Executed
Chapter 34
Executed
~~~**~~~
Tabitha’s POV
“Po?! T-Teka lang ho! Hindi naman po ata pwede yun! Saglit lang--!” napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong tutukan ng sandata.
“We are the law. We would abide the decision of the higher council. You have no right to fight against the rule,” matigas na sabi nito.
“Saan niyo siya dadalhin?! Pag-usapan muna natin to!,” hysterikal na sigaw ni Eusebio. “Hindi niyo siya pwedeng basta-basta kuhain sa amin!”
“Back off! Or I’ll shoot!,” napaatras kami. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?! Nasa panganib siya! Bakit? Ba’t ganito? Masaya naman kami kanina ah! Paano napunta sa sitwasyon na to?
Nakita kong naglakad muli sila palayo sa amin. Hindi ko na namalayan na nilusob na ni Eusebio ang ilang mga sundalo. Alam kong sa dami at lakas nila, wala kaming laban dito. Pero hindi namin pwedeng hayaan na makuha siya ng walang eksplanasyon.
“Ms. Skye! Ms. Skye! Bakit ayaw mong lumaban?! Ms. Skye!,” mangiyak-ngiyak kong sabi. Ni hindi niya kaming magawang lingunin. Bakit Ms. Skye?! Anong bang ginawa mo? Bakit ka nila nilalayo sa amin?!
“Ms. Skye! Ms. Skye!,” sinubukan ko silang habulin ngunit huli na. Nakaramdam na lang ako ng isang malakas na hampas sa aking mukha. Hinang-hina akong napahiga sa lupa.
Ang huli ko na lang nakita ay ang papaalis na sasakyan ni Ms. Skye.
“Ms. Skye! Ms. Skye! Ms. Skye!”
“Tabitha!”
“Ms. Skye! Ms. Skye, bumalik ka dito! Huwag niyo syang kunin!”
“Tabitha!”
“Hindi pwede to! Ms. Skye!”
“TABITHA!”
Bigla na lang akong napabangon sa aking higaan. Naramdaman ko nanaman ang kirot sa aking mukha. Napatingin ako sa gilid at bumungad sa akin ang pagod na pagod na mukha ni Eusebio.
“Princess Sebby...” napayakap ako sakanya. Hindi ko na napigilan pa ang mga nagbabadyang luha na kanina pa gustong tumulo. Bakit kasi nagkaganito eh?!
“Shh.. Tama na Tabby. Babalik din si Skye. Babalik siya. Alam ko,” narinig kong bulong ni Princess Sebby na umiiyak na rin. “Ang mabuti pa ay magpahinga na muna tayo. Sina Jenkyl na ang bahala sa pag-aayos ng pagbabalik natin sa Monster Academy.”
“Ano bang ginawa ni Ms. Skye, Princess Sebby? Bakit siya hinuli ng mga sundalo ng Council?” Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyari. Naging mabilis ito kaya hindi nagrehistro sa utak ko. Parang kanina lang, ang saya-saya naming nagkakainan dahil nanlibre kami ni Zeke noong nanalo kami sa Wedding Wreckage Booth. Tapos, bigla na lang dumating yung mga sundalong iyon at hinatak si Ms. Skye palabas ng restaurant. Ano bang kasalanan niya?
“Hindi ko rin alam Tabitha. Hindi ko alam. Pero bukas, makakausap natin si Lord Hales. Siya na ang mag-eexplain sa’tin,” hinang-hina niyang sagot.
Kumalas ako sa pagkakayakap at humiga. Nagpaalam saakin si Sebby na kukuha muna siya ng gatas pampakalma para makatulog. Hindi ko siya sinagot at patuloy na tumingin sa kawalan.
Sana maging okay ka lang, Ms. Skye. Antayin mo kami dyan. Ibabalik ka namin.
Ibabalik ka namin. Pangako.
~~~**~~~
Kinabukasan, maaga kaming umalis ng Superiorem Monstrum Academiae. Walang nagsasalita maski isa sa amin. Kahit si Princess Sebby ay nakatingin lang sa kawalan. Siguro, kinakabahan sila sa pwede nilang marinig tungkol sa aksidente na nangyari kay Ms. Skye.
Sa loob ng ilang oras na biyahe, hindi ako nakatulog. Naguguluhan pa rin ako sa mga pangyayari. Kinakabahan sa pwede naming datnan pagbalik ng Monster Academy. Hindi ko alam kung nakarating na ba ang balita na ito kina Mr. At Mrs. Einzbern. Ilang buwan na rin kaming nawalan ng komunikasyon sa kanila ni Ms. Skye nung nasa SMA pa kami. Parang hindi tama. Parang may mali at mangyayaring di maganda. Kung ano man iyon, sana maging okay lang ang amo ko.
Ilang minuto pa at binuksan na ang gate ng Monster Academy. Lahat sila ay naghanda sa pagdating namin at pakikipag-usap kay Lord Hales, ang founder ng mga Monster Schools at ang pinakamalakas sa buong Monster World.
Kinuha na ni Mrs. Dammon ang mga dala-dala namin at ipinaubaya na ito sa kanya-kanya naming driver para ihatid sa dorms. Si Secretary Reodica naman ang nag-escort namin papunta sa opisina ni Lord Hales.
“Wag kang mag-alala Tabitha, magiging okay din ang lahat. Si Skye pa!,” nakangiting sabi sa akin ni Jenkyl pero nahalata ko ang kaba na itinatago niya. Alam kong mayroon siyang alam tungkol dito. O kung hindi ito mismo, alam kong konektado ito sa aksidenteng iyon.
Hindi ko magawang ngumiti sa kanya o sa kahit kanino. Parang gusto kong sundan ang mga sundalong iyon at agawin si Ms. Skye. Gusto kong malaman kung bakita siya kinuha. May kasalanan ba siya? At kung meron man, ano yon?
Naisagawa na ni Secretary Reodica ang portal at isa-isa kaming pumasok dito. Tinanguan niya ako nang ako na ang nasa harapan nito. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumasok na sa loob.
Bumungad sa akin ang malakas na aura na nakukulob sa isang malaking kwarto. Ito yung tipo ng aura na hindi mo gugustuhing makita kung ano ba ang kayang gawin nito. Ni hindi mo rin gugustuhing makita kung sino o ano ang nagmamay-ari dito.
Nanatiling ganoon pa rin ang kwarto noong huli naming punta dito. Nandito pa rin ang magagarang paintings, mga nagkakapalang libro, nagmamahalang mga statues at iba pang mga bagay. Parang hindi naman ito ginagamit at prinepreserve lang sa academyang ito. Nagagamit lang siguro pag dumadalaw si Lord Hales na sobrang busy sa pagpapalakad ng Monster World.
“I would like to hear the reports,” isang boses na nanggaling sa nakatalikod na upuan ang animng narinig. Katulad pa rin ng dati, boses batang lalaki pa rin ito. Ngunit, nag-uumapaw ang kanyang kapangyarihan na umabot sa puntong gusto ko nang bumalik sa kwarto at magkulong sa sobrang takot.
Pero ang ipinagtataka ko, anong reports ang sinasabi niya? Reports ng mga nangyari sa amin sa SMA? O yung reports tungkol kay Ms. Skye?
Umabante si Jenkyl at buong lakas ng loob na sinagot ito. “The Night Kingdom princess is safe and here with us. There were no signs of attack coming from Sirenade Empire during our stay at the Superiorem Monstrum Academiae. Our performance were able to reach the grades we should obtain during our stay there and we conducted the training properly according to your wish. Other than that, we would like to hear from you, our Lord, about your opinion in regards to the incident involving Ms. Skye Ziel von Einzbern. Yesterday, soldiers from the higher council were sent to the SMA and captured Ms. Einzbern in the middle of our dinner night. That’s all, sir.”
Isang katahimikan ang kanyang isinagot. Mga paghinga lang namin ang maririnig sa buong lugar. Gustong-gusto ko nang malaman kung anong nangyari kay Ms. Skye pero nauunahan ako ng takot sa pagsasalita. Iba talaga ang feeling na nasa harap mo ang isang pinakamalakas na halimaw.
Hindi nagtagal at tumikhim siya na kumuha sa atensyon naming lahat. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako pero sabay-sabay kaming napayuko nang dahang-dahang humarap ang upuan niya sa amin. Siguro, nararamdaman din nila yung takot na kanina pa umaakyat sa buong katawan ko.
“I would like to talk with Ms. Klein. The rest of you may go with Secretary Reodica and wait for further announcement. She would explain what would you have to do for the rest of the days,” ma-awtoridad na sabi nito. Napatingin ako kay Sebby at kitang-kita sa mata niya ang pagproprotesta sa pag-alis dito. Sa huli ay tinanguan niya ako at sabay-sabay silang umalis kasama si Secretary Reodica.
Narinig ko ang pagsarado ng pinto sa aking likuran. Lalong lumakas ang pintig ng puso ko. Kung kaninang madami kami, ayos lang makipag-usap sakanya pero ngayong nag-iisa na ako, hindi ko na alam.
“I’ll be straight to the point Ms. Klein,” paninimula niya. Nakapako lang ang tingin ko sa pulang carpet na tinatapakan ko ngayon. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanya ng tuluyan. Natatakot ako.
“In the past three days, the upper council, together with the high class and well-known families of Monster World, were having a debate in the Senate about the Sirenade Kingdom’s ‘spy supporter’. The Council had the evidence that the spy was present in every meetings in the senate and most probably one of the high class families. I ordered them to investigate thoroughly but unfortunately, no more evidences were found. The Council, however, suspected that the Einzbern probably might have something to do with this. I supposed you know why,” napatigil siya kaya’t napaangat ako ng tingin. Wari’y binabasa niya ang iniisip ko ngayon. Bahagya akong napailing sa huli niyang sinabi.
“It’s somewhat surprising that the heir’s right hand doesn’t know about the history of her master. Very well then, I’ll explain it to you. The reason why the Einzbern are involved in this case is that they are the direct descendant of Phelestien, the root of all of these chaos throughout our world. It is a theory that the Einzbern are leaking out details and knowledge that they get from the meetings in the Senate to power up and help the Kingdom to counter-attack. It is also a theory that they are the people behind the rising economy and power of Sirenade Empire.”
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naguguluhan ako. Ayoko na. Ilabas niyo na ako dito.
“Due to that fact, the Council, under my permission, concluded that we should take action and execute all the Einzbern living here in Monster World. And that includes your master, Skye Ziel von Einzbern. Two days from now, the moon will shine its brightest and that will be the time that the Einzbern will be executed and perished from this world.”
~~~**~~~
Jenkyl’s POV
“I would like to give you the preview of the world now,” kinuha ni Secretary Reodica ang kanyang laptop at nagset-up ng isang floating screen. Nakatutok lang ang mga atensyon namin sa isang blankong screen hanggang sa isa-isang mga video ang inilalabas dito.
Mga video ng mga inosenteng halimaw na nakikipaglaban sa iba pang kapwa halimaw. Punong-puno ng pagdurusa at kamatayan ang screen. Nagkalat ang mga dugo at patay na katawan. Mga nasusunog na bahay at iba pang imprastraktura. Mga pag-iyak at paghihinagpis. Mga kamatayan.
This is what the world looks like right now. This is reality.
Nakita ko ang mga reaksyon sa mga taong nandirito. Mayroong mga nandidiri, mga naawa, mga nagagalit, at mga halo-halong emosyon. Ganito rin ako noong una kong makita ang video na ito. I was dumb-founded. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Tinapos ni Secretary ang video. Maliban sa akin, sina Ice, Yuuki, Neo, Shikuri, at Rai ang ilan sa mga estudyanteng nakakaalam dito. Sila ang mga unang taong binigyan ng council dito sa school ng mga misyon. Siguro ngayon, ang ilan na rin sa mga kaklase namin ay ipinadala na rin sa mga misyon. Kaya pala ang tahimik masyado pagbalik namin kanina sa MA. Wala nang mga estudyante dahil nakikipaglaban na sila.
“Our status right now is currently at war with the dark monsters. And you are the chosen players of this game. The ones who will do the main missions,” seryosong sabi ni Secretary. Humarap sa akin si Secretary at tinanguan ako. Ibig sabihin ay sabihin ko na ang mga nalalaman ko sakanila simula pa lang ng pagtuntong namin sa SMA.
“Nung tumuntong tayo sa SMA, napunta ang iba nating mga kaklase sa iba pang training ground. Pinamumunuan ito ng magkapatid na Kagame na sina Neo at Ice dahil sila ang unang pinagsabihan ni Secretary Reodica tungkol sa status ng mundo natin. Sa training na iyon, hinahanda tayo sa darating na digmaan sa pagitan ng mga halimaw. Ang totoo niyan, ilang taon na ring nagaganap ang digmaan na ito ngunit hindi lang natin masyadong nararamdaman dahil pilit itong tinatago ng Monster World Council para hindi magkagulo ang mga inosenteng halimaw. Dito rin tumutulong na makipaglaban ang ilan sa atin mga magulang lalo na ang kabilang sa high class families. Kasama rin dito ang ilan sa mga guro ng MA at SMA kaya hindi natin sila madalas makita,” kumuha ako ng wine at ininom ito. Ilang saglit pa at pinagpatuloy ko ang pagsasalita.
“Naunang natapos ang training ng grupo ng mga Kagame kaya’t sila ang unang isinabak sa misyon. Magkahiwalay ang magkapatid. Sina Neo at Rai para sa paghahanap ng ika-apat na hari samantalang sina Ice, Yuuki at Shikuri naman para sa paghahanap ng bagong lokasyon ng dark reaper corpse. Secretary, ilang buwan kaming nawalan ng balita mula sa inyo. Hindi na po namin alam ang sumunod na nangyari,” sabi ko.
“Wait! What is this ‘hari’ thingy? I don’t understand!,” inis na reklamo ni Xianna. Tumingin ako kina Zeke at Ace para maexplain nila ng maigi ang kasagutan. Afterall, they were the kings.
“The Kings of Hidden Deck. I am the King of Hearts and I possess the elemental power, Fire,” walang emosyon na sabi ni Zeke.
“The King of Diamonds and I possess the elemental power, Water. My brother, Eros, is the King of Spades and possesses the elemental power, Wind,” si Ace naman ang sumunod.
“We, the Card Kings, are the keys to unlock and revive the Dark Lord Phelestien. But we are the ones who can defeat his minions, the Dark Reapers and help the chosen one to seal Phelestien away,” pagpapatuloy ni Zeke.
“So, tatlo na pala kayo. Isa na lang ang kulang,” sabat naman ni Eusebio. Napatango naman ang dalawa.
“Sa pagkakaalam ko, sa takdang panahon, kailangan niyong magsama-samang apat para malabanan ang dark reapers. Pero kung isa sa inyo ang titiwalag sa grupo o hindi makikipag-cooperate, hindi kayo magtatagumpay. Tama ba ako?,” tanong ni Princess Kaguya. Sa tingin ko, nabasa niya ito mula sa mga libro nila sa palasyo.
“Yes. That’s why we should find the fourth king as soon as possible,” sagot muli ni Ace.
“You already found him,” isang bagong tinig ang sumali sa usapan. Hindi namin namalayan ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Secretary Reodica at ang pagpasok ng ilang monsters dito.
Wala sumalubong sa aming ngiti galing kina Neo at Rai. Nasa likuran din nila sina Shikuri at Yuuki na walang emosyon. Anong nangyari sa kanila? At nasaan si Ice?
“The fourth king, The King of Clover, is none other than you..
..Terrence.”
~~~**~~~
Aizen’s POV
“Waaah~ Bakit ang gwapo mo po Levi ko? Grabe na ituu~! My heart goes doki doki! Kyaa~” pigil na pigil kong tili sa harap ng computer. Bigla ko na lang natakpan yung bibig ko. Ice naman eh! Why can’t you just shut up and fantasize Levi? Kailangan mag-ingay kapag kinikilig? Sheez.
Nakarinig ako ng mga yabag kaya’t nagmamadali kong pinatay yung laptop na binigay sa akin ni Lance. Hindi muna ako umimik at pigil-hininga kong pinakiramdaman ito. Nakakainis naman yan! Nabitin tuloy ako kay Levi ko!
And the next thing I knew, there were arms wrapping around me from behind.
“And what were you just doing right now, babe? Hmm?” I heard Lance’s soothing voice. Parang kakagising lang niya kaya’t medyo antok na antok ang gwapo niyang boses.
“Nothing much. Just waiting for you to come back,” sagot ko at tumayo mula sa pagkakaupo. I used my sweetest tone to make sure he gets to fall in love in every word that I say. That’s part of one of my plans. At eto nga ako ngayon, nasa kwarto namin at hinihintay siyang makauwi galing sa misyon niya. It’s already 11 midnight kaya effort yun no!
“Aww~ how sweet,” he yawned at isinubsob niya ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. He looked like tired as hell. “Have you eaten already?”
Umiling lang ako at sinabi kong sabay kaming kakain. He smiled and gave me a smack on the cheeks. Oh~ I bet he’s falling in love with me more each day. Magaling ata to!
He held my hand at sabay kaming lumabas ng pintuan. Nagkwekwento siya tungkol sa misyon niya. And that’s what happens when you got his trust. Dahil sa pagsali ko sa Sirenade Kingdom, binigay niya na ng buo ang tiwala niya sa akin. Noong una, kahit sina Shontelle, Ayesha at Nerd ay nagdududa sa pagpayag ko. But then, I proved to them that I am worthy for their team. Hindi nagtagal ay nakuha ko rin ang kanilang tiwala ng paunti-unti. At dahil iyon sa magaling kong pag-arte.
“I think, I would request My Lord that you would join me in my next mission,” biglang sabi ni Lance. I just smiled and kissed him on the cheek na kanyang ikinagulat. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino ang tinutukoy nilang My Lord. Hindi ko naman kasi pwedeng imbestugahan agad ito. I need to take precautions para tumagal ako dito at makasagap ng balita tungkol sa mga plano nila.
While on our way papunta sa dining room, nakasalubong namin si Nerd with his usual stuff, his book.
“Oh? Nakabalik ka na pala Lance. Kamusta?,” tanong ni Nerd.
“Everything’s going according to plan. Nothin’ to worry about,” sagot ni Lance. Umakbay siya sa akin at muling nagsalita, “If you’ll excuse us, we have hours to catch up with each other.”
“Sige sige. At nang makapag-date kayo ng bongga,” naglakad na si Nerd at nilagpasan na kami. Pero bago tuluyang makaalis ay tinawag niya kaming dalawa kaya’t napatigil kami ni Lance.
“Oo nga pala, ang latest news ngayon sa Senate, the Einzberns will be executed. Tagumpay sina Ayesha sa mission nila. Hey Ice, what would you say about Skye being executed? She’s your friend, isn’t it?,” inantay ni Nerd ang magiging reaksyon ko. As if I would be affected by it.
Instead, I gave him my billion-dollar smile and answered, “Who is Skye?”
Humalakhak lang si Nerd at nagwave sa amin. “Anyway, Enjoy your night.”
Tinignan ako ni Lance nang may pagtataka but I smiled at him. Again, I gave him another kiss in his cheek that made him smile. “Let’s go shall we?”
But then, I should think about how could I save Skye. I’ll save her no matter what.
Just wait for me, the violinist puppeteer guardian will be back in the scene.
~~~**~~~
AN :3 Salamat sa pagbabasa. Balik loob na tayo sa plot. Huhubells. XD Anyway, comment what you're thinking. I'd be happy to read them *U*
Thank you pala sa kanya. Salamat sa votes and comments. <3
Take Care guys.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top