CHAPTER 33
Chapter Thirty Three
Wedding
Ilang araw kong inisip kung ano ang posibleng ibig sabihin ni Marcus noong nakadungaw kaming dalawa sa sunset. I should've ask him why he's being sorry but his hug was so comfortable that I can't even ruin the moment.
Sa pagbalik namin ay hindi narin namin iyon napag-usapan. Natatakot rin akong magtanong dahil ayaw kong mabahiran ang kung anong relasyon na meron kami ngayon.
Ilang buwan ang lumipas ay nakita ko kung paano muling nakabangon si Marcus. Dahil siya lang ang naiwan ni Tita Helene ay siya rin ngayon ang nagbabayad ng mga utang na naiwan nito. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon pero naniniwala naman akong kaya niya.
Tahimik akong naupo sa harapang upuan ng lamesa ni Marcus.
Pagkatapos ng trabaho ay dumaan ako sa kan'yang apartment para dalhan siya ng pagkain.
"Busy parin?" Malumanay ang boses kong tanong na ayaw siyang maistorbo kahit kaunti.
Itinigil niya ang ginagawa. He even closed his laptop just to answer me.
"Hindi pa. Uuwi ka na ba?"
Tumayo na siya kaya naman sumunod narin ako.
"Oo. Nakahain na 'yung pagkain. Kumain ka muna bago ka matulog." Sabi ko habang sinusundan siya palabas ng kan'yang maliit na opisina.
Nang mapunta kami sa dining area ay saka niya lang ako sinagot.
"Kumain ka na?"
Tumango tango naman ako.
"Kanina pa sa office. Kasama ko si Lira."
Lumapit ako sa lamesa at umupo sa nasa harapan niyang silya.
"May mga prutas din akong dala." Inginuso ko ang mga prutas sa kitchen counter.
Pinagdiin niya ang labi bago lumapit sa harapan ko. Dahil doon ay napatayo ako.
"Kain muna tayo? Wala kasi akong gana pero pipilitin kong kumain kung sasabayan mo ako."
Dumiin ang kuko ng aking hinlalaki sa gitna ng aking hintuturo. Hilaw akong tumawa para pagtakpan ang muling pag-aalburuto ng puso ko.
"Kumain na nga ako."
Imbes na ihatid na ako palabas ay nakakunot noo siyang naghalukipkip sa harapan ko.
"Mamamatay ako sa gutom..."
Kumawala ang tawa ko lalo pa ng makita ang trying hard niyang mukha na pilit pinalulungkot.
Natatawa kong inangat ang kamay ko patungo sa kan'yang mukha para mawala ang pagbusangot no'n.
"Mamamatay naman ako kaagad kapag tumaba ako!"
Siya naman ang natawa at ginulo ang buhok ko. Kinagat ko ang labi ko ng marahan niyang pisilin ang mukha ko.
"Mataba? Asan dito ang taba Mirthene?" Sa isang galaw lang ay nailayo niya ang upuan na nakadikit sa lamesa.
"Upo na."
Isang beses niya pang pinisil ang pisngi ko bago bahagyang lumayo para bigyan ako ng daan sa upuang inilatag niya para sa'kin.
Humahagikhik akong umirap sa kan'ya. How can I resist him? Tama nga siya, kahit kailan talaga ay hindi ko siya kayang tanggihan!
Habang kumakain kami ay nagpatuloy siya sa pagkukwento habang ako naman ay inililipad sa kung saan ang utak.
Iniisip ko kung may kinalaman ba si Tita Helene sa mga nangyayari ngayon? Siya ang naging dahilan ng pag-aayos namin ni Marcus at pagbalik sa ganito.
Siya rin ba ang kupido namin ngayon? Pero bakit parang mas matindi ang epekto ng pana niya sa akin? Bakit parang mas doble ang lahat na pakiramdam?
Sa paglipas ng mga buwan ay nagawa ko ng makausap si Hermes. Kahit na mahabang panahon kaming hindi nakapag-usap ay hindi naman gano'n kahirap balikan ang nahinto naming pagkakaibigan.
Ikinuwento niya sa akin kung gaano siya kasaya ngayon sa buhay niya sa Australia lalo pa't naroon ang kabuuan ng kan'yang angkan.
I shared everything that went through my life. Lalo na ang pag-aayos namin ni Marcus at ang pakikipag-relasyon ko kay Tyrone.
"I'm so happy to hear that you and Marcus are still friends. Pero mas masaya yata akong naghiwalay kayo ni Tyrone." Masayang sabi ni Hermes sa kabilang linya.
Natatawa akong tumango tango. Inayos ko ang laptop para makita siya ng maayos sa kabilang dako ng mundo.
"Pati ba naman ikaw ayaw do'n?"
"Hell yeah! You know Angela? 'Yung tahimik at matalinong classmate natin noong first year college? Tyrone dumped her after he got what he wants. People said he got her pregnant kaya nawala sa Campbell."
Napabuntong hinga ako sa narinig. Hindi naman ako magsisisi kung sakaling naibigay ko kay Tyrone 'yon dahil mahal ko siya pero ngayong parang iyon lang pala talaga ang habol niya sa mga babae, nakakagago.
Ilang anak pa niya ang hindi ko alam?
"Yeah I remember her. Anyway, I miss you Hermes. Kayo ni Leonne! Kailan ka ba uuwi? Do you have plans?"
"Hm, wala pa sa ngayon pero malay mo. I missed you too Mir! I promise I'll call you kapag nagkaplano. Medyo busy kasi ngayon sa kompanya."
Napangisi ako sa naisip.
"Busy sa trabaho o kay Blaire?"
Nakita ko ang agarang pag iling ni Hermes at ang pamumutawi ng kakaibang tuwa sa kan'yang mukha.
Nagpatuloy ang magiliw naming pag-uusap.
Nang sumapit ang pangatlong taon ni Tita Helene sa langit ay sumabay naman ang isang magandang balita.
Marcus just got his promotion. Halos maluha ako sa tuwa ng sabihin niya iyon sa harapan namin ni Tita Helene.
"I'm so proud of you Marcus!" Umaapaw ang tuwang sambit ko habang yakap yakap siya.
"Thank you Mirthene."
We ended up having dinner.
Dahil araw niya ito ngayon, siya rin ang nanlibre sa akin.
Sa sumunod na mga buwan ay parang nadagdagan pa ang mga kaganapan namin sa buhay ng mag propose si Conrad sa kapatid ko.
Siniko ako ni Jen ng makita ang paghahalikan ng dalawa sa harapan ng buo naming pamilya.
Pinandilatan ko lang siya ng mata ng makita ang ngisi niya habang nakatuon ang mukha kay Marcus na nakatingin sa akin pabalik.
Imbes na intindihin ang pag-aasar niya ay nilapitan ko nalang ang kapatid ko para batiin.
"Congratulations Ken!" Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Thank you Ate! Sorry kung mauuna na ako ha! Hindi na makapaghintay si Conrad e." Humahagikhik niyang bulong sa akin.
"Mauuna ka talaga dahil wala pa naman akong boyfriend!" Reklamo ko matapos kumawala sa kan'ya.
Pinagtaasan niya ako ng kilay at pagkatapos ay may sinulyapan sa likod ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil alam kong si Marcus iyon.
Dumalo na sa amin sila Mommy kaya hindi ko na siya nasita sa pagbibigay kulay sa relasyon namin ni Marcus.
"Take good care of my sister Conrad." Emosyonal kong hiling kay Conrad ng siya naman ang yakapin ko.
"Of course Ate Mir. I will always take good care of Mackenzie... Mahal na mahal ko 'yan Ate."
I smiled at him.
"Well, good luck at ngayon palang ay hinihiling kong maging masaya kayong dalawa." Tinapik ko ang braso niya.
Sa panibagong taon ay ikinasal na ang kapatid ko.
Isang masayang tawanan ang narinig ko habang pinakikinggan ng karamihan ang kapatid ni Conrad na nagsasalita sa harapan.
"Sabi nila, a happy wife is a happy life kaya Conrad! My Brother, kapag pinaiyak mo si Mackenzie ay iiyak ka rin. Kapag malungkot siya ay malulungkot ka rin. You guys are officially just as one and I wish you all the happiness in life. And of course, more babies to come!"
Nagpalakpakan ang lahat ng halikan ni Conrad ang kapatid ko. Kahit na magkaiba kami ng lamesa ni Marcus ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. itinaas ko ang basong may lamang champagne ng tumagal ang titig niya.
Itinaas niya rin ang kan'ya bago imuwestra ang tila pagdidikit ng mga 'yon.
Matapos ang iilan pang pagsasalita ay dumako na ang kasiyahan sa paghagis ng bride sa kan'yang bouquet.
Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko ang kalabog ng puso ko habang si Ken ay masayang inaayos ang bulaklak na ihahagis.
Ang totoo, ayaw ko naman talagang masalo 'yon dahil sa gusto ko ng ikasal. Kung hindi dahil paborito ko ang tulips at iyon ang naging motibasyon ko para magpursiging makuha.
"Saluhin mo, akong bahala sa'yo." Bulong ni Jen na nag stretching pa.
Natatawa ko siyang inilingan.
"Okay, ready?"
Nagsitanguan ang lahat lalo pa ng magsimula ng magbilang ang host ng party.
Sa paghagis no'n sa ere ay para na akong mahihimatay sa kaba!
Mackenzie purposely throw it on my direction. Inilahad ko ang mga kamay ko para hintayin iyong mahulog sa akin pero bago pa mangyari ay inagaw na 'yon ng babaeng kaibigan ni Mackenzie.
"Yes!" Malakas niyang hiyaw na tumalon talon pa dahil sa sobrang tuwa.
Nagpalakpakan ang lahat ng bisita maging ang bride and groom sa resulta ng nangyari. Laglag naman ang balikat kong binalingan ang kapatid ko. Nang makita ko ang inis kay Jen ay hinila ko nalang siya paalis sa nakararami.
"Oh God! Sumasakit ang ulo ko!" Eksaherada niyang bulong sa akin habang naglalakad pabalik sa pwesto namin.
Pinilit kong ngumiti kahit na para akong inagawan ngayon ng isang masarap na pagkain.
"Hayaan mo na. Baka kailangan ko munang maghanap ng boyfriend bago ako ikasal." Matabang kong sabi.
"Sus! Boyfriend lang pala Mir!"
Pagkatapos niyang maupo ay itinuro niya si Marcus. Natataranta ko namang ibinaba ang kamay niya.
"Jen!"
Pero huli na. Hindi na natanggal ang tingin sa amin ni Marcus na nasa isang lamesa lang kasama ang ilang mga lalaki.
Tumaas ang dalawang kilay niya kasabay ng pagtaas rin ng kan'yang hinlalaki na tila tinatanong kung okay lang ba ako.
I nodded. Ngumiti nalang din ako at pagkatapos ay inginuso na ang nasa harapang host ng tawagin naman nito ang mga sasali para sa pagsalo ng wedding garter.
Tamad siyang tumango at tumalima sa pagyayaya ng lalaking katabi. Bago pa siyang tuluyang makalapit sa gitna ay sinulyapan niya ulit ako kaya naman para na namang naipit na kambing si Jen dahil sa mga pigil na pagtili.
"Damn you too! Get married already-"
"Jen!" Para na akong mababaliw sa hiya!
Agad ko siyang niyakap para lang tumigil siya sa kan'yang kahibangan.
Nagpapasalamat nalang talaga ako dahil kasabay ng hiyaw niya ang paglakas ng tugtog sa kabuuan ng magarbong venue.
Tumayo ulit ako para panuorin ang mangyayaring saluhan. Nag speech pa si Conrad bago ipakita ang garter sa mga lalaking nasa kan'yang harapan.
Parang nasalat ang energy ko ng makita ang antisipasyon sa mukha ni Marcus dahil sa gagawing pag agaw ng garter.
Is it bad to wish that he can't catch it? Hindi naman sa ayaw kong mapagbigyan ang gusto niya kung hindi dahil hindi naman ako ang susuotan niya no'n!
Ugh! Stop it Mirthene! He's not yours!
Kahit na wala akong dapat ikangiti ay ginagawa ko nalang para sa event.
I hate it. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng inis na hindi naman dapat!
Sa pangalawang pagkakataon ay muling nalaglag ang balikat ko ng makitang sa direksiyon ni Marcus mahuhulog ang garter.
Natatawang umiling si Marcus at imbes na saluhin ang bagay na mahuhulog sa kan'yang harapan ay natatawa niyang itinaas ang magkabilang kamay kaya naman nakuha iyon ng kapatid ni Conrad.
Sa lakas ng sigawan at tawanan ay para akong lumutang sa alapaap lalo pa ng makita ko ang paglinga ni Marcus at paghinto ng tuluyan akong mahagip.
He smiled at me.
Wala naman akong maisagot dahil nagpapatuloy lang ang mabagal na paggalaw ng mga tao sa paligid namin. Na ang lahat ay unti-unti nalang lumalabo at tanging ang kabuuan niya lang ang malinaw sa akin.
Halos mapamura na ako sa sobrang pagkalampag ng puso ko dahil sa gulat ng hindi ko namamalayang nakalapit na pala siya sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang isang tangkay ng tulips na inilahad sa harapan ko.
"Wala akong balak saluhin 'yon dahil hindi naman ikaw ang nakasalo ng bulaklak. I know how you love tulips kaya..." Lumakad ang mga mata ko ng kunin niya ang kamay ko para ilagay doon ang tulips na kinuha niya sa kung saan.
Nang mailagay niya 'yon ay umangat ang tingin ko sa kan'yang sinserong mga mata.
Pinigilan kong haplusin ang gwapong mukha ni Marcus na nakabalandra't nakangiti sa harapan ko.
Is this real? Hindi ba ako nag-iimagine lang? Hinawi niya ang buhok na kumawala sa pisngi ko.
"Huwag ka ng malungkot... I'll buy your own bouquet of tulips Mirthene... Kahit ilan kaya hindi mo kailangang makipag-agawan sa kanila."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top