Epilogue

Kyamii: Gusto ko lang magpasalamat sa mga nagbasa, bumoto, nag-comment at sumuporta mula simula hanggang huli. Sa mga taong nandyan noong nagsisimula pa lang ang storyang ito (kilala niyo kung sino kayo) at nananatiling nandyan.

Syempre sa'yo, ikaw na naging parte ng journey ng storyang ito. Mapa-silent ka man o hindi, salamat sa pagbibigay ng oras para basahin ang storyang trip, on-the-spot, walang plot pero pinaghirapan namang buoin ng magulo at malawak kong imahinasyon.

Muli, ako ay nagpapasalamat sa'yo at sana, nakapagbigay-aral at inspirasyon ang storya ko sa'yo (tho I doubt kung meron nga dahil puro kalokohan lang 'to.)

This is the last chapter of Monster Academy and in behalf of my characters, again, thank you for reading.

Til next time, folks!

P.S. Hindi ko rin inexpect na ganyan ang ending. Kanina ko lang naisip 'yan. Pero sana, nagustuhan niyo pa rin. Enjoy reading ♥

Chapter 50

Epilogue

Tabitha's POV

"Tabitha, ready ka na?"

Napatingin ako sa pintuan at nakita si Sebby na nakasilip dito. Bahagya akong ngumiti.

"I'll just wait for you outside, okay?" Isinarado ni Sebby ang pintuan.

Tumayo ako sa kama at muling sinipat ang sarili sa salamin. Inayos ko ang puting damit na aking suot at kinuha ang bouquet of flowers na nakapatong sa table. Sumunod ako kay Sebby sa labas ng mansyon.

Dalawang taon na ang nakakalipas simula nang matapos ang Second Monster War. Unti-unti kaming bumabangon mula sa epekto ng digmaan. Sa ngayon, nagtutulungan kami kasama ang Night Kingdom para sa muling pagsasa-ayos at pagbalik ng Monster World sa dati nitong kapayapaan.

Naabutan kong nakasandal si Sebby sa kotse paglabas ko. Nginitian niya ako at ganoon din ang ginawa ko. Pinagbuksan kami ng butler at sumakay kami.

Hindi nagtagal ang biyahe. Narating din namin ang destinasyon sa loob ng kalahating oras. Bumaba kami ni Sebby sa sasakyan at tinignan ang lugar na pamilyar sa aming dalawa. Kinuha ni Sebby ang mga kandila habang hawak-hawak ko sa isang kamay ang bouquet of flowers. Tinahak namin ang daan hanggang sa makarating kami sa harapan ng mga puntod.

"Ms. Skye."

Ibinaba ko ang mga bulaklak sa puntod at nagdasal. Pagkatapos ay umupo ako sa tabi ng babaeng nakaupo sa gilid habang tahimik na nakayuko at nagdadasal. Nang magmulat ang kanyang mga mata, tumingin siya sa akin at ngumiti.

Niyakap ko siya at hindi ko mapigilang umiyak.

Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa buhok ko at niyakap niya rin ako pabalik.

"Pasensya na Ms. Skye," maya-mayang sabi ko matapos kong humiwalay sa kanya at pinahid yung mga luhang tumulo. "Natutuwa lang ako na nasa tabi kita ngayon."

"Yeah. Me too. I'm just glad you two are here," ngumiti sa amin si Ms. Skye. Ang ngiting iyon... akala ko hindi ko na ulit makikita.

Muling nanumbalik sa akin ang lahat matapos ang araw ng digmaan. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng hospital room, nakaupo sa isang tabi si Zeke habang natutulog. Siya ata ang nagbabantay sa akin.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong napaiyak nang mga oras na 'yon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nagising si Zeke at sinubukan akong patahanin. Hindi ko namalayan kung gaano katagal akong umiiyak, at wala akong ibang bukam-bibig kundi ang pangalan ng aking amo.

Sa sumunod na araw, unti-unti akong naka-recover. Ikinwento nila sa akin ang nangyari nang makitang handa na ako para marinig ang mga ito. Ayon sa kanila, noong tuluyang mawala si Mephisto, biglang naglaho rin ang mga Dark Reapers na kalaban nila. Nagsi-atrasan ang mga bampira at halimaw nang mapag-alamang natalo ang kanilang master. Sa pagtutulungan naman nina Secretary Reodica, Zeke at Eros, nagawa nilang talunin si Lyre Alastair, at nasa custodiya na ito, hinihintay na lang ang araw para sa parusang kamatayan na ipinataw ng Council sa kanya.

Sa kabilang banda naman, nananatiling nasa custodiya sina Nerd, Shontelle at Ayesha. Hinayaan na ng Council ang Queen of the Butterflies na si Anastasia ang magdesisyon sa gagawin sa tatlong ito, kapalit ng pagtulong ng Reyna sa nasabing digmaan.

Hindi pinalagpas ng Council sina Eros at Lancer kahit na kumampi ito sa amin sa bandang huli at naging instrumento para matalo ang Sirenade. Pinag-iisipan pa ng Council kung ano ang parusang matatanggap ng dalawa.

Ang huling balita ay tungkol sa aking amo. Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin ni Secretary Reodica na buhay pa si Skye. Akala ko noong una, nananaginip ako kaya pinaulit ko sa kanya ito at hindi ako nagkakamali, totoo ang mga sinasabi niya!

Wala pa ring malay si Ms. Skye noon dahil na rin siguro sa lakas ng kapangyarihang nailabas niya. Halos ilang linggo siyang natulog, parang nasa state of comatose. Ang sabi ni Secretary, bago tuluyang mawalan ng malay si Ms. Skye, nagawa nitong ikwento ang mga nangyari ng gabing maganap ang tuluyang pagkawala ni Mephisto.

Ayon kay Ms. Skye, handa na ang lahat. Nagbukas na ang portal patungo sa impyerno. Nakapalibot na rin kay Mephisto ang Chains of Hell, ang hihila dito pababa hanggang sa pinaka-ilalim ng nasabing lugar. Hawak-hawak ni Skye ang isa pang bahagi ng kadena, at handa na siyang tumalon sa portal nang may pumigil sa kanya.

Nabigla si Skye ng mga oras na iyon. Naramdaman na lang niya ang pagbulong nito sa kanyang tainga bago inagaw ang kadena at tumalon sa portal. Huli na bago maintindihan ni Skye ang nangyari. Nagsara na ang portal, wala na rin si Mephisto at ang misteryosong lalaking nagbuwis ng buhay niya para makumpleto ang spell.

Nagpaulit-ulit sa isip ni Skye ang binulong nito bago tumalon.

"It is your time to take care of the world your grandfather and I built."

Doon lang namin napag-alaman na ang umagaw ng kadena kay Skye at tumalon sa portal ay walang iba kundi si Lord Hales.

Ayon kay Secretary, ito na siguro ang paraan ni Lord Hales upang mabayaran ang kanyang mga kasalanan sa kanyang anak. Hindi na hahayaan pang may mamatay sa kamay ni Mephisto dahil lang sa galit nito sa kanya. Kung ang pagsama sa impyerno ang paraang upang makabawi dito, gagawin niya.

Muli akong nabalik sa kasalukuyan nang may umakbay sa akin pati na rin kay Ms. Skye at niyakap kaming dalawa.

"Omg! Alam kong happy sina tito at tita Einzbern ngayon sa heaven dahil magkakasama tayo. This is so omg! I can't take the feelings anymore!"

Natawa kami ni Ms. Skye sa lumuluhang si Sebby. Napatingin ako sa dalawang puntod na magkatabi at dinalaw namin ngayon. Alam kong nakangiti sina Mr. and Mrs. Einzbern dahil nabigyan ng pagkakataong mabuhay ang kanilang anak para itama ang kanyang pagkakamali. At alam ng mag-asawa na nagkaroon ng bagong rason si Ms. Skye, na kanyang panghahawakan para sa patuloy na ipaglaban ang tama. At ito, ay ang protektahan ang mundong pinapangarap hindi lamang ng kanyang lolo Gabriel, kundi na rin ang buo nilang angkan.

Matapos naming dalawin ang mag-asawang Einzbern pati na rin si Lolo Gabriel, dumiretso na kaming tatlo sa pinakamahalagang event ngayong araw.

Ang muling pagbubukas ng Monster Academy.

Pansamantalang nagsara ito nang magsimula ang digmaan. Ngayong dalawang taon na ang nakalipas, unti-unti nang naibalik sa dati ang eskwelahan at ngayon ang pagbubukas nito, na papangunahan ng bagong presidente ng akademya, si Mrs. Helia Dammon, ang dati naming adviser.

"Tabby! Skye! Sebby!" tumakbo papalapit sa amin si Ayame at binigyan kami ng mahihigpit na yakap.

"Hi girl! Nagsisimula na ba?" tanong ni Sebby matapos makipag-beso beso.

"Nope. You are just in time," nakangiting sagot ni Ayame.

"Nasaan si Xander?" biglang tanong ko. Hindi kasi ako sanay na wala ito sa tabi niya. Palaging magkasama ang dalawa, at sa pagkaka-tanda ko, mag-iisang taon na rin sila next week.

"With the boys. C'mon! Kanina pa nila kayo inaantay."

Kinuha ni Ayame ang kamay ko at iginiya kami papasok sa loob ng academy kung saan may nagaganap na party. Nandoon na ang mga bisita, miyembro ng Council at iba pang mahahalagang tao.

Pumunta kami sa isang table doon kung saan may apat na babaeng nakaupo.

"Mga Onee-chaaan!" sigaw ni Yuuki nang makita kaming papalapit. Katulad ng dati, kumakain na naman ito, at hindi pa nga nagsisimula ang party eh halatang tinira na ang buffet table dahil sa pinggan niyang punong-puno ng pagkain.

"Finally! You're here!" sambit naman ng SMA President Elei. "At talagang tinotoo mo yung sinabi mo sa 'kin, Sebby."

Rumampa si Sebby papalapit sa kanya na parang model. Nakasuot siya ng itim na tuxedo at sinasabi ko sa inyo, para siyang Greek God sa sobrang gwapo.

Ayun nga lang, naka-partner sa tuxedo niya ang pulang heels, na ngayon ay ibinibida niya kay Elei.

"Nako girl, it's prada." Maarteng sabi ni Sebby. Natawa na lang sa kanya si Elei. "Look oh, match pa siya ng red contact lenses ko. Parang kay Skye. Bongga!"

"Speaking of contact lenses, nako Seb, I'm pretty sure na magpye-pyesta ang mga mata mo mamaya kapag nakita mo sila," sabi naman ng MA President na si Jenkyl.

"Who? Yummy ba, dear?"

"You'll see." Kinindatan siya nito. "Just wait for it."

"Mukhang hindi na kailangan president. They're already here," sinundan namin kung saan nakapako ang tingin ni Ice.

Napadako ang tingin ko sa entrance kung saan may lima na lalaking naka-suit and tie ang pumasok.

"O.M.G. Ooohlalala~"

Natatawa na lang ako sa reaksyon ni Sebby.

Lumapit sa amin ang limang lalaki at tumabi sa kanya-kanya nitong date para ngayong gabi.

Si Neo kay Yuuki. Pagkatapos ng digmaan at nailigtas ni Yuuki ang kanyang book of life, hindi na siya nagdalawang-isip pa at nagtapat kay Neo. Siya pa nga ang nanligaw eh. Syempre botong-boto naman ang kapatid ni Neo na si Ice kay Yuuki. Sa huli, niligawan rin naman ni Neo si Yuuki pero hindi pa natatapos ang bente-kwatro oras ay sinagot niya na ito. Sabi ni Yuuki, hindi panliligaw ang pinapatagal, kundi pagkain--este relasyon. Sa ngayon, malapit na rin silang mag-isang taon katulad nina Ayame.

Xander at Ayame. Ang dalawa kong kaibigan sa orphanage. Sila ang unang couple na naging 'official'. Kitang-kita sa mga mata nila yung tinatawag na 'sparks' sa tuwing magkakatitigan sila sa isa't isa. Hindi siya iniiwan ni Xander, at lagi niya itong kasama. Hindi naman nagtagal at naging sila. Sa pagkakaalam ko, balak nilang itayo ulit ang orphanage na tinitirhan namin dati. Sila ang mamamahala rito, at ang magsisilbing mga magulang ng mga batang iniwan.

Ace at Elei. Matapos ang digmaang iyon, alam ni Ace na kailangan niya nang pakawalan si Skye at ipaubaya ito sa kanyang kapatid na si Eros. Naiintindihan ni Ace ang sakit na mawalan ng magulang kaya naman alam niyang mas kailangan ng kapatid niya si Skye upang makalimutan nito ang masalimuot na nakaraan. Isa pa, mukhang natagpuan niya na ang babaeng babagay para sa kanya. At nakadisguise lang pala ito bilang presidente.

Lancer at Ice. Piniling iligtas ni Ice si Lance nang saksakin nito ang sarili para pakawalan siya at hayaang iligtas ang mga kaibigan nito. Hindi nagkamali ng desisyon si Ice. Matapos nitong magpagaling ay hinarap na nito ang kaparusahan na ibinigay ng Council. Ngayong malaya na ulit si Lancer, katulad ni Ace ay nililigawan niya rin si Ice at pinapatunayan niya ang sarili sa kapatid nito na si Neo na kaya niyang protektahan ang pinakamamahal.

Terrence at Jenkyl. Ang pinaka-sweet and cute couple. Sinong mag-aakala na parehas pala silang magaling magsayaw? At may compatibility ang mga kapangyarihan nila dahil parehas na gawa ito sa bakal. Kahit na busy si Jenkyl sa pagtulong sa pag-aayos ng Monster Academy, todo suporta naman sa kanya ang boyfriend na si Terrence. Malapit na rin silang mag-one year dahil parehas ng kanilang anniversary date nina Neo at Yuuki! Ang cute diba? Double anniversary.

Syempre, ang amo ko na si Skye at Eros. Unti-unting inayos ni Eros ang kanyang pagkakamali. Humingi siya ng tawad sa kanyang kapatid na si Ace, pati na rin kay Sebby at sa amin. At katulad din ni Lancer, maluwag sa kalooban niyang tinanggap ang parusa ng Council. Bilib din ako kay Eros dahil maliban sa akin at kay Sebby, siya ang nag-alaga kay Skye noong mga panahong nagpapagaling ito. Sa ngayon, ayaw pa muna ng amo ko na magpaligaw, pero nangako si Eros na maghihintay siya. Hanggang sa maging handa na si Ms. Skye.

"Oy teka! Bakit wala akong escort? This is so painful you know?" madramang sabi ni Sebby. Nagulat siya nang may kumawit sa kanyang braso.

"Ang hindi ko maintindihan sa'yo, nandito naman ako pero hindi mo ako pinapansin," si Rai. Naalala niyo pa ba yung mysterious letters na natanggap ni Sebby galing sa secret niyang admirer? Na si Air?

Kung iju-jumble natin iyon, ang pangalan ni Rai ang mabubuo.

"Oh my god. No! Hindi tayo talo, Rai. And look! You're wearing the same shoes as I! Omg, Prada suits me better. Hmp!"

Binatukan ni Rai si Sebby. "Magiging lalaki ka din! Tiwala lang. Hindi ko hahayaang masayang yang kagwapuhan mo, Eusebio."

Tumawa kami. Sa totoo lang, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na magiging tunay na lalaki si Sebby. Naniniwala ako na magagawa ni Rai 'yon.

"There's someone missing," bulong sa akin ni Ms. Skye. "Where's your partner, Zeke?"

Ngumiti lang ako sakanya at nag-shrug. Nadi-disappoint ako kay Zeke ngayon. Ilang beses niya akong pinagbantaan kagabi na malalagot ako sakanya kapag hindi daw ako pumayag na maging ka-date niya. Pumayag naman ako, pinaghandaan ko pa nga eh. Tapos ngayon, hindi niya ako sisiputin?

Nagsimula na ang party pero walang Zeke na dumating. Hinayaan ko na lang at pinili kong makisaya sa mga kaibigan ko.

Sinimulan ang ribbon-cutting na pinangunahan ng bagong principal na si Mrs. Dammon. Pagkatapos ay nagsalita ito sa harapan, winewelcome ang mga bisita sa bagong Monster Academy. Sinundan naman siya ni Secretary Reodica-- o mas tamang sabihing, Lady Reodica. Sa kanya ipinasa ni Lord Hales ang kapangyarihang mamuno sa Monster World at pabor naman dito ang Council. Masaya ako para sa kanya, dahil dedicated at deserve niya ang trabahong ito.

Naging mabilis ang oras. Totoo nga sigurong kapag masaya ka, hindi mo na namamalayan ito. Malapit nang maghating-gabi, at medyo pagod na kami sa kakasayaw at kakakain. Nakaupo na lang kami sa table ngayon at nag-uusap.

Maya-maya, napalingon ako nang may kumalabit sa akin. Isang napakagandang babae ang nakasuot na pang-prinsesang damit, at ang kanyang mga mata ay kumikinang katulad ng tiara na nasa kanyang ulo.

"Princess Kaguya!"

"Hello. Long time no see." Nakangiti nitong bati.

"Mabuti naman at nakapunta ka," sabi ni Jenkyl.

"Actually, sinadya ko talaga ito para ma-congratulate si Mrs. Dammon pati na rin si Secretary at syempre para makita na rin kayo. Tho, late nga lang ako."

"It's okay, at least you're here now," inoffer ni Terrence ang kanyang upuan sa tabi ni Jenkyl sa prinsesa at ganoon din ang ginawa ni Neo sa kasama nito na si Shikuri.

"Mukhang busy kayong dalawa sa palasyo ha. Iba na talaga pag prinsesa," tukso ni Ice.

"Nako. Sinabi mo pa. Lalo na to si Shikuri, iba na din pag head general na."

Natawa kami nang mag-blush si Shikuri sa sinabi ng prinsesa. Maituturing na rin siyang kanang-kamay ng hari, pero hindi niya pa rin kami nakakalimutang bisitahin at kamustahin sa kabila ng schedule niya. Nagpatuloy ang kwentuhan hanggang sa may lumapit na namang waiter sa akin.

"Ms. Klein, ipinapatawag po kayo ni Secretary. Nasa principal's office po siya."

Tumingin sila sa akkn. Ngumiti ako sa kanila at nagpaalam para puntahan ang principal's office.

Bakit kaya ako pinapatawag ni Secretary?

Pinuntahan ko ang elevator at pinress ang number five,fifth floor kung nasaan ang si Secretary. Kumatok muna ako sa pintuan ng principal's office bago pumasok.

"Come in."

"Pinapatawag niyo-" naputol ang pagsasalita ko nang makitang may kausap si Secretary sa phone.

"Yes, yes. She'll be there. Is everything set? Okay," saglit na inilayo ni Secretary ang phone at humarap sa akin. "Tabitha, can you do me a favor?"

"Kahit ano po."

Ngumiti siya. "Okay. So inside the storage room upstairs, there's a blue box there tied with white laces. It has a blue gown inside and pair of blue heels. Could you try it for me? I'm pretty sure you and my niece has the same body size."

Niece? May pamangkin si Secretary?

Hindi ko na ito natanong at tumango sa kanya. Nagpasalamat siya sa akin at muling binalikan yung tawag.

Pumunta ako sa storage room na nasa upper floor. Malaki ang storage room, maraming boxes, nakaimbak ang ibang lumang kagamitan at kung ano-ano pa. Katulad nga ng sabi ni Secretary, nakapatong ang blue box na may white laces sa table na nasa gitna kasama ng iba pang kahon. Kinuha ko ito at nag-aalangan pa ako kung pwede ko itong buksan.

Sa huli, in-untie ko yung white lace at binuksan ang kahon. Nakita ko ang blue gown na maayos na nakatiklop kasama ng blue heels na hindi naman siguro ganoon kataasan. Sinigurado ko munang nakalock ang pintuan bago ko hinubad ang damit na suot ko. Sinukat ko ang blue gown at nagulat ako na saktong-sakto sa akin ang damit pati na rin ang sapatos. Hanggang tuhod ko lang siya, na medyo palobo ang skirt.

Huhubarin ko na sana ito nang biglang mag-flicker ang ilaw. Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko. W-wala naman sigurong multo dito diba?

Naalarma ako nang maka-amoy na parang may nasusunog. Nanggagaling ito sa isang parte ng storage room. Agad ko itong hinanap, at nakita ko ang isang di pamilyar na pintuan sa loob ng kwarto. Doon nanggagaling ang usok.

Hindi ko alam na may isa pang pintuan na nandito.

Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang mahaba at madilim na pasilyo. Nagdadalawang-isip pa ako kung papasukin ko ito o kukuha ng tulong, pero baka kumalat na ang apoy bago pa man sila makarating dito.

Napagdesisyunan ko na pumasok na lang at sinundan kung saan nanggagaling ang usok. Sa di kalayuan ay may maliwanag akong nakikita, ang pinakadulo ng lagusan.

Isang maze garden ang kinabagsakan ko. Hindi ko alam na may ganitong lugar sa academy. Ang mas nakakapagtaka pa, yung naaamoy kong nasusunog, nanggagaling sa mga fireballs na lumulutang sa magkabilang gilid ng entrance nito.

Nagsimula pang sumindi ang ibang fireballs sa magkabilang gilid, na para bang lamp posts na iniilawan ang daan. Hindi ko alam pero sinundan ko ito. Ito ang nagsilbing guide ko papasok sa maze garden.

Tumigil ang pagsindi ng fireball. Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng hardin, at mayroong hot air balloon na nasa sentro nito.

A-anong nangyayari?

Wise men say only fools rush in

Naramdaman kong may tumutulak sa akin papunta sa hot air balloon. Paglingon ko, mga paro-paro na lumilipad, may tumutulak at humihila sa gown na suot ko.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa mga paro-paro. Baka kasi masira ang gown na ireregalo ni Secretary.

But I can't help falling in love with you

Bigla akong napalibutan ng mga paro-paro pagkatapak ko sa hot air balloon. Halos wala akong makita kundi ang makukulay nilang pakpak. Nabigla ako nang biglang umangat ang hot air balloon, at hindi na ako makalabas pa dahil nakaharang ang mga paro-paro.

Naramdaman ko na lang na may humabol dito at sumakay. Biglang lumipad pataas ang mga paro-paro, pumunta sa gilid at pinapalibutan ang hot air balloon. Mayroon ulit na maliliit na fireballs ang nagsindi paikot sa amin. Iba't ibang kulay, at nire-reflect nito ang ilaw sa pakpak ng mga paro-paro. Nag-sway sa magkakaparehas na direksyon ang insekto, papunta sa kaliwa, sa kanan at pabalik sa kaliwa. Sumabay dito ang fireballs at nagmistulang parang sumasayaw dahil sa iisang galaw.

Napadako ang tingin ko doon sa sumakay.

"Zeke."

Shall I stay, would it be a sin

"It's not yet done, isn't it?" tumingin siya sa relo niya. "I'm still your date for the night."

Nagtataka akong tumingin sa kanya. "P-para saan 'to?"

Nag-kibit balikat siya. "Probably the most romantic date for the most beautiful lady I've ever laid my eyes on?"

If I can't help falling in love with you

Napatingin ako sa baba kung saan nanggagaling ang pamilyar na tunog. Nandoon ang lahat ng mga kaibigan ko. Pati si Secretary at Mrs. Dammon. At si Anastasia! Siya pala ang may pakana ng mga paro-parong ito. Kinakanta nila ang paborito kong kanta, na pinangungunahan nina Ashley, Sydney, ang kambal na sina Haylee at Kaylee, at Xianna.

Nasabi ko na bang nagtayo ng singing club ang mga 'to? At unti-unti itong nagiging kilala hindi lamang sa Monster World, kundi pati na rin sa mundo ng mga mortal.

"The gown suits you," hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Zeke. Naka-tuxedo rin siya, maayos ang buhok at sige na, ang gwapo-gwapo niya ngayon.

Hindi ako makapaniwalang may ganitong kagwapong nilalang ang nasa harap ko.

Napatakip ako ng mukha ko at lumayo sa kanya. Hindi ko na kaya 'to.

"What?" tanong niya. Umiling ako at lalo kong tinakpan ang mukha ko.

"Tabitha, tell me. Don't you like it? I can stop this right now." Umiling ulit ako.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Say it or else.."

Sumilip ako sa mga kamay ko. Dinadaan niya na naman ako sa banta niya.

"Tabitha. I'll count to three. One.."

"Two.. Tell me why are you covering your face."

"Three."

"Kinikilig ako!"

Sabay naming sabi. Lalo kong tinakpan ang mukha ko. Ramdam na ramdam ko yung init nito, at hindi maalis sa labi yung mga ngiti ko!

"Would you say that again," utos niya.

"Kinikilig ako. Okay na?"

Sumilip ulit ako kay Zeke. Nakangiti siya na parang nang-aasar. Nagyon ko lang siyang nakitang ganyan. Madalas kasi iritado yang lalaking yan at palagi na lang akong inaasar o pinagbabantaan tuwing magkikita kami.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinila papalapit sa kanya. Ipinatong niya ang magkabilang kamay ko sa balikat niya at hinawakan niya naman ako sa bewang. Dahan-dahan kaming sumayaw sa salin ng kinakanta nila sa ibaba.

Lumapit pa siya sa akin na tipong magkayakap na kami. Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa tainga ko.

"Tabitha?"

"Bakit?"

"Will I be yours?"

Lalong lumawak ang ngiti ko. Hindi ko napigilan ang kilig na nararamdaman ko at ibinaon ang mukha ko malapit sa leeg niya.

"If you insist, then I'll make you mine."

Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong nakangiti siya ngayon.

Take my hand, take my whole life too

"Tabitha?"

"Hmm?"

"I can't help, falling in love with you."

/END/

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top