala pala talaga siyang kasalanan.” sabi ni Ice matapos basahin ang email na pinadala ni Council.
“Kung kontrolado lang si Xianna ng mga oras na iyon..” napatingin sa kisame si Neo. “Sino ang nagkokontrol sa kanya at sa puppet na kasama niya?” Ang puppet na tinutukoy ni Neo ay ang kasama ni Xianna na balot na balot at palaging nagpapasabog na bomba. High class ang pagkakagawa sa puppet kaya nakakapagsalita ito at nakakalaban.
“Ne Skye. Anong nangyari sa imbestigasyon niyo?” ngumuya ulit si Ice ng popcorn.Tumingin si Skye kay Ace habang dinidilaan ang lollipop niya. Mukhang nagets naman ito ni Ace kaya inubos niya muna ang natitira niyang wine.
Akmang kukumuha si Ace sa isa sa mga lollipop ni Skye pero pinalo ni Skye ang kamay niya.
Piningot naman ni Ace ang cheeks ni Ms. Skye. Ginantihan naman siya ng death glare.
What da? Anong meron?
Ace formed his one billion dollar smile.
A smile that will make every single girl fall for him.
“Actually, we already know who they are and what they want.”
~~~**~~~
AN :) Lutang ako. HAHAHA. :3 Natatawa ako sa pinagtatype ko dito. HAHA ang hirap magsulat kapag hindi pa ayos ang plot. LOL pasensyahan niyo na, nagsusulat nanaman ako ng walang plot. =________= geez. Pero salamat talaga sa inyo :)) Yung mga masipag magcomment dyan, seriously kayo nagmomotivate sakin na magUD kahit na walang matinong plot to. You Guys ROCK! \m/ Salamat talaga :3 Sobra :""">
Dedicated kay baklaaa~ Yow Ayra babes. Sya unang nagcomment sa last UD :3 Nanood din kami ng The Croods kahapon :) Shaaaare :3 LOL. Yung mga characters na papasok, hinay-hinay. Konting tiis pa. Nalihis ang plot nitong kung ano mang storyang to. LOL HAHAHA :3 Salamat talaga :)
Irereveal ko na talaga kung anong meron sa pagsabog sabog dito. HAHAHA xDD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top