CHAPTER 28
Chapter Twenty Eight
Bijoux
"Mir, I think you went out of the line..." Mahinahong sambit ni Jen ng bisitahin niya ako sa opisina isang araw.
Noong mga nakaraan ay hindi ko iyon naisip pero ng mapag-usapan namin ni Jen ay para akong binalikan ng katinuan ko. She's right. Maybe the words that came out of my mouth was too much.
Pero anong magagawa ko? Nangyari na.
"I know."
Pinagdiin niya ang mga labi bago hawakan ang kamay ko.
"Ako ayaw ko ng makialam dahil alam ko namang masaya ka kay Tyrone. I kinda like seeing you happy with him even though I still have doubts." Natawa siya ng maningkit ang mga mata ko.
Binitiwan niya ang kamay ko at itinaas sa ere na tila sumusuko sa usapan.
"I'm cool with that. Now, ang sa'kin lang sana hindi umabot sa gano'n. Hindi ko naman kinakampihan si Marcus pero alam kong alam mo rin na he already have so much on his plate right now."
Tumango tango ako. I've never heard of him after what happened that night. Sa inis ko ay pati ang number niya nagawa kong burahin ng gabi ding iyon. I just hate the fact that he keeps on meddling with my relationship. Hindi naman sa ayaw kong pinapakialaman pero napag usapan na namin iyon noon.
Gaya ng mga nakaraang linggo ay hindi ko nalang inisip ang mga nangyari. Maybe things will get better if we're apart. Sa tuwing nariyan kasi si Marcus ay hindi maiwasang nagugulo ang mga sitwasyon.
"Going out?" Nakangiti kong tanong kila Bella ng makita silang naghahanda ng umalis kahit na hindi pa naman iyon ang usual nilang oras ng uwian.
Tipid na ngumiti si Bella at tumango samantalang si Faye naman ay lumipat sa tabi ko.
"Naku Miss Mir, si Bella lang ang aalis. Nakakalungkot nga eh, marami pa akong gagawin kaya wala akong time para sa social life ko."
"Grabe ka naman Faye, e nung nakaraan nga 'di ba nasa Las Deux ka pa! Huwag ka nga!"
Humagikhik si Faye sa pambubuko ni Bella.
"Oo nga pala pero kahit na!" Binalingan niya ako. "Ikaw Miss Mir? Ayaw mo bang sumama?"
"Huwag mo ng yayain si Miss Mir! Alam mo namang busy 'yan masyado." Natatawang singit ni Bella sa amin.
"Yeah, she's right. May tatapusin pa ako. Anyway, enjoy Bella." Ngumiti ako bago sila tuluyang iwan.
Pagbalik ko doon ay saka ko lang naisip kung kailan nga ba ang huling night out na nasamahan ko? Parang wala na akong maalala. Kung hindi kasi si Tyrone ay si Jen lang naman ang nakakasama ko.
Hermes and Leonne are currently in Australia. Ang ilang mga naging kaibigan ko naman noong college ay busy na rin sa kani-kanilang buhay.
Siguro nga ganito talaga. Na hindi lahat ng pagkakataon makakasama mo 'yung mga taong nakasanayan mong palaging nandiyan.
Sometimes people really come and go. Iyon bang minsan magigising ka nalang at magtatanong kung bakit hindi na kayo nakakapag-usap ng taong noon ay hindi mo kayang hindi makita kahit isang araw.
Kung minsan may mga kaibigan na nakakahiyang kumustahin dahil baka maistorbo mo sila... tapos hanggang sa nasanay nalang kayong hindi nag-uusap.
Napabuntong hinga ako sa naisip.
I hate to admit that I miss being surrounded by friends. Kasi sa ngayon ay si Tyrone nalang at Jen ang tila natira sa akin. Gusto ko mang isama sa bilang si Marcus pero sa nangyari ay hindi na dapat.
Nang dumating ang pang sampung monthsary namin ni Tyrone ay ang kan'yang pamilya naman ang kasama namin sa outing. Sumabay kasi doon ang birthday ng kan'yang Ina kaya ipinagsabay nalang ang selebrasyon.
Sa mga sumunod na linggo ay naging normal na ulit ang lahat. I haven't heard much about Marcus and I guess that's just how it's supposed to be.
Ang akala kong magkahiwalay na naming mundo ay tila muling pinagdugtong ng isang araw ay makatanggap ako ng tawag galing sa kapatid ko.
"Can you please calm down? Ano ba?" Tumayo ako at dumiretso sa bintana dahil bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita ni Mackenzie.
"Ate, Si Tita Helene... She passed away." Nanginig pa ng bahagya ang boses niya.
Napahigpit ang kapit ko sa kurtinang sinusubukan kong hawiin. I felt a rush of emotions. Parang kahit na maliwanag sa labas ay parang kumulimlim dahil sa balitang narinig ko.
"W-What do you mean?" Tila pumiyok pa ang boses ko.
Oo nga at wala naman akong balita sa pamilya ng mga Warner pero hindi ko rin naman inaasahan ang ganito.
"Mom just called me. Kanina lang daw madaling araw."
"A-Are you sure?"
Hindi. Bakit? I mean... Hindi ko na alam. Parang lumutang ang utak ko sa sinabi ni Mackenzie.
"Yes. Mamaya pupunta sila Mommy sa burol," Narinig ko ang pag singhap niya bago magpatuloy. " Sasama ka ba? Ate wala ng pamilya si Kuya Marcus. Alam kong may naging samaan kayo ng loob pero kung naging kaibigan talaga siya para sa'yo ay ipagpapaliban mo lahat ng galit para damayan siya ngayon."
"I-I'll... I'll think about it Ken. S-Sige na. I gotta go." Agad kong ibinaba ang tawag dahil hindi ko na gusto pang marinig ang sasabihin niya.
Natutulala akong natigil sa pwesto ko. I can feel shivers down my spine because of it. Tita Helene... Ang nag-iisang taong pwedeng kapitan ni Marcus ay tuluyan narin siyang iniwan...
Nang puntahan ako ni Tyrone kinagabihan ay sinabi ko ang nangyari at ang plano kong bumisita doon.
"You can go Mir pero hindi na ako sasama."
Tumango tango ako.
"I understand. Thank you..."
Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit.
Gano'n nga ang nangyari kinagabihan.
Hindi pa man handa ang puso ko para makita si Marcus at Tita Helene ay nakumbinsi ko ang sarili kong damayan siya. Wala namang mawawala kung pupunta ako dahil alam kong iyon din ang gusto ni Tita Helene.
Hindi na ako nag abala pang magdrive dahil sandali lang naman ang balak kong pagbisita. Pagkatapos ng siguro'y isang oras ay babalik din ako sa opisina para tapusin ang trabahong naiwan.
Nauna na doon sila Mommy at maging si ang kapatid ko.
Habang nasa taxi ay iniisip ko kung ano ang unang sasabihin ko. Kung magso-sorry ba ako dahil sa nangyari o kakalimutan nalang 'yon at itutuon kay Tita Helene ang sitwasyon.
Nang umibis ang taxi sa lugar ay naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko. Parang ilang sandali nalang ay tutulo na ang mga luha ko. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang wala na si Tita Helene. Wala na ang lahat ng posibleng karamay ni Marcus sa lahat.
I was greeted by my sister. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng may kalakihang silid. Bumungad kaagad sa harapan ko ang naglalakihang bulaklak at mga taong nagluluksa sa pagkawala ng isang napakabuting nilalang.
Tipid akong nginitian ni Ken bago ituro ang direksiyon ni Marcus na nasa harapan ng kan'yang ina.
Isang malalim na buntong hinga ang pinakawalan ko para mabawasan ang pagkalabog ng dibdib ko pero walang naging epekto 'yon.
Habang papalapit ako sa kanya ay ramdam ko lang lalo ang pagbilis ng pintig ng puso ko.
"Marcus..." Maingat kong sambit ng makalapit ako sa gawi niya.
Nilingon niya ako at pagkatapos ay tipid na nginitian.
"Mir." Kaswal niyang sambit bago tumayo.
Nang makita ko ang umaapaw na lungkot sa kan'yang mga mata ay kusa ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na rin napigilan ang pagyakap sa kanya.
"I'm sorry... I'm so sorry for your loss..." Humihikbi kong sabi.
Hinaplos niya ang likod ko. I felt him nod slowly. Pagkatapos ng yakap ay sabay na naming sinilip si Tita Helene.
It was surreal. Para lang isang bangungot. Tita Helene looks so beautiful. Sa tila matagal niyang pakikipaglaban sa buhay ay ngayon lang siya nakapagpahinga.
"You know she's looking for you the day before she died..." Napaangat ako ng tingin kay Marcus.
Nanatili naman ang mga mata niya sa kan'yang ina. Kahit na malungkot ay nagawa niyang ngumiti habang inaalala ang mga huling tagpo nilang dalawa.
"She told me how much she missed you..." Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at nakinig sa kan'ya.
"Gusto sana kitang puntahan at pakiusapang dalawin si Mommy pero hindi ko magawa." Lumunok siya at sinubukan akong tignan.
"Sorry kung naging pakialamero ako Mir pero hindi ako magso-sorry dahil sa totoong nararamdaman ko para sa boyfriend mo." Malumanay niyang sabi.
Ibinalik niya ang tingin sa ina. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot kaya nanahimik nalang ako at ginaya ang ginawa niya. Hindi ko na gusto pang pahabain ang usapan lalo pa't nasa harapan namin si Tita Helene.
Nang dumating ang mga pinsan niya ay tuluyan na siyang naging abala. Kahit na natapos ang pakikipagbatian niya sa mga kamag anak ay hindi na niya ako nilapitan ulit.
Nauna na ring umuwi sila Mommy at Mackenzie. Gustohin ko mang sumabay ay parang hindi ako kumbinsido sa simpleng daloy ng naging usapan namin kanina kaya nagpaiwan ako.
I was left with his cousin. Iyon ang pumatay ng oras ko habang pasulyap sulyap sa kan'yang nakatulala lang sa ina. Nang umalis ang pinsan niya ay doon na ako naglakas ng loob na magpaalam. Siguro ay ipagpapaliban ko muna ang lahat. I'll let him mourn for now.
"Marcus... I gotta go..." Pagkuha ko ng atensiyon niya.
Tumango siya at tumayo na para ihatid ako palabas. He was silent kaya ako na ang nagsalita.
"Babalik nalang ako bukas tutal Sabado naman."
"Is it Friday today?" Nalilito niyang tanong.
"Oo."
He nodded. Nang makalabas kami ay nagpaalam na ako.
"Marcus, hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon pero alam kong magiging maayos din ang lahat. Alam ko ring narinig mo na sa mga bisita ni Tita ang salitang magpakatatag ka pero gusto ko iyong ulitin... Just be strong Marcus, okay?"
Inalalayan niya akong makababa sa hagdan. Tumango tango lang siya pagkatapos ay iginala ang paningin sa malawak na parking lot.
"Where's your car?"
Umiling ako.
"I just took a cab. Magta-taxi nalang din ako pabalik sa office. May kailangan pa kasi ako doon."
Nahinto ako sa paglalakad ng huminto siya.
"Ihahatid na kita"
"Hindi na-"
"I'm sure Mom can wait for me Mir. Alam ko ring pipilitin niya akong ihatid ka ngayon. Besides, nando'n naman 'yung mga pinsan ko."
Hindi na ako nakatanggi ng maglakad siya sa itim na sasakyang ilang dipa lang ang layo sa gawi namin.
Habang nasa biyahe ay hindi ko parin magawang basagin ang nakakakabang aura sa pagitan naming dalawa.
Natagalan kami sa traffic kaya hindi na ako nagtaka ng iliko ni Marcus ang sasakyan sa ibang daan.
"Magtatagal ka ba sa opisina?" Tanong niya ng maging diretso ang takbo namin sa maluwag na daan.
"Hindi na siguro. Baka sa Lunes ko nalang gawin 'yung trabahong naiwan pero may kukunin parin ako."
"Alright, Ihahatid nalang kita hanggang sa bahay."
"Hindi na. Abala na ako masyado sa'yo-"
"It's fine." Pagpuputol niya sa akin bago bilisan ang takbo ng sasakyan.
Kahit na expected ko namang maging ganito ang pag-uusap namin ay hindi ko parin mapigilan ang malungkot.
Ang dami kong gustong itanong gaya ng kung anong nararamdaman niya ngayon. Kung anong magagawa namin para mabawasan 'yung bigat ng nararamdaman niya pero sa sitwasyon ay hindi ko magawa.
"Bakit nandito tayo?" Naguguluhan kong tanong ng maramdaman ang paghinto namin sa bukana ng Bijoux.
Imbes na sagutin ako ay nanahimik lang siya.
"Marcus?"
Tinapunan niya ng tingin ang kan'yang wrist watch habang seryosong nakatitig sa bukana ng club.
Ayaw ko na sanang magtanong dahil baka pag sinabi niyang gusto niyang uminom ay hindi ako makatanggi.
Nakita ko na siyang malasing ng sobra noon. Maraming beses iyong nangyari sa unang bugso palang ng problema niya, ngayon pa kayang wala ng pakundangan ang bigat nito?
"Gusto mo bang uminom? Sige, pero sandali lang."
"Any minute now Mir." Muli niyang minaniobra ang sasakyan palapit pa sa entrance.
Kunot noo ko siyang tinitigan habang siya naman ay nakatiim bagang na nakatitig sa kung saan. Taas baba ang daliri niya sa manibela na tila sinasabayan ang paggalaw ng orasang nasa kamay.
Sinundan ko ang tingin niya. Wala namang kakaiba doon dahil normal namang maraming tao lalo na't Biyernes.
"Huh?" Ibabalik ko na sana ang tingin ko kay Marcus pero sa kalagitnaan ng pagbaling ko ay siya namang paglabas ng dalawang pamilyar na mukha galing sa loob ng club.
Nanlamig ang buong katawan ko.
Tyrone's hand snaked on another woman's body.
Para akong sinaksak ng paulit ulit ng makita kung gaano kasaya si Bella habang humahagikhik dahil sa kung anong ibinubulong ni Tyrone sa kan'yang tenga.
Pakiramdam ko'y nabingi ako sa malakas na pagsigaw ng utak ko dahil sa nakita. Kusang tumulo ang mainit na likido sa magkabila kong pisngi lalo na ng makita kung gaano sila ka-komportable sa paghawak sa isa't-isa.
My heart shattered when I see both of Tyrone's hand went down on Bella's butt, then pulled her closer for a lustful kiss.
Ramdam ko ang panghihina ng pagkatao ko lalo pa ng ilang beses nilang inulit 'yon. Not minding the people around them. Parang wala siyang girlfriend. Parang hindi niya ako naging kaibigan. Parang walang ako...
Sinubukan kong gumalaw sa kinauupuan ko para komprontahin sila pero maski isa sa mga daliri ko ay hindi ko naigalaw. Kahit ang mga mata ko ay hindi ko nagawang tanggalin sa kanilang dalawa kahit na ang sakit sakit...
Hindi ko maintindihan.
Paano? Bakit?
Anong nagawa kong masama sa kanila at bakit nila ako nagawang gaguhin ng ganito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top