CHAPTER 7
Chapter Seven
Best Friend
"O tapos?"
Kinagat ko ang labi ko dahil sa tanong ni Jen. Katatapos lang ng klase namin ngayon at papunta naman sa library para mag review sa susunod na recitation.
Nagkibit ako ng balikat at pinilit itigil ang pag ngisi.
"'Yun lang. Nanuod lang kami ng sine tapos hinatid niya na ako pauwi." Itiniklop ko ang librong hawak ko at kinuha naman ang panibago.
Things between me and Marcus are getting better and better. Well para sa akin. Alam kong walang magandang kahihinatnan ang pag asa kong isang araw ay maging iba ang direksiyon ng aming relasyon pero hindi na yata maaalis sa puso at utak ko ang panalanging 'yon.
Ang pag asang sana isang bukas ay ako naman. Kami naman. Sana kami nalang.
"Wala paring aminan na naganap?! Mir look... Huwag mong mamasamain a, pero kahit na hindi ka pa naman umaamin ay halata naman sa mga kilos mong gusto mo siya. Halatang noon pa man ay mahal mo siya."
Napatuwid ako ng upo dahil sa narinig.
"T-Totoo?" Nabibigla kong tanong.
Sa pagtango niya ng dahan dahan ay para ng sinilaban ang pagkatao ko. Pakiramdam ko'y umikot ang sikmura ko.
Kung alam ng iba na gusto ko siya higit pa sa kaibigan ay sigurado akong alam narin niya?! Hindi. Hindi pa pwede!
"Yeah... Lalo na ngayong palagi na kayong lumalabas. Akala nga namin nila Hermes kayo na e! Wala ba talaga? Hindi niyo ba talaga napag uusapan ang mga bagay na gano'n?"
Tuluyan ko ng itinabi ang librong hawak ko para lang harapin si Jennifer.
Umiling ako.
"How can I confess what I really feel for him kung ngayon pa nga lang ay natatakot na akong bigla niyang layuan? Jen, I can't risk that. Masaya kami. Masaya akong makasama siya..."
Itinigil ko ang pagsasalita ng maramdaman ko ang malaking pagbara ng kung ano sa lalamunan ko.
Malungkot niya akong tinitigan.
"I know what you feel. Ganyan din ako noon kay Leonne remember?"
Napayuko ako ng maisip kung paano nagkalamat ang relasyon nila noon dahil sa pag amin niyang gusto niya ito bilang isang lalaki at mas mataas sa relasyong kaibigan lamang.
Ilang linggo rin silang hindi nagpansinan noon at sa tuwing naiisip kong lalayuan din ako ni Marcus gaya ng ginawa ni Leonne ay sumisikip na kaagad ang dibdib ko.
"Kaya nga hindi pwede Jen."
"Pero paano ang katotohanan?"
Nagkibit ako ng balikat.
"I can continue the lies that I started just to be with him. Kaya kong ipagpaliban ang nararamdaman ko sa ngayon para lang hindi masira ang pagkakaibigan namin."
Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko. Pinagdiin niya ang labi niya habang hinuhuli ang mga mata ko. Sa pagtitig ko sa kan'ya ay siya namang pag ngiti niya.
"Just tell him the truth Mirthene. Kung hindi mo pa kaya ngayon, subukan mo sa susunod na mga bukas. Just promise me to tell him what you really feel, okay?"
Tipid akong ngumiti at tumango.
Kailan ba naging ganito kahirap ang umamin sa totoong nararamdaman? Noon naman ay hindi ako nahihiyang ipangalandakan sa mga naging crush ko na hinahangan ko sila pero si Marcus... Iba ang lahat pagdating sa kan'ya.
I couldn't risk our friendship... Hindi ko gustong mawala 'yon dahil hindi ko na alam kung ano pa ang magiging papel ko sa buhay niya kung pati 'yon ay masira.
"Seryoso kayo, a?" Natatawang sabi ni Leonne na papalapit sa lamesa namin kasama ang kan'yang girlfriend.
Nagkatitigan kami ng kaibigan ko. Pinisil niya ang kamay ko.
"Nagre-review lang kami. Tapos na ba kayo?"
Sa pagbalik ng atensiyon ko sa libro ay siya namang pagdating ni Marcus. Nakikita ko palang ang mga hakbang niya palapit ay kinakabahan na naman ako.
Bago matapos ang araw ay muli akong niyaya ni Marcus na mag dinner kasama ang kan'yang pamilya. Birthday kasi ni Tito Leo, ang kan'yang ama at sinabing gusto raw akong makita sa dinner mamaya.
Ilang beses narin naman akong nakapunta sa bahay ng mga Warner gaya ni Marcus sa aming bahay kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumama.
"You think you did well today?" Pormal niyang tanong habang ipinaparada ng maayos ang kan'yang sasakyan.
"Oo naman. How about you?" Proud kong sagot.
"Tinatanong mo talaga ako niyan?"
Napanguso ako ng marinig ang pagtawa niya.
"Yabang mo! Ikaw na matalino!"
Mas lalong lumakas ang tawa niya kaya natawa narin ako.
"Hija! It's good to see you!" Bati sa akin ni Tita Helene ng makapasok na kami sa loob.
Sinalubong ko ang yakap niya. "Kayo rin po, Tita!"
Binati ko si Tito Leo matapos ang pagbati sa kan'yang ina. Sa ilang ulit ko nang nakabisita sa kanilang bahay ay kilala narin ako ng kanilang mga kasambahay.
Napaangat ang tingin ko kay Tito Leo ng tumikhim siya. Hindi ko man nasundan ang tanong pero alam kong may kinalaman na naman iyon sa amin ni Marcus.
Nanlamig ang mga kamay ko ng makita ang masayang muha ng kan'yang ina na nakabaling sa akin.
"P-Po?" Naguguluhan kong tanong.
Humagikhik si Tita Helene bago balingan ang asawa.
"Leonardo stop asking so many questions! Kaya hindi natutuloy ang relasyon ng mga bata dahil sa pagiging excited mo."
Nakagat ko ang aking pang ibabang labi. Nilingon ko si Marcus na seryosong nakatingin naman sa akin.
"I'm just curious, Helene. Gusto ko si Mirthene para sa anak natin. Isa pa, siya lang ang babaeng dinala ni Marcus dito."
"Dad..." Napapakamot sa ulong singit ni Marcus sa usapan.
"Leo, big deal ba kapag nauna?" Si Tita.
Umiling ang kan'yang ama bago muling nagsalita.
"Hindi sa nauna kung hindi dahil natatangi." Pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko sa loob ng aking dibdib dahil sa naging takbo ng pag uusap.
"Hija, tell me. Hindi ka ba talaga nililigawan nitong anak ko?"
"Dad! Hin-"
"Hindi po!" Agap kong sagot para tapusin ang pagsingit ni Marcus.
Nilingon ko siya at tipid na nginitian kahit na wala na yatang saya sa mukha niya dahil sa pangungulit ng ama.
Humugot ako ng sapat na lakas para klaruhin sa lahat ang kung anong meron kami ni Marcus. Ayaw kong sa kan'ya mismo manggaling na magkaibigan lang talaga kami dahil kahit na alam kong 'yong ang katotohanan ay masasaktan parin ako.
Ibinalik ko ang tingin sa mag asawa bago tuluyang sagutin ang mg katanungan nila.
"Matalik na magkaibigan lang po talaga kami ni Marcus... Maswerte po ako na nariyan siya para sa'kin bilang isang kaibigan..." Unti unti ang pagsibol ng kirot sa puso ko pero kahit na gano'n ay nagawa kong magpatuloy.
"W-We're just best friends. Hanggang doon lang po talaga kami."
Hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yon ng nakangiti kahit na taliwas doon ang totoo kong nararamdaman.
Tumahimik ang mga taong nasa lamesa dahil sa naging litanya ko. Sa pagbaling ko kay Marcus ay siya namang pagtango niya sa akin. I smiled at him.
We are just best of friends right?
Kahit nabago na ang usapan ay hindi nawala ang kaba at lungkot sa puso ko. Ilang ulit pumasada sa aking utak ang mga sinabi ko at doon ko napagtantong tapos na...
Dapat matapos na ang kahibangan kong mahalin siya dahil alam kong hanggang doon nalang talaga kami.
"Best friends huh?" Natatawa niyang sabi pagkatapos akong tabihan.
Matapos ang dinner ay pumanhik na ang mag asawa para magpahinga samantalang kami naman ay nanatili sa kanilang garden. Lumapit ako sa maliit na fish pond para tignan ang mga isda doon.
Sa kabuuan ng malaki nilang bahay ay ito ang pinakapaborito kong parte sa lahat.
"Bakit? Totoo naman 'di ba?" Walang lingon kong tanong.
Umalis ako sa pond at bumalik sa kanilang veranda. Sumunod naman siya sa akin pagkatapos ay sabay kaming naupo sa couch na naroon.
"'Di ba sabi mo gusto mo ako?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nang makita ko ang seryoso niyang mukha ay humalakhak ako.
"Ikaw 'yun hindi ako!"
"Sus! Best friends..." Tumawa narin siya.
"Just that. I'm always here for you kaya tama lang na ako ang best friend mo!" Giit ko.
Tumango tango siya.
"Ano pa bang role ng isang best friend? Pupwede bang magselos?"
Natigil ako sa pagtawa dahil sa narinig. Muling naghuramentado ang puso ko. Hindi ko mapagtanto kung dahil ba 'yon sa ambiance ng kinaroroonan namin o sadyang nababaliw na naman ang puso ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya?
"Selos? Para saan?" Kunot noo kong tanong.
Humilig siya sa upuan at inangat ang paa para harapin ako ng mas maayos. Napalunok ako ng makita ang mamula mulang mukha ni Marcus na siguro'y gawa ng whiskey na ininom nila ni Tito Leo kanina.
Nagkibit siya ng balikat.
"Ni minsan ba hindi ka man lang nagselos kapag may kausap akong iba?" Seryoso niyang tanong.
Naikumo ko ang kamay ko dahil sa kabang sumalakay sa akin.
Oo nature na naming mga babae ang maging selosa pero may mangyayari ba kapag malaman niyang nararamdaman ko 'yon sa tuwing nakikita kong may kausap siyang babae? May magbabago ba kapag umamin ako?
"Para sa mga magkarelasyon lang 'yun Marcus. And no. Bakit ako magseselos? Jowa ba kita? Hinding hindi kahit sa magiging girlfriend mo pa!"
Dinaan ko ang mga salita ko sa mapagbirong tono para maibsan ang kaba ko pero kahit na ano pa yatang gawin kong tawa ngayon ay hindi ko na kaya pang pagtakpan ang kirot ng puso ko.
Ni ngiti ay walang lumabas sa labi niya gaya ng mga nakasanayan naming biruan.
Ngayong gabi nga yata ay hindi niya ako nagawang asarin ng todo. Nanatili siyang seryoso at tahimik na tila may malalim na iniisip.
Magsasalita pa sana ako para putulin ang nakakabinging tensiyon sa pagitan naming dalawa pero natigil na ako ng bumukas ang bibig niya.
"So kailangang maging girlfriend muna kita bago ako magkaroon ng karapatang mag selos gano'n ba?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top