Gwiyomi

Chapter 12

Gwiyomi

~~~**~~~

It was past midnight when the phone rang. The masked person woke up from deep slumber and checked his room mate.

Good thing he’s still asleep.

‘Who would call at such time?’ He thought.

Curious, he reached for his phone and looked at the screen.

Unknown Number.

Silently, he stepped out of the room and answered the call.

“Who is this?”

Shivers were sent through his spines when a familiar voice was heard on the other line.

[You’re enjoying your stay there eh?]

His eyes widen with shock and found himself speechless. He came back to his senses when the person on the other line spoke.

[Answer me.]

“M-my Lord.. I-I—” his voice was trailed off. He didn’t know what to say. No. Scratch that. He’s too afraid to talk.

[How long do you intend to make me wait? You know me when I’m bored.] An image was formed in his mind: the master’s wide dangerous smile.

“Don’t worry master. I already gathered almost all of the data you needed.” He tried his best to talk casually even though his hands were trembling.

[I want the data by tomorrow evening. By the way, how are they doing?]

“They doing fine, my Lord. Better than we expected.”

[Very well then. Another thing, I will be giving the signal one of these days so better have your plan ready.]

“Are we sticking to it, my Lord?”

[Yes. For the meantime, I’m going to send you a minor mission. Be sure you do it.]

“Yes my Lord.”

The line went dead.

The masked person broke his phone into pieces and went straight back to bed.

~~~**~~~

~Tabitha’s POV~

At exactly 6:00 am. I woke up.

Yan na siguro ang tinatawag nilang body clock. Nagigising sa oras na nakasanayan. Kahit walang nang alarm clock.

Pumasok ako sa bathroom to do my things. Paglabas ko, sinalubong ako ni Yuuki.

“Ohayou, Onee-chan.” She said while rubbing her eyes. Mukhang antok na antok pa siya. Pumipikit-pikit pa kasi yung mga mata niya kahit anong gawin niyang mulat. Parang si Boo ng Monsters Inc. nung antok na antok. Ang cute *O*

“Ohayou, Yuuki.”

“Onee-chan, let’s make breakfast together.”

“Sige. Pupunta na ako sa kusina.” Pumasok na siya sa bathroom to do her stuffs. Lumabas ako ng room at dumiretso sa kusina para maghanap ng pagkain namin for breakfast. Halos walang kalaman-laman yung refrigerator at cabinets. Kailangan talaga naming mamili.

“Yuuki, sa lounge na lang tayo kumain. Wala tayong stock e.” sabi ko pagkalabas ni Yuuki.

“Wag kang mag-alala Onee-chan. I bought cereal box and milk. Naalala ko kahapon habang bumibili ng pangbake ko sa cake!” masayang sabi niya. Bumalik na siya sa pagiging energetic niya.

Habang kumakain kami, may biglang kumatok.

“I’ll go get it Onee.” Tumayo si Yuuki papunta sa pintuan. Ilang saglit lang, bumalik na siya.

“Sino yun?”

“Yung isa sa mga maid. Onee-chan. Ito na nga pala yung allowance daw natin." inabot niya saakin ang isang envelope na naglalaman ng allowance ko para sa buong buwan. "Atsaka, kailangan nating magmadali. 8:00 am daw ang dating ng bus para sa Monster Central Town. Mag-aayos pa tayo ng gamit.” 

Binilisan na naming kumain bago mag-ayos ng gamit. Inuna na namin ang bed room. Nag-ayos kami ng mga damit at inilagay ito sa cabinet. Konti lang naman ang mga dala ko. Kadamihan dito ay mga uniform at pambahay. Iilan lang ang dala kong pang-alis. Dala ko rin ang pinakapaborito kong maid suit. Binigay kasi saakin iyon ni Ms. Skye kaya mahalaga saakin iyon.

Isinunod ko naman ang mga libro na ginagamit ko. Sa ngayon, nakastock up muna ang mga ito dahil walang bookshelf. Nilabas ko na rin ang mga picture frames at nilagay sa side table. Ang iba naman ay sa living room. Mga pictures namin nina Sebby at Ms. Skye. Uwaaa~ isang araw ko palang silang di nakasama, namimiss ko na kaagad sila. Yun lang naman ang mga dala ko. Yung ibang mahahalagang bagay ay nilagay ko muna sa isang bag at itinago ito sa ilalim ng kama. Wala pa kasi akong matinong lalagyan para sa mga ito.

Nagvacuum ako sa sala kahit malinis naman ito. Nakasanayan ko na rin kasi ang pagvavacuum araw-araw sa mansyon nina Ms. Skye. Matapos kong magvacuum, pumasok ako sa kwarto para icheck si Yuuki.

“Yuuki? Tapos ka na ba?” Andaming papel na nagkalat sa kama niya pagpasok ko. Lumapit ako sa kanya para tulungan siya.

Natulala lang ako nang makita ang mga nasa papel.

“Whoa.”

Kinuha ko yung isa sa mga nandito. Tinitigan ko.

“Kaname Kuran.” Mahina kong sambit.

Kinuha ko pa yung iba na nasa kama. Mga drawing ng iba’t ibang anime. Karamihan ay Fairy Tail, Vampire Knight at La Corda d’Oro. Sina Erza Scarlet, Natsu Dragneel, Wendy Marvel, at ang crush ko na si Gray Fullbuster. Meron din sina Yuki Kuran, Hanabusa Aido at ang pinakamagandang drawing na si Zero Kiryu. Sa La Corda d’Oro naman, si Kahoko Hino habang tumutugtog ng kanyang violin. Sina Tsukimori Len at ang gusto ko na si Hihara Kazuki.

“Ang galing! ” hindi maiwasan na sabi ko. “Ikaw may gawa ng lahat ng to Yuuki?”

“Hai!”

Binaba ko ang mga hawak kong papel sa kama. “Kailangan mo ba ng tulong Yuuki?”

“Opo. Uwaaa~ andami ko pong ididikit.”

“Haha. Tara. Para matapos na tayo.” Kinuha ko yung mga papel at nagsimula nang idikit sa ding ding.

Noong natapos na kami, nilapitan ako ni Yuuki.

“Onee-chan. Dikitan din natin yung iyo please.” sabi niya na nagpu-Puppy eyes.

Si Puss in Boots.

Ganon itsura ng puppy eyes niya. Kawaii~

“okay.” Sabi ko na napatigil sa lugar ko.

Hindi pa rin maalis sa isip ko yung Puppy Eyes niya.

“Wuy Onee!” binulabog ako ni Yuuki.

“Ah oo. Tara.”

Matapos naming magdikit, pinauna ko na si Yuuki na maligo habang nilinis ko lang saglit yung kwarto namin.

Napansin ko na may nahulog na notebook.

Pinulot ko iyon. Black leather ang cover ng notebook niya. May nakasulat na gitna at gold ang mga letra nito.

‘Pen and Ink’

Nagulat ako ng biglang inagaw saakin ito ni Yuuki.

“O-onee-chan. Ikaw na.” sabi niya na parang kinakabahan. Tapos na pala siya at naka-uniform.

“O-okay.” Sabi ko at pumasok na sa bathroom para maligo.

~~~**~~~

Sa lobby kami naghintay ni Yuuki. Nandoon na rin ang karamihan sa mga kaklase naming babae. Kung titignan mo, ang konti lang namin

Nakita namin si Ayesha na nagbabasa ng magazine. Nilapitan namin siya.

“Good morning Ayesha!” bati ko sakanya. Sinalubong niya ako ng magandang ngiti. Tumayo siya at bineso-beso ako.

“Sino yang kasama mo?” tanong niya na tinutukoy yung babaeng nagtatago sa likod ko.

“Yuuki.” Tawag ko sakanya. Umangat siya ng tingin saakin at nginitian ko naman siya. Unti-unti siyang nagpakita kay Ayesha. Pero ilang saglit lang, yumuko nanaman siya at pinipilipit ang laylayan ng palda niya.

“Siya si..” Tumango lang ako kay Ayesha. Lumapit siya kay Yuuki at inangat ang ulo nito. Bigla na lang niya itong pinisil sa pisngi.

“Ang cuuuuuuuute!" patuloy pa rin ang pagpisil ni Ayesha sa pisngi nito. Si Yuuki naman, walang magawa.

“Uwaa~ Ayesha. Tama na yan.” Awat ko sakanya. Binigyan niya ng huling pisil si Yuuki sa pisngi at masiglang tumingin saakin.

“Room mate mo?” tumango ako. “Ang swerte mo. Ang cute nito. Puro cute stuffs siguro nasa room niyo?” ngumiti lang ako sakanya.

“Ayesha Lore.” Pakilala niya kay Yuuki at inabot ang kamay para makipag shakehands. Nahihiya naman itong kinuha ni Yuuki. “Y-yuuki S-sakkaku.”

“Asan nga pala si Shontelle?” tanong ko sakanya nang umupo na kami sa isa sa mga upuan doon.

“Hindi ko alam e. Inaantay ko nga kayo. Bakla ka Tabitha. Kinalimutan mo kaming tawagan kagabi. Jusme si Sebby kahapon. Kinukulit ako.” Sabi ni Ayesha.

“Ahh. Sorry sorry. Naaliw kasi ako kay Yuuki e.”

“Sino ba naman ang hindi maaaliw sa kacute-an nito?” sabi niya at pinisil nanaman ang pisngi ni Yuuki.

Nag-usap kaming tatlo hanggang sa inannounce nung maid na nandyan na daw ang bus na sasakyan namin. Tumayo kami at naglakad papunta sa labas. Lumingon-lingon ako at nagbakasakaling makita si Shontelle, pero wala pa din.

Isang malaking school bus ang nakaparada sa labas. Mukhang naunang sinundo ang mga classmate namin sa Rigel Dungeon, exclusive dorm para sa mga lalaking estudyante ng Special Monster Class. Nagsiakyatan na ang mga babaeng classmate namin.

“Asan kaya yung babaeng yun?” sabi ni Ayesha matapos naming umupo sa bus. Tabi kami ni Yuuki samantalang nasa likod naman namin si Ayesha.

Sakto naman ang pag-akyat ni Shontelle sa bus. Kinawayan siya ni Ayesha kaya dali-dali siyang umupo sa tabi nito.

“San ka nanggaling? Antagal mo ata? Pinag-alala mo kami ni Tabitha. Hindi mo pa ako tinawagan kagabi. Kami lang tuloy ni Sebby ang magkachikahan.” Narinig kongtuloy-tuloy na sabi ni Ayesha.

“Girl. Ang saklap ng buhay ko.” sagot naman ni Shontelle.

“Bakit?”

“Room mate ko si Xianna.”

Awtomatikong napatingin kami ni Yuuki sa dalawa sa likuran namin.

“Oh, anong nangyari?”

“Hell.” Walang gana niyang sagot.

Biglang bumungad ang mukha ni Xianna at ang kambal niyang kasama. Tumingin lang siya sa direksyon namin at umupo na sa may harap.

Umandar na ang bus na sinasakyan namin. Hindi ako makapagconcentrate sa sinasabi nung dalawa sa likod ko. Nahihilo kasi ako kaya pinasya ko munang pumikit.

“Okay ka lang Onee-chan?” nag-aalala si Yuuki.

“Medyo nahihilo ako e.” May kinuha siya sa bag niya at binigay niya saakin.

“Onee-chan o! Inumin mo para di ka mahilo.” Kinuha ko naman iyon at ininom. Naramdaman kong may biglang sumalpak na earphone sa kanang tenga ko. Isang slow at calming music ang tumunog. Napatingin ako kay Yuuki at nasa kanya ang isa pang earphone. Ngumiti siya at ibinalik niya ang tingin sa labas. Pumikit na lang ulit ako.

~~~**~~~

“Nakabusangot yang mukha mo?” tanong ni Ayesha kay Sebby pagkababa namin ng bus. Ang layo ng binyahe namin.

“Room mate?” panghuhula ko. Lalong kumunot ang noo niya.

“Nakakaloka naman kasi e. Sa dinami-dami ng pwedeng maka-room mate, yung nerd pa na yun. Andami-daming gwapo e.” inis na inis na sabi ni Sebby.

“Magsama kayo ni Shontelle. Mga brokenhearted sa room mate.” Natatawang sabi ni Ayesha. Hindi maipinta kasi ang mukha ng dalawa.

“Ikaw Ayesha? Sino nga palang room mate mo?” tanong ko naman.

“Ah. Wala pa akong room mate e. Kaya solong-solo ko yung suite.”

“Buti pa tong si Tabitha, cute nung room mate. Pero mas cute ako. Buti na lang peh at hindi mo naging kaugali yung mga echuserang frogletus na iyon.” Sabi ni Sebby kay Yuuki. Ngumiti lang si Yuuki sakanya.

“Alam niyo, kesa ma-bad vibes kayo sa room mates niyo. Gora na tayo.” Sabi ni Ayesha na nagsimula nang maglakad.

“Mabuti pa nga.” Segunda ko sakanya.

Pero bago pa kami makaalis, may biglang tumawag kay Yuuki. Agad kaming napalingon sa pinanggalingan niyon.

“YUUKI!” nakacross arms si Xianna at nakataas ang kilay. Nagpalipat lipat ang tingin saamin ni Yuuki.

“At kelan ka pa natutong sumama sa mga trash na iyan?!” mataray na sabi ni Xianna. Papatulan dapat ni Sebby pero pinigilan ko na lang siya. Tinanguan ko si Yuuki at kahit labag man sa kalooban niya, sumama siya kina Xianna.

“Yang frogletus na yan. Nakuuu~ umiinit dugo ko.” gigil na gigil na sabi ni Sebby. “Tara na nga. Ayokong masira ang araw ko.”

Nagsimula na kaming tumingin-tingin. Itong mga kasama ko, halos lahat ng shops na madaanan namin, pinapasukan nila. Pero naaaliw ako sa mga nakikita namin. Mga kakaibang bagay. Yung tipong may buhay ang bawat bagay.

Lumabas kami ng isang dress shop. Hindi naman ako masyadong mahilig sa mga damit pero bumili ako ng isa para kung sakaling kailanganin ko.

Naglakad pa kami ng konti hanggang sa may napansin kaming isang mini stage. Madaming taong nagkukumpulan doon.

“Girl! Doon tayo! May something ata e.” aya ni Sebby kaya pumunta kami.

Saktong paglapit namin ay lumabas ang host ng mini stage.

“Good morning!” masayang bati ng host sa madla.

“Excuse me miss, anong meron?” tanong ko sa isang babae doon.

“Ahh. Mga taga-Monster Academy kayo diba? Tamang-tama. Sali kayo dito. Special contest para estudyante ng school niyo. Madali lang naman yung gagawin e. Gagawin niyo yung gwiyomi.”

“Gwiyomi?” tanong ni Sebby.

“Yep. Ipapakita naman sa malaking screen kung paano ginagawa yun. Sali kayo. May papremyo daw e.”

“May mga sasali pa ba? I repeat. This is open to all the students of Monster Academy.” Sabi nung host.

“Sali tayo bakla!” sabi ni Sebby.

“Tara Sebby! Kayo?” game na game naman si Shontelle.

“Dito na lang ako. Magchee-cheer sainyo.” Sabi ko sakanila. Nakakahiya kas e. Andaming nanonood.

“Sasamahan ko na lang si Tabitha. Dali na! Gora gora go!” tinulak-tulak naman ni Ayesha ang dalawa papunta sa stage.

“KAMI! Sasali kami!” sigaw ni Sebby habang nagmamadaling pumunta sa stage. Nakasunod naman sakanya si Shontelle.

“Ang ha-hyper ng mga kasali ngayon ah.” Sabi nung host matapos makatuntong nina Sebby at Shontelle sa stage. “Pwes, wag na nating patagalin pa. Here are the candidates for the Gwiyomi contest!”

Nagsilabasan ang mga classmate namin. Namumukhaan ko yung iba pero hindi ko alam ang pangalan. Pero ang ikinagulat ko ay kasali sina Yuuki at Xianna. Nagkatinginan si Sebby at Xianna, at feeling ko may lumalabas na kuryente sa mga mata nila. Rivals.

“Okay. Simple lang naman ang gagawin niyo. Gagayahin niyo lang naman ito. Please play the video.” Sabi nung host at nagplay sa malaking screen ang gwiyomi.

[Play the video on the side to watch Gwiyomi]

“Kukuhain namin ang Top three sa pamamagitan ng pinakamalakas na palakpak. Bahala kayo kung may gusto kayong idagdag as long as maplea-please niyo ang audience. So let the gwiyomi begin! And our first contestant..”

Nagsimula nang tawagin ng host ang mga magpeperform. Ang cucute nila. May mga iba gumawa ng gimik tulad ng face dance tapos yung iba naman, trying hard magpacute.

Si Sebby na ang sumunod. Bigay todo siya sa pagpeperform at sinigurado niyang gamit na gamit ang charms niya. Ganoon din kay Xianna. Ayaw nilang magpatalo sa isa’t isa. Huling nagperform naman si Yuuki. Hiyang hiya siya. Pero buong performance niya, tahimik ang crowd unlike sa ibang performers. Noong natapos ang gwiyomi song number niya, isang napakalakas na hiyawan ang bumulabog sa buong lugar.

“Yuuki! Yuuki! Yuuki!”

“Whoo! Ang cute mooo~!”

“CUTENESS OVERLOAD!”

“GO SEBBY!”

“WHOO! Ganyan ang lalaki! Sebby kaya mo yan!”

“Ang ganda mo Xianna!”

“Nakakarinig ako ng sari-saring sigaw ah! Ang gagaling naman ng mga nagperform ngayon. Maraming salamat sa inyong pagsali. At hindi ko na patatagalin pa. Ang tatlong nakapasok sa finals ay sina.. SEBBY! XIANNA! At YUUKI!” nagpalakpakan ang audience at patuloy na pagchee-cheer sa mga bet nila.

Nagbabaan na ang mga classmate namin na hindi na kasali para sa next round.

“Now for the final round. Muli nilang sasayawin ang gwiyomi. Ang may pinakamalakas na palakpak ang siyang mananalo. Handa na ba kayo?” naghiyawan ang mga tao. “Please step forward players. At sabay niyong sayawin ang gwiyomi! Go!”

Nagsimula ulit magsayaw ang tatlo ng gwiyomi. Ang gagaling nilang tatlo. Nang matapos nilang magsayaw, wala nang patumpik-tumpik pa at iisa na lang ang isinisigaw na pangalan ng crowd. Majority na ito.

“Yuuki! Yuuki! Yuuki!”

“At ang panalo ay walang iba kung hindi si.. YUUKI!” nagkamay ang host at si Yuuki. Yung dalawa, nasa likod at panigurado akong nagbabatuhan sila ng masasamang salita laban sa isa’t isa.

Ang dalawang iyon, aso’t pusa.

~~~**~~~

“Ang cute natin Sebby ah. HAHAHA. You should have seen your face. HAHAHA!” patuloy na pang-aasar sa kanya ni Ayesha.

“Nainggit ka nanaman sa cuteness ko? Baka matibo kayo niyan ha.”

“Asa ka naman. HAHA. Kaya hindi ako makapagperform ng maayos e. Natatawa ako kay Sebby e. HAHAHA” sabi naman ni Shontelle.

Nandito kami sa isang café. Dumiretso kami dito matapos nung gwiyomi na contest. Sayang hindi ko nabati si Yuuki. Hinila kasi siya kaagad ni Xianna e.

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan.

“Guys. C.R lang ako.” Paalam ko sakanila at dumiretso sa C.R. I do my stuff. Pagkatapos ay pumunta ako sa may salamin para mag-ayos. Ang creepy sa C.R. Nag-iisa lang kasi ako dito.

Nagulat ako ng may pumasok sa pinto. Nakahood lang siya na black at hindi kita ang mukha niya pero base sa katawan niya, babae ito. Isa pa, nakalugay din ang itim niyang buhok.

Bigla niyang kinuha ang kanang kamay ko at may nilagay na isang box.

“Keep it. Use it when they come.” Yun lang at tumingin siya saakin ng mabilisan. Napansin kong may purple eyes siya. O imagination ko lang iyon? Bago ko pa siya makausap, umalis na siya. Naiwan akong nakatulala doon.

Binuksan ko ang box na binigay niya at isang salamin ang sumalubong saakin.

Salamin?

Sino siya?

At sino ang dadating?

Naguguluhan ako pero may nagsasabi saakin na magtiwala ako sakanya.

Kinakabahan ako.

~~~**~~~

AN :) Sino yung babae? OMG. At sino yung nasa unang part? Luh? xDD

HAHA Salamat nga pala sakanya :) May model na ako ni Skye. Kaso hindi ko pa inedit :) Nakikiuso lang ang chapter nito sa bagong Gwiyomi. Yeah yeah. Salamat sa pagbabasa :)

Xianna on the side. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top