CHAPTER 31
Chapter Thirty One
Pleading
"Talaga?!" Halos lumukso ang puso ko sa sobrang tuwa nang sabihin sa akin ni Marcus na natanggap siya sa trabahong gusto niyang simulan.
It's been a year since his world turned up side down. Isang taon na rin ang lumipas ng mawala sa kan'ya ang lahat. And yes, he may still not have everything but he's trying. Nakita ko kung gaano siya nagpupursigi para lang maiayos ang buhay niya ngayon sa kabila ng mapagkait na tadhana.
He nodded.
Natatawa niya akong niyakap at binuhat paangat sa kinatatayuan ko. Napatili ako at napakapit ng mahigpit sa kan'yang katawan ng maramdaman ang marahang pag ikot niya sa akin.
Halos habulin ko ang paghinga ko ng huminto siya at maingat akong ibinaba.
"And that's because of you. I finally got the job Mir!"
"Hindi! It's because you worked hard for it Marcus. Nandito lang ako para tulungan ka pero lahat ng ito, dahil sa'yo. You deserve this!" Excited ko paring hiyaw.
Hinapit niya lalo ang katawan ko palapit sa kan'ya. Umiling siya at muli akong nginitian ng pagkatamis tamis. Damn it! Bakit hindi ako matigil sa kakapuri sa lalaking 'to? I mean, tumigil nga ba?
Pakiramdam ko'y sasabog na ang puso ko ng pinagdikit niya ang aming mga noo. Napukol ang tingin ko sa mapupulang labi ni Marcus. Ang mabibigat niyang paghinga ang naging dahilan ng pagbilis ng kalabog ng puso ko.
Para na akong mababaliw lalo pa't ngayon ko lang naisip ang pwesto namin. Siya na nakayakap sa bewang ko. At ako na nakakunyapit naman sa kan'yang leeg.
Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang maigalaw ang mga kamay ko dahil para na akong estatwa na nakatingin lang sa dahan dahang pagseryoso ng kan'yang mukha.
Wala sa sariling napapikit na ako ng maramdaman ang marahang pagbaba ng kan'yang ulo. I bit my lower lip.
Ilang mura ang pinakawalan ng utak ko lalo pa ng maisip ang posibilidad ng mga mangyayari ngayon sa posisyon namin. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil kahit na hindi ko gustong maramdaman ulit ang ganito ay wala naman akong magawa para pigilan.
"Oh my fucking God!"
Ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko na tila binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang gulat na paghiyaw ni Mackenzie galing sa kung saan.
Nagmamadali akong bumitiw sa pagkakahawak kay Marcus kahit pa naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng mga kamay niya sa aking bewang.
Laglag ang panga ni Mackenzie ng harapin ko siya. Sinulyapan ko naman si Marcus na napapakamot nalang sa ulo. Shit! Shit! Shit!
Pinigilan kong sapuin ang dibdib ko kahit pa parang kumikirot na 'yon dahil sa matinding pagkalampag. What the fuck just happened?
Nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Mackenzie na tila nagulantang rin sa naabutang eksena.
Huminga ako ng malalim at nilunok ang lahat ng hiya, kaba at pagkalito sa utak ko.
"So! Tara kain na kaya tayo!" Nagmamadali kong sambit at walang ano ano'y iniwan na silang dalawa sa garden.
Daig ko pa ang sumali na marathon dahil sa nararamdaman ko nerbiyos ngayon. We... We almost kissed right?
Pumikit ako ng mariin ng tuluyan na akong makapasok sa loob ng bahay. Doon ko narin nagawang haplusin at pakalmahin ang dibdib ko.
Nakita kong sumaya si Marcus. Magmahal, masaktan, madurog at muling bumangon upang labanan ang hagupit ng buhay.
Last year was the lowest point of his life at masasabi ko ngayong kumpiyansa akong maibabalik niya rin sa lahat ang dati. Kahit na hindi man kasali doon si Tita Helene.
Nasubaybayan ko ang ilang buwan niyang pagluluksa sa pagkawala ng lahat sa kan'ya pero kahit na gano'n ay hindi rin siya nawala sa tabi ko. Hindi siya nagkulang sa pagdamay sa akin at pagpapaalala na hindi kawalan ang lalaking ipinaglaban ko. Ang lalaking nanakit at nanloko sa akin.
Na mahalaga ako at hindi gaya ng mga tanong ko sa utak. Iyong mga tanong na ano ang kulang sa akin? May tao pa bang magmamahal sa akin sa kung ano lang ang kaya kong ibigay? May makukuntento pa ba?
Si Marcus na nga yata ang naging lakas ko imbes na ako ang maging lakas niya.
"I'm glad to see you again Tita! At may good news ako ngayon..." Maingat kong inilapag ang bulaklak at mga kandilang dala namin ni Marcus sa pagbisita sa kan'yang Ina.
Ganito na ang naging routine namin sa tuwing sasapit ang Sabado. Pagsapit naman ng Linggo ay siya naman ang bumibisita sa bahay o di kaya naman ay lumalabas kami nila Jen.
Nilingon ko si Marcus na kakababa lamang ng sasakyan. Nakalimutan niya kasi ang lighter kaya binalikan pa niya. Ibinalik ko ang atensiyon kay Tita Helene ng makita ang paglalakad ni Marcus papunta sa gawi ko.
"May trabaho na si Marcus Tita, and I think your son is happy now. Alam kong sa bawat pagbuo niya ng buhay niya ay naroon kayo, helping him in every way possible." Ngumiti ako at hinawi ang mga tuyong bulaklak sa kan'yang lapida bago magpatuloy.
"You raised a tough man, Tita Helene. Manang mana sa'yo si Marcus at alam kong kahit nasaan man kayo ngayon ay proud na proud kayo sa anak ninyo... Hindi bale Tita, ipinapangako kong hindi ko iiwan si Marcus kahit na anong mangyari. 'Di ba nga po, bestfriend kami?" Natigil ako sa pagsasalita ng maramdaman ang pag-upo ni Marcus sa tabi ko.
Kinuha niya ang ilang kandilang nasa harapan at binuhay ang mga 'yon. Inayos niya rin ang bulaklak na dala namin.
"Hi Ma, do you like your flowers? Si Mir ang bumili niyan kaya alam kong magugustohan mo."
Ngumiti ako ng sulyapan niya ako. Nagpatuloy siya sa pakikipag-usap sa ina habang ako naman ay nanatili lang sa pakikinig. We also prayed for her soul before leaving the cemetery.
"Sunduin kita bukas?" Tanong ni Marcus matapos ihinto ang sasakyan sa harapan ng aming bahay.
"Hindi na. 'Di ba first day mo? Baka ma late ka pa kasalanan ko pa!" Natatawa kong sagot sa kan'ya.
Tinanggal ko na ang seat belt ko pagkatapos ay lumabas na doon. Bumaba naman ang bintana sa pagsara ko ng pinto.
"Susunduin nalang kita bukas."
I nodded.
"Ikaw bahala." Ngumiti ako. " Good luck sa first day mo Mr. Warner!" Natatawa kong itinaas ang mga kamay ko sabay sabing, "Aja!"
Tumawa narin siya at umiling bago tumango tango.
"Good night Mirthene!"
Kumaway nalang ako sa kan'ya.
Hinintay kong mawala sa paningin ko ang kan'yang sasakyan bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Sa panibagong araw ay naging maayos naman si Marcus sa kan'yang bagong trabaho. Kahit na naging abala ay hindi parin niya ako nakalimutang sunduin. Gano'n rin ang nangyari sa mga sumunod na araw.
Kung minsan siya rin ang sumusundo sa akin para ihatid ako sa opisina.
Marcus:
Coffee tayo mamaya?
Agad akong nagtipa ng reply ng mabasa ko ang kan'yang message.
Ako:
Seryoso? Mamaya pag uwi? Hindi ba pwedeng dinner nalang?
Marcus:
Sige. Kahit anong gusto mo.
Pakiramdam ko'y kiniliti ang tiyan ko sa nabasa.
Ako:
Is it payday already?
Natawa ako ng magsend siya ng masungit na sticker emoji.
Marcus:
Not yet. Bakit? Kailangan bang payday bago mag kape?
Ako:
Sungit mo naman. Sige na nga.
Ibababa ko na sana ang cellphone ko para tapusin ang natirang gawain pero hindi ko nagawa ng mag reply siya ulit.
Marcus:
Hindi naman. Gusto lang talaga kitang makasama ng mas matagal mamaya.
Kinagat ko na ang pag ibabang labi ko ng mapangisi ako.
Ako:
Sus. Oo na sasamahan na kita.
Bago pa siya mag reply ulit at bago pa ako traydurin ng utak ko ay ibinalik ko na ang aking cellphone sa loob ng drawer.
I've never been with someone since my relationship with Ty ended. Sa nakalipas na taon ay hindi naman tumigil sa pagpaparamdam si Tyrone pero gaya ng huli kong sinabi. Tapos na kami. Tapos na ang lahat at siya ang tumapos no'n.
Habang nasa cafe kami kinahapunan ay ilang beses kong pinaalalahanan ang sarili kong huwag bigyan ng malisya ang bawat interaksiyon namin ni Marcus. I've been hurt before by all my assumptions at ayaw ko ng maulit pa iyon.
Tamad kong ibinaba ang cellphone ko sa aking gilid kaya naman napabaling sa akin si Marcus.
"Is it him again?"
Kinuha ko ang kapeng nasa aking harapan at sumimsim doon bago tumango tango. Kita ko ang pagrehistro ng inis sa mukha niya.
"Do you believe him?"
Umiling ako. "No."
Tumango siya bago nagpatuloy sa kinakaing chocolate cake. Matapos ang ilang subo ay nagsalita na siya ulit.
"She's about to give birth..."
Nagbaba ako ng tingin dahil doon. Bella is pregnant with Tyrone's child at wala narin naman akong pakialam kung anong merong buhay silang dalawa. Iniiwasan ko narin ang mga ganitong klase ng usapan pero kapag kasama ko si Marcus ay hindi ko talaga magawa.
"Good for them." Tipid kong sambit.
Tinapos niya ang huling parte ng kan'yang cake bago muling magsalita.
"And good for you too Mir. Anyway, Russel and Jen are inviting us. I mean, sa susunod na linggo para daw sa kanilang anniversary. You wanna go with me?"
"Saan naman?"
"They're talking about this private beach in Zambales. Sabi ko kung sasama ka, sasama rin ako."
Napahagikhik ako sa sinabi niya.
"At bakit nakadepende sa akin?" Mataray kong tanong kahit na ang totoo ay natatawa ako.
Marcus chuckled at my question. Humilig siya sa kan'yang upuan at pagkatapos ay tinitigan ako ng mataman. Maya maya pa ay umangat na ang gilid ng labi niya.
"I find it boring when you're not around. Isa pa, you deserve something like this. Masyado ka ng nabuburo sa opisina mo. And lastly, I don't wanna be a third wheel Mirthene. Dalawa lang 'yun. It's either I'll become their photographer or referee kapag nag away sila. I don't like that."
Nagkibit ako ng balikat at binalewala ang dilemma niya.
"Titignan ko. Kapag kaya ng schedule then why not."
Nawala ang ngisi niya at pati ang kaninang masayang mga mata ay napalitan ng pagseseryoso.
"Come on! Since when did you reject me?"
Parang may sumabog na bomba sa loob ng katawan ko partikular sa aking dibdib ng biglaan siyang humilig sa lamesa at titigan ako ng mas malapit.
Bumalik ang ngisi niya ng mapalunok ako. Damn it!
Nag-iwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa kape. Iinom na sana ulit ako doon pero maagap niyang hinawakan ang kamay ko.
Para akong lutang na napatitig nalang sa mga nangungusap niyang mata. Wala naring kapaguran ang paghuramentado ng puso ko.
Bakit ganito Marcus? Anong meron ka at nagagawa mong sirain ang lahat ng katinuan ko? Para na akong natuyuan ng lalamunan ng bumaba ang mga mata ko sa kan'yang mapupulang labi...
"Please? Come with me Mirthene..." He said in a low pleading voice.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top