Abandoned Library

Chapter 40

Abandoned Library

Yuuki's POV

"A-Anou.. E-Etou," biglang nagrumble yung tummy ko. Nyaa. Gutom na ako. Yuuki needs food. I need food.

*Grooowl~*

Haaay. Kimchi. Sushi. Pizza. Popcorn. Chocolate. Rice. Pasta. Chicken. Marshmallow. Bacon. Bacon. Bacon. BACOOOON~

*Grooowl~*

Lalo lang akong nagugutom sa pinag-iisip ko. Stop it na Yuuki. Stop it tummy.

Two days na rin kami ni Neo dito sa loob ng Sirenade Empire para sa mission na ibinigay samin: mag-investigate, hanapin ang Book of Life ko at mabawi si Ice-nee-chan. Pagkapasok namin sa enemy's base, agad niyang sinira yung tiny device na inimplant ni Commander Rai-nee-chan kaya wala na kaming contact sakanila. Sabi niya kasi, baka madetect daw kami ng nga nasa loob ng Sirenade Castle. Lagot kami pag nagkataon. Baka di kami bigyan ng food pag nahuli. Haaay.

Nagulat ako nung biglang may nagsnap sa harap ko. Waa! Where's the enemy? Nasan?! Nasan?! Teka, yung dagger ko! O magdro-drawing na lang ako? Waa! Baka mahuli kami! Walang pagkain! YUNG BACOOON!

Nilabas ko yung dagger ko at tsaka nagpaikot-ikot habang hinahanap yung kalaban. "Waaa! Lumabas kayo! Hindi ako natatakot sainyo! I'll kill you and I'll save my bacooon! Waaa!"

Naramdaman ko na lang na may tumakip sa bibig ko at hinila ako papasok sa isang kwartong abandonado at walang laman. Sinubukan kong makawala kaso mahigpit yung pagkakahawak niya sakin. Waa! Di ako pwedeng mahuli! Yung Book of Life ko. Si Ice-nee-chan. Tsaka si Neo-kun! Neo-kun! Tatsukete! (Help Me!)

"Yuuki," Eh? Teka. Si Neo yun ah. Wag mong sabihin..

Tumigil ako sa paggalaw at unti-unting humarap sa likod ko. Tumambad sakin yung gwapong mukha ni Neo-kun, na ilang inches na lang eh.. Waaa >///< Ang lapit niya!

Mabilis akong nakawala at lumayo sakanya habang hawak-hawak yung bibig ko. Kyaa~ nararamdaman ko yung init sa mukha ko. Yung heartbeat ko. Parang drums! Dugdug.Dugdug.

"A-Ah.. Eh.. I-Ikaw pa..la yan," I stammered. Naman eh! Bakit hindi maalis sa brain ko yung mukha niyang malapit?! Paulit-ulit na lang yung scene. "So..Sorry. Nataranta lang."

Ang fail ko talaga. Bakit ko nga ba nakalimutan na kasama ko si Neo kahit saan?

Umupo siya sa sahig at tinanggal yung heavy armor na suot-suot niya. Nakasuot rin ako ng ganito, disguise kunware para mapagkamalan kaming ordinary soldiers ng Sirenade. Ang heavy heavy nga eh. And it's not so cute.

Dapat nilagyan nila ng glitters, headbands with butterflies, pink tattoos, fur, blingblings and a lot more. Para naman hindi magmukhang scary ang armor nila. Yuuki hates scary things.

"Seriously Yuuki, are you even listening to me while I was discussing the plan?," ginulo niya yung buhok niya at tumingin sakin. Kyaa! Ang hot!--este, ano ba yung sinasabi niya kanina?

"Ha?," I gave him my 'what-are you-saying' look. Bumuntong-hininga siya ng pagkalalim-lalim at tinapik yung space na nasa tabi niya. Umiling ako pero tinignan niya lang ako habang tinatapik yun. Wala akong nagawa kundi tumabi sakanya. Naramdaman ko nanamang uminit yung buong mukha ko. Siguro color red na tong cute face ko.

Bigla niyang sinapo yung noo ko. "Are you sick?" Umiling lang ako. "You're not yourself today. What's wrong?"

Ano nga ba? Bakit nga ba kasi wala ako sa cute kong katinuan?

That's when my tummy answered. *Grooowl~* Neo-kun was actually surprised but then later on smiled.

"Some things don't change," he stated. Ginulo niya yung buhok ko at saka sinuot yung armor niya. "Stay here and don't make any unnecessary actions. I'll be back with food."

"Bacon!" tinaas ko yung hand ko na parang nanalo. He flashed again another smile at saka umalis. Ilang minutes lang akong naghintay. Later on, dumating siya dala-dala ang mga fruits, rice, water and ang pinakamamahal kong bacon.

Habang kumakain kami, sinabi niya ulit sakin yung plano. Nilabas niya yung mapa na pinaghirapan namin buoin sa loob ng dalawang araw. Though hindi pa siya complete dahil off-limits yung upper floor, at least nakabisado nanamin yung iba at mga pasikot-sikot nito.

Simple lang naman yung plano, kailangan muna naming makapagpadala ng mensahe kay Commander Rai-nee-chan para malaman nilang okay pa kami and the mission is still on the process. Ipapadala rin namin yung kopya ng mapa na ginawa namin para may guide sila kahit papaano. And then, we'll proceed to the next plan, ang salubungin si Ice-nee-chan. She'll help us in finding my book of life at completing the map. After that, uuwi na kami sa training ground, mag-aantay sa bagong kautusan ng nakakataas, tatalunin ang Sirenade Kingdom and live happily ever after! With lots of bacons! Yay!

"Plan will start at exactly 3 in the morning. Rai taught me some hacking techniques and how we will send voice messages and this map. In order to do that, I need you to secure the whole floor for 15 minutes. No more, no less. Fifteen minutes, Yuuki. That's all I need. Can I count on you?"

Tumango ako at nagpakita ng game face. Tumawa siya ng mahina at ginulo yung buhok ko. Tinapos na namin yung pagkain (which I want to tell you na kulang na kulang pa talaga yung kinain kong five plates of rice, bacon, banana, apple and grapes) at saka nagsuot ng soldier armor at bumalik sa dating gawi, ang magpatrol sa buong castle.

Kahit papano, bumalik na ako sa cute kong katinuan. Iba talaga pag nakakain na. Lalo na pag bacon.

Pero I must admit, kinakabahan ako para mamaya. Pano kung mahuli kami? Pano kung mission failed? Pano na lang yung bacon?-- este kami?

Kailangan mission accomplished to. This is the headstart of everything and we'll make it sure that Neo and I will succeed. I will succeed.

For the sake of monster world.

And for my beloved bacon.

~

It’s 2:53 am when the sirens rang indicating that someone tried to pass the Castle’s barrier. Ito rin ang hudyat na magsisimula na ang first mission namin ni Neo.

No more cute and adorable Yuuki for today. Let’s have the other way around.

Katulad ng inexpect ko, inaabangan na kami ng head general sa strategy room. Nagtipon-tipon din dito yung iba pang soldiers, halos hindi ko na mabilang kung ilan ang nandito. Mabuti na lang pala at nilagyan ko ng inkbracelet yung kamay ni Neo. At least madali ko siyang mata-track.

Tumakbo na kami papunta sa floor kung saan nandoon ang isang abandonadong library. Mabuti na lang at dito kami inasign ng Head General, magagawa ko na yung pagse-secure sa mismong floor para sa plano habang ginagawa ko rin yung trabaho ko bilang sundalo. It’s like two birds hitting with one stone.

Sa ganitong paraan, hindi kami mapaghihinalaan ng Kingdom.

3:00 am

“Fifteen minutes Yuuki,” tumango ako kay Neo habang dala-dala niya yung mapa at laptop na nakuha niya mula sa abandonadong library. Sira na ito ngunit nagawa naming maayos. Ito ang gagamitin namin para sa voice message at sa pagse-send ng map.

Pumasok na siya sa loob habang nagsimula na akong mag-drawing sa scroll ko ng mga daga at spiders. Lumabas ito mula sa papel at nagsimulang kumalat sa buong floor hanggang sa baba at taas, pati sa mga hagdanan, pintuan at mga bintana. They can hardly see this dahil itim ang mga ito at masyadong madilim sa lugar.

Pumilas ulit ako sa scroll at nagdrawing ng leon, agila at gorilla. Finold ko yung papel at inutusan ang isang daga na dalhin ito sa kalaban na pumasok sa barrier ng castle, yung dahilan ng kaguluhan ito. I need to make sure na tatagal ang labanang ito para tumagal din kami sa pagbabantay. In order to do that, I need to help the ink-puppet I made for almost a day, ang nagpasimula ng kaguluhang ito at ang kalaban ng soldiers ngayon.

So far so good. Sampung minuto na ang nakakalipas at wala pang nadedetect ang mga daga at spiders na paparating sa floor na ito. Kung sabagay, bihira lang ang may pupunta rito dahil bukod sa abandonado na ito, eh puro patapon na bagay na lang ang makikita.

Biglang tumunog yung walkie-talkie na nakasabit sa belt ng armor ko at narinig ang boses ni Head General.

"The enemy has been eliminated. I repeat, the enemy has been eliminated. Go back to the strategy room now."

I looked at my wrist watch, four minutes pa. Konti pa.

Kumatok ako sa pinto and I heard Neo mula sa kabila, "Almost done."

Ano kayang ipapalusot namin? Aish, strikto pa naman si Head General pagdating sa oras. Ma-late ka lang ng isang minuto, 50 push-ups na ang katapat non.

Biglang bumukas ang pinto at tumambad ang pawis na pawis na Neo. Ngumiti siya sakin habang pinahid yung pawis niya. "Mission Accomplished."

Paalis na sana kami nang bigla akong makaramdam ng may paparating. Nagsimula na ring magsilapitan sakin ang mga daga at gagamba na ipinakalat ko para ibalita ito.

Sht. Baka mabuking kami.

"May paparating. What are we gonna do?"

Hinila ako ni Neo papasok sa library at nagtago sa ilalim ng isa sa mga lamesang natatabunan ng mga libro. Masyadong masikip dito, mabuti na lang at nagkasya kami. Kaso..

Nyaa >///< Ang lapit niya. Ang lapit niya. Tapos yung kamay niya nasa bibig ko. Tapos tapos.. nararamdaman ko yung paghinga niya sa leeg ko. Waaa!

"Shh. Be quiet," I heard him whisper. Lalo niya akong hinila papalapit sakanya kaya halos magkadikit na kami. I can feel the electricity all over my body. Di ko na kaya, parang sasabog na ako sa sobrang kilig na nararamdaman ko!

I caught my breath when the library door creaked. Wala ni isa saming dalawa ni Neo ang nagtangkang gumalaw. Narinig namin ang footsteps nito na palakad-lakad sa buong library.

Narinig kong papalapit ito sa kinaroroonan namin kaya I took the chance to peep into a small hole sa table. Medyo malabo at madilim, hindi ko maaninag kung sino.

Parang may hinahanap siya sa mga libro. She quickly scanned throught it at pagkatapos ay ibabagsak at kukuha ulit ng panibago.

Pumunta siya sa table na katabi ng ng sa amin. This time, I got the chance to see it clearly pero hindi ko pa rin maaninag ang mukha niya. But I can guess from her physical features that she is a girl.

Oh my. Baka si Ayesha to o si Shontelle. We're dead meat!

Naglakad pa siya ng konti, papalapit ng papalapit sa table namin, still busy scanning books. Konti na lang at makikita ko na siya.

Three more steps.

Nagbaba ulit siya ng libro.

Two more.

She flipped the pages of three more books at binagsak ulit ito.

One little step.

Hanggang sa napadako ang tingin niya sa mga libro na nakapatong sa table namin. Something probably caught her attention.

She closed the distance between her and our table. There I finally saw her face and realized who she is.

That's when my jaw dropped. Hindi ko na napigilan at napalabas ako sa pinagtataguan namin. Neo tried to keep me in place pero wala siyang nagawa.

I locked my gaze in her. Hindi ako makapaniwalang nakatayo na siya ngayon sa harap ko. Malaki na ang ipinagbago niya.

Hindi ko alam kung kalaban na siya ngayon o siya pa rin ang dati kong onee-chan.

Hindi ko na alam.

But one thing is for sure, I'll bring her back to our side.

"Ice-nee-chan."

~

AN :3 I know, bitin. HAHAHAHA. Anyway, the dedication spots are open. Wala na akong mapagdedicate-an. Yung may pinakamagandang comment, sakanya ko na lang idededicate yung next chapter (pero syempre, kung may chapter na dito sa MA na nakadedicate na sa inyo, sa iba na lang natin ibibigay). Yun lang, thank you for reading. I hope you enjoyed it.

Dedicated sakanya dahil sa pagpapasabog ng notifications ko :3 thank you for voting MA ^^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top