CHAPTER 6
Chapter Six
Oath
Sa pangatlong taon namin sa kolehiyo ay doon ko nasabing parang hindi ko na yata kayang matapos ang isang buong araw ng hindi siya nakakausap.
"Kain tayo?" Nakangiti niyang sabi matapos kunin ang mga hawak kong libro.
Tumango lang ako.
"Hihintayin pa ba natin sila?" Nilingon ko ang silid kung saan naiwan ang mga kaibigan namin.
Natatawang umiling si Marcus.
"Hindi nag review 'yang si Leonne kaya baka abutin 'yan ng siyam siyam! Tayo nalang muna." Masaya niyang sabi na dahilan ng awtomatikong pagkagat ko sa aking labi.
"May tayo na?" Natutuliro kong tanong pero ng makita ang pag ngisi niya ay agad akong humalakhak at nag iwas ng tingin!
Parang biglang sinipa ang puso ko dahil sa kabang sumalakay sa akin. Bakit ka ganyan Mirthene? Bakit ang hilig mong saktan ang sarili mo?
"Gusto mo ba?" Pilyong sagot ni Marcus.
Kung siguro'y narinig ko ang mga katagang 'yon noong mga panahong hindi pa namin nagagawang magbiruan ng ganito ay baka nagtatatalon na ako sa tuwa pero dahil sa nakagawian na namin na asarin ang isa't-isa ay normal nalang ang lahat.
Para sa kan'ya...
"Ikaw 'yun! Uy... Gusto mo na 'no?" Sinapak ko ang braso niya pero hindi naman siya umiwas.
"Ikaw nga, gusto mo?" Nakangisi niyang pag uulit.
Inirapan ko siya at mas binilisan ang paglalakad. Humahagalpak siya ng tawa habang pilit na pinapantayan ang lakad ko.
Ilang ulit akong minura ng utak ko dahil kahit na alam kong biruan na namin ang ganito ay hindi ko parin maiwasang lumagpas sa linya ng mga bagay na hindi pwede. Mga bagay na hindi tama... Parang kami.
"Ikaw nga 'yung may gusto, e! Huwag nga ako!" Inirapan ko siya ulit at tumahimik na.
Nabubwisit na ako. Hindi dahil sa pang aasar niya kung hindi dahil sa sarili kong asang asa naman sa mga ganito!
"Akin na nga 'yang bag mo. Parang ang daming laman a? Dala mo yata si Gryffindor!" Hindi na ako nakaiwas ng agaran niyang kinuha ang bag ko.
"Hindi. Kung pwede nga lang e." Malungkot kong sabi ng maisip ko ang alaga kong toy poodle na si Gryffindor.
"Pwede naman..." He murmured.
Inayos niya ang mga gamit ko sa kan'yang balikat habang tinatahak namin ang daan papunta sa parking area.
Dahil examination lang ngayong araw ay malaya na kaming umalis pagkatapos ng huli. Bumagal ang lakad ko dahil sa sinabi niya.
"Paano?"
"Gusto mo ba?" He asked again.
Hinila niya ako sa gilid ng may masalubong kaming guard.
"Oo." Nakangiti kong sagot.
"Sabi ko na e! Gusto mo ako?!" Parang nanalo sa lotto'ng hiyaw ni Marcus.
Napahinto ako sa narinig at agad na hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Ano?!" Naguguluhan kong tanong dahil hindi ko na maintindihan kung ano na ba ang pinag uusapan naming dalawa!
At ang puso ko ay walang tigil na naman ang paghuhuramentado! Parang ilang araw nalang talaga ay sasabog na ang lahat ng nararamdaman ko para sa kan'ya.
No! I need more time! Lalo na ngayong komportable na ako sa ganito. Hindi pwede!
"Hoy! Hindi!" Mariin kong tanggi.
Humalakhak siya ulit dahil sa inis ko.
"Sus..." Nakangisi niyang pang aasar.
"Hindi 'no! Ang kapal mo naman! Hindi talaga Marcus! Eww!"
Nilagpasan ko siya ng hindi mapuknit ang nakakalokong ngiti niya. Baliw!
"Ang pikon mo talaga!" Hiyaw niya habang nakabuntot na sa akin.
Dinoble ko ang mga hakbang ko dahil tingin ko'y isang pang aasar nalang niya ay aamin na ako.
"Kapal mo kasi!" Tumakbo na ako ng matanaw ang sasakyan niya.
Damn it Mirthene!
Natatawa parin niya akong sinundan. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Hindi ko na nagawang tumitig sa kan'ya dahil hindi ko na kaya pang magsinungaling. Isang tingin nalang ay baka sunggaban ko nalang siya bigla! Ang bataan at mga karatig lalawigan ay hindi pwedeng isuko!
"Saan mo gusto?" Pormal na tanong ni Marcus habang abala sa pagmamaneho.
"Gusto ko ng kimchi."
Tumango tango siya at kalaunan ay iniliko na ang sasakyan ng madaanan namin ang isang sikat na Korean restaurant.
Sa pagtakbo ng oras ay mas naging madalas ang paglabas namin ni Marcus ng kaming dalawa nalang.
Dahil abala si Jen sa pag-aaral at pangungunsinti sa akin ay siya na mismo ang gumagawa ng paraan para masolo ko si Marcus.
"Mali." Puna niya sa sagot ko sa aming homework.
Nasa bahay kami ngayon. Maging ang pamilya ko ay nasanay narin sa presensiya ni Marcus lalong lalo na si Mommy at ang kapatid kong si Mackenzie na dalawang taon lang ang agwat sa akin.
Tinuro ni Marcus at ipinaliwanag sa akin kung saan ako nagkamali. Hindi naman una ang ganito pero namamangha parin talaga ako sa tuwing naiisip kung gaano siya katalino.
"Tama na?" Tanong ko pagkatapos palitan ang sagot.
"Yup." Aniya at nagpatuloy nang muli sa pagsagot sa mga iba pang tanong.
Matapos gumawa ng homework ay inanyayahan naman siya ng pamilya kong mag dinner.
Sa pagdalas ng pagbisita niya sa bahay ay itinuring narin siyang parang anak ng mga magulang ko.
"Hindi ba talaga Mirthene? Baka naman nahihiya lang kayong umamin?" Usisa ni Mommy sa akin isang araw.
Natatawa kong kinuha ang kamay niya. Naglalaro kami ni Marcus sa xbox at uminom lang ako ng tubig sandali pero dahil sa pang iintriga ni Mommy ay hindi ako nakabalik kaagad.
Tinanaw ko ang gawi ni Marcus at wala sa sariling napangiti nalang. Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago ibalik kay Mommy ang tingin.
"Magkaibigan nga lang po kami Mommy."
Parang gusto kong matawa dahil sa pagkunot ng noo niya.
"At bakit?"
"Mom!"
Humagikhik siya at hinaplos ang kamay ko.
I just can't believe her! Hindi ko alam kung paanong nabago ang ihip ng hangin sa bahay namin. Noon kasi ay mahigpit pa sa kamay na bakal kung magpaalala sa akin si Daddy na bawal akong mag boyfriend pero ngayon naman ay parang gusto na nila akong ipagkanulo kay Marcus.
Sa pagbalik ko sa tabi niya ay kasabay ko si Mackenzie na abala sa hawak niyang tablet.
"Nagugutom ka na ba?" Pormal kong tanong.
Umahon si Marcus sa malambot na carpet na punong puno ng mga unan para sagutin ako.
"Hindi pa naman. Ikaw ba?"
Umiling ako. Busog na busog parin kung alam mo lang!
Ipinilig ko ang ulo ko ng salakayin na naman ako ng kapilyuhan. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang isang controller. Natigil lang ako sa paglalaro ng mapansin ang kapatid kong nakapangalumbaba na sa aming dalawa.
Wala sa planong nagkatitigan kami ni Marcus at sabay na kinunutan ng noo ang kapatid ko.
"What now?" Tamad kong sambit.
Umiling siya at itinuon ang mga mata kay Marcus.
"Hindi talaga kayo?" Inosente niyang tanong.
"Mackenzie!" Tinaliman ko ang titig ko sa kan'ya dahil alam kong mangungulit na naman siya.
Tumawa si Marcus at umiling.
"Walang taste ang Ate mo." Natatawa niyang sagot rito.
"Isa ka pa! Meron kaya!" Giit ko.
Ikaw! Ikaw ang sagot sa lahat ng panlasa ko Marcus Findle Warner!
Ibinaba niya ang controller para lang balingan ako.
Napalunok ako ng ilang beses dahil sa malagkit na titig ni Marcus! Heto na naman siya! Nag uumpisa na naman akong asarin!
Tumikhim ang kapatid ko at nagpapasalamat ako dahil natigil ang mga matang iyon sa pang aakit sa akin.
Bumalik ang tingin ko sa kapatid ko ng makitang may sasabihin siya.
"Anyway, gusto ko lang klaruhin na hindi na pwede 'yung bigla nalang mawawala! Hindi acceptable 'yung bigla nalang titigil sa pagbisita kahit na hindi kayo! O kaya naman kapag may girlfriend ka na." Seryosong baling niya kay Marcus.
"Kuya, parte ka na ng pamilya namin kaya have some decency to commit to this family! Please swore an oath!"
"Shut up, Ken!" Tumayo na ako para itaboy ang nababaliw kong kapatid!
Tumitili naman siyang umilag sa akin habang binabato ako ng mga throw pillow.
Narinig ko ang pagtawa ni Marcus na aliw na aliw na naman sa kahibangan ng kapatid ko kaya mas lalo akong nagkaroon ng determinasyon na makasakit ngayon!
"Mackenzie!' Nanggigigil kong sigaw habang hinahabol siya paakyat ng grand staircase.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top