CHAPTER 5

Chapter Five

If Life Is So Short


"Congrats!" Halos lumundag ako sa tuwa dahil sa pagkapanalo nila ngayon ng basketball game laban sa Ravensbourne University.

Maingay at nagkakagulo sa gymnasium dahil sa resulta ng laro.

Humigpit ang kapit ko sa mga hawak kong tuwalya dahil nadadala ako sa purong kasiyahang nararamdaman ko! Baka kasi hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi siya yakapin ng mahigpit!

Panay ang tili ni Jen habang nasa likuran ko. Huminto ako ng makalapit ng sapat kay Marcus pero hindi pa man nakakahinga ng matino ang mahina kong pagkatao ay nanlaki na ang mga mata ko kasabay ng halos pagsubsob ko sa katawan ni Marcus!

Humahalakhak si Jennifer ng balingan ko! She pushed me!

"Oops! Sorry!" Anito at nag peace sign pa sa akin!

Nagmamadali akong umalis sa pagkakayakap ni Marcus!

Damn it! Papatayin kita Jennifer! Dadanak talaga ng kape ngayong araw!

Tumawa si Marcus at bago pa man niya mahalata ang pamumula ko at matinding nerbiyos ay agad ko ng inilahad sa harapan niya ang tuwalya.

Agad ko siyang tinalikuran para sana bigyan rin ang iba pero natigilan ako ng maramdaman ang paghawak niya sa kamay ko.

I bit my lower lip so hard! Kasabay ng pagdiin ko no'n ay siya namang malakas na pagtititili ng aking kaluluwa!

"Thanks!" Ani Marcus ng muli ko siyang harapin.

Isang ngiti lang ang naisagot ko. Ang ngiting alam kong mukhang constipated dahil sa matinding kaba!

Marahan niyang binitiwan ang kamay ko. Hindi na ako nakagalaw at hindi ko narin naman kailangan pang gumalaw dahil lumapit na ang iba sa gawi namin.

Siniko siko ako ng walang hiyang si Jennifer habang patuloy ang pagtusok niya sa aking tagiliran!

"May paghawak sa kamay huh!" Nakangisi niyang sabi na dahilan ng pagrolyo ng mga mata ko.

Pinanuod ko si Marcus na punasan ang mga pawis sa katawan niya. He seems tired but still looks undeniably handsome!

Para na naman akong isang dahon na natatangay ng sariwang ihip ng hangin patungo sa isang napakagandang paraiso.

"Bigyan mo ng tubig." Sikong muli sa akin ni Jen habang inilalahad sa harapan ko sinasabi niya.

"Ikaw na."

Napaatras ako ng pandilatan niya ako ng mga mata.

"Mirthene?! Sige na't uhaw na 'yan! Baka ibang pagmamahal pa ang mainom e! Sige ka."

"Sabi ko nga!" Parang robot kong sagot at hindi na inintindi ang kabang nararamdaman ko.

Diniretso ko ang gawi ni Marcus at agad na ibinigay sa kan'ya ang isang bottled water. Muli niya akong nginitian pero dahil sa pagtikhim ni Leonne ay nawala ang titigan namin.

"Pahingi din." Aniya.

I nodded.

"Sandali." Tipid ko siyang nginitian at nagmamadali na silang iniwan.

Hinayaan kong batiin sila ng mga estudyanteng kanina pa nagkakandarapang makalapit sa pwesto ng mga players. Sa pagbalik ko ay kasama ko na si Jen na siyang patuloy akong ibinubugaw.

"Ako na ang bahala. Huwag ka ng aalis sa tabi ni Marcus. Stick with him." Kumindat pa siya bago ako hinila pabalik sa tabi ni Marcus.

Hinayaan kong humupa ang usapan at ang pagkuha ng mga litrato. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil kahit na nakikita ko lang siyang masaya ngayon habang nakikihalubilo sa mga estudyante ay panay ang pagbubunyi ng puso ko.

Wala namang dapat ikakilig dahil ganito naman na ang routine namin palagi ni Jen pero ewan ko ba. Masaya na talaga ako sa ganito. Ang babaw man pero wala e. He's really my happiness.

"Sa condo daw tayo magce-celebrate sama ka?" Nakangiting tanong ni Leonne sa akin habang hinihintay si Hermes at Marcus na matapos sa pakikipag-usap sa mga tagahanga.

Tumango ako.

Nasabi na naman sa akin ni Jen ang plano bago palang sila magsimula sa laro at madali narin akong pumayag. Ito ang huling laro nila ngayong huling semester namin sa pangalawang taon sa kolehiyo.

Sabay sabay na kaming umalis ng Campbell pagkatapos namin silang hintaying mag ayos.

Ang sasakyan ni Leonne ang gamit namin at may isa pang nakasunod kasama naman ang iba pang ka-team nila sa basketball.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana.

Hindi ko na kailangan pang makita si Marcus dahil sa bawat galaw ng sasakyan ay ramdam ko ang pagtatama ng mga balat namin. Doon palang ay para na akong nababaliw sa tuwa.

Pakiramdam ko'y hindi sapat ang blush on na nailagay ko kaya natatakot akong baka sa pagbaling ko ay makita na niyang pulang pula na ako ngayon sa kilig!

Nag-uusap silang apat habang binabaybay namin ang daan patungo sa condo ni Jen at ako naman ay nanatili lang na nakikinig.

My thoughts are keeping me silent. Parang ayaw ko ng intindihin ang mga usapan nila dahil gusto ko nalang makuntento ngayong nasa tabi ko ang kasiyahan ko.

"Tahimik mo, a?" Napapikit ako ng maramdaman ang marahang pagsiko sa akin ni Marcus.

Huminga ako ng malalim at kumurap kurap bago siya lingunin. I smiled at him.

"Napagod ako sa kakasigaw." Tanging nasagot ko.

He nodded.

"Bakit kasi kailangan pang sumigaw?" Nakangiti niyang tanong.

Pasimple kong kinurot ang sarili ko dahil alam kong matutulala na naman ako sa kan'ya kung sakaling hindi ko gigisingin ang sarili ko.

"S-Siyempre! Full support!" Humagikhik ako para itago ang kaba.

"Sus. Alam naman na namin 'yun."

"Alam mo naman pala kaya natural lang 'yon!"

Lumakad ang tingin ko kay Hermes. Ngumiti siya at umiling iling pero nanatili namang tahimik.

"Nakakapanibago lang na tahimik ka." Aniya.

I chuckled.

"Lagi naman akong tahimik, a! Hindi kaya ako madaldal gaya ni Jen."

Natigilan ang pag-uusap ng dalawang nasa harapan dahil sa litanya ko. Sa pag ikot ng ulo ni Jen sa gawi namin ay muli akong sinalakay ng kaba.

"Talaga ba Mir? Sige nga, bakit ka tahimik at hindi gaya kong madaldal, huh?" Nakangising singit niya.

Pinandilatan ko siya ng mata.

Nakakadalawa na sa akin ang babaeng ito at hindi ko alam kung hanggang ilan nalang ang kaya kong tiisin! Bakit ba naging bully na yata siya nitong mga nakaraan?

"K-Kasi... Tahimik lang talaga akong tao!" Pinilit kong ngumiti ng pormal at iniwas na ang tingin sa humahalakhak kong kaibigan.

Iisipin ko nalang siguro na birthday niya parin. Na araw niya parin ngayon para lang mawala ang plano kong makapanakit ng kapwa tao.

Kunot noo naman ang isinalubong sa akin ni Marcus at Hermes dahil sa huling sinabi ko. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Totoo!" Dagdag ko pa. "A-Ang galing niyo pala kanina grabe! Hindi naka shoot ng marami 'yung MVP last time!" Pagbabago ko ng topic.

Muling umiling ang damuhong si Hermes habang nakangisi. Tumango tango naman si Marcus.

"Paano kasi inspired 'yung MVP natin kaya madali tayong nanalo." Si Leonne na sumusulyap pa sa rear view mirror.

Wala sa sariling bumalik ang tingin kay Marcus at doon...

Halos marinig ko na ang pagdaloy ng dugo ko sa aking katawan ng makitang nakatitig siya sa akin ng mataman.

His eyes... Damn... Nag iilusyon lang ba ako? Bakit parang...

"Shut up, Leonne." Pamumuna niya sa kaibigan pagkatapos ay mabilis na nag iwas ng tingin sa akin.

Napapitlag ako ng hampasin ni Jennifer ang dashboard dahil sa kilig niyang hindi ko alam kung para saan!

Ilan beses akong napalunok at agad na ipinilig ang aking ulo pabalik sa bintana. Shit!

"Anong kanta? Ikaw muna Hermes, hindi ko pa naririnig 'yang boses mo e!" Si Jen ng makarating na kami sa condo.

Abala ang dalawa pang lalaking ka team nila habang gumagawa ng mga cocktail sa kitchen counter.

Tahimik naman akong nakaupo sa tabi ni Leonne at Hermes habang si Jen ay halos malukot na ang mukha habang nakatuon sa song book.

"I don't sing." Masungit na sabi ni Hermes.

"Yeah. Huwag mo ng pilitin Jen at baka umulan pa." Si Leonne.

Kumawala ang tawa ako ng titigan ng masama ni Hermes ang kaibigan.

Sa pagbalik ni Marcus sa kinaroroonan namin ay dala na niya ang mga pagkain. Agad tumayo sa tabi ko si Hermes para salubungin ito at tulungan.

Naghiyawan ang lahat lalo pa ng marinig ang door bell na sigurado akong ang pizza delivery na. Bumalik narin si Romeo at Daniel dala naman ang mga alak.

Uupo na sana si Marcus sa nasa gilid na couch ng itulak siya ni Hermes papunta sa upuang inalisan niya.

"Doon ka na. Masikip." Anito pagkatapos ay sinulyapan ako gamit ang mga makahulugang mata.

Napailing nalang ako.

"Game! Si Mir nalang ang kakanta. Ayan na inilagay ko na 'yung favorite mo." Agaw atensiyon ni Jen pagkatapos pindutin ang kantang sinabi niya.

"B-Bakit ako!"

"Sus! Sige na!" Hindi na ako nakatanggi lalo na ng ibigay sa akin ni Marcus ang mikropono.

Natutula ko iyong kinuha sa kamay niya. My heart pounded so loud in my rib cage! Pakiramdam ko'y hindi ko makakanta ang nakasalang dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko.

"Sing for us." Nakangiting sabi ni Marcus bago umayos ng upo sa tabi ko.

"Ayan na!"

Wala sa sariling kinuha ko ang cocktail sa harapan ko at madali iyong ininom. Naghiyawan ang dalawang lalaki maging si Leonne na kakabalik lang sa gawi namin habang dala ang pizza.

Huminga ako ng malalim at itinuon na ang buong atensiyon sa kakantahin.

Nang tumahimik ang lahat ay muli akong sinalakay ng nakakaliyong kaba. Pinigilan ko ang sarili kong pamulahan lalo pa ng mapagtanto ang kantang gustong ipakanta ng taksil kong kaibigan.

"Isn't it funny
How times seems to slip away
So fast
One minute you're happy
The other you're sad
But if you give me one more chance
To show my love for you is true
I'll stand by your side
Your whole life trough..." 

Pumalakpak pa si Jennifer kaya naman ginaya tuloy siya ng mga lalaki. Si Hermes naman ay nanatiling nakangisi habang pinapakinggan ang boses ko.

Huminga ako ng malalim at pinaalalahanan ang sariling tapusin ang kanta ano man ang mangyari.

Nilingon ko si Marcus na nakangiti habang nakatitig sa TV. Gustohin ko mang alisin ang paningin ko sa kan'ya ngunit hindi ko na magawa. Kinanta ko ang buong chorus habang nakatitig sa gwapo niyang kabuuan.

"If life is short
Why won't you let me love you
Before we run out of time
If love is so strong
Why won't you take the chance
Before our time has come
If life is so short
If life is so short..." 

Sa pagbalik ng tingin niya sa akin sa pagtapos ng chorus ay siya namang pag iwas ko ng tingin.

"Love is a word that explains
How I feel for you
And when you're in my arms
All my dreams come true
And when you're not around
You can't hardly see
These tears that I'm crying
Now are for you to be with me..."

Sa bawat pagkanta ko ng lyrics at bawat hiyaw ng mga kaibigan ko ay taliwas naman ang naramdaman ko.

"If life is short
Why won't you let me love you
Before we run out of time
If love is so strong
Why won't you take the chance
Before our time has come
If life is so short
If life is so short..."

I'm not an emotional person.

Hindi ako madaling umiyak dahil sa pagiging overwhelmed pero habang kinakanta ko 'yon ay nararamdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko.

Hindi naman malungkot ang mensahe ng kanta pero hindi ko kayang sabayan ang kasiyahan nila.

Sa pagbalik ng mata ko kay Marcus ay doon ko napagtanto kung bakit ganito...

Dahil kahit na anong gawin ko ay pakiramdam ko hindi talaga... Hindi talaga niya ako makikita bilang ako.

Bilang isang babaeng nagmamahal sa kan'ya at nakakatakot...

I'm scared and weakened by the thought that I may lose our friendship because of this feeling. Yes it's risky. Ayaw kong isang araw ay mawala ang pagkakaibigan namin kung sakaling hindi man kami parehas ng nararamdaman para sa isa't-isa.

Hindi ko alam kung paano pero sa ngayon ay hahayaan ko nalang siguro muna ang oras na magdesisyon kung kailan. Kung ano ang tamang tiyempo. Kung kailan ang tamang timpla para sa aming dalawa.

At kung hindi man ay tatanggapin ko dahil alam kong sa kailaliman ng puso ko ay siya na ang gusto ko...

Sa ngayon ay wala akong pwedeng hilingin kung hindi ang pagbagal ng oras... Nang mga pangyayari... nang mga pagkakataong kasama siya dahil alam ko...

Pagbali-baliktarin man ang mundo ay darating parin ang oras na lalabas ang lahat ng nararamdaman ko para sa kan'ya...

Huminga ako ng malalim at mapait na napangiti ng balingan niya ako at ngitian.

Damn it Marcus... Why do I fucking love you so much?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top