CHAPTER 25

Chapter Twenty Five

A Man With Pride

Hindi ko alam kung paano ko natakasan ang mga bigong mata ni Tyrone ng sabihin kong kailangan ko ng magmadaling umuwi. Hindi ko narin nagawang magpahatid dahil alam kong kapag sinabi kong kay Jennifer ako pupunta ay baka hindi niya lang ako paniwalaan.

Or baka mas hindi niya lang ako pakawalan.

Kitang kita ko ang pagkadismaya sa pares ng kan'yang mga mata habang inihahatid ako sa aking sasakyan.

"I'm sorry Ty..." Sambit ko bago tuluyang sumakay sa loob na aking kotse.

Matikas siyang nakatayo sa gilid. Still being silent about my decision. Hindi ko na hinintay pang magbago ang isip ko para kay Tyrone. Jennifer needs me. At alam kong sa tono ng pananalita niya kanina ay talagang kailangan niya ng tulong ko.

Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit naroon si Marcus? Anong meron at bakit mukhang problemado ang kaibigan namin dahil sa kan'ya?

Pakiramdam ko'y nasa pabor ko ang oras dahil sa tuwing natatapat ako sa mga traffic lights ay naka kulay berde ang mga 'yon. Walang traffic at kahit na hindi pa naman madaling araw ay tila madalang lang ang mga tao sa daan.

Ilang sandali pa ay tinawagan ko na ulit si Jen para sabihin nasa building na ako ng kan'yang condo. She still sounded so stress about something pero ng sabihin kong malapit na ako ay para siyang nabuhayan ng loob.

Ilang hingang malalim ang pinakawalan ko ng matapat ako sa pintuan ng kan'yang condo unit.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero ngayon palang ay kinakabahan na ako. Pakiramdam ko'y kusa nalang tutulo ang mga luhang gusto ng kumawala sa mga mata ko kapag nakita ko siya.

Napasinghap ako ng gumalaw ang doorknob at maya maya pa ay iniluwa na nito ang kaibigan ko. I felt the sides of my eyes burning a bit when I see Jen. Gano'n din ang reaksiyon niya ng makita ako.

"I missed you!" Naluluha niyang sambit pagkatapos ay agad akong niyakap ng sobrang higpit.

Tumulo na ang mga luha ko. I missed her so much! At kulang ang yakapang ito para mapatunayan ko 'yon. Nanginig ang balikat niya habang sinasabi kung gaano niya ako na miss sa ilang buwan naming hindi pag uusap.

"I missed you too Jen! I'm sorry..." Emosyonal kong sambit.

Hinarap niya ako at tumango tango. Sandali niyang pinunasan ang mga luhang tumutulo sa kan'yang mga mata. Gano'n din ang ginawa ko.

"Sorry din Mirthene. I'm sorry for being hard on your relationship with Ty. I'm sorry kung naging selfish ako ha. Forgive me."

I slowly nodded and hugged her for the second time. Walang humpay ang tuwa ko sa nangyari. I didn't realized that being friends with her again will bring me so much comfort.

Sa muling paghihiwalay namin ay muling napalitan ng kaba ang puso ko.

"Now the reason I called you..."

Iginiya niya ako papasok sa kan'yang condo unit. Tahimik ang loob noon at maliban sa mga bagong gamit ay wala namang gaanong nagbago sa ayos ng lugar.

Sumunod ako sa kan'ya hanggang sa marating namin ang living area kung saan naroon ang natutulog na lalaking mukhang wala ng ginawa kung hindi ang uminom ng alak.

Napalunok ako ng makita ang pagod na hitsura ni Marcus habang mahimbing na natutulog sa malawak na couch. Bahagyang nakabukas ang kan'yang puting polo. Ang isang kamay ay nakapatong sa kan'yang noo at ang kan'yang paghinga ay normal lamang.

"He's been crashing here for almost a month Mir... At halos lahat ng pagkakataon ay lasing ang isang 'yan..."

Awtomatiko akong napatitig kay Jen dahil sa narinig. Tahimik akong naupo sa couch na nasa uluhan ni Marcus habang si Jen naman ay nasa harapan ko. Wala namang nakukwentong problema sa akin si Marcus maliban ang sa pamilya niya kaya hindi ko maisip kung anong posibleng dahilan ng pagiging ganito niya ngayon.

I know him. Hindi niya magagawang maglasing at pabayaan ang sarili dahil sa mababaw na dahilan. He is responsible and I can't see bits of that in him. Hindi ngayon.

"Bakit?" I asked.

Kumunot ang noo ni Jennifer sa naging tanong ko.

"Hindi mo alam? I mean. wala man lang ba siyang nabanggit na problema?"

Sinulyapan ko si Marcus bago umiling.

"His parents?"

"His parents. His career. And now... His relationship with Blaire."

Napalunok ako ng mabanggit ang nag iisang babaeng nakita kong minahal ng sobra ng kaibigan ko.

"Wala akong alam Jen..."

"He got fired from his job a couple of weeks ago. Before that, totohanan ng nag file ng divorce si Tito Leo. And now..." Napabaling ako sa kan'ya ng mahinto siya sa pagsasalita.

"Now?" My brows arched a bit.

"H-He's thinking about breaking up with Blaire."

"What?!" Hindi ko napigilan ang pagtaaas ng boses ko dahil sa matinding gulat.

Agad akong umahon sa pagkakaupo at kinuha ang kamay ni Jen para igiya palayo kay Marcus.

Hindi ko maintindihan.

Noong huli naming pag uusap ay mukhang maayos naman sila? Napag-usapan pa nga namin ang ilang detalye ng kasal na gaganapin. Kung gaano siya nagsusumikap sa trabaho para lang mabigyan si Blaire ng magandang buhay sa hinaharap tapos ano? Anong nangyayari ngayon?

Binitiwan ko lang si Jen ng mapadpad na kami sa kitchen.

"That's why I need you. Gusto kong sabay natin siyang kausapin. You know him Mir. Alam nating dalawa na kapag nag desisyon na si Marcus ay hindi na iyon mababago pa. He's a man of his words. Kapag sinabi niya ay gagawin niya."

"Pero bakit? I don't understand Jen. They look happy. They're perfect for each other..."

Mapait na ngumiti si Jen sa sinabi ko.

"I guess they're not perfect after all." Malungkot niyang sambit, "Marcus promised Blaire everything she deserves. Alam nating dalawa kung paano sila nagsimula at hindi lingid sa kaalaman natin ang buhay na gustong ibigay ni Marcus para kay Blaire. Ngayong wala na siyang trabaho, sira ang kan'yang pamilya. Paano niya gagawin 'yon?"

"Sapat ba 'yon para sumuko Jen? Paano kung ipaintindi niya kay Blaire ang lahat? I'm sure she will still accept him-"

"I doubt that Marcus will do that. He is a man with pride. Akala mo ba papayag 'yon na mag suffer si Blaire sa tabi niya? Maghirap?" Jen chuckled with sarcasm.

"I doubt that Mir," Pag uulit niya. "Mas pipiliin ng isang 'yan ang pakawalan ang babaeng mahal niya kaysa maghirap si Blaire dahil sa kan'ya."

Nagbaba ako ng tingin sa sinabi niya. Ni sagot para doon ay wala na akong maisip. Naiintindihan ko. Ngayon alam ko na kung gaano kalaki ang problemang kinakaharap ni Marcus.

Wala sa sariling nilingon ko ang gawi ng living room.

What can I do to help you Marcus? May magagawa ba ako?

Napatalon kaming dalawa ni Jen ng makarinig ng nabasag na kung ano galing sa kinaroroonan ni Marcus. Patakbo kaming pumunta doon ni Jen.

I see Marcus now sitting on the couch. Ang mga kamay ay nakasapo sa kan'yang ulo. Nalaglag ang tingin ko sa nabasag na display ni Jen.

"Marcus..." Maingat na lumapit si Jen para kausapin ito samantalang ako ay tila napako sa aking kinatatayuan.

"Jen, I'm sorry. I'll just pay for it." Aniyang nananatili sa parehong posisyon.

"Hindi. Okay lang, hayaan mo na 'yan sa Divisoria lang naman 'yan galing." Ngumiti si Jen at pinilit na pasiglahin ang boses.

"Are you okay? Nahihilo ka pa ba?"

"I'm fine... Sorry. Uuwi na ako."

Doon na ako tinapunan ng tingin ni Jen kaya napatingin narin si Marcus sa gawi ko.

"Mir..." Tinanggal niya ang isang kamay sa ulo habang ang isa naman ay isinuklay sa buhok na medyo nagulo sa pagkakatulog kanina.

Pinilit kong ngumiti at dahan dahang lumapit sa kan'ya.

Pumikit siya ng mariin. Tila pilit na gustong ihinto ang sariling kalasingan.

Walang ingay akong naupo sa tabi niya. Bumuntong hinga naman si Jen at itinuro ang mga kalat sa sahig bago kami iwan ni Marcus.

"G-Gusto mo ba ng kape? Gatas? Para mawala na 'yung hilo mo?" Pinigilan ko ang sarili kong haplusin ang likod niya pero kusa iyong gumalaw para aluin siya.

Pagod niya akong tinapunan ng tingin. Pakiramdam ko'y nilukot ang puso ko ng makita sa kan'yang presensiya kung gaano siya kalugmok ngayon.

"I'm fine..." Sa kabila ng mga problema ay nagawa niya akong ngitian.

"What are you doing here? Wala ka bang trabaho? Gabi na a?"

Umiling ako at sinuklian siya ng ngiti.

"I'm on leave. Sabi ni Jen nandito ka kaya..." Sandali kong pinagdiin ang mga labi ko bago magpatuloy.

"I'm here."

Nag iwas siya ng tingin sa akin. Siguro'y alam na kung ano ang naging usapan namin kanina ni Jen.

"Y-You can just let go of Blaire, Marcus..." Kinakabahan kong sabi.

Bumigat ang naging paghinga niya. Wala siyang isinagot sa akin maliban do'n.

"I-It's unfair..." i added.

Naputol ako sa pahayag ng tapunan niya ulit ako ng tingin.

His deep set of eyes sent shivers down my spine. Kitang kita ko kung gaano kahirap sa kan'ya ang desisyong hiwalayan si Blaire dahil lang sa pag guho ng mundo niya.

Ramdam ko ang galit sa kan'yang sistema pero hindi iyon para sa akin. Galit para siguro sa kan'yang sarili at sa mundong mapagkait.

"Mas unfair kung hahayaan ko siyang maghirap kasama ako kung pwede naman siyang maging masaya at maayos sa iba, Mir. I can't let her suffer just because I failed. Hindi ko siya idadamay sa pagbagsak ko. I might as well shatter into pieces than see her being broken beside me. Mas hindi ko 'yon kaya..."

Parang tutulo ng muli ang mga luha ko ng makita ang pagkislap ng kan'yang mga mata. Humilig siya sa couch at pagkatapos ay tumingala nalang.

I was left speechless. Parang kahit na anong sabihin ko ay hindi na niya pakikinggan. Kahit magsama pa kami ni Jen ay wala na iyong silbi.

He already made up his mind and that is to break up with Blaire. To Break her heart just for her to have a better future with someone else.

Pinagmasdan ko siyang lumuha sa harapan ko. Sa bawat pagpatak ng mga 'yon ay kasabay ng pagtusok sa puso ko ng paulit ulit.

Ganito ba talaga kasakit ang magmahal? Kailangan mong bumitaw para sa ikabubuti ng lahat? Para sa ikabubuti ng taong mahal mo? Makakaya mong mawasak ng mag isa kaysa ang madamay siya?

I didn't know that love can be this selfless. Hindi ko akalaing makakasaksi ako ng ganitong klase ng pagmamahal.

Nang manginig ang magkabilang balikat niya ay kusa ng gumalaw ang katawan ko para bigyan siya ng mahigpit na yakap. Tumulo ng muli ang mga luhang pinipigilan ko.

Oh Marcus...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top