CHAPTER 23

Chapter Twenty Three

I Don't Have You




"Hi."

Tamad kong nilingon ang narinig kong boses galing sa aking likuran. Hindi pa man nakakapag adjust ang mga mata ko ay awtomatiko ng nabuwal ang mga kamay ko sa aking harapan ng makita ang prenteng ayos ni Marcus.

Hindi naman siya nakangiti at hindi rin naman siya seryoso pero hindi ko mapigilang hindi kabahan! Napatuwid ako ng upo at agad na inayos ang sarili.

"Hi." Tipid kong bati pabalik. 

Of course! Siyempre nga naman ay imbitado siya sa birthday party ni Daddy! Ang mga pagkakataong ganito ang noo'y iniiwasan ko. Sa tuwing alam kong pupunta siya ay umiiwas kaagad ako pero ngayon... Wala na akong kawala.

Nilingon ko ang pinanggalingan niya para makita kung sino ang posibleng kasama niya. I'm looking for his parents or even Blaire pero wala akong nakita.

Tumikhim siya kaya bumalik ang atensiyon ko sa kan'ya.

"Mag isa ka?" I asked.

Wala naman na yata talaga akong choice kung hindi ang makipag usap sa kan'ya dahil wala naman akong pwedeng kausaping iba. Hermes is already in Australia, maging si Leonne. Si Jen naman ay nasa ibang bansa rin sabi ng kapatid ko.

"Yeah. Ikaw? wala pa ba 'yung boyfriend mo?" Wala sa sariling napalunok ako dahil doon. 

"Wala pa pero pupunta 'yon. I'm actually waiting for him." Pormal kong sambit kahit na ang totoo ay nagpupuyos na naman ako sa samo't saring emosyon.

Hinawi niya ang kan'yang sleeves at itinupi iyon hanggang siko. Pinanuod ko siyang nilugawan ang neck tie na suot at inaayos ang sarili. He looks exhausted. Ang alam ko lang sa tuwing napag kukwentuhan nila Mommy si Marcus ay maayos ang trabaho nito sa isang kompanya. Hindi naman ako nagtatanong kaya wala akong idea kung anong ginagawa niya ngayon.

Matapos ayusin ang damit ay muli akong napalunok ng bumalik ang mga mata niya sa akin.

"Do you really love that guy Mir? You know-"

"Marcus stop!" I cut him off. 

Tila nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya.

"I'm just saying-"

"No you stop! Kung kakausapin mo ako para lang sabihin ang mga pagtutol mo kay Tyrone ay huwag nalang. I know he is not perfect but he doesn't need to be one. He can makes mistakes and that is given. Marcus, I am happy with him. I'm finally happy..." Pakiramdam ko'y bumigat ang paggalaw ng puso ko dahil sa walang preno kong pahayag.

Napaawang ang bibig ni Marcus pero ang mga mata niya kaninang mapanuri ay napalitan ng pag intindi.

Ilang minuto kaming nagtitigan ngunit ako rin ang unang bumitiw ng lumamlam ang kan'yang mga mata.

Mabilis akong tumayo at akmang aalis na para iwan siya pero natigil ako ng maramdamam ang maagap niyang kamay na humawak sa palapulsuhan ko.

My heart pounded aggressively in my chest. Sa lakas no'n ay tila nanghina ang buong katawan ko.

"I'm sorry Mir..." Maingat niyang sambit. 

Sa paglingon ko ay dama ko ang pangingilid ng mga luha ko.

Hindi ko alam. Masyado akong naging emosyonal sa simpleng salitang iyon...

Hinawi ko ang kamay niya pero hindi ko kaagad nagawang umalis.

"I'm sorry. Hindi ko gustong makisawsaw sa relasyon niyo pero kahit hindi mo itanong, nag aalala lang ako para sa'yo. I don't want you to get hurt."

Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na inalis ang lahat ng sakit na unti unting sinasalakay ang mahina kong puso. 

You hurt me so many times Marcus... Mas masakit pa sa unang hindi pagkakaintindihan namin ni Tyrone.

Pinigilan kong lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig ko. I shouldn't. Wala akong karapatang sabihin 'yon dahil lang hindi ako ang ginusto niya noon. 

"Mir..." Muli niyang kinuha ang kamay ko. "Can we just talk like we used to? Please?" Ang malumanay niyang boses at mga matang nangungusap ay nakatitig sa akin. Pakiramdam ko'y pilit niyang inabot at hinaplos ang puso ko.

"P-Please?" He pleaded.

Ilang beses akong napalunok. Bumaba ang mga mata ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. 

"I promise hindi na ako makikialam. Hindi na." Gumaan ang paghinga ko ng siya na mismo ang bumitiw sa kamay kong hawak.

Nag angat ako ng tingin at unti unting tumango.

Lumiwanag ang mukha ni Marcus dahil doon. Iyong mga ngiting gaya noong unang beses sa unang araw ko sa Campbell. 

Iminuwestra niya ang upuang pinanggalingan namin at iginiya ako doon. Hindi na ako tumanggi. Mas mabuti narin naman sigurong mamatay ang oras ko sa ganitong paraan kaysa ang matulala ako buong magdamag sa kawalan. 

Masayang Marcus na ang nakita ko sa pagbalik niya sa aking harapan.

"How are you? I mean, after that night..." Panimula niya.

Kumurap kurap ako habang inaalala ang tinutukoy niya. Kumalabog ang puso ko ng maisip ang gabi ng ball.

"Ayos naman. Anyway, mag isa ka ba? Wala ba sila Tita?" Pagbabago ko ng topic.

Nakita ko ang pagbuntong hinga niya at pagtango.

"How about Blaire? Bakit hindi mo isinama?"

"She's fine. Busy." 

Ako naman ang tumango tango. I don't know what to say. Kung noon ay walang humpay ang daloy ng usapan namin, ngayon naman ay wala na akong makapang pwede naming pag usapan.

Nilingon ko ang entrance ng venue pero hanggang ngayon ay wala parin si Tyrone. Baka na traffic lang kaya natagalan.

"I think my parents are gonna divorce soon. For real."

Wala sa sariling napabaling ako pabalik sa kan'ya.

"W-What?" 

Sa muling pagtatama ng paningin namin ay doon ko na nakita ang matinding lungkot na nakapaloob sa kan'yang mga mata.

Umiling siya at kumuha ng alak sa dumaang nag se-serve. I watched him finished his drink.

"Are they still..."

Nahinto ako sa pagsasalita ng sagutin niya kaagad ang tanong ko sa pamamagitan ng pag tango.

"Hindi naman natigil ang pag aaway nila. I'm just concerned about my mother. She's been through a lot keeping this family together..."

Nilukob ng lungkot ang puso ko sa napagtanto. Marcus had a rough time listening to her mother's misery. Noon pa mang nag-aaral palang kami ay madalas na ang pag aaway ni Tita Helen at Tito Leonardo. Ilang beses naring lumayas ang kan'yang ama sa kanilang bahay sa tuwing nagkakaroon ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan.

"But I think it's for the best. Para matahimik na." May halong pait niyang pahayag.

"I'm sorry Marcus..."

"It's okay. Siguro nga kailangan din talagang maghiwalay lalo na kung hindi na kayang panindigan ang lahat. I just don't understand my father Mir. Kung kailan tumanda, tsaka pa nag buhay binata."

Nagbaba siya ng tingin ng makita ko ang pagkislap ng mga 'yon. Parang may iilang matatalas na bagay ang sumaksak sa puso ko ng maramdaman kung gaano siya kalungkot ngayon.

Yes he looks tired pero may mas malalim pa palang dahilan ang pagiging pagod niyang 'yon. 

Hindi ko akalaing makikita ko siyang tila nababasag sa harapan ko. Noon ay ginagawa niya lang biro ang sitwasyon sa pagitan ng kan'yang mga magulang pero ngayon.... Ito ang unang beses na nakita ko siyang tila susuko na.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan ang kamay niyang nakapatong lang sa lamesa.

"Marcus..." Maingat kong sambit.

Unti unti siyang nag angat ng tingin at pilit na ngumiti sa kabila ng matinding kalungkutan. I can never imagine what he is going through. Lalo na kaya ang pinagdaraanan ng kan'yang ina? 

"It sucks Mir. I can't tell Blaire about my father's issues. Ayaw kong mabahiran ang pagtingin niya kay Daddy and I don't have someone else to talk to about this.." Lumunok siya at inilagay ang isa pang kamay sa ibabaw ng sa'kin. 

Marahan niyang pinisil ang kamay ko, tila kumukuha ng lakas bago magpatuloy.

"I don't have you..." 

Parang gusto ng tumulo ng mga luha ko sa narinig. 

Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ng isang boses galing sa aking likuran.

"Mirthene?!"



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top