CHAPTER 32

Chapter Thirty Two

Great Guy

"Ililibre mo ako ng pagkain sa tatlong bathroom stop natin, Marcus!" Seryoso kong sabi matapos iayos ang sarili sa loob ng kan'yang sasakyan.

Mahaba haba ang biyahe namin ngayon papunta sa Zambales para damayan si Jen at Russel sa kanilang anniversary celebration.

Ang sabi ng mga ito ay agahan naming bumiyahe dahil baka abutin kami ng traffic kaya naman alas kwatro palang ng madaling araw ay nasa bahay na siya para sunduin ako.

"Copy that." Natatawa niyang sagot sa akin.

Kumaway ako kay Mommy at Daddy ng umatras na ang sasakyan niya palabas sa aming gate. Bumisina naman si Marcus para tuluyang magpaalam sa mga ito.

"I'm serious. Inaantok pa ako at siguradong uubusin ko 'yang pera mo mamaya sa pagkain." Mataray kong sabi na ikinatawa lang niya.

"'Yun lang?" Nanghahamon niyang tanong.

"Aba... Marami pa, humanda ka."

Inayos ko ang sarili ko sa upuan. Binuksan niya naman ang stereo sa mahina't nakakarelax na tugtog. Nang mapahikab ako ay sandali siyang may pilit inabot sa backseat.

"Sige na, matulog kana muna. Gigisingin nalang kita mamaya." Nakangiti niyang sabi.

Kinuha ko ang unan na nakuha niya sa likod.

"Tatlong stop Mr. Warner." Pag-uulit ko bago ipinikit ang aking mga mata.

Ilang sandali palang ako sa gano'n ay naramdaman ko na ang dahan dahan niyang paghinto ng sasakyan.

"Hmm?"

Tinanggal niya ang kan'yang seat belt bago lumapit sa akin. Pakiramdam ko'y kinapos ako ng paghinga at ang antok na nararamdaman ko kanina ay kusang inilipad sa malayo ng maamoy ko ang mabango niyang katawan.

Wala sa sariling napahigpit ang kapit ko sa malambot na unan. Maingat niyang ibinaba ng bahagya ang sandalan ng upuan ko at inayos ang aking seat belt.

Wala akong nagawa kung hindi ang panuorin siyang inaayos ako para sa mas komportableng pwesto. Matapos niyang ayusin ang aircon sa aking harapan ay natatawa niyang ipinasada ang isang kamay sa mata ko. Hinaplos niya 'yon dahilan para mapapikit ako sandali. Damn it! My heart is really melting right now...

"Matulog ka na." Sabi niya na agad ko namang sinunod para lang matakasan ang pagwawala ng dibdib ko.

Ang nakangiti at gwapong mukha ni Marcus ang huling naalala ko bago ako tuluyang makatulog. Kung minsan ay binubuksan ko ang mga mata ko para sulyapan siyang abala sa pagmamaneho pero sa huli ay nakatulog narin ako.

His car is so comfy. Parang siya ang kabuuan ng kotseng ito na patuloy akong hinihele para lang makatulog.

Nagising lang ako ng maramdaman ko ang marahang pagyugyog niya sa aking balikat.

Pupungas pungas naman akong gumising. Nang makita kong nakatitig siya sa akin ay tinabunan ko ang mukha ko ng unan.

Pasimple kong inayos ang sarili ko sa ilalim no'n! How long did I sleep? Sinulyapan ko ang labas, maliwanag na. Hindi, tirik na tirik na ang araw!

Ibinaba ko lang ang hawak kong unan ng marinig ang pagtikhim niya.

Nakatanggal na ang seat belt niya ng harapin ko.

"W-Where are we?" Naguguluhan kong tanong pagkatapos ay isinuklay ang aking mga daliri sa medyo nagulo kong buhok.

Kumunot ang noo ko at napatigil sa ginagawa ng imbes na sagutin ako ay nalito lang ako sa pag nguso niya.

"H-Ha?"

Ngumuso siya ulit na tinutukoy ang gilid ng mga labi ko. Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa buong katawan ng maisip na may laway akong natira sa gilid ng labi dahil sa mahimbing kong pagkakatulog kanina!

Natataranta kong pinunasan ang magkabilang gilid ng labi ko at pagkatapos ay nagkukumahog na ibinaba ang sun visor para titigan ang sarili sa salaming naroon.

Hindi ko pa man naibababa 'yon ay napapitlag na ako sa paghagalpak ng tawa ni Marcus.

"What?!" Inis kong hiyaw sa kan'ya ng makitang hindi na yata siya hihinto sa pagtawa.

Iritado kong sinapak ang braso niya.

"You dick head!" Singhal ko ng maisip na pinagti-tripan niya lang ako.

Sa pangalawang pagsapak ko ay hinuli na niya ang kamay ko.

"I'm just kidding Mirthene! Masyado kang guilty!"

"I am not!" Hinawi ko ang kamay kong hawak niya at inirapan siya ng matindi.

Hanggang sa makarating kami sa beach ay walang ginawa si Marcus kung hindi ang asarin ako.

Excited kong niyakap si Jen ng salubungin nila kami ni Russel sa reception area ng resort.

"I'm so glad you came!"

"Oo naman!" Natatawa kong sabi pabalik sa kan'ya.

Nang matapos ang yakapan namin ay si Marcus naman ang niyakap niya.

"You should thank me for that." Aniyang tinutukoy ang pagsama ko ngayong araw.

Natatawa namang nag thank you ang baliw naming kaibigan sa kan'ya.

Dumiretso kami sa resto na malapit sa pool para mananghalian. Pagkatapos naman no'n ay nagyaya si Jen na puntahan ang pinakasikat na maliit na islang malapit lamang sa beach resort na kinaroroonan namin.

May iilan kaming nakasabay sa malaking bangka na gaya rin naming mga turista sa lugar.

"Sayang 'no? Sana kasama natin sila Leonne ngayon." Ani Jen habang inaalalayan ni Russel pababa sa bangka.

"Hindi na ba uuwi?" Tanong ko naman bago sulyapan si Marcus na tahimik sa gilid ko.

Nagkibit siya ng balikat.Pinantayan ako ni Jen ng tuluyan siyang makababa doon.

"I don't know. Mag aasawa na yata ang isang 'yon. Well, good for him!"

Natawa ako sa tono niyang parang hindi makapaniwala na mauunang mag-asawa ang noo'y crush at playboy naming kaibigan.

"Talaga? Sila parin ba ni Harriete?" Parang nasusorpresa ko ring tanong.

"Yup! Stronger than ever!" Humahagikhik niyang sagot.

"Change has come." Dagdag naman ni Russel kaya natawa narin kami ni Marcus.

Hindi natigil ang mga usapan namin tungkol sa mga nakaraan kahit na nasa banana boat na kami. Maging ng matapos ang pag snorkeling sa mga magagandang corals sa malapit ay ang mga kaibigan parin ang naging laman ng usapan namin.

Inilapag ni Russel ang dalawang fruit shake para sa amin ni Jen samantalang ang sakanila naman ni Marcus ay beer.

"Si Harren? Kumusta na?" Lumulukso ang puso ko sa tuwa ng maisip ang isang 'yon.

Parang ang huli pa naming pag-uusap ay noong namatay si Tita Helene. Isang mabilis na usapan pa iyon at simula no'n ay wala na akong balita.

I deleted my old social media accounts. Maging ang number kong alam nila ay wala narin dahil pinalitan ko matapos akong hindi tantanan ni Tyrone. Pero kahit naman nagpalit ako ng number ay hindi parin siya tumigil.

Napawi ang mga ngiti ko ng makita ang makahulugang titig sa akin ni Jen patungo kay Marcus.

Nalilitong sumunod ang mga mata ko sa huli na napainom sa hawak.

"H-He's good!"  Napailing ako ng marinig ang pagsegunda ng plastic na tawa ni Jen.

Inangat niya ang nasa harapang inumin at uminom doon.

"Hindi pa ba magpapakasal 'yon?" Natatawa kong tanong na halos ikasamid ng kaibigan ko.

"Babe, easy..." Si Russel.

Nakakunot noo kong sinulyapan si Marcus para makakuha ng sagot pero sa seryoso niyang aura na hindi man lang ako nagawang tignan ay hindi na ako nagpumilit.

"Mir, ligo tayo!"

Nagmamadali akong hinila ni Jen palayo sa dalawang lalaking nasa maliit na kubo.

"B-Bakit? Akala ko ba sabi mo masyado pang mainit para maligo Jennifer?" Sambit ko nang marating namin ang ilang mga puno ng niyog malapit sa dagat.

Umupo siya sa buhangin kaya sinundan ko siya doon. Kumunot ang noo ko ng titigan niya lang ako imbes na sagutin ang aking tanong.

"Hindi mo pa nga alam."

"Huh?"

Sandali niyang sinulyapan ang pinanggalingan namin.

"Si Hermes... H-He's with Blaire." May pag iingat niyang bulalas.

Nalaglag ang panga ko sa narinig.

"What do you mean by that? Magkarelasyon sila?"

Napailing si Jen bago magkibit ng balikat.

"Well not really but I think they will be in a relationship eventually. You know that girl Hermes used to adore so much back in college? Hindi ba si Blaire 'yon?"

Napalunok ako at kahit na ramdam ko ang bugso ng mga katanungan sa utak ko ay wala akong naitanong kahit na isa!

Oo nga at naging malapit rin naman kami ni Hermes pero...

"Blaire moved to Australia right after the seven days. Sinabi 'yon ni Leonne sa'kin. Tapos nalaman ko naman kay Hermes na nasa iisang kompanya lang sila."

"Teka, alam ba ni Marcus lahat ng 'to?"

She nodded slowly at my question.

"Yeah. 'Yang bestfriend mo pa nga ang humiling na bantayan si Blaire e."

Wala sa sariling napasulyap narin ako sa kinaroroonan ng dalawang lalaki. Sa pagbalik namin ni Jen doon ay kating kati na akong mapag-isa kami ni Marcus para lang klaruhin ang lahat sa kan'ya. Hindi naman sa dapat alam ko ang lahat pero gusto ko rin namang malaman lalo pa't kaibigan ko rin si Hermes.

Nang bumaba na ang araw ay niyaya ko si Marcus na maglakad lakad bago kami bumalik sa resort.

"Is it true?" Panimula ko.

"Hm?"

"That you asked Hermes to look after Blaire?"

Inilagay ni Marcus ang kan'yang mga kamay sa bulsa bago tumango tango.

"Paano kung..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ng maramdaman ko ang pagbagal ng mga hakbang niya.

"Then good. Hermes is a great guy Mir."

"I know that. Ang gusto kong malaman e kung handa kang makita ang bestfriend mong kasama ang ex mo? Kaya mo bang maimagine na masaya silang dalawa? Or ikakasal sila balang araw? Paano kung kunin ka pang bestman? "

Marcus chuckled. Kinunutan ko naman siya ng noo dahil ang kaseryosohan ko ay ginagawa niyang biro.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Kung magiging masaya silang dalawa bakit hindi? I only want happiness for the people I treasure the most, Mir."

Humugot siya ng malalim na paghinga pagkatapos ay mas hinapit ako kaya naman napasiksik ako sa kan'yang mabangong katawan.

Gusto ko pa sanang tumanggi at makipagtalo sa kan'ya pero sumuko na ang utak kong wala na namang ginawa kung hindi ang sulsulan ang tibok ng puso ko.

Nang makita ko ang pagbaba ng araw ay ikinawit ko na ang aking kaliwang kamay sa kan'yang bewang. Siya naman ay huminto para yakapin ako pabalik.

Damn... This is so comfortable.

Parang ang katawan niya ay saktong sakto lang sa akin. Sakto lang na yakapin ako ng ganito... Inihilig ko ang ulo sa malapad na dibdib ni Marcus habang nakatanaw sa namamaalam na haring araw.

Parang gusto ko nalang mapapikit ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa hinahangin kong buhok pababa sa aking leeg.

I feel my heart stopped beating when I felt his lips buried a kiss on my temple. Napakapit ako sa bewang niya dahil doon.

"I'm sorry Mir..." He murmured.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top