Behind the Mask

Chapter 14

Behind the Mask 

~~~**~~~

~Tabitha’s POV~

“Nakita ko si Xianna kagabi, lumabas ng suite namin.”

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Shontelle. Si Xianna kaya ang may pakana? Bakit niya ginawa iyon? Anong kailangan niya? Ganoon na ba siya talaga kagalit saamin? Pero bakit buong dorm dinamay niya? Atsaka bakit sariling suite nila ni Shontelle, sinira niya?

Ang GULO!

Hindi na ako nakapagconcentrate sa mga lesson namin ngayon. Sa kabila ng mga nangyari, patuloy pa rin ang normal na klase namin. Pero mahahalata mo sa mga babaeng classmate ko na kahit anong gawin nilang pagkalma, hindi pa rin sila mapakali sa mga nangyari.

Tumunog na ang bell. Kinuha ng professor ang kanyang mga gamit at nagpaalam saamin. Tumayo na rin ako at nag-ayos ng gamit. Sa canteen kasi kami naglulunch.

“Onee-chan! Tara na! Nag-aantay na sila sa labas.” Hawak-hawak ni Yuuki yung blue na lunchbox niya. Nakasabit doon ang favorite Happy stufftoy niya. Natatakot kasi siyang iwanan ito sa suite namin, baka pati iyon ay masira.

Sinalubong kami nina Ayesha sa labas. Tahimik lang kami naglakad papunta sa canteen.

“Mga bakla. Hindi ako sanay.” Pagbabasag ni Sebby sa katahimikan. Kanina pa kasi kami kumakain at wala ni isa ang gustong magsalita. “Ano nang plano niyo?” Alam na kasi ni Sebby ang nangyari sa Rapunzel Tower.

“Hihintayin na lang siguro namin ang sasabihin ng council.” Sagot ni Ayesha. Nagpatawag kasi ng meeting ang council dahil sa nasabing aksidente. Kasama doon ang mga staffs ng nasabing dorm at ang mga nakatira dito.

“May plano ba kayong sabihin yon?” tanong pa ni Sebby na ang tinutukoy ay ang paglabas ni Xianna ng suite nila ni Shontelle. Napatingin kami kay Shontelle. Ngumiti siya at nagshrug. Kahit ako, hindi ko alam ang gagawin ko kung ako ang nasa kalagayan niya. Wala naman kasi akong sapat na ebidensya.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain at pagkwekwentuhan. Kahit papaano, medyo nakahuma na kami at bumabalik ang masayang aura ng barkada, maraming salamat kay Sebby.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito at pumasok ang Monster 5. Ipinatawag kasi sila ni Secretary Reodica kaya naman nahuli silang maglunch. Naunang pumasok sina Neo at Zeke. And the usual, sinalubong sila ng mga classmate kong babaeng patay na patay sakanila.

“Zeke-sama, I’m scared.” Narinig kong sabi ng isang babae at pilit yumayakap kay Zeke pero hindi niya magawa dahil nagsasapawan pa sila ng iba kong classmate.

“Master Zeke, you’re so handsome.”

“Please taste my homemade lunch.”

“You’re so handsome as always Zeke-sama.”

Pero deadma lang silang lahat kay Zeke na pilit tumatakas sa kumpulan ng babae.

“Neo-sama, can we go out tonight?”

“Prince Neo, did you hear about what happened to me? Ohgosh, I’m scaaaared.”

“Master Neo, please have a lunch with me.”

“Ladies, if you’ll excuse me.” Ngumiti naman si Neo sakanila. Hindi siya katulad ni Zeke na snob at aloof sa mga babae, si Neo ay isang gentleman. Siya yung tipong knight in shining armor mo. Kaya maraming tumatawag sakanya na ‘Prince Charming’.

“Kyaaaa~ >///<" napakamot na lang siya sa ulo nang lalo siyang dinumog ng mga babae. Wala siyang nagawa kundi gayahin ang ginagawa ni Zeke na nagpupumilit na pumunta sa center table habang patuloy ang pagsabi ng ‘excuse me’

“Zeke-sama..”

“Prince Neo..”

Biglang bumukas ang pinto at isang lalaki ang pumasok.

“Kyaaa~!” mabilis na tumakbo ang mga babae papunta sa pinto. Parang kanina lang, patay na patay sila doon sa dalawang pumasok pero ngayon, nagjoin forces sila at sinalubong ang isang lalaki.

Si Ace.

“Ace. Ace. Ace. Why do you have to be so hot?”

“Sexy monster. Rawr!”

“Marry me now, Master Ace.”

“I’m willing to be your slave.”

Ngumiti ng matamis si Ace sakanila. Parang tinamaan ng thunderbolt ang mga babaeng nakapaligid sakanya. Naglakad na si Ace papunta sa center table. Nakipag brofist siya sa dalawang lalaking nandoon.

“Ang gwapo ni Ace no?” napalingon kami kay Ayesha na nakapangalumbaba at nakatitig kay Ace.

“Spell HOT? Z-E-K-E.” sabi naman ni Shontelle.

“Ano ba kayo girls, wag niyo ngang pagpantasyahan mga boyfriends ko.” maarteng sabi ni Sebby. Ayan na naman sila.

Nag-giggle naman si Yuuki. Nag-asaran kasi ang tatlo.

“Ace.” Madiin na sabi ni Ayesha.

“Zeke!” kontra ni Shontelle.

“They’re mine!” sabi naman ni Sebby.

“Ne, Onee-chan? Ikaw? Sinong gusto mo?” biglang tanong ni Yuuki saakin habang nanonood sa tatlo. Nagshrug lang ako. Lahat sila gwapo e.

Muling bumukas ang pinto at pumasok ang nahuhuling dalawang miyembro ng Monster 5. Napatingin ang mga fangirls sa kanila na may halong inggit. Malayang nakakalapit kasi ang dalawang babaeng iyon sa mga iniidolo nila.

Imbes na pumunta ang dalawa sa center table, dumiretso sila sa kinauupuan namin.

“O, yung mga babae dun, nagkakandarapa na makaupo sa center table. Tapos kayo pa-upo po lang dito? Seriously mga bakla?” tanong ni Sebby nang makaupo sina Ice at Ms. Skye.

“Magulo dun. Nakakainis lang. Hindi maeenjoy ang pagkain pag madaming echos.” reklamo ni Ice sabay labas ng bento niya.

[bento: is a home-packed meal common in Japanese cuisine.]

Tinapik ni Ms. Skye yung braso ko habang dinidilaan niya yung malaking lollipop. Ako kasi nagluluto ng lunch niya. Nilabas ko iyon mula sa bag at ipinatong sa harap niya. Mas magastos kasi kung bili siya ng bili sa canteen. Mahal kasi ang mga pagkain dito. Kaya nagvolunteer ako na igawa siya ng lunch.

Nanlaki ang mga mata ng kasama ko maliban kay Sebby nang sa isang kainan lang ay ubos na ni Skye yung malaking lollipop.

“Masanay na kayo. Ganyan yan pag gutom.” Sabi ni Sebby sakanila. Nagsimula nang buksan ni Ms. Skye ang inihanda kong lunch sakanya at nilantakan ito.

“Mukhang masarap yung lunch niyo Tabby.” Sumubo si Ice sa bento niya.

“Oo nga. Lalo tuloy akong nagutom. Ay naman, sira na diet ko.” reklamo ni Shontelle. Sinenyasan niya ang isang maid sa canteen na hatiran siya ng isa pang order.

“Naman! Ako pa.” sabi ko.

“Mga bakla. Ten minutes left.” Paalala ni Sebby na kakatingin lang sa malaking wall clock sa canteen. Matatapos na pala yung break namin.

“Banamanyan pre!” reklamo ni Ice. Nangangalahati pa lang siya sa kinakain niya. “Nag-eenjoy pa lang ako e.” she pouted.

Mabilis na inubos namin at pagkain. Nang tumunog na ang bell, naghanda kami para sa susunod na klase.

~~~**~~~

“Bakla, makikichika ako mamaya ha.” Sabi ni Sebby at nagwave saamin. Uwian na pero naiwan kaming mga babae para sa meeting ng council. Sandali lang naman daw yung meeting na iyon.

“Sige Princess Sebby. Ingat ka.” Paalam ko sakanya.

“Bye Onii-chan!” sabi naman ni Yuuki. Sumakay na siya sa kotse at pinanood namin itong umalis.

“Tara na mga Onee-chan. Baka tayo na lang ang wala doon.” Yaya ni Yuuki. Pumunta kami sa music room. Doon kasi sinabi na magkikita kita.

Pagpasok namin sa music room, nadatnan namin ang iba pang mga babaeng classmate namin. Humanap kami ng pwesto sa loob ng music room. Walang mga upuan dito kaya sa sahig kami umupo. Ilang saglit lang, pumasok ang adviser namin. Si Mrs. Dammon

“Line up.” Sabi niya kaya mabilis na pumila kami. Ikinumpas niya ang puting stick na palagi niyang hawak at isang portal ang lumabas. Isa-isa kaming pumasok doon.

“Please take your seats.” Anang ng isang babae na nasa harap. Sa isang puting kwarto kami dinala ng portal. Sa gitna niyon ay isang pahabang lamesa. Sa mga gilid niyon ay mga puting upuan na magkakatapat. Katulad ng kwartong ito ang mga kwarto kung saan may nagaganap na meeting sa isang kumpanya. Yun nga lang ay mas elegante dito at pawing mga puti lang ang makikita mo.

Sa dulo ng lamesa nakaupo si Mrs. Dammon. Sa kabilang dulo naman ay yung babaeng nagsalita kanina. Sa likod niya ay isang malawak na screen. May pinindot siya dito at naging black ang screen.

“Our meeting is about to start. Please prepare yourselves.” sabi ng babae kaya umayos kami ng upo. Nang mapansin niya na okay na ang lahat, may pinindot ulit siya sa screen at ang logo ng school ang lumabas.

“Good day students.” Isang bati ang nagmula sa screen. “This meeting won’t take long. The council would like to discuss some matters regarding the accident. We hope for your cooperation.” Halo-halo ang boses na nagmumula sa screen. Hindi mo mawari kung babae o lalaki ang nagsasalita. Nagpatuloy ulit ito sa pagsasalita.

“As of now, we are currently investigating the accident. According to the reports given to me earlier, none of the gadgets or materials were stolen. Is this true?”

Kinuha ng babae ang microphone na hawak niya. “Please stand if there are objects or devices missing.” Nagkatinginan lang kami. Isang minuto ang lumipas pero walang tumayo.

“Very well then. The report is true.” Sabi nung babae. Lumipat ang tingin ko sa screen at hinintay ang sasabihin nito.

“Were there students still awake at exactly 1:00 am onwards?” muling tanong ng speaker sa screen.

Isang katahimikan ang sumagot sa tanong na ito.

“I guess you’re all asleep. Do you feel something odd that night?” Nagulat ako ng biglang tumayo si Yuuki.

“A-anou..” nanginginig ang mga kamay niya. Hinawakan ko ito at napatingin siya saakin. Nginitian ko siya.

“Noong gabing iyon, nanonood po ako ng anime sa sala. And then all of a sudden, bigla na lang po akong nahilo. Pero sandali lang po iyon. Mabilis naman po akong bumalik sa normal.” Sabi ni Yuuki. Umupo na siya.

“Thank you for sharing that, Miss.” Sabi ulit ng speaker sa screen. “Anyone else feel the same thing?”

Wala nang sumagot.

“Last question. This is impossible but who knows. Do you somehow know who might the criminal is? Any lead or information about it? Suspicious move?” sunod sunod na tanong.

Napatingin ako kay Shontelle. Sasabihin ba niya?

Ilang minuto ang dumaan. Nanatiling tahimik ang kwarto.

“Very well then. Thank you for cooperating with us. The meeting is now adjourned.” Sabi ng speaker sa screen at nagblack out na ito. Humarap saamin ang babaeng nasa harap.

“Council’s orders. Due to the incident, Rapunzel Tower is currently under investigation. Students who live in that dorm will be transferred to Rigel Dungeon, the dorm exclusive for male students of Special Monster Class. Your personal things were already sent to the rooms assigned for you. For a week, you will share the same suite with your male classmates. As long as the investigation ends, we will send you back to the Rapunzel Tower immediately.” Iba’t ibang reaction ang makikita sa mga tao sa loob ng kwarto. May mga naeexcite, kinakabahan, nagagalit, naiinis at may mga walang pakielam.

“Girls! Line up!” utos ni Mrs. Dammon at pumila ulit. Tulad ng nauna, isang portal ang lumabas nang ikumpas niya ang puting stick.

Sana naman, mabait ang makakaroom mate ko.

~~~**~~~

“What do you think?” umikot ang lalaki paharap sa mga kasama niya. Sumandal siya sa swivel chair at tinakpan ang kanyang mga mata.

“Nagsimula na sila.” Sabi nito na lalong kumunot ang noo.

“Malinis ang pagkakagawa. Mukhang naturuan ng maayos.” Sabi ng isang lalaki.

“Ang generation ngayon, mas malakas kumpara sa atin.” Natatawang sabi naman ng katabi nito.

“Ano nang plano?” isang boses babae naman ang nagtanong.

Kumuha ang lalaki ng isang dart. Ibinato niya iyon sa kalendaryo na nasa gilid niya.

“Mas mabuti kung mahuhuli natin sila. Pero sigurado akong mahihirapan tayo at masasayang lang ang oras. Mas maganda kung magcoconcentrate lang tayo sa paghahanap. Mahirap na. Baka maunahan nila tayo.”

“E bakit hindi na lang natin sila hayaan na mahanap iyon at pagkatapos ay agawin natin sakanila?” tanong ng isang lalaki. Siya ang bagong salta sa grupong ito.

Tumawa ng mapait ang lalaki at kumuha muli ng dart. Itinapon niya ulit ito sa kalendaryo.

“Hindi mo sila kilala. Kapag nakuha na, wala nang bawian.”

~~~**~~~

~Tabitha’s POV~

“Tissue oh.” Inabot ko sa dalawang katabi ko ang isang box ng tissue. Kanina pa sila umiiyak dahil sa kakatapos na anime episode.

“Nakakainis naman e!” kumuha si Sebby ng tissue at suminga tapos patuloy ulit na umiyak. “Bakit ba gwapo kasi yung namatay e. Naman e!”

“Waaah! L kooo~ Bakit mo siya pinatay Light? BAKIT?!” humahagulgol na si Yuuki.

“Tama na yan. Parang walang pasok bukas ah. Tulog na tayo.” Sabi ko habang patuloy ang pag-abot sa kanila ng tissue. Lalong lumakas ang iyak nila.

Geez.

“Ang ingay niyo. Nag-aaral ako.” saway ni Nerd na nakalapit na pala saamin. Nasa kwarto kasi siya kanina at nag-aaral. Pero kahit anong saway niya, patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalawa.

Umupo siya sa sahig at kinuha yung remote. Nilipat niya sa next episode ng Death Note. Biglang inagaw ni Sebby ang remote at tinago sa likod niya.

“Wait lang! Hindi pa ako ready. Hindi pa. Hindi pa. Waaaah!” iyak pa nito.

“L! Waaaaah! Ayoko naaa~!” sumabay pa si Yuuki.

Haaay. Kelan ba sila titigil?

Kinuha na lang ni Nerd yung POPCORN na hawak ko. Kumain na lang siya.

“Seriously, san mo ba sila nakilala?” tanong niya saakin matapos ang ilang subo ng popcorn. Nagshrug na lang ako sakanya. Kumain na lang kami ng popcorn habang inaantay matapos ang ngawa nila Sebby at Yuuki.

Sa suite muna kami nina Sebby at Nerd tutuloy ni Yuuki. Ito kasi ang nakaassign saamin. Dumating kami dito pagkatapos ng meeting. Okay lang naman kami dito, kilala namin si Sebby at hindi naman mahirap pakisamahan si Nerd.

“Wala ba kayong balak matulog?” tanong ko sakanila nang makahupa na ang madrama nilang eksena. Pumasok na lang si Nerd sa kwarto at natulog dahil alam niyang hindi siya makakapag-aral sa sobrang ingay ng dalawa.

Tumingin ako sa wall clock. It’s already 1:38 in the morning. At may pasok pa kami mamaya. Ito kasing dalawang to, nagmarathon ng death note pagkatapos naming kumain ng dinner.

“We should sleep now Onii-chan, Tabitha-Nee-chan.” Tumayo si Yuuki at nag-inat. “I’m tired.”

“Oo nga. Masisira ang beauty ko dito kay L e.” segunda ni Sebby. Inayos na namin ang kalat at naghanda sa pagtulog.

“Goodnight girls! Sweet dreams. Mwah” Pumasok si Sebby sa kwarto nila ni Nerd.

“Oyasumi Sebby-nii-chan.”

“Goodnight Princess Sebby.” Pumasok na rin kami ni Yuuki sa katabing kwarto.

“Mauna ka na Yuuki.” Pumasok siya sa bathroom para magtoothbrush. Habang nag-aantay, inayos ko muna yung higaan namin.

“Tabitha! Tabitha-nee-chan!” naalarma ako sa tawag ni Yuuki. Mabilis akong pumunta sa bathroom at nadatnan siya na nakaupo sa sahig habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa ulo niya at ang kabila naman ay nakahawak sa sink.

Lumapit ako sakanya at inalalayan siya papunta sa kama.

“Yuuki. Anong problema?”

“Nahihilo ako Onee-chan.” Napahiga siya sa kama. Inayos ko naman siya. “Ang sakit ng ulo ko.”

“Wait Yuuki. I got you.” Hinawakan ko ang ulo niya at nagchant ng isang spell. Saglit na umilaw ang kamay ko pagkatapos ay nawala din agad ito.

Dumilat si Yuuki. “Okay ka na ba?” tumango siya. “Arigatou Onee-chan!”

“Iyak ka kasi ng iyak sa Death Note e. Ayan tuloy. Matulog na nga tayo.” Yaya ko sakanya. Hihiga na sana kami nang makarinig ako ng isang mahinang pagsabog.

“Narinig mo ba yun, Yuuki?” tumango ulit siya. Mabilis kaming lumabas ng suite nina Sebby. Alam kong against the rules to pero..

Nasundan ng isa pang pagsabog ang narinig namin kanina. Dahan-dahan kaming naglakad ni Yuuki. Nanggagaling sa first floor ang pagsabog. Tinahak namin ang hagdan ng fire exit. Tago kasi ito. Mabilis kaming bumaba. Pagdating sa first floor, nagtago muna kami sa isa sa mga tables doon.

Sumilip ako.

May tao.

Dalawa sila.

Patuloy lang ang paggawa nila ng mahinang pagsabog. Ang nakapagtataka, walang nagigising sa mga tunog nito.

Kahit ang mga maid at staffs ng dorm. Pati mismo ang bodyguards sa entrance ay tulog.

“Akyat na tayo? Okay na to.” Sabi ng kasama niya. Yung nagpapasabog. Hindi ko mawari ang boses niya.

“Isang round pa. Kapag wala talaga, akyat na tayo.” Sabi naman ng kasama niya na kakaiba din ang boses. Nakasuot sila parehas ng itim na damit at natatakpan ang mukha nila ng maskara.

Nagsimula na silang pumunta sa iba’t ibang lugar doon sa first floor. Parang may hinahanap sila.

Nanatili lang kaming nagtatago ni Yuuki, nag-iingat na huwag makagawa ng maingay.

“Nakakapagod naman to. Walang thrill!” nagpasabog ulit ang kasama niya at hindi niya ito inaasahan.

“Ah sht!” sabi ng kasama nito nang sumabog. Mabilis itong nakalayo sa lugar pero napuruhan pa rin siya. Nahati ang maskara niya at nakita ang ibabang parte ng kanyang mukha.

“Ah sorry. Mali napindot ko. Fvck! Sorry!” patuloy ang paghingi ng tawad nito.

“Umakyat ka na. Bago pa ako mabwisit sayo at patayin kita dito.” Mabilis naman umalis sa harapan ang kasama niya.

Ilang sandali pa, unti-unting niyang tinanggal ang maskara niya.

At nanlaki ang mata namin ni Yuuki.

Ang taong iyon.

“Xianna.”

~~~**~~~
AN: Oookay~ Hindi talaga dapat ganito kalalabasan ng chapter na to e. AHAHAHA xD Malay ko ba. LOL. It's lame. >3< Pinapabilis ko lang. xDD Namimiss ko nang magsulat ng action scene e. Anyway, maraming salamat sa pagbabasa :)) You're so cool! :bd Babawi na lang ako sa susunod. :) Mwahaha. A penny for your thoughts? May sasabihin pa ako e. Nakalimutan ko na. Wuusshh. >3< Ayon! Kaya pala hindi matino kasi okupado ni Break Xerxes yung isip ko xDD

Dedicated kay Liaa~ siya unang nagcomment sa last chapter e :3 Mwahaha. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top