Broken Strings

Chapter 45

Broken Strings

Sebby's POV

"Why do they fight, Eusebio? Why do they struggle?"

Para akong batang nakayuko habang pinapagalitan ng nanay. Nakatayo si Xianna sa harapan ko, mukhang nag-aantay ng sagot sa tanong niya kanina.

Nanatili lang akong tahimik.

"The answer's simple. They want you to live your life, enjoy every second of it. And in order to do that, they must first fight to protect and make this world better to live in. They just want to give their son the happiest life they could ever give."

"Now tell me, do you even think your parents will accept this? That their son sacrifice his friendship, his happiness for their own sake?"

Nakakaloka. Kung sino pa ang karibal ko sa storyang ito, siya pa ang nagpapa-realize sa akin ng mga bagay na dapat ginawa ko na sa una pa lang.

"It's never too late, Sebby. You still have time to make the difference."

Oh diba, bongga ni ateng. Lakas maka-words of wisdom.

Hindi ko mapigilang ngumiti sa kabila ng pinagdadaanan ko ngayon. Akala ko kasi, ito yung desisyon na nararapat. Tama naman ako diba? Bilang anak, kailangan kong protektahan ang mga magulang ko katulad ng pagprotekta nila sa akin.

Pamilya na kasi ang nakasalalay eh. Uunahin mo ang mas makabubuti para sakanila kahit na kapalit nito ang isang mahalagang bagay sa buhay mo.

Sakripisyo. Sinakripisyo ko ang pagkakaibigan para sa pamilya. Iyon ang desisyon ko.

Pero sa sinabi niyang iyon, matagal akong napaisip.

Matutuwa nga ba ang magulang ko sa desisyon ko? Na kahit alam kong mali ang pagsali ko dito sa Sirenade, ginawa ko pa rin.

Magiging masaya ba silang nakikita ang anak nilang nakakasakit at nasasaktan?

More than anything else, hangad ng magulang ang kabutihan at kasayahan ng anak nila. They will try their best to make their beloved child happy even if they need to sacrifice their own happiness.

That's what you call parent's love. It is unconditional.

Kaya ang sagot sa tanong ko kanina? Hindi. Hindi sila magiging masaya sa desisyon ko. Hindi nila matatanggap na dahil sakanila, nakakasakit ako ng mga taong mahahalaga sa akin. Na pati ako nasasaktan.

They know I'm more than this. They know I can do better. I can decide what I want, not only what's best for them but also for me.

I can still make a difference.

And it's all thanks to Xianna.

Tinanaw ko ang Sirenade Castle. Malapit na pala ako. Imbes na sa front gate ako dumaan, umikot ako sa may gilid ng palasyo at hinanap ang isang pamilyar na puno. Nang makita ko ito, kinapa ko ang maliit na tangkay na nakatago sa loob at hinila ito pababa. Isang sikretong lagusan ang bumukas. Dito ako pumasok papunta sa loob ng kastilyo.

I'm sure na alam na ng mga kalaban na tinalikuran ko na ang grupo ni Nerd. After all, the master knows everything.

I just wish na hindi lang niya alam ang secret passage na 'to.

Which I highly doubt. Pagkalabas ko sa secret passage, may mga bampira na ang nakaabang sa akin. I got no choice but to fight. Pero hindi ako kailangan magtagal. I still have friends to make up to.

Nagsambit ako ng spell at nagsimula na ang pagtubo ng mga halaman mula sa lupa paakyat sa katawan ng mga kalaban. Ginamit ko ito para ma-trap ang mga bampira for who knows how long. At least this will buy me time to escape.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at nagtatatakbo papunta sa hidden room kung saan nagaganap ang ressurection process. Sa pagkakatanda ko, nasa pagitan ito ng 46th at 47th floor. Restricted area ito at walang ibang maaaring pumasok kundi ang mga piling tao.

Nasa 30th floor ako nang maabutan ang isang mainit at nag-aalab na scenaryo.

"Shikuri?"

Tumingin sa akin si Shikuri at may maliit na apoy ang kumawala mula sa bibig niya. Kakatapos niya lang mag-ala dragon mode at sunugin ang mga kalaban dito sa 30th level.

Ang init! Para akong nasa oven! Nakakaloka.

Nagulat ako nang bigla niya akong kwelyuhan at buong lakas na ihagis sa pader.

"T-teka Shikuri! Wait! Let me ex--"

Naputol ang sasabihin ko ng akma ulit siyang bubuga ng apoy. Gumulong ako paalis sa target niya.

Nakakaloka. Sa ganda kong to, baka maging toasted barbiecue ako! (Oo, wag na kayong umangal. Barbie as in yung manika)

"Wait lang! Nakakaloka ka! Let me explain!" Dinaig ko pa ang rapper sa sobrang bilis ng pagkakasabi ko.

"You!" turo niya sakin.

"Me?" tinuro ko sarili ko. Ay anobayan!

"You! You kidnapped her! You made the Princess suffer! I'll kill you in the name of our kingdom--"

"I'm sorry.. okay?" tinaas ko ang dalawang ko. "I'm sorry. I know, it's all my fault. But please, please give me a chance to explain. Please?"

Tinitigan niya ako na para bang nakikipagdebate siya sa sarili niya kung bibigyan niya pa ba ako ng chance o hindi. But still, after all the mistakes I've done, she let me explain my side.

Sa loob ng limang minuto, ikinwento ko ang lahat ng nangyari. Mula sa pamba-black mail sa akin ni Eros, hanggang sa nakalaban at nakausap ko si Xianna kanina.

"Nagsisisi na ako, Shikuri. Alam kong nasaktan ko kayo dahil sa desisyon ko at pinagsisisihan ko iyon. I'm really sorry. I have done something wrong and I want to fix it and make up with you, with my friends. Alam kong mahirap ibalik ang tiwala kapag nasira na pero.."

Lumuhod ako sa harap niya. If this is the only way..

"Shikuri, will you please trust me one more time? Gusto ko silang iligtas. Gusto ko pang makapag-sorry sa kanila. I still want to save our friendship. And I know with someone like you, I have higher chance to get them out of here alive. To protect them from the Sirenade's master. So please Shikuri. Please, please, please trust me and lend me your power and strength."

Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mata ko. I know this is impossible pero sana..

"Fine. I'll trust you again. Break it and I'll break your neck. Understand?"

Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya. Grabe! Mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon!

Matapos ang makabagbag-damdamin naming scene kanina ni Shikuri, sinabi ko sakanya ang tungkol sa hidden room. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at dumiretso na dito.

Habang papaakyat kami, napansin ko ang ibang mga bampira at Sirenade knights na nakahandusay sa dinaraanan namin. Halatang kakagaling lang dito ng grupo nila and they force their way up to the 46th floor.

Pumasok kami sa isang kwarto sa 46th floor. Ang alam ko may secret passage din dito papunta sa hidden room. Madali naman itong nahanap ni Shikuri dahil sa isa sa mga dragon skills niya--ang matalas niyang pang-amoy.

Naaamoy niya daw kasi ang grupo nina Jenkyl, na parang kakagaling lang din dito. Pumasok kami sa secret passage at umakyat sa hagdanan nito papunta sa hidden room.

"Where are they?" tanong sa akin ni Shikuri nang matagpuan naming walang tao sa loob. "The trail of their smell ends here."

"That's strange. Ang alam ko, hindi pa tapos ang ressurection process," sagot ko naman.

Sa tingin ko, nasa kalahati pa lang ng kapangyarihan ng Card Kings ang naibibigay sa Dark Reapers. Pero nasaan na sila?

"Hindi kaya successful nilang naligtas sina Papa Zeke at Kaguya? Baka pabalik na sila ng palasyo?"

Pero parang may mali eh. Imposibleng palabasin sila ng Master ng ganun ganun lang. There's something else..

Naglakad si Shikuri sa isa sa upuan doon at hinawakan ito. Dito niya siguro naaamoy si Kaguya. Nakita ko kung paano lumungkot ang ekspresyon niya.

Nagui-guilty tuloy ako. Bakit ba kasi ako nagpadala sa pamba-black mail ng mga 'yon?!

Nilapitan ko si Shikuri at hinawakan ko ang balikat niya, "I'm sorry."

"It's okay. You're already here to correct your mistakes."

Napabuntong hininga ako. Nasaan na kaya sila? Sa laki ba naman nitong Sirenade Castle, hindi ko na alam kung saan magsisimulang maghanap.

As if on cue, biglang nawala ang tinatapakan namin at parang nagkaroon ng malaking butas. Hindi na kami pa nakahawak at tuluyan nang nahulog dito.

"Shikuri? Shikuri nandyan ka pa ba?" para akong nagsasalita sa kawalan.

Ang dilim dilim. Wala akong makita o maaninag.

"Yes. I'm here," sagot naman niya.

Hindi ko alam kung gaano kataas ang pinaghulugan namin. Basta ang alam ko lang, buo pa ang katawan ko nang bumagsak kami sa malamig na sahig. Masakit nga lang sa likod.

"Araaay kooo," dahan-dahan akong tumayo.

Tumingin ako sa buong lugar, isang kwarto ulit na gawa sa pinagpatong-patong na bricks na katulad ng disenyo sa makalumang kastilyo. Walang laman na kahit ano dito sa loob at bahagya lang itong naliliwanagan sa tulong ng mga torches na nakasabit sa dingding.

"Princess!" awtomatikong napadako ang tingin ko sa kabilang banda nang sumigaw si Shikuri.

Sa di kalayuan, may naaninag akong puting tela na nakahandusay sa sahig.

Agad akong tumakbo papalapit dito. Kaguya?

Si Kaguya nga! Paano siya napunta dito?

Wala siyang malay. Sinubukan siyang gisingin ni Shikuri pero walang epekto. Ang lamig lamig ng katawan niya, parang galing sa freezer. Hinawakan ko ang pulso niya, at laking pasasalamat namin dahil may tumitibok pa rin dito.

Inayos ko siya ng higa habang nagpasindi naman si Shikuri ng apoy sa kamay niya para painitan si Kaguya.

"Don't worry, magiging okay din siya," I assured her. Bahagya siyang tumango sa akin.

"Ang mabuti pa, ilabas natin siya dito," maya-mayang sabi ko.

"There's no other way out other than the hole we fell earlier."

Nilibot ko ulit ang paningin ko. Tama nga si Shikuri, walang kahit anong pintuan dito. What's worse, nung tumingin ako sa taas, nawawala na rin yung butas na kinahulugan namin.

There is something wrong--

Nagulat ako nang biglang tumayo si Shikuri at bumuga ng apoy sa bandang likuran ko.

"Stay behind my back!" sigaw niya sa akin. Kinarga ko si Kaguya at sinunod ang sinabi niya.

"What the hell is that?" wala sa sarili kong sabi nang makita ang isang malaking bulto na nakatayo sa di kalayuan.

Nag-aapoy ang buong katawan niya dahil sa ginawa ni Shikuri pero hindi siya gumagalaw. Nanatili lang siyang nakatayo doon at nakaharap sa amin.

Unti-unting humihina ang apoy hanggang sa tuluyang nawala ito sa katawan niya. Parang balewala lang sakanya ang init nito. Doon ko lang napansin na nakasuot siya ng itim na cloak na sadyang nagpatingkad sa maputi niyang balat.

Napaatras kami ni Shikuri nang saglit itong gumalaw. Dahan-dahan niyang itinaas ang ulo mula sa pagkakayuko hanggang sa tuluyan naming maaninag ang mukha niya.

Hindi ko maiwasang mapanganga. Imposible! Bakit nandito 'to?!

Nagliwanag ang mga mata niya at sa isang iglap, may kung anong bagay ang tumatak sa noo naming tatlo.

Masama ito. Ngayon pang nakita namin ang mga mata niya. Wala na kaming kawala.

Kasabay ng pagliwanag ng mga mata niya ang insignia na nakatatak sa kanyang noo.

Ang insignia na 'yon.. ang simbolo ng grupong kinabibilangan niya.

Isang pagkakakilanlan na isa siya sa limang dark reapers.

~

Aizen's POV

"Onee-chan."

I looked at Yuuki's innocent eyes. This is it. Magkaharap na kami ngayon. My brother Neo, Yuuki, Lancer and I. All in one place, where Yuuki's book of life lies.

"I believe you're here to retrieve the book of ressurection," narinig ko si Lancer sa tabi ko.

"Not only that. I'm also here for my sister," sagot ni Neo at tinignan ako. "What I believe is that you stole something that is not yours."

Tumawa ng mapakla si Lancer at kinuha ang kamay ko. Ipinakita niya sa dalawa ang singsing na nakasuot dito.

"Can you explain this?" Lancer grinned and looked at me. "It seems like your brother is really late for the news. Tell him we're already married."

"But you forced onee-chan, you monster!" sigaw ni Yuuki.

"Ice will never do that. She will never marry someone like you!"

Sa sinabing iyon ni Neo, Lancer finally snapped and glared at him. Mukhang naubos na ang pasensya niya.

"Too bad you ran into the wrong enemy," he said in a low tone. Halatang nagtitimpi siya ng galit.

"I don't want to see them breathing anymore. Let's get the job done, Ice."

Nilabas ni Lancer ang espada niya at akmang susugod siya sa dalawa nang humarang ako.

This is my decision.

"W-what are you doing? I thought.." gulong-gulo niyang tanong sakin.

"Yuuki. Neo," I called out to them and looked at Lance. "I'll handle this."

"But--!"

"No buts, brother. I said I'll handle this!"

"Onee-chan is right. There's no time," I heard Yuuki's voice.

"The book lies on the other side of that door," sabi ko sakanila nang hindi inaalis ang tingin kay Lancer. "Be careful."

Ilang segundong katahimikan. Hindi nagtagal at nilagpasan nila kami dalawa at dumiretso sa pinto na itinuro ko.

Hahabulin sana sila ni Lancer pero muli ko ulit siyang hinarangan.

"If you want to kill them, you have to go through me first."

"Why are you doing this?"

"This is the right thing to do, Lancer."

"C'mon, Ice. Aren't we supposed to fight together? You promised me, right? You promised me that after this war, we will live some place where we can start anew."

Tinitigan ko lang siya. "I lied."

He chuckled bitterly. "So those times when you're telling me you love me, were you lying too?"

"I'm sorry."

He bit his lower lip and turned his back against me.

"I have friends to protect, Lance."

"I have enemies to kill."

I took few steps backwards as he turned around to face me. Nilabas ko ang violin ko habang unti-unti siyang nagtra-transform sa pagiging bampira niya.

"Then let's finish this, once and for all."

Nagsimula na akong tumugtog. Hundreds of black ravens entered the room and swirled around him. Lancer was trying to dodge it with his sword, slashing every raven that comes near him.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Pinakiramdaman ko ang buong 49th floor, searching for dead bodies. If my brother Neo can summon skeleton soldiers, I can control the dead monsters near me through my violin.

Luckily, mayroon akong nase-sense na mga Ultimates sa di kalayuan. Although they are weaker than the ones we fought before, this will buy me time to figure out how will I defeat Lancer.

Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung makakatagal ba ako sa laban na 'to. Lancer is actually stronger than I expected.

Nagulat ako nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko na nakataas ang espada niya. Binilisan ko ang pagtugtog ko dahil upang humarang ang isang Ultimate sa gitna namin. Kasabay ng pagtalon ko pabalik ang pagkahati ng katawan ng Ultimate na iyon.

Saglit na tumigil ako sa pagtugtog. Hindi uubra ang simpleng mga atake ko dito. Madali lang niya akong matatalo.

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Tumugtog ulit ako ng ibang pyesa.

Mas mabilis. Mas makapangyarihan. Mas malakas.

Nagtipon-tipon ang mga ravens at bumuo ito ng isang higanteng itim na ibon. Nasa likuran naman nito ang apat pang Ultimates na nabuhay at ngayon ay kino-kontrol ko.

It's time.

Pumikit ako. Kailangan kong mag-concentrate. Masyadong malakas ang kapangyarihang inilalabas ko dahil sa mga halimaw na kinokontrol ko ngayon. Isang maling tugtog ko lang sa pyesa, siguradong magkakandaloko-loko na ang lahat.

Para akong nasa ibang dimensyon habang tumutugtog. Mag-isa habang tumutugtog ng violin. Kusang gumagalaw ang kamay ko para makalikha ng musika. Nararamdaman ko ang pagsalin ng kapangyarihan ko sa instrumentong hawak ko.

Ako at ang violin.. ay iisa.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas. Hindi ko alam kung paano niya natakasan ang limang halimaw na kinokontrol ko. Hindi ko alam kung paano siya nakalapit sa akin.

Ang alam ko lang, nawala ang tinutugtog ko dahil sa naputol na string.

Pinutol niya ang string ng violin ko.

Hindi pa siya nakuntento at inagaw sa akin ito pagkatapos ay malakas na ibinato hanggang sa pinakadulo ng kwarto.

Nakatitig lang ako sa pira-piraso nitong parte na nakakalat sa sahig.

Ang violin ko..

Gamit ko na ito simula noong bata pa lang ako at ito ang unang beses na naputol ang string nito. Ngayon, hiwa-hiwalay na ang parte nito.

Bigla akong nanghina sa nakita ko. Ni hindi ko na nga magawang gumalaw. Buong buhay ko nang kasama ang violin ko na kahit isa lang itong bagay, itinuturing ko na rin itong pamilya.

Hindi ko inakalang masisira ito. Parang nawala ang kalahati ng pagkatao ko.

Ang violin ko..

"Pagbabayaran mo to.."

Hinigpitan ko ang hawak ko sa bow. Inipon ko ang lakas ko at nagsambit ng isang spell para mapabalik ang bow sa dati nitong anyo.

Isa itong itim na espada na ipinasa sa amin ni Neo.

Kusang gumalaw ang katawan ko para atakihin siya. Pero kahit anong patama ang gawin ko, mas mabilis siyang kumilos kaysa sa akin. Naiiwasan niya ito agad.

Huh. Perks of being a vampire.

Lalo pang nag-init ang ulo ko nang mapansing hindi niya ako inaatake at puro iwas lang ang ginagawa niya. Anong akala niya sakin? Mahina? Ngayong sinira niya ang violin ko?

Well, he's wrong. Definitely.

Hinawakan ko ng dalawang kamay ang espada at ini-slash ito sa harap niya. Katulad ng inaasahan, iniwasan niya ito at pumunta sa kabilang gilid. I took the chance and swirled around, kicking him directly in the face.

He lost balance and struggled to get up. Hindi na ako naghintay pa at sinubukan ko ulit siyang atakihin gamit ang espada ko.

But he dodged it right on time with his sword. Sabay na tumilapon ang mga armas namin.

"This is enough," he said in a low tone and his eyes suddenly turned different.

He grabbed my arms and sent me flying across the room. Naramdaman ko na lang ang matigas na bagay na tumama sa likod ko bago ako bumagsak sa sahig.

Pagmulat ko, nasa harapan ko na siya at binigyan ako ng isang suntok sa mukha. Naramdaman ko yung hapdi sa bandang gilid ng labi ko.

Sinuntok niya ako sa tiyan. Ganito pala kalakas ang mga bampirang katulad niya. Parang lalabas lahat ng internal organs ko sa isang suntok niya lang.

Bigla niya akong kinwelyuhan. I don't know what he'll do next but one thing is for sure, I need to get out of his grip.

If only I could reach my sword few inches away from us.

Pinadyak-padyak ko ang paa ko. I struggled. Pero nanatili siyang nakaupo sa bandang tiyan ko habang nakakwelyo sa akin. I can see clearly his white fangs, his emotionless eyes.

Inabot niya ang espada niya at tinutok sa leeg ko. So this is it huh. This will end everything.

Nagulat ako ng magsalita siya.

"Ice."

Hindi ko alam pero natawa ako. Mukhang alam ko na sasabihin niya kaya inunahan ko na siya.

"Last words? I didn't prepare for one."

Tinitigan niya lang ako. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong pwesto. Maya-maya, humugot siya ng malalim na hininga at saka nagsalita.

"Tell me honestly Ice. Even once, did you love me?"

Hindi ko alam kung bakit pero matagal akong napaisip. Ilang buwan ko rin siyang nakasama. Hindi naman ako nahirapang pakisamahan siya.

And I know Lancer is a good guy.

Minahal ko nga ba siya?

"To tell you the truth, those times we had together--"

"Just answer it with a yes or no."

Tinitigan ko siya.

"Yes."

Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako but I think I saw glint in his eyes.

His next move really surprised me.

Tinapik niya ang espadang kanina ko pa inaabot papunta sa kamay ko at hinawakan ang kamay ko papunta sa tagiliran niya.

Unti-unting kumalat ang pulang likido sa kanyang damit. Bumagsak siya sa akin at bumulong kahit nahihirapan na.

"That's all I need to know. Go save your friends, Ice."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top