Chained

Chapter 29

Chained

~~~**~~~

Aizen’s POV

“I know the four of you can do this. As a king, I trust you the fate of this kingdom. I believe in your powers. I believe in each of you,” parang naging mabigat ang nararamdaman ko. Masyado kaming pinagkakatiwalaan ng hari. Pano na lang kung hindi namin masagawa ito ng maayos? Pano na lang kung mamatay kami? Pano na lang kung makuha samin ng Sirenade Kingdom ang natitirang Dark Reapers? Baka tuluyang maglaho ang mga ngiti ng mga taong umaasa saamin at mapalitan ng isang nakakatakot na emosyon. Hindi ko kayang makita ang ganoon.

I don’t want to see disappointments in their face especially when I’m involve in it.

I felt Yuuki squeezed my hand as if telling me everything’s going to be alright. I hope so.

I really hope so.

“Makakaasa po kayo, Mahal na Hari,” Shikuri answered back kasabay ang pagluhod naming apat. Ilang sandali pa at binasbasan na kami ni King Nicholas gamit ang kanyang espada, mga karaniwang ritwal na ginagawa ng isang royalty sa kanyang mga knights.

Matapos ang pagbabasbas, nilapitan kami ng Hari at isa-isa kaming niyakap. “Mag-iingat kayo. Kayo ang pag-asa ng kahariang ito.”

“Yes sir.”

~~~**~~~

At exactly 10 am, lumabas na kami ng kaharian dala-dala ang dalawang mabigat na kahon, mga kahon kung saan nakalagay ang bangkay ng Dark Reapers.

“Shiku-nee-chan, sure ka bang hindi kita tutulungan?,” Yuuki asked in her sweet tone. Nakasabit kasi na parang backpack ang kahon sa likod ni Shikuri. Ganoon din ang nangyari kay Lancer, ang partner ko sa misyong ito.

“Don’t worry. I’m okay. Mas mabuti pang ikaw na lang ang mag-cover  sa atin,” Shikuri answered back.

“Hindi ba parang mas lalo silang magtataka sa laman niyan? Ang creepy tignan eh,” I asked. Pano ba naman kasi, dinecorate-tan namin yung dalawang box na puro common designs. Yung sa amin ni Lancer, nilagyan lang namin ng konting art para magmukhang maleta. Samantalang kina Yuuki, puro.. teka, pano ko ba sasabihin to? Ang design nila sa kahon ay mga stickers ni Barney, Dora and Spongebob. Syempre, puro drawings din ng pagkain like sushi, teriyaki at kung ano-ano pa. Parang pang-kinder lang eh.

“Nee-chan naman eh! Ang cute kayaaa~!” Yuuki pouted. Haaaay. Gusto ko talagang mapa-facepalm.

“Hindi niyo alam kung gaano kalaki ang kahihiyan na nakukuha ko sa pagsuot nito,” We laughed at what Shikuri said. Mabuti na lang at naka-disguise kaming apat, kundi sirang-sira ang dignidad nitong Captain na to.

“Sa tingin ko, kelangan na nating umalis. Masyadong marami na ang mga taong nag-eevacuate ngayon,” seryosong sabi naman ni Lancer. We walked towards the far end of the kingdom kung saan nagkalat ang maraming tao na nag-eevacuate.

“I guess dito na tayo mag-pa-part ng ways,” I announced. Magkahiwalay kasi kami ng dadaanan. Kelangan namin to para kung sakaling mahabol kami, at least isang bangkay lang ang makukuha.

“ONEE-CHAAAAAN! AHUHUHUHU! MAMIMISS KITAAAAA~!” yakap-yakap sakin ni Yuuki. Kadiri pa. Tumutulo-tulo yung sipon. Hahaha.

“You’re making a scene food-addict!,”

“I DUN’ CAAAARE! WAAAAH~!”

“Yuuki oh! Hotdog! Here doggy doggy!,” Baliw din tong si Shikuri eh. Natanggal sa pagkakayakap sa akin si Yuuki tapos parang aso na pumunta kay Shikuri. Good Idea Captain!  -salutes-

“Let’s go,” hinawakan ako sa kamay ni Lancer at nakisiksik kami sa mga tao.

Hawak ni Lancer yung kamay ko.

Hawak ni Lancer yung kamay ko.

Hawak ni Lancer yung kamay ko.

Ang init ng kamay niya.

Ang lambot ng kamay niya.

Hawak ni Lancer yung kamay ko.

Hawak ni Lancer yung kamay ko.

Hawak ni Lan—

ANO BA ICE! Maghunos-dili ka! Nasa misyon tayo!

Chillax lang Ice. Chillax.

Pero kinikilig talaga ako eh >///<

Naman eh! Naman Naman Naman!

Okay. Tama na. Focus Focus Focus.

Ngayon ko lang narealize kung gaano kahirap makisiksik sa dami ng tao. Parang kanina pa kami naglalakad ni Lancer pero hindi pa rin kami umaabot sa gate ng kindgom. Shet. Mauubos oras namin dito.

Pero okay lang na magtagal, ibig sabihin, matagal din hahawakan ni Lancer yung kamay ko.

Aish! Ano ba yan! Tama na. Okay. Chillax. Focus.

Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Lancer at inilagay niya ako sa harap niya. Naramdaman ko ang dalawang kamay niya sa balikat ko habang nakikianod kami sa paglalakad ng mga tao.

“Kailangan na nating bilisan. Mauubusan tayo ng oras,” he whispered in my ear. Shemaaaaay~ Kinilabutan ako dun! Uwaaaaa~ Ang ganda lang ng boses niya. Tas, ang lapit niya.

Ang lapit niya.

Ang lapit niya.

Ang lapit niya.

Tama na Ice! Jusme! MAGFOCUS KA!

Ilang oras din ang aming itinagal bago makalabas ng kingdom. Awtomatikong humiwalay kami sa iba pang mga tao ng walang nakakapansin at tinahak ang daan papunta sa Moonlight Forest.

“One hell of a walk,” Lancer muttered habang pinupunasan ang pawis sa noo niya.

“Gusto mo palit tayo? Napagod ka eh,” I told him, pointing out the big box on his back. Kanina pa kasi nasa kanya yun diba? Ang bigat kaya nun!

He patted my head then smiled. “Mas maganda kung ikaw ang magiging look out natin. Mas malakas ka naman kesa sa akin. Tsaka hindi ko kayang makita ang mga babaeng nahihirapan. You’re too beautiful to bring this one.”

“Baliw ka. Binola mo pako.”

“Nagsasabi lang naman ako ng totoo.”

“Ewan ko sayo,” I looked away at naglakad ng mabilis para hindi niya mahalata na kinikilig ako. Ikaw kaya na nasa kalagayan ko. Makakakita ka ng human—este halimaw na kamukha ng anime crush mo. Ewan ko na lang sayo kung di ka kiligin dyan. >//<

Wala pa kami sa loob ng moonlight forest pero nararamdaman ko na ang masamang aura nito. Kung sabagay, puno ito ng mga kakaibang pure monsters. Moonlight Forest is one of the homeplaces of pure monsters. At eto rin ang sinasabi ni Shikuri na shortcut na daan pero mapanganib.

Speaking of Shikuri, kamusta na kaya sila ni Yuuki? Nakapasok na rin kaya sila sa Moonlight Forest? Magkaiba kasi kami ng way na dinaanan dito para hindi kami ganun mangamoy sa pure monsters. Isa pa, masyadong malaki ang moonlight forest kaya mahihirapan din ang mga taga-Sirenade Empire na ma-track kami.

“Okay. Here it goes,” napatigil kami sa paglalakad nang bumungad sa amin ang dalawang malalaking puno na may gray at black na kulay. Kung dito sa labas papalubog pa lang ang araw, sa loob nito gabing-gabi na.

Ito na ang isa sa mga entrance ng Moonlight Forest.

I nodded at Lancer, taking a step ahead of me. Wala na kaming pinalipas pang oras at tuluyan nang pumasok sa gubat na ito.

~~~**~~~

I. Hate. Ghosts.

Seriously, I hate ghosts.

And I freakingly want to get the hell out of here.

Anak ng tinola naman kasi! Bakit sa dinami-dami ng bubungad sa amin, mga multo pa. Mga tipong shomba, the grudge at sadako na nakasabit sa puno ang iwinawagayway ang mala-rejoice niyang buhok. Nakakatakot sila. T_T

“Malayo pa ba tayo? Malayo pa? As in? Takbuhin na kaya natin? Ano? Tara na!,” natatarantang sabi ko kay Lancer. Nakakapit kasi ako sa braso niya habang naglalakad. Kanina pa nga ako natatapilok at nadadapa dahil nakapikit ako eh. Nakakainis naman kasi! Pwede namang ibang halimaw na lang, bakit eto pa!

“Konti pa. Malapit na,”

Nakakainis lang talaga. Para tuloy akong duwag dito eh. Waaa~

I was frozen in my place nang may maramdaman akong buhok na nakapatong sa balikat ko.

AND I AM DEFINITELY SURE NA HINDI KO BUHOK YON DAHIL NAKATALI ANG BUHOK KO!

“L-L-Lan..cer! S-S-Sino t-tong n-nasa li-likod k-ko?,” I stammered. Jusko po! Jusko po sana mali po ang iniisip ko.

Then I heard it.

The most heart-stopping, jaw-breaking, mind-fcvking sound I ever heard in my whole life.

“Shh. Boo.”

“KYAAAAAH!”

Wala na akong pake sa paligid ko. Hinawakan ko na lang si Lancer at tumakbo sa kung saang lugar man ako dinala ng mga paa ko. I ran as fast as I can, leaving those eerie ghosts from behind.

“Hey hey hey! Okay na, Ice! You can open your eyes now,”

Pinaupo niya ako sa isang malaking tipak ng bato. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko and I found him standing in front of me, his face 5 inches away.

Too Close.

Mabilis akong tumayo at lumayo sakanya. Ano ba! Kinikilig ako eh!

Naghabulan kami ng hiningang dalawa. Jeez, buti at wala na ang mga multong yon. I could have died screaming in fear.

“Asan na tayo?” I managed to ask. Hindi ko na nga alam kung saan kami tumakbo eh. Para naman kasing pare-parehas yung nandito. Naglalakihan pa yung mga puno. Nakakatakot lang talaga.

Nang hindi ako makarinig ng sagot, hinarap ko siya and to my surprise, isang malaking hedgehog ang nakaface-to-face ko.

Mabilis kumilos si Lancer and got his sword. He slashed the hedgehog into half hanggang sa sumirit ang dilaw na dugo nito.

“S-salamat,” itinago niya na ang kanyang espada habang pinapanood ang pag-aapoy ng hedgehog. Tumingin siya sa akin nang seryoso.

Baka siguro, tatanungin niya kung okay ako. Ganun naman palagi diba?

Pero walang salita ang lumabas sa bibig niya.

Instead, he got closer and bent my head sideways.

There is something wrong! DARN! Anong balak niya?!

Tatakbo na sana ako but to my surprise, hindi ako nakagalaw. I can’t even move a single finger!

Then he showed his white fangs and bit me, sipping my red precious blood.

I felt dizzy and powerless.

And the last thing I saw was his evil smile before I lost my consciousness.

~~~**~~~

Yuuki's POV

"Onee-chan! Di ko maramdaman sina Ice-nee-chan at Lancer-nii-chan," Waaaa~ anong nangyari sa big sister and big brother ko? Baka nakain sila ng mga big scary bakulaw or naheart attack ng mga mumu! Takot pa naman si Ice-nee-chan dun! Waaah~ Kaya mo yan Nee-chan!

Kanina pa nga kami naghihintay ni Shiku-nee-chan dito sa meeting place. Pero ilang hours na ang nagfinish, wala pa ding Ice and Lancer ang lumabas. Halaaaa~!

"Mabuti pa at hanapin na natin sila Yuuki," sabi sakin ni Shiku-nee-chan. Nagpack na kami ng things namin then bumalik ulit kami sa loob ng Moonlight Forest. I hate it here pa naman! Hindi siya cute and fluffy and adorable! Ang scary scary niya! Parang haunted house! T^T Yuuki hates haunted house. Yuuki hates scary things.

But no choice kami kundi hanapin sina nee-chan. Nagpakawala na nga ako ng cute na mga daga na gawa sa black ink para tulungan kaming mahanap sila.

Hindi nagtagal at may naramdaman kaming strong aura. I thought it's my onee-chan. But to my cute shocking expression, papalapit samin si Lancer-nii-chan who's covered in bloody red. Napasabak sila sa labanan ni Ice-nee-chan!

"Anong nangyari sa inyo?! Asan si Ice?" Shiku-chan was panicking. She caught Lancer-nii-chan who collapsed suddenly.

Lancer-kun pointed something sa pinanggalingan niya. Shiku-nee-chan handed him to me.

"Pupuntahan ko si Ice. Dalhin mo si Lancer sa ligtas na lugar,"

"Pero nee-chan! Hindi ka pa fully recovered!," Madami rin kaming finood-fight na monsters kanina no?! I'm glad we survived!

"We have no choice. Now go!," inakay ko si Lancer-nii-chan palabas ng Moonlight Forest.

Grabeee~ Hambigaaaat! Waaaa~

"Yuuki.." tuluyan nang nagcollapsed si Lancer-kun. Hala! Anong gagawin ko?! Think Yuuki Think!

"I need blood. Blood.." poor Lancer-kun. Kawawa naman big brother ko. Hinang-hina na siya. Waaa~ Sana maging okay lang si Ice-nee-chan.

Teka- ano daw? blood?

"Teka onii-chan? pano?," I panicked. Waaaa~ mauubusan na siya ng dugo!

Then he showed his white fangs. I did not know Lancer-nii-chan is a vampire. Pero bahala na. Kelangan niya ng blood!

I got hurt when onii-chan bit me. Anchakiiit~

Then suddenly, nakaramdam ako ng hilo. Baka kasama talaga to? Pero there's something different eh!

I can't help but close my eyes and fall into deep slumber.

~~~**~~~

Aizen's POV

My head hurt.

Para may pumalong isang matigas na bagay sa ulo ko. Grabe! Nakakahilo. Ang sakit sa ulo.

Hahawakan ko sana yung ulo ko pero may pumigil sa kamay ko. Kahit mahirap, tumingala ako at nagfocus sa kung ano mang bagay na nasa kamay ko.

Both of my hands were chained in the bed.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Pinadyak ko ang paa ko, only to find out na nakakadena naman ito sa baba.

Where the hell am I?!

I scanned the area. Isang kwarto na ang tanging laman ay isang closet, salamin na nakasabit sa dingding, isang upuan at ang queen-sized bed na kinahihigaan ko ngayon.

And the worst part of this room was the darkness. Naalala ko nanaman yung mga itsura ng mga multo kanina.

Teka? Asan si Lancer?! yung traydor na yon! Bwisit!

Nagulat ako ng biglang nagcreek yung pinto at may mga yabag ang pumasok. I closed my eyes and pretended to br asleep.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa kama at sumampa siya dito.

What the hell!

"Don't pretend to be asleep. You're already awake my little princess," I heard Lancer's voice. Mabilis na nag-init ang ulo ko.

"You traitor!"

"Hush now my devilishly queen," he grinned at tinanggal ang pagkakaposas ng mga paa ko. Then he got on top of me, trapping me inside of his hands.

"Don't even dare lay a finger on me," I said, trying to sound scary.

"Babe, you power is useless here. Wag ka nang magtangka pang tumakas," ngumiti pa siya, showing his white set of teeth with two fangs. Parang kabilang siya sa characters ng Vampire Knight na anime. Kamukhang-kamukha niya nga si Kiryuu Zero eh. Waaa~ dati si L, ngayon si Zero!

"What the hell do you want from me?!"

He chuckled then leaned closer to my neck. I felt his warm breath brushing through. Lalo akong kinilabutan nang tinusok niya ang isa niyang pangil, making droplets of blood come out. I shivered when I felt light kisses on it.

Sheettape!

"It's just simple, Ice," hinarap niya ulit ako, but this time, were inches apart. I could see his red eyes glowing. "Join our forces"

"NO! NEVER!"

"Very well then, I'll just force you." tumayo siya at naglabas ng isang salamin mula sa kanyang bulsa.

Hinarap niya sa akin ito and what I saw in the mirror brought fear to me.

It was Yuuki and Shikuri, tied in an electric chair.

"Two choices Ice..

..Let them die or Be my wife?"

~~~**~~~

AN :3 Salamat sa pagbabasa. Pasensya kung sabaw ang UD. Masama kasi pakiramdam ko ngayon. Sorry. Pero sana nagustuhan niyo. xD

Ano kayang pipiliin ni Ice? hahaha. Hi Kapatid! xD

Gwapo si Lancer! ako na nagsasabi sa inyo! vampire yan ihh~ Basta pag vampire, gwapo! xD

Dedicated nga pala sakanya. Salamat sa votes and comments <3 ang sipag mo xD hahaha

Salamat ulit sa pagbabasa. You rock!

P.S. Kung wala kayong magawa minsan, try niyo yung Minion Shots ko :)) mga trying hard romance. Haha :3 salamat ulit :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top