Into the Monster World
Kyamii's note: Okay lang kahit hindi niyo basahin. Hindi to related sa storya. Pawang kabaliwan lamang. Pagbigyan niyo na ako. Birthday ko naman ngayon XD
SPECIAL CHAPTER
Into the Monster World
Sebby’s POV
Yung feeling na stress out na ang beauty ko.
Na-ka-ka-lo-ka.
“Oh yung mga fireworks okay na ba?,” tanong ko kina Nerd, Shontelle at Ayesha.
“Aye Diyosa! Kami pa,” sagot ni Shontelle.
“Nakagawa na rin kami ng forcefield sa buong lugar para kung sakaling umulan, hindi masira yung fireworks,” dagdag pa ni Nerd.
“Tsaka chillax ka lang Sebby, all things are going according to the plan. Wag magpaka-stress!,” Ayesha smiled.
Tumango-tango lang ako sakanila and I waved goodbye. Wala munang war-war eklavu dito sa Monster Academy. Tsaka na yang real acting namin sa mismong storya. Dito, tulungan muna kami para sa birthday ng aming pinakamamahal na author.
“Sebby~ okay na rin yung cake natiiin~,” bigla namang nag-appear sa harapan ko si Princess Kaguya na may icing pa sa buong mukha.
“Teh, ang pagmumukha pakiayos. Pang-halloween eh”
Hinampas niya ako ng pabiro sa braso, “Ang maldita mo talaga Eusebio! Sige na, kelangan ko ng tutulong sa pagbubuhat ng cake no! Magtawag ka ng mga papables mo.”
“Gaga! Makahampas ka ah! Close tayo? Ayun si Neo my loves! NEOBABE~!,” sigaw ko. Saktong napaharap naman sakin si Neobabe at nagtatatakbo papunta sa direksyon namin ni Princess Kaguya.
“What can I do for you, ladies?,” Kaguya and I were stunned for a moment. Yung feeling na kanina—well actually kahapon pa kami nagtratrabaho para dito and yet, ang fresh-fresh tignan ni Neo at ang bango-bango pa. Ang gwapo talaga ng babe ko. <3
“Neo, patulong naman ako sa pagbubuhat ng cake oh. Magsama ka din ng iba pang lalaki, medyo malaki yun eh,” sabi ni Kaguya. Nagpaalam na sila saking dalawa at nagpunta na sa kitchen.
Naglakad-lakad ako paikot sa buong lugar para makita kung okay na ba ang lahat. Malapit nang mag8 in the evening at kailangan na naming matapos ito.
“Sebby, okay na ang powerpoint. Handa na rin yung iprepresent naming sayaw ni Jenkyl,” sabi ni Terrence na naka-assign sa technical committee. Tumango ako at nagpunta naman sa design committee.
“Ate Sebby~ okay na yung desiiigns~ Spooky na pang-Diyosa ang theme~,” cute na sabi ni Elei habang nagspre-spread ng glitters and bubbles sa buong lugar kasama si Ayame.
“Waaa~ naeexcite ako mamaya Princess Sebby~! Anong oras na ba?,” tanong naman ni Ayame. Napatingin ako sa aking kumikintab na wristwatch.
“7:45. Hala! Gorabells na. Mag-aannounce lang ako sa stage,” sagot ko sabay takbo papuntang stage. Seryoso, kahapon pa talaga ako nata-time pressure. Nakakasira ng ganda yun noh!
“Announcement: It’s 7:45 pm. This time check is brought to you by, the goddess of all times,” bumaba na ako sa stage at pumunta sa kitchen para icheck ang food committee.
“YUUKI!” sigaw ko. Well, what do you expect? Anong mangyayari kapag iniwan mo ang pagkain sa isang taong nagngangalang Yuuki Sakkaku?
“Ayaaan~ lagot ka kapatiiid~ Kain ng kain eh,” pananakot naman ng nagyeyelong kapatid ng aking author sa cyberworld, si Aizen Kagame o mas kilala bilang Ice.
“Anlaaa~ hindi lang po ako yung Sebby-neechan! Si Ice-neechan din po kumain~!,” parang bata na sumbong ni Yuuki.
“Sheez. Kaya dapat talaga hindi ako pumayag na food committee kayong dalawa eh! Wala pa yung mismong party, ubos na agad yung pagkain,” napa-facepalm na lang ako.
Bigla na lang akong nakaramdam ng akbay mula sa kanan. “Okay lang yan Sebby, maganda ka naman eh. Tsaka madami tong niluto namin. Masarap pa!,” paninigurado ni Ice.
“Tsaka nagfree taste lang kami ni Ice-neechan. Sinigurado lang namin na magugustuhan to ni diyosang kapatid,” si Yuuki naman ang umakbay.
Pumwesto sila sa harapan ko at nagthumbs up. “Everything’s alright Sebby~ Kaya chill chill lang.”
Napangiti na lang ako sa dalawang to. Close na close kasi sila sa author ng storyang to kahit sa cyberworld lang sila magkakausap.
“Sige na. Nakapagpractice na ba kayo sa kanta niyo? Wag niyong ipapahiya ang beauty ko mamaya ha,” sabi ko sakanila. Oo nga pala, tinraining ko silang kumanta para mamaya. Aba! Yung tipong may birit ang kakantahin nila para bonggacious!
“Nako Seb~! Ready na kami! Sige na at icheck mo na yung iba,” sagot naman ni Ice. Nagpaalam na ako at lumabas ng kitchen room at pumunta sa guest committee.
“Xianna, kumpleto na ba?,” tanong ko nang makasalubong ko si Xianna sa hallway papuntang guest room kung saan naroon ang mga bisita habang nag-aantay.
“Yes naman Ganda. Inaaliw na lang sila ni Haylee at Kaylee ngayon. Maya-maya naman sina Ashley at Sydney naman ang mag-eentertain sakanila,” sagot naman ni Xianna.
“Mabuti naman at hindi ka mataray ngayon, Beauty,” pang-aasar ko.
Humalakhak siya at pabalik na sumagot, “Dalawang araw pa nga lang simula nang magceased fire tayo sa pagtatarayan pero namimiss ko na kaagad. Ohwell, pagbalik natin, humanda ka.”
Nag-irapan kami habang papaalis. Kfine, kailangan ko na ring maghanda ng aking matataray na lines para hindi matalbugan ang aking beauty.
Kaloka mga ineng at dodong! Haaaay~ after talaga nito, magpapaganda ulit ako! Ay wait, hindi na pala kailangan, maganda na pala ako.
Nang masigurado kong okay na ang mga churvabells, pinuntahan ko na ang huling committee.
At hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin.
“Sebby, ayaw gumana ng portal.”
~~~**~~~
“WHAT?!”
Nanlaki bigla ang mata ko. I was frozen in my damn place.
HOW?! PERO—DAPAT— ANO—
Oh my sheep!
This. Is. Impossible.
Oh. My. No.
“Pero syempre, joke lang yon.”
Nagsitawanan ang mga tao sa loob ng portal room. I gave Tabitha a death glare. Tokwa tong babaeng to! Naku sarap ipa-toast!
“You could have seen your face. It’s priceless,” walang emosyon na sabi ni Skye habang kinakalikot yung nasa computer.
“Nakuu~ Tabitha! Titirisin talaga kita!,” pagbabanta ko sakanya. GRABE~! STRESS NA NGA AKO EH!
“Cut the laughing time. It’s time to get serious,” sabi ni Zeke na nasa portal kasama si Ace.
“Ano na ba ginagawa ni Author ngayon?,” tanong ko.
“She’s reading right now. A story from wattpad,” pagrereport naman ni Shikuri na nasa isang computer naman katabi ni Skye. Siya naman ang naka-assign sa pagmomonitor sa bawat galaw ng pinakamamahal namin author.
“Anong binabasa niya?”
“I cannot see it clearly pero, wait” nagtipa ulit si Shikuri sa keyboard niya at nilapit ang mukha sa screen. “Story entitled, ‘Kami ang Otaku Famiglia’ by OtakuNotes. Kanina pa siya tawa ng tawa sa story na yon. She’s really into it.”
“I have read that story. Maganda talaga at parang anime,” Ms. Reodica butt in. Bigla na lang nagkaroon ng awkward silence.
“Nagbabasa ka sa watty Secretary?,” gulat na sabi ni Tabitha. Kahit ang beauty ko din nagulat eh. I mean seriously, she’s the secretary of the world’s greatest monster and yet, bagets na bagets pa din.
“Yeah. It’s my past time. Binabasa ko na nga ngayon ang War of the Otaku ni Ice eh. And I am really really into it kahit na hindi ako otaku. Parang, it makes me want to know more about anime. Oh my! I can’t wait to read the next chapter!,” she exclaimed. Nagkatinginan na lang kami at nagtawanan.
“Nako Secretary! Maganda rin yung Love Game ni Ayameee~ Nakakakilig!” sabi naman ni Tabitha. “Balita ko nga, nagbabalik na daw si Miss Ayameee sa watty eh. Miss ko na yung updates niya.”
“Hep hep hep! Tsaka na yang pagpluplug niyo ng stories. Ayusin muna natin si author. Ang plano? Kamusta?,” pagkuha ko ng atensyon sa kanila.
“It’s all set, Eusebio. We’re just waiting for your signal,” sagot naman ni Acebabe.
“Let’s go through it once again,” nilapag ni Xanderbabe ang blueprint.
“Shikuri will monitor her and will give the signal on when to open the portal. Tabitha and Skye will activate the portal and keep it going until we have our beloved author. Zeke and Ace will take care of her while Eros and I will take care of her family. Sebby and Secretary Reodica will have her make-up and dress while the rest of us will have the party ready. All clear?,” Xander explained.
“Guess we should contact Ashley to prepare the guests,” Eros said. Nagvolunteer na si Shikuri at kinontact na lahat ng tao sa party para ihanda ang kanilang mga sarili.
Nang matapos na si Shikuri at sinabing handa na ang lahat, inantay na lang namin ang signal niya.
Oh please! I hope this works.
“Open the portal at the count of one,” sigaw ni Shikuri. “Three, two.. and one!”
Binuksan na nina Skye at Tabitha ang portal. Sinuot naman nina Xander, Ace, Eros at Zeke ang black hoodie nila at pumasok sa loob.
Pinanood namin sa screen ang mga nangyayari. Ang churva ng aming author! Gulatey na gulatey sa pagbisita nung mga hunkies!
Nagawang lagyan ng spell nina Xander at Eros ang pamilya niya samantalang nablind-foldan naman nina Zeke at Ace si Miss Author at ipinasok sa portal world.
And the next thing we knew, the author of Monster Academy was inside her imaginative world.
~~~**~~~
Kyamii’s POV
What the hell just happened?
Ay ang taray ko, umeenglish! Huhubells.
Ewan ko. Kumakain lang naman ako sa kwarto ko habang nagbabasa sa wattpad at nanonood ng anime tas biglang may apat na gwapong mukhang anime guys ang pumasok don. I mean, hindi ako nagulat kasi may pumasok na apat na lalaki sa kwarto kong ubod higpit ng privacy. Nagulat ako kasi ang gwapo nila. Makalaglag mata lang?
“Oy teka! Anong ginagawa niyo? Utang na loob yung katawan ko!,” natataranta kong sabi. Nakaposas kasi yung mga kamay ko kaya hindi ako makagalaw masyado. Gravity! Ang sadistic nila ha.
Halos matumba-tumba pa ako dahil ang likot-likot ko. Mabuti na lang at may malambot na kamang sumasalo sa akin. Hindi ko nga alam kung kama ba yun eh. Wala akong makita, nakablind fold ang diyosa niyo.
Nakarinig na lang ako ng sumigaw dahil nasipa ko ata. Sheet naman kasi eh. Hinuhubaran nila ako. Ano to? Rape? Huhubells.
“Miss Author! Kalma lang pwede?! Chinachararat mo beauty ko eh! Chill chill lang okay? Pinapasuot ka lang namin ng birthday gown!,” rinig ko ang isang bakla. Teka?! Nasan na ba ako?
“Ano ba kasing ginagawa ko dito? Pakiexplain nga please?,” naiirita kong tanong. Naku wag nila akong antaying magalit, ipapajombag ko tong mga to.
“Ay nako miss author! Just go with the flow na lang. Wag kang mag-alala, Diyosa number 2. Safe ka dito! Nasa Monster Academy ka at ako ang Diyosa number 1 na nag-aayos sayo!,” sagot ulit ng bakla. Ano daw? Monster Academy? Bakla? You don’t say!
“Eusebio?”
“Korak ka dyan! Kaya gorabells na tayo at nag-aantay na sila!,” bigla niyang sinuot saakin ang isang damit.
Amp! Naeexcite ako! May pagkain kaya dito? *O*
~~~**~~~
“Let us welcome, the Monster Academy’s one and only author, Ms. Kyamii Vermillion!” narinig ko na lang ang palakpakan at hiyawan sa loob. Biglang bumukas ang pinto at inescortan ako ng anim na lalaking nag-gwagwapuhan sa suot nilang tuxedo.
Sheetbrix! Di ko alam na ganito pala kagwapo yung mga male characters ko sa MA. Huhubells. Pwede dito na lang ako tumambay?
Naglakad kami papasok. Taray! Nakared carpet pa ang peg! Bongga naman ang trip ng mga to!
Nagpalinga-linga ako sa mga tao. Amp! Ang daming nakatingin sakin. Ayoko pa naman ng ganito. Yung tinititigan ako. Ewan ko ba. Nakakailang na nakakahiya. Parang feeling ko, papatayin nila ako sa titig eh.
Pero ayos lang. Maganda naman ako. Haha joke.
Buti na lang at pinagbigyan ako ni Eusebio na magsuot ng rubbershoes. Sheet lang kanina eh. Ang taas nung high heels! Malamang, kaya nga high heels eh. -_- Pero ayokong nagsusuot ng ganun. Parang nababali paa ko.
Nagtatalo pa nga si Eusebio at Secretary kanina eh. Sabi ni Eusebio, hindi daw niya bet yung rubbershoes sa knee-length na gown ko. Sabi naman ni Secretary, ang cute cute daw tignan at ang cool.
Aish! Basta ako kakain. Tapos.
Tumigil ako sa harap nung stage at nagsilingunan sa akin yung anim na lalaki. Potek! Ang gwapo nila! Huhubells. Naiinlove nanaman ako.
Isa-isa nila akong binigyan ng red rose at kiniss sa kamay. Shet. HAHA.
“Happy Birthday to the most beautiful lady,”—bati ni Zeke.
“Goddess of mine, Happy Birthday,”—Eros
“Happy Birthday to our goddess,” –Ace
“May you spread more chocolates, Happy birthday,” –Xander
“My lovely lady, happy birthday,” –Neo
“Happy Birthday Miss Goddess,” –Terrence
Kinuha naman ni Zeke ang kamay ko at inalalayan ako paakyat ng stage. Pinaupo niya ako sa pinakagitna at lumabas naman si Sebby na may dalang korona.
“Let the party, begin!,” nagpasabog sila ng confetti habang nilalagay ni Sebby yung korona sa ulo ko. Damn, I’m so overwhelmed right now. Gusto ko nang umiyak.
Sinimulan nila ang party with the six hot guys dancing in front. Ang cute pa nga ng dance steps nila as they go along with the song of growl by Exo. I’m not a kpop fanatic pero may mga instances na gustong-gusto ko talaga yung music ng isang kpop song along with their dance. Ang astig lang nilang tignan.
Ang alam ko lang, sa storya ko.. si Terrence lang ang magaling sumayaw. How come pati sina Ace, Zeke, Eros, Xander at Neo ay magaling pa lang gumiling? Isipin niyo na lang na ang anim na to ay sumasayaw, sinong hindi maiinlove?
Eh si Sebby nga sa gilid ko, nagdroo-drool na.
Natapos ang sayaw nila at sumunod namang nagperform sina Xianna, Ashley, Sydney, Haylee at Kaylee na nag-acapella ng evolution of beyonce. Nakuha nila ata sa pinapanood kong Pentatonix eh. Grabeee~ ang galing pala nitong mga to? And I never thought na marunong magbeatbox ang magkambal at kayang pababain ni Xianna ang boses niya? Sheez they’re too cool!
“May I have now your attention?,” nagsalita na si Sebby sa microphone pagkatapos ng kanta nina Xianna. “This next performance would cause damage to your brains. A warning from the Goddess number 1, brace yourselves. Give it up for Kyamii’s Cyber siblings!”
Nagpalakpakan ang mga tao pero napalitan naman ito ng mga sigaw matapos mamatay ang mga ilaw. At ano nanaman ang pumasok sa isip ng mga kapatid ko?
“Ooohh~”
Umalingawngaw sa buong hall ang tinig na iyon.
Sandaling katahimikan.
Nagulat na lang ako nang biglang magkaroon ng malaking disco ball sa gitna at nagbigay ng iba’t ibang kulay ng ilaw.
“Dog goes woof.
Cat goes meow
Bird goes tweet
And mouse goes squeek”
Mula sa taas, dahang-dahang bumaba ang isang babaeng nakasakay sa malaking bubble. Ang kanyang gown ay gawa lamang sa itim na tinta, at nagmumukha siyang gothic sa kanyang suot.
“Cow goes moo
Frog goes croak
And the elephant goes toot”
Pumutok ang bubble at naglaho na parang bula ang babae. Napunta naman bigla ang spotlight sa isang babaeng nasa dulo ng pasilyo na nagcocontrol sa mga pana na lumulutang sa itaas niya.
“Ducks say quack
And fish go blub
And the seal goes ow ow ow ow ow”
Nasindihan ang pana ng iba’t ibang ilaw at pinasayaw ito sa ere ng babaeng ang gown naman ay gawa sa mga pana, parang katulad ng Heaven’s Wheel Armor ni Erza Scarlet ng Fairy Tail.
“But there’s one sound
That no one knows”
Nawala ang spotlight at nagkaroon muli ng katahimikan. Pawang kadiliman lang ang makikita sa loob ng hall.
Naramdaman kong may lumapit sa akin at bumulong, “say the magic words Miss Kyamii.”
Nagbuff pa nga ako kung anong magic words yun eh. Buti nagets ko kaagad.
Huminga ako ng malalim at kumanta, “What does the fox say?”
Nabuhay ulit yung mga nagsasayawang ilaw at nakisayaw na rin yung mga bisita na pinangungunahan ng isa pang babaeng ang gown ay gawa naman sa yelo.
“Ring-ding-ding-ding-dingeringeding!
Gering-ding-ding-ding-dingeringeding!
Gering-ding-ding-ding-dingeringeding!
What the fox say?”
Sumama na ulit sakanya ang dalawa pang babaeng kaninang nagperform at nakisayaw na din. Nagpatuloy naman sa pagkanta ang babaeng yelo ang suot. Buti at hindi natutunaw yun.
“Wa-pa-pa-pa-pa-pa-pow!
Wa-pa-pa-pa-pa-pa-pow!
Wa-pa-pa-pa-pa-pa-pow!
What the fox say?”
Yung anim na lalaki naman ang sumayaw ng kasunod na kanta. Grabeee~ nosebleed na ituu~
“Hatee-hatee-hatee-ho!
Hatee-hatee-hatee-ho!
Hatee-hatee-hatee-ho!
What the fox say?”
Nagsitayuan ang mga bisita at sumayaw na ng bongga. Pati ako, niyaya ni Sebby na sumayaw sa stage. Umakyat sina Ice, Yuuki at Jenkyl at sinabayan ako sa pagsasayaw.
“Joff-tchoff-tchoffo-tchoffo-tchoff!
Tchoff-tchoff-tchoffo-tchoffo-tchoff!
Joff-tchoff-tchoffo-tchoffo-tchoff!
What the fox say?”
Natapos ang music. Umabante ang tatlo at sabay-sabay na sumigaw, “WHAT DOES THE FOX SAY?!”
Sumagot naman ang mga bisita pati na rin ang mga characters ko, “HAPPY BIRTHDAY KYAMII!”
Nagpalakpakan ang mga tao at naghiyawan kasabay ang pagsabog ng mga confetti at glitters and bubbles courtesy of Ayame and Elei.
Shet! Gusto ko na talagang umiyak!
~~~**~~~
Natapos ang mga performances nila at nagsimula nang magkainan. Habang kumakain, pinresent naman ni Terrence yung powerpoint na inedit nila ni Shikuri. Tawa nga ng tawa yung mga audience sa mga pictures ko na hindi ko alam kung saan nila nahalungkat. Huhubells. Ang aking dignidaaaad~
“Good evening everyone,” nagsalita si Ice sa microphone pagkatapos ng presentation. May hawak siyang papel sa kanang kamay niya.
“First of all, I would like to greet our goddess, Kyamii-chan, a happy happy birthday. Mahal na mahal kita kapatid ko. Alam mo yan. Noong una, hindi ko alam kung paano ko ipapahatid sa human world tong regalo ko kaya idinaan ko na lang ito sa isang tula. Maganda kong kapatid, sana magustuhan mo <3”
[Para mabasa ang tula ni Ice, click the external link. Thank you ulit Ice para dooon~ <3 Naiiyak na ulit ako.]
Natapos ang kanyang tula at hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Hindi naman ako iyaking tao pero awtomatikong naiiyak kasi ako kapag feeling ko, pinapahalagahan ako ng mga taong mahal ko. Alam kong ang corny ng POV na to pero seryoso, hindi niyo alam kung gaano ko naapreciate ang bawat pagbati ninyo sa akin.
Isang powerpoint ulit ang ipinalabas ni Terrence kasama ang mga pagbati ng mga character ko na nilikha sa Monster Academy. Naunang pambungad na rito sina Tabitha at Skye, ang main characters ng storya.
Hanggang sa sumunod na ang iba. May mga kumanta katulad ni Ayame, nagmodel na si Eusebio, kumain na si Yuuki, sumayaw na si Terrence atv iba pang klaseng pagbati. Kahit nga si Lord Hales, Serafina at Phelestien ay nagkabati-bati muna at sumayaw ng gentleman para sa birthday ko. Oh diba? Bonggacious?
Meron pang pinakita yung iba na nagpopost sa wattpad ko. Lalo na si Ice at Jenkyl na nagcountdown talaga para sa birthday ko.
Ito ang mga messages na naabutan ko habang tinatype ko ang POV na ito. (Mga copy paste lang to ha XD)
From: @Insane_Jenkyl
KAPATID!!! HAPPY 'ilang-taon-ka-na-ba?' BIRTHDAY!!! xD Hindi ko matalbugan ang tula ng isa mo pang kapatid na si@Shatterheart06 ! BONGGAIOUS! xD tama ba ang spelling? xD Patuloy lnag sa pagwagayway ng bandera ng mga dyosa at ni Maivs! ^_^ ICE-chan! IKAW NA!!! xDD Mwuah-mwyah tsuptsup pwe pwe xDD hahaha tinotopak na naman ako! Have fun in your day kapatid! ^_^
*
From: @ForeverOtakuAddict
today is the Birthday of the Goddess --@StarryKyamii .. HAPPY BIRTHDAY , KYAMII-NEE!~ o(^___________^)o Stay Beautiful and Youthful :D
*
From: @OtakuNotes
Happy Birthday to tge forever beautiful 'Golden Goddess', Ms. Kyamii! Happy Birthday po, Ms. Kyamii! \\^0^// [Yung nasa wall ko]
HAPPY BELATED BIRTHDAY TO@StarryKyamii! Happy Birthday Miss Kyamii! ^0^// (3 hours ago) [nasa status niya]
*
From: @Reshiane
KYAM KYAM CHAAAN~!! OMEDETOU!!! *u*
HAHA Wala bang pagkain????
Wheres the buffet Table?? >.> <.<
NUUUUUUUUU NO FOOOD?! OAO AHA!! MAY POTATOES~~! *u*
HAhaha DIYOSA PAKAIN NAMAN DYAN~!! T____T XDD [nasa wall ko]
KYAM KYAM CHAAAAAAN~!!! OMEDETOUUUU~!! *u*// (24 minutes ago) [nasa status niya]
*
From: @CertifiedOtakuHime
HAPPY BIRTHDAY SA MINAMAHAL KONG DIYOSANG SI KYAM KYAM-NEE-CHAN!!! TULALILOO TI AMO (6 hours ago) [nasa status niya]
UWAAAAAAAAAAAHHH~!! HAPPY BIRTHDAY KYAM KYAM-NEE-CHAAAAAN~!!!
ENJOY YOUR DAAAAAYYY! I LOVE YOOOOU~!! SANA BISITAHIN KA NI HUBBY MONG SI JERON NGAYON X)))
#MhyRon
Best Wishes and GOD BLESS! ILYSM [yung sa FB niya]
[P.S. Yuukiii~ di ko macopy paste yung comment mo sa tula ni Ice. XD haha Pero salamat don <3]
*
From: @Shatterheart06
12:00 AM na sa akin. HAPPY BIRTHDAY NA TALAGA~! XD (13 hours ago) [nasa status niya]
At siyempre, yung tulang nagpaiyak sa akin buong gabi. Salamat Kapatiiiid~ <3
*
From: @AnmaeGarcia
[yung nag-iisang nagmessage sa akin sa inbox as of now XD]
Happy Birthday po Ms. Author Reader nyo po ako (actually silent reader po).. Happy Birthday po Ulit..^_^
***
Hindi ko alam kung may babati pa pero ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako. Gusto ko din sanang ipost yung mga nagcountdown sa facebook kaso yung privacy ko at nila. Anyway, maraming maraming salamat sa inyo. Alam kong hindi sapat ang mga salitang ito para ipakita ang aking nararamdaman pero sana.. sana talaga makita niyo kung gaano ako kasaya ngayon.
Natapos ang slideshow ni Terrence at Shikuri. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko, masaya ako.
Nakapagkwentuhan kami kasama ang iba ko pang characters. Kahit nga si Mavis at Nero mula sa Beat ay nandito. Pati na rin yung mga character ko sa Minion Shot ay nagpunta rin dito para makicelebrate. Nandito rin si Irisviel at si Annoying Angel mula sa storya kong Fallen Angel. Lahat sila ay nakangiti habang binabati ako.
Nagtapos ang party sa isang magarbong fireworks na hinanda nina Shontelle, Nerd at Ayesha.
Lumapit sa akin si Ayame at nagtanong, “Anong wish mo?”
Napangiti ako. Sa loob ng labing anim na taong kong pamumuhay, tuwing birthday ko, palagi nilang tinatanong kung anong wish ko, at wala akong konkretong sagot. Para matigil sila, palagi ko na lang sinasabing chocolate o kaya anime. Pero ngayon, may sagot na ako.
“Anong wish ko? Believe it or not, I'm already contented on what I have. Wala nakong mahihiling pa. God gave it already and I thank Him for that. :))”
Binlow ko na ang kandila sa tuktok ng cake na ginawa ni Kaguya.
At dito nagtatapos ang POV ko. Maraming salamat sa nagtyaga dito. Happy All Saints’ Day!
Lord God. Simple man po itong sasabihin ko pero sana maiparating ko ang aking nararamdaman.
Thank you for another year. I love you po. <3 –M.P.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top