CHAPTER 39

Chapter Thirty Nine

Kilig

"Mir!" Dinaluhan ako ni Mommy at Daddy na kasama ko sa planong ilibot muna si Renly sa kung saan para lang maisagawa ang balak namin para sa araw na ito.

"Thanks Mom, Dad." Emosyonal kong sambit.

Hinagkan din nila ang karga karga kong si Renly at binati.

Nang matapos 'yon ay nakita ko na kaagad ang mukha ng kaibigan kong laglag parin ang panga na tila hindi makapaniwala sa nasaksihan.

"He's so big... and looked just like his father..." Natutulala niyang sambit habang papalapit sa kinaroroonan naming mag ina.

Maging si Russel ay gano'n din ang naging reaksiyon. Hinarap ko silang dalawa kaya natuon narin ang atensiyon ni Renly sa kanila. Kumunot ang noo niya ng makita ang mapanuring mata ni Jen.

Imbes na batiin ang mga kaharap ay agad niya akong niyakap kaya napahagikhik ako. Si Jen naman ay natawa rin.

"Aba't mailap rin gaya ng ama ha!" Natatawa niyang sabi.

Hinaplos ko ang likod ni Renly.

"Baby, this is Tita Jen and Tito Russel remember? They're the one who gives you lots of presents last month..."

Dahan dahan niyang inilayo ang katawan sa akin at inilapat ang kan'yang ulo sa aking pisngi.

"Even the car?" Nahihiya niyang bulong.

Tumango tango naman ako.

Ngumisi si Jen habang nakatitig lang sa aming dalawa na nag-uusap. Kitang kita ko sa mga mata niya ang walang pagsidlan na tuwa. Hinayaan kong kargahin nila at batiin ang anak kong madali namang nakapag-adjust sa mga bagong mukha.

Kalaunan ay nagsimula na ang kan'yang party. Hindi nawala sa tabi niya si Mommy at maging ang isang kasambahay namin na umaalalay rito.

"I still can't believe it Mirthene! Talagang nagbunga ang isang gabing 'yon?! To think that you're both drunk. How did it happened-"

"Parehas ng kung anong ginagawa mong panghahalay kay Russel. Pareho lang ang nangyari noong gabing 'yon, Jennifer." Pagpuputol ko sa mga sasabihin niya.

Nagsimula na ang program kaya naman ang mga batang bisita ay abala sa harapan habang kaming mga matatanda naman ay nanatili sa lamesa.

"Damn! He's good then!"

Pakiramdam ko'y nag-init ang buong katawan ko sa narinig! What the hell! Hanggang dito ba naman ay iyon talaga ang napili niyang topic?

Hindi na ako nagsalita kahit na nagpatuloy siya sa pang-iintriga sa akin.

Nang madako ang tingin ko sa kinaroroonan ng anak ko ay nalunod na naman ako sa malalim na pag-iisip.

Really... How can I forget that man if my son looks just like him? Na kahit ang ayos at kilos nito ay kuhang kuha niya kay Marcus?

Sabi nila, kung sino raw ang mas kamukha ng anak ay iyon daw ang mas nagmamahal. Kung gano'n, mas higit pa sa pagmamahal ko ang naramdaman ni Marcus para sa'kin noon?

Mali bang sumuko ako kung kailan nagtapat na siya? Kung kailan handa na siyang lumaban? Pero kung sumugal naman ako, paano siya maghihilom? Paano niya ako mamahalin ng buo kung may parte parin ng puso niya ang para kay Blaire?

Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga.

Dalawang buwan matapos niyang umalis ay nalaman kong nagdadalang tao ako. Unang kita ko palang sa dalawang guhit ng pregnancy test na 'yon ay sinalakay na ako ng iba't-ibang uri ng emosyon at ang tanging nagawa ko nalang ay umiyak.

I am happy that at least he left me with something that I can hold on to... Dahil kahit na ramdam kong totoo ang lahat ng sinabi niya sa akin ng gabing 'yon ay hindi parin ako sigurado kung pagtatagpuin pa kami upang maipagpatuloy ang lahat hanggang sa dulo.

Kung hindi man ay ayos na sa akin na may naiwan siyang palaging magpapa-alala sa akin kung gaano kadakila ang pagmamahal ko para sa kan'ya.

Throughout my pregnancy, hindi nawala ang takot ko. Natakot ako sa katanungang, kaya ko bang buhayin ang magiging anak ko ng mag-isa? Kaya ko ba iyon physically at emotionally? Pero sa kabila ng mga negatibong bagay na sumubok sa akin ay ni minsan hindi ko naisip ang hindi ipagpatuloy ang aking pagbubuntis.

Na kahit alam kong hindi magiging madali ay buo ang loob kong kakayanin ko. Nakaya ko ngang magmahal ng sobra sobra sa taong napakahirap mahalin, ang ipagpatuloy pa kaya ang biyayang ibinigay sa akin?

I never spoke with Marcus. Kung ano ang nangyari noong gabi ng pamamaalam niya ay iyon na ang huli para sa amin kaya sigurado akong kahit siya ay walang alam sa kung ano ang buhay ko ngayon. Kung ano ang meron ako. Kung ano ang naging bunga ng nagawa namin.

Ang tanging nakakaalam lang ng tungkol kay Renly ay ang pamilya ko at sila Jen. Maging ang mga kaibigan namin noong college ay wala ring alam sa lahat ng nangyari sa akin.

Hermes, Leonne and I still communicate. Masaya ako para sa kanila na natagpuan rin ang mga babaeng para sa kanila. They even introduced me to their kids. Maraming pagkakataong pwede kong sabihin ang tungkol kay Renly pero hindi ko nagawa.

Naiisip ko palang kasi ang mga posibilidad ay nababaliw na ako.

Pagkatapos ng party ni Renly ay buong linggo kaming nag out of town kasama sila Mommy at ang kapatid ko. Sa loob ng ilang taong nasa trabaho at bahay lang ako para alagaan si Renly ay ito na ang pinakamatagal naming alis na kasama ang buong pamilya.

"Sobrang laki no'n Ate. Mas malaki pa nga ngayon dahil ni-renovate! I'm pretty sure you'll like it kaya lang hindi ibinibenta e."

Nag-angat ako ng tingin kay Mackenzie matapos subuan si Renly na abala naman sa paglalaro.

"Ken, sino namang may sabing aalis ang mag-ina sa bahay natin? Pumayag na ba kami ng Mommy mo?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Daddy, tila hindi natutuwa sa topic na binuksan niya.

"Mom, Dad, soon lalaki na si Renly. Malay niyo balang araw mag-asawa narin 'yan si Ate at imposibleng hindi 'yan kukunin ng magiging asawa niya sa inyo. You should let them go as early as now para naman masanay na kayo."

"Ken..." Marahan kong puna sa kapatid ko ng makita ang pagbaba ng tingin ni Mommy.

"M-Mom, plano palang naman. Hindi pa naman final." Hinawakan ko ang kamay niya kaya napabalik ang tingin niya sa akin.

Parang kinurot ang puso ko ng makita ang pangingilid ng mga luha niya.

Oh God! Here we go again!

"Mirthene, our home feels incomplete without Ken. Paano pa kaya kapag kayo ni Renly ay umalis rin?"

Sinulyapan ni Daddy si Conrad na agad namang nagkibit ng balikat.

"Mom! You can't do that to Ate! Besides, hindi naman malayo ang lilipatan kaya huwag na kayong masyadong oa! Sa kabilang village lang naman 'yon. Mas convenient sa trabaho niya at malapit sa inyo. Isa pa, hindi rin ibinibenta kaya kung sakaling gusto nilang bumalik sa bahay ay pupwede. Kumbaga, practice lang. Kapag kaya ni Ate, let them go. Kapag hindi naman nila kaya, e 'di babalik!"

Nagtinginan ang mga magulang ko at sa huli ay napabuntong hinga nalang si Daddy.

Ilang beses ko ng binuksan ang topic na iyon sa kanila. Ilang bahay narin ang napuntahan namin ni Ken at ang huling ito ang pinaka-nagustuhan ko sa lahat ng nirerentahang bahay na accessible para sa akin.

"Isang buwan Mirthene. Stay with us just one last month hanggang sa matanggap na namin ng Mommy mong hihiwalay narin kayo ng apo ko."

Pakiramdam ko'y sumigla ako dahil doon!

Mabilis akong napaahon para yakapin silang dalawa. Nag thumbs up naman sa akin ang kapatid ko. Alam kong kung wala siya ngayon rito ay baka parehas na sagot na naman ang makuha ko. And that is always a rejection.

"Hay, saan ba tayo nagkulang Miranda at palagi nalang tayong iniiwan?" Emosyonal na pagda-drama ni Daddy.

Imbes na malungkot ay pinigilan ko nalang ang mag-react dahil sa paghagalpak ng tawa ng kapatid ko.

Natawa narin si Mommy pero si Daddy ay nanatili sa seryoso at malungkot na emosyon.

Nagkukumahog na lumapit ang kapatid ko sa likuran ng huli para gawaran siya ng mahigpit na yakap.

"Daddy, gumawa ka ng mga magagandang nilalang kaya sana naisip mong isang araw ay mag-aasawa kami at bubukod sainyo! Malay niyo kapag wala na si Ate sa bahay makagawa pa kayo ng panibagong anak-"

"Mackenzie!"

Napahagalpak na ako ng tawa dahil sa agarang paghiyaw ni Mommy. Dahil sa gulat ay napaiyak tuloy si Cadien kaya mabilis na inilayo ni Conrad.

Tumakbo si Mackenzie ng amba siyang pipingutin ni Daddy. Hindi natigil ang pagtawa ko lalo na ng makita ang pamumula ni Mommy sa sinabi ng kapatid ko.

Natigil lang ako ng kalabitin ako ni Renly.

"What is it baby?" Hinaplos ko ang kan'yang noo na mayroong mumunting mga pawis.

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya.

"What's funny Mommy?" Sinulyapan niya ang kan'yang Lola na naiiling parin. "And why Granny's face is turning red?" He asked innocently.

Kinagat ko ang labi ko para muling pigilan ang napipintong pagtawa. Sa paglingon ko kay Mommy ay pinandilatan niya ako ng mga mata.

"Nothing Ren..."

"I want to know Mommy..." Ibinaba niya ang hawak na ipad para lang harapin ako ng tuluyan.

"Anak, it's just for adults."

"She's blushing..." Ikinumpas niya ang kamay niya para sabihing ilapit ko sa kan'ya ang aking tenga.

"Did Granny ask for Granpa's kiss?" Bulong niyang nagpangisi ulit sa mga labi ko.

Sa gigil ko ay hindi ko na napigilang pisilin ang kan'yang magkabilang pisngi.

"How did you know that?"

Ngumuso ang gwapong anak ko at muling kinuha ang tablet pagkatapos ay inilahad iyon sa kamay ko.

"You're blushing here too like Granny..."

Sa pag-ikot ko paharap ng hawak niya ay nalaglag ang panga ko sa nakita.

It was a photo of me and Marcus back in college!

Iyong picture na nakahalik siya sa aking pisngi habang ako naman ay halos mangamatis na sa kilig! Kuha iyon sa photo booth sa pangalawang taon namin noon sa kolehiyo...

Pakiramdam ko'y kumalam ang sikmura ko! Oo nga at hindi ko naman ipinagkait sa anak ko ang tungkol kay Marcus pero ang makita nito ang ganoong klaseng picture naming dalawa ay nakakahiya!

Nagmamadali ko iyong binura.

"Where did you get that Renly?"

Hindi pa man niya nasasabi kung kanino ay agad ko ng nakita ang guilty na mukha ni Ken habang patay malisyang umiinom sa hawak na buko shake!

This bitch talaga!

"Tita Ken said, you only blush when you're being kilig. What is that Mommy? When a guy kiss you is that kilig?"

"Ren, no..."

Kahit na gusto ko ng sakalin ang kapatid ko ay hindi ko ginawa dahil kailangan kong magpaliwanag sa murang isip ng anak kong dinidemonyo niya. Inilapit ko ang upuan ko sa kan'yang tabi.

"You only blush and feel kilig when you're in love..." Natigil ako ng maisip na bakit ko ba kailangang magpaliwanag.

"Baby you're too young for this type of conversation..."

"But I want to know Mommy."

"I know." Inilakad ko ang mga daliri ko sa kan'yang ulo. "You're too smart and curious, Ren Ren. Mukhang maaga mo akong sasaktan at iiwan ha!"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

Pinupog ko siya ng halik! Why am I being so emotional right now? Naiisip ko palang na iiwan na ako ng anak ko para sa babaeng mamahalin niya balang araw ay parang gusto ko na siyang itali!

"Renly, please don't listen to your Tita Ken. Okay?" Ani Mommy na hanggang ngayon ay namumula parin.

Hala Ma! Teenager?

Umiling si Renly. "But Mommy loves my Daddy Marcus, Granny." Giit niya.

Wala sa sariling napalunok ako ng ilang litrong laway dahil doon! What the hell?! Sa pagkakaalam ko ay isang araw ko lang naman ipinaalaga ang anak ko sa kapatid ko! Bakit napakarami na yatang nalaman ng batang ito?!

Nasapo ko nalang ang noo ko ng lahat sila ay magtinginan sa akin.

"Baby-"

"Right Mommy? You love my Daddy Marcus that's why I am here? You love him because you're kilig and blushing."

"Renly..."

Ramdam ko ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata habang nakatitig kay Renly.

Hindi ko mapigilang maisip na iisang tao lang ang nasa harapan ko ngayon. Dahil alam kong kung ano ang nararamdaman ko ngayon para sa anak ko ay gano'n rin ang nararamdaman ko para sa kan'yang ama.

Hanggang ngayon. Walang pagbabago.

Nang matapos ang isang buwang kagustuhan ni Daddy na pigilan kaming lumipat ay wala narin siyang nagawa sa huli.

Sila mismo ni Mommy ang naghatid sa amin sa panibago naming titirhan. Dumating naman ang tatlong kasambahay at isang mag-aalaga kay Renly sakaling wala ako. Hindi naman masyadong mabigat sa pakiramdam dahil ang dalawa doon ay malayo naming kamag-anak.

"How was it?" Excited na hiyaw ni Mackenzie sa kabilang linya.

Inilinga ko ang tingin ko sa kabuuan ng dalawang palapag at malaking bahay na ang kulay ay puti, abo at itim lamang. Ang tanging naiba lang sa bahay na ito ay ang kwarto ni Renly na kulay asul.

"It's new and beautiful! Ibang iba doon sa tatlong nauna. Iyong pangalawa sana maganda pero mas maganda rito. Mas malapit sa bahay at mas gusto naming mag ina."

"Finally! Mabuti naman at may nagustohan ka rin! Anyway, makikitulog kami sa weekends pwede ba?"

Hinawi ko ang makapal at kulay puting kurtina sa kinatatayuan ko. Bumalandra kaagad sa mata ko ang pool na mayroong jacuzzi.

"Oo naman. Anytime."

Nagpatuloy ang usapan namin ni Ken hanggang sa makalabas ako sa pool area. Kanina pa tulog si Renly dahil siguro'y napagod kanina sa paglalaro.

Matapos ang tawag ay walang alinlangan na akong naligo sa pool.

Ilang araw ang lumipas at naging maayos naman kami sa bago naming tirahan.

Kahit na isang linggo na rin ang lumipas ay hanggang ngayon, hindi ko parin mapigilan ang sarili kong purihin ang bahay namin. Noon ko pa man gustong bumili ng sarili ko pero hindi ko pa kasi alam kung kakayanin ko na ba talaga kaya palagi iyong nauudlot.

Tama ang kapatid ko, siguro nga kailangan ko munang mag-practice. Dahil baka kapag bumili na ako ng sarili ay hindi ko rin kayanin at bumalik lang ako sa aming bahay. Sa isang linggong 'yon ay na enjoy ko naman kaya nawala sa utak ko ang bumalik sa mansion.

I received a good news after my birthday. Sa ilang taong pagsasama ni Jen at Russel ay nag desisyon na silang magpakasal.

"Seryoso na ba?!" Patili kong hiyaw sa harapan niya ng ipakita niya sa akin ang kumikinang niyang singsing sa kaliwang kamay.

"Oo! Wala ng atrasan!"

"Oh my God Jen! I am so happy for you!" Niyakap ko siya ng mahigpit at gano'n din siya sa akin.

"I know! Grabe, kaya naman pala ang weird ni Russel kagabi!" Hindi maipinta ang tuwa sa kan'yang mukha.

Hindi natapos ang usapan namin hanggang hindi namin naubos ang isang bote ng wine.

Kinabukasan tuloy ay hindi ako nakapasok dahil doon. Si Jen naman ay hanggang tanghali na-comatose dahil sa alak kaya iniwan ko muna sa bahay para igala si Renly mall.

Sa mga sumunod na buwan ay naging abala kami sa preparasyon ng kasal ni Jen at Russel.

Gaganapin iyon sa isang private island na mayroong luma't maliit na cathedral at tanging malalapit lamang na kaibigan ang kanilang mga bisita.

"Saan 'to?"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Ken bitbit na naman ang napakaraming pagkain.

"Again?" Kunot noo kong tanong ng makitang puro paboritong tsokolate na naman iyon ni Renly at mga prutas ko.

She's spoiling my kid. Kung hindi mga laruan o mga kotseng pambata ay siya naman palagi ang pumupuno sa refrigerator namin dala ang mga pagkaing imported.

Ang dahilan niya sa mga laruan ay ipapamana naman ni Renly ang lahat kay Cadien kaya ayos lang sa kan'ya ang mamili ng mga gamit para rito.

Tumango tango siya.

"Ang daming dala ng Mommy ni Conrad galing Australia kaya ito. Dito nalang yung iba baka masira pa e."

Inginuso ko ang kitchen at pagkatapos ay binalikan na ang ginagawa namin ni Jennifer.

Nang sumapit ang Sabado ay sinamahan ko siyang isukat ang napili niyang wedding dress. Kami rin ni Renly ay isinukat ang sa amin. Renly will be their ring bearer habang ako naman ang maid of honor.

Napasinghap ako ng lumabas si Jen galing sa fitting room ng mamahaling boutique kung saan gawa ang kan'yang damit.

"That perfectly fits you, Jen..." Emosyonal kong sambit.

Mabuti nalang at maagap akong nabigyan ng tissue kaya nasalo no'n ang mga luha ng tuwa ko para sa kan'ya.

"Mirthene naman! Why are you doing this to me?! Wala pa tayo sa simbahan pinapaiyak mo na ako!" Reklamo niya.

Humagikhik ako at pinigilan ang aking mga luha.

"I'm just happy for you!" Tumayo ako at inayos ang laylayan ng kan'yang engrandeng gown.

Nang matapos siya ay pareho naman kaming naging emosyonal ng makita si Renly sa suot na suit.

Ngayon palang ay umabante na ang utak ko sa araw na ikakasal siya at iiwan narin ako.

Ganito ba talaga? Parang ngayon palang kasi ay nakikita ko na ang hitsura ng anak ko habang suot ang magarang suit and tie sa araw ng kan'yang kasal.

Ipinilig ko ang ulo at nagpatuloy nalang sa pagsipat sa kan'ya.

Lunes ng ibigay sa akin ni Jen ang mga invitation para sa pamilya ko.

"Uhm... Basahin mo nalang kaya mamaya kapag wala na ako?" May pag aalinlangan niyang sabi na nagpakunot ng noo ko.

"Huh?"

"Wala! Sabi ko aalis na ako. May nakalimutan akong gawin! Mauna na ako Mir!"

Napatayo ako dahil sa pagtayo niya.

"Teka hindi pa tayo nakakapag meryenda-"

"Busog pa naman ako kaya huwag ka ng mag abala pa okay? Sige na ha! I need more beauty rest! Nakaka-stress pala ang ganito habang palapit!"

Hindi na ako nakatanggi ng maglakad na siya patungo sa main door. Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan nalang siya at ihatid hanggang sa kan'yang sasakyan.

Matapos iyon ay inasikaso ko na si Renly. Nang makatulog ito ay doon ko lang naalalang basahin ang wedding invitation na ibinigay sa akin ni Jen kanina.

Nang matanggal ko palang ang kulay pulang sealed ng envelope ay sinalakay na ako ng kaba. I am just so happy for her! Matagal ng gustong magpakasal ni Jen at tanging si Russel nalang ang hinihintay at ngayon nga ay ilang linggo nalang, totoong mangyayari na!

Napangiti ako ng mabasa ang mga pangalan ng ilang kaibigan namin noon. Leonne and Hermes will attend their wedding too. Kasama narin doon ay mga asawa nila.

Sa pagbaba ng mga mata ko sa huling pahina ng guest list ay tila nalaglag ang puso ko ng makita ang pangalan niya.

"Marcus Findle Warner..." I mumbled.

Wala sa sariling napahugot ako ng isang malalim na paghinga.

Naibaba ko ang mga kamay ko dahil tila nawalan iyon ng lakas. Tanging ang mga mata ko nalang ang nakatitig sa kan'yang pangalan.

My fingers traced every letters of it. Bumilis ang tibok ng puso ko...

Hindi naman na dapat ako magtaka dahil kaibigan naman ni Jen si Marcus pero ang isiping magkikita sila ng anak ko...

Napapikit na ako.

I don't know if he will come to the wedding. Hindi ko rin sigurado kung ano talaga ang nararamdaman ko ngayon pero dapat akong maghanda. Dapat kong sagutin ang lahat ng tanong niya at dapat hindi ako maging madamot.

For Renly... Para nalang kay Renly...

Nang sumapit ang kasal ni Jen at Russel ay pakiramdam ko ito rin ang big day ko.

I confronted Jen about Marcus attending the wedding at ang sabi niya ay hindi naman daw iyon sigurado dahil huli narin ng ipaalam niya ito rito.

Ilang linggo niya raw kasing pinag-isipan ang bagay na 'yon para sa akin kaya naman wala ring kasiguruhan ngayon ang pagdating nito dahil tiyak na gahol na sa oras. Kahit na gano'n ay hindi naman ako mapakali habang naiisip ang mga mangyayari.

Masaya kong binati si Leonne at Hermes maging ang kanilang mga asawa't anak ng magkita-kita kami sa loob ng simbahan.

Renly is with my sister at nagpapasalamat akong doon ito sumama dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila iyon sa paraang maiintindihan nila. Wala naman yatang salita ang makakapaghanda sa akin sa ganitong sitwasyon.

I hide him from everyone for almost five years. At hindi madaling ipaliwanag iyon lalo pa't hindi naman kami nawalan ng koneksiyon nga mga ito. Marami akong chance pero hindi ko sinabi.

Napapangiwi nalang tuloy ako habang nakikita kung gaano kasaya ang mga kaibigan ko habang hawak ang kani-kanilang mga anak.

"Mir, are you still single?" Nakangiting usisa sa akin ni Blaire.

Hawak niya sa isang kamay ang anak nilang babae ni Hermes.

Tumango ako bilang sagot. Kumunot naman ang noo niya at kahit na mukhang marami pang gustong sabihin ay hindi na nagawa dahil sa pagdating ni Harriete. Agad niya akong niyakap at personal na ipinakilala sa anak nitong si Leroy.

Habang hinihintay namin ang pagdating ni Jen ay naging maayos naman ang lahat sa akin.

Palinga linga ako sa paligid habang hinihintay ang pagdating ng kanina pa nagpapakaba sa akin pero kahit na umikot na ang ulo ko ng 360 degrees ay wala parin akong nakita.

"Hindi ba nakauwi si Marcus?"

Awtomatikong tumuon ang mga mata ko kay Leonne habang tinatanong si Hermes. Ang huli naman ay wala sa sariling napatingin sa akin bago nagkibit ng balikat.

"Hindi yata. Noong isang araw nasa UK ang isang 'yon. Ewan ko lang. Late narin sinabi ni Jen e. Ayaw yata talagang papuntahin." Nagbaba ako ng tingin ng titigan niya ako ng makahulugan.

Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko naman?

Ang pagtawag ng coordinator ang naging salba ko sa lahat ng pagbibintang sa akin ni Hermes.

Umalis muna ako sa tabi nila para daluhan ang anak kong nakay Mackenzie.

"Ano? Ready ka na?" Kinakabahan niya ring tanong ng makita ako.

Tumango lang ako at agad na lumuhod sa harap ni Renly para ayusin ang kwelyo ng kan'yang damit.

"Nandiyan ba?"

Umiling ako kaagad kahit na hindi niya naman binanggit ang gustong itanong.

Nang maayos ko ang damit ni Renly ay iginiya ko na siya papunta sa bukana ng simbahan kasama ng mga kasali sa program.

Hindi pa man kami nakakalapit ay nakita ko na ang panlalaki ng mga mata ni Hermes habang si Leonne naman ay laglag ang panga ng makita ang batang nakahawak sa aking kamay.

My heart pounded so loud in my chest. Para akong hihikain sa bilis at marahas na pagpintig ng puso ko!

Nanghihina man ang mga tuhod ko pero nagawa ko paring makalapit sa kanila. They still looked so shocked. Kulang na nga lang ay pasukan ng langaw ang bibig ni Leonne para muli niyang maisara iyon.

"Mommy..." Pinigilan kong mapapikit ng marinig ang pagtawag ni Renly sa akin.

Parang gusto ko nang tumakbo ng makita ang pagbukas ng bibig ni Hermes bago ko pa masagot ang anak ko,

"Mir... Don't tell me..."

"Fuck that's Marcus's!" Hiyaw ni Leonne na nagpahigpit ng kapit ko kay Renly.

Napalingon ako sa kan'ya ng hilahin niya ang kamay ko.

"Mommy... He said bad words." Aniya.

Oh God!

Sinamaan ko ng tingin ang litong litong si Leonne pero kahit na yata yugyugin ko siya ngayon ay hindi parin mawawala sa hitsura niya ang pagkawindang.

Tumunog ang malakas na kampana na hudyat ng pagsisimula ng programa.

Nawala sandali ang pagkabigla ng mga kaibigan ko pero hindi parin nawala ang mga mata nila sa anak kong hawak na ng coordinator.

Tahimik akong bumalik sa tabi ni Hermes at ikinawit ang kamay ko sa kan'yang braso.

"Mir, I swear to God. That kid..."

Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya. Nagbaba ako ng tingin pero hindi ko na nagawa ng maingat niyang iangat ang baba ko para magkatitigan kami ulit.

"Mirthene?"

Napabuntong hinga ako ng marahas at tanging tango nalang ang nagawang sagot.

"Holy fuck!" Siya naman ngayon itong napamura ng malutong.

"Hermes! Watch your mouth please!" Pagalit ko.

Para na siyang baliw na nakangisi ngayon sa harapan ko.

"Gusto kong magmura ng maraming beses Mithene at talagang gagawin ko sa paglabas natin ng simbahang ito!"

Nilingon ko si Leonne na nanatiling nakatulala sa anak ko habang paulit ulit na nagmumura sa mahinang boses.

Bumagal ang paghinga ko ng marinig ang magandang saliw ng tugtugin na galing sa gilid ng altar.

Kinalma ko ang sarili ko ng kami na ang naglakad sa gitna ng simbahan. Hanggang sa makabalik ako sa tabi ng kapatid ko ay hindi nawala ang kaba ko.

Damn it! Parang gusto ko narin tuloy lumabas ng simbahan para lang mapakawalan ang lahat ng mura ko!

Kung hindi ko pa nakita ang napakaganda kong kaibigan ay baka nakalimutan ko ng kasal niya nga pala ngayon. And this day isn't about me.

Lahat ng ito ay pipilitin kong maging maayos para sa araw ng kaibigan ko. I will set aside my worries about my friends and Renly. Sa ngayon ay isasantabi ko muna ang lahat ng aking kaba at takot sa mga posibleng itatanong nila sa akin mamaya.

Nang matapos ang kasal ay agad kong kinarga si Renly para ilayo sa intriga. Gusto kong mag-isip muna at ihanda ang isip sa mga katanungan nila kaya naman nang makalabas na ang groom at bride sa simbahan ay hindi na ako nag-alinlangan pang sumabay sa kapatid ko patungo sa reception.

God knows how thankful I am that Marcus isn't here. Dahil baka kung nandito siya ay kanina pa ako hinimatay sa kaba.

The party was perfect.

Simula sa wedding hanggang sa unang yugto ng reception ay naging maayos naman ang lahat.

Jen and Russel looked so in love with each other. Hindi nawala iyon kahit na ilang taon na silang magkasintahan. Ni minsan rin ay hindi nawala ang tinging iyon sa kanilang mga mata. Yes, they may still have bumps ahead of their relationship pero sigurado naman akong malalagpasan na nila iyon ng gano'n lang kadali.

"How old is he again? Four? Five?" Si Hermes.

"Four."

"What's his name?" Si Leonne.

"Marcus Renly." I answered.

Napasinghap siya na tila nababaliw parin sa mga impormasyong nalalaman.

"If he got you pregnant, bakit siya umalis at iniwan kayo?"

Muling nalaglag ang panga ni Leonne ng makuha ang sagot sa tanong ni Hermes kahit na wala naman akong sinasabi.

"Hindi niya alam?!" Bulalas niya.

Napayuko ako. Yup. Kayo nga hindi niyo alam, siya pa kaya?

"Mir, he deserves to know that he has a kid." Ani Hermes sa seryosong boses.

Parang gusto ko tuloy ma-guilty ngayon. Hindi lang dahil sa naglihim ako sa kanila kung hindi dahil ang party na ito ay naging tungkol tuloy sa akin at hindi sa bagong kasal.

"Ipapaalam ko naman..."

"Kailan? Another four years Mir? What if nakahanap na 'yon ng iba sa tagal ng panahon?" Si Leonne.

Napangiti ako ng mapait.

"Then so be it. Gano'n siguro talaga. Hindi kami, period."

Napatuwid ng upo si Hermes.

"Mir naman?! Hanggang ngayon ba nagtuturuan pa kayo kung sino ang dapat mauna? Sino ang dapat gumawa ng hakbang? You wasted so many years already!" Frustrated na komento ni Hermes.

Pinagdiin ko ang labi ko ng wala na akong maisip na sagot sa sinabi niya. He's right. Pero paano? Ni numero nga no'n ay hindi ko alam. I am not into social media anymore. Matagal na akong walang mga accounts doon.

"Tatawagan ko na!" Nagmamadaling tumayo si Leonne dahilan ng pagkataranta ko.

"Leonne! Pwede bang ako nalang ang magsabi please?"

Pinigilan ko ang kamay niya.

"Okay, but I will call him now. Ngayon na Mirthene. Hindi bukas o mamaya. The kid deserves to know his father. Ilang taon na ang nasayang. Can you at least let him know that he has a kid that looks just like him? Fuck! Nababaliw na talaga ako rito."

Napatango nalang ako at hinayaan na siya sa gagawin.

Habang lumalayo si Leonne hawak ang kan'yang cellphone ay hindi ko na maintindihan ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko na alam. Para na akong tinatawag ng kalikasan na hindi. Damn it!

Hinawakan ni Hermes ang kamay ko at marahan iyong pinisil.

"Kahit itago mo si Renly, hindi naman makakaligtas 'yan kay Marcus kapag nakita niya. Look at him..." Sinundan ko ang tingin niya patungo sa gawi ng anak ko.

"Kahit dito sa malayo kamukhang kamukha ng tatay, e!"

Napahagikhik ako.

"I'm sorry Hermes. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin. Hindi ko na alam..."

"It's okay Mirthene. I'm rooting for the both of you. Ewan ko ba. Fate is really fucked up. Pero alam kong may pag-asa pa. Lalo na ngayon..." Itinigil niya ang tingin sa anak kong kalaro ang kan'yang anak.

"Baka mapangasawa pa ni Renly ang Hermione namin." Pagbibiro niya.

Napangiti nalang ako.

Kung saan at kanino magiging masaya ang anak ko ay doon rin ako. Ngayon palang ay sinabi ko na sa sarili kong hindi ako makikialam sa kung ano ang gusto niya sa buhay. Narito lang ako para suportahan siya at gabayan sa lahat.

Muling bumalik ang kaba ko ng makita ang bagsak na balikat ni Leonne.

"Wala daw e. Ang sabi ng secretary ay nasa ibang bansa parin." Malungkot niya akong sinulyapan at kahit na may lungkot akong naramdaman ay hindi ko na iyon ininda.

Mabuti nalang rin at tinawag na ang mga bridesmaid para sa paghahagis ng bouquet.

Nang makita ko ang tulips na hawak ni Jen ay ginanahan ako. Simula kasi kanina ay wala na akong maramdaman kung hindi ang nakakaliyong kaba pero ng makita ko ang mga 'yon ay parang nagkaroon ako ng buhay kahit na kaunti.

Kasama ni Mackenzie sa table si Blaire, Harriete at ang mga bata kaya panatag rin ang loob kong iwan doon ang anak ko.

"Ready!" Napangisi ako ng kindatan ako ni Jennifer.

Wala man akong boyfriend ngayon ay handa akong saluhin 'yon!

Natatawa kong inayos ang suot kong dress. Sa pagkakataong ito ay alam kong ako na ang makakakuha no'n. Makikipagpatayan na talaga ako!

Natawa ako ng tila sinusukat pa ng kaibigan ko ang gawi ko para sa tamang paghahagis ng bouquet.

"Okay ladies! One, two..."

Hinanda ko na ang sarili ko. Sa pagbilang ng tatlo at pagsabay ng paghagis niya noon sa aking direksiyon ay agad akong tumingkayad para maabot iyon sa ere.

Wala sa sariling napatalon pa ako ng isang beses nang sa wakas ay mahawakan ko na iyon!

I finally catched a wedding bouquet!

Kahit na alam kong hindi naman magiging totoo ang kasabihan na kung sino ang nakasalo ay siyang susunod na ikakasal ay papanindigan ko parin.

Walang pagsidlan ang tuwa sa puso ko lalo pa ng makita ang hiyawan at palakpakan ng lahat partikular ng mga kaibigan ko.

Sa pagpihit ko para sana hanapin ang anak ko ay awtomatikong nahinto ang pag-ikot ng mundo ko ng makita ang isang bultong nakatayo ilang dipa lang ang layo sa akin...

Parang may isang malakas na tambol ang umalingawngaw sa puso ko ng makita ang kabuuan niya.

Humigpit ang kapit ko sa bulaklak na aking hawak lalo pa ng makita ang suot niyang itim na suit na kaparehong kapareho ng suot ng anak kong hawak niya...

Ilang ulit akong napalunok ng marinig muli ang nakakabinging hiyawan. Ang kaninang higpit ng kapit ko sa bulaklak ay nawalan ng saysay dahil nabitiwan ko na iyon ng mapahawak ako sa aking dibdib.

Ang puso ko... Sumisikip ang puso ko sa matinding paghuhuramentado nito...

The sight of Marcus Findle Warner holding my child makes my heart so weak...

Parang isang pitik nalang sa akin ay tutulo na ang mga luha ko. Kitang kita ko sa mukha ni Renly ang hindi mapantayang tuwa habang nakatitig lang sa mukha ng amang nakatitig naman sa akin.

Napasinghap ako ng tanggalin ni Marcus ang suot niyang aviator at hinayaan iyon sa kamay ng kan'yang anak.

Sa paghigpit ng pagkakayakap niya rito ay bumukol ang iilang muscles niya sa braso. Kung may nagbago man kay Marcus ay sigurado akong nasa mata niya ang mga 'yon. He still looks so damn gorgeous! Silang dalawa ay parang pinagbiyak!

Kahit siguro punit punit ang suot nila ay lulutang parin ang kagwapuhan sa kanilang mga mukha.

Muli akong napalunok ng maglakad siya ng kaunti palapit sa akin at mahagip ako ng mata ni Renly.

Inilagay ko na sa bibig ko ang aking mga palad.

Oh Mirthene! Hold your tears please! Sigaw ng utak ko.

Nanatiling nakatitig ang halos lahat ng bisita sa bagong dating na hawak si Renly, at sa akin na natutulala parin sa kanila.

Renly smiled at me and said,

"Mommy look! My daddy is here! My Daddy Marcus is finally here Mommy! I have a Daddy now, Mommy!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top