CHAPTER 21
Chapter Twenty One
My Happiness
"God! How are you?!" Naputol ang paghinga ko ng maputol ang pagyakap niya sa akin at agad akong hinarap.
Hindi nawala ang paghuramentado ng bagay sa aking dibdib. Hindi ko narin alam kung kakalma pa ba 'yon ngayon kung nakikita ko kung gaano kasaya si Marcus habang buong pusong nakatitig sa mga mata ko.
"I... I-I am good!" Nauutal kong sagot.
Tumango tango siya at maingat akong iginiya pabalik sa upuan. He sit right in front of me.
"It's been years Mir..." Inilibot niya ang mga mata sa paligid ng coffee shop. "Dito lang pala kita makikita." He added in disbelief.
Pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko sa kaba. Ilang taon nga ba akong nagtago at hindi nagpakita sa kan'ya dahil lang sa nangyari noong gabing umamin ako kung ano talaga siya para sa akin.
I know his schedule. Ilang buwan din siyang bumisita noon sa bahay hanggang sa hindi na nagawi. Siguro ay nagsawa narin sa pagbisita pero lahat ng 'yon ay naroon lang ako.
Tandang tanda ko kung ilang araw sa loob ng isang linggo kung magtago ako sa aking kwarto at sabihin sa pamilya kong iparating na wala ako. Na umalis o di kaya naman ay tulog pa. I made up alibis just to avoid him. Avoid everything because that is easy than face him.
Tanging tipid na ngiti lang ang naisagot ko. I am not proud of what I did but I don't regret doing it. Siya ang nagpapaalala sa akin kung gaano ako naging lulong sa pagmamahal na alam kong kahit kailan ay imposible kong makuha.
Sandali siyang natahimik habang nakatitig sa mga mata ko. I felt like he was still searching for answers. Ang mga tanong na mahirap sagutin.
Gaya ng pagtitig niya ay wala akong nagawa kung hindi ang tumitig pabalik at pagalitan ang sariling umakto ng ganito.
Pakiramdam ko'y malalagutan na ako ng hininga ng makita ang pagbukas ng mga labi niya. He slowly reached for my hand and murmured.
"I... I-I missed you Mirthene..." Nauutal niyang sambit.
Napalunok ako ng wala sa sarili at pagkatapos ay binawi ang kamay kong hawak niya. Tumikhim ako at tumuwid ng upo kahit na ang totoo ay parang sinasaksak ang puso ko ng paulit ulit sa hindi malamang dahilan.
I felt like traveling back in time...
Nakita ko ang dahan dahang pagpawi ng mga mata niya dahil sa ginawa ko.
"Are you waiting for someone?" Pagbabago niya ng usapan.
Halos magpasalamat ako dahil sa tanong niyang 'yon dahil tila nagising ako sa ilang segundong pagbabalik tanaw sa nakaraan.
"Y-Yeah!" Kabado kong sambit.
Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng coffee shop. Alam kong ilang minuto nalang ay darating na si Tyrone at hindi na ako makapaghintay na mangyari 'yon.
Bumalik ang paningin ko kay Marcus ng makita ang pagtukod niya ng magkabilang siko sa lamesa para lang matitigan ako ng mas maigi. Ipinagsalikop niya ang mga palad.
This is crazy! Hindi ko na alam kung paano siya pakikitunguhan sa tagal kong nagtago sa kan'ya! I hate myself for feeling so awkward about this situation!
"A boyfriend?" Maya maya'y tanong niya.
Nagbaba ako ng tingin at tumango. I just can't look straight in his soulful eyes! Parang nalulunod ang pagkatao ko sa dagat na ipinangako kong hindi hindi ko na lalapitan!
I nodded again. Muling namatay ang usapan sa pagitan naming dalawa. Nag angat lang ako ng tingin ng marinig ang pagbukas muli ng pintuan.
I am hoping for Tyrone to save me from this madness!
Mabilis din namang nawala ang pag asa ko ng makita ang matandang babae na pumasok sa loob. Wala na akong nagawa kung hindi ang ibalik ang tingin sa lalaking wala na yatang balak na itigil ang pagtitig sa akiin.
Ibinaba niya ang mga kamay at pagkatapos ay humilig sa kinauupuan. Doon lang naging pormal ang paghinga ko.
"How are you?" Buong tapang kong tanong kahit na ang totoo ay halos mabasag pa ang boses ko sa kaba.
"I'm good."
Bumaba ang mga mata ko sa kamay niya. I can't see any ring on it. Ibig sabihin ay hindi pa siya naikakasal?
"You're still not married?" Pormal kong tanong habang ibinabalik ang mga mata sa kan'yang kamay.
Bumuntong hinga siya at umiling. Sa ginawa niya ay doon ko lang napansin ang mga lungkot sa kan'yang mata. Or I was just assuming things again?
"Not yet." He answered.
Tumango tango ako.
"How's Blaire?"
"She's fine."
"Mabuti naman. So... Kailan ang kasal?" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko sa tanong na 'yon.
Tipid siyang ngumiti na tila nag iisip ng malalim bago ako sagutin.
"Soon." Aniya. "So... who's the lucky guy?" Pagbabago niya ng usapan.
Bago pa ako makasagot ay natigilan na ako ng marinig muli ang wind chimes hudyat ng panibagong customer ng cafe. Wala sa sariling napaahon ako sa upuan ng makita si Tyrone na nagmamadaling hinahanap ang pwesto ko.
Ngumiti ako at kumaway para maagaw ang pansin niya. His face lightens up when he sees me. Matutuwa na sana ako pero hindi ko lubusang magawa 'yon dahil sa pagtayo ni Marcus!
I almost forgot that he's here!
"Babe!" Masayang sambit ni Tyrone na naging dahilan ng paglingon ni Marcus dito.
Sa paglingon ko sa huli ay nakita ko ang pagtiim ng bagang niya. Naputol lang ang pagtitig ko ng hapitin na ni Tyrone ang aking bewang at agad akong ginawaran ng madiing halik sa labi.
I gasp for air when the kiss was done. Sumobra na yata ang pagka-tense ko sa sitwasyon kaya nabigla ako sa paghalik niya.
"I'm sorry! Matagal ka bang naghintay?" Nakangiti niyang tanong na tila hindi napansin ang lalaki sa gilid namin.
Pinagdiin ko ang labi ko. Mas lalong nagwala ang puso ko dahil sa ginawa niya!
"H-Hindi naman!" Iniyakap ko ang kamay ko sa kan'yang bewang.
Nabawasan ang tuwa sa mukha ni Tyrone ng tuluyan ng mapansin si Marcus.
Kumunot ang noo niya at unti unting niluwagan ang pagkakahawak sa bewang ko.
"It's you." Aniyang tila may pinupunto galing sa nakaraan.
Napalunok ako.
"Ah babe! Si Marcus, I'm sure you remember him-"
"Seriously Mir?" Naputol ako sa pagsasalita ng marinig ang matalim na boses ni Marcus na tila hindi makapaniwalang ito ang boyfriend na tinutukoy ko.
Nag igting ang panga ni Tyrone sa narinig pero agad rin namang nawala ng tanggalin ko ang yakap sa kan'ya at inihaplos ang mga 'yon sa kan'yang braso.
Sarkastiko siyang natawa bago balingan si Marcus.
"Seriously what?"
Sinalakay na ako ng matinding kaba ng makita ang galit sa kabuuan ni Marcus! Is it still because of what happened before?! Nagagalit ba siya dahil doon?!
Humakbang ng isang beses si Tyrone para harapin si Marcus pero imbes na umatras ang huli ay hindi ito natinag. He stood straight like a soldier ready for war.
"Babe..." Pigil ang paghinga kong sambit sa galit na lalaking hawak ko.
Bumalik ang tingin ko kay Marcus ngunit nananatili ang galit sa kan'yang sistema. Napalunok ako ng makita ang pagbalik ng mga mata niya sa akin.
"Are you serious about this Mirthene?" Muli niyang tanong habang patuloy na nakatiim ang bagang.
Nang maramdaman ko ang pag galaw ni Tyrone palapit pa rito ay maagap na akong pumagitna sa kanilang dalawa.
"Ty!" Pigil ko habang hawak ang dibdib niya.
Sinulyapan ko si Marcus bago tuluyang tapusin ang lahat ng kabaliwang nangyayari ngayon.
"We're leaving Marcus. And yes, I am dead serious. Si Tyrone ang boyfriend ko." Walang preno kong sambit bago hilahin ang kamay ni Tyrone palayo kay Marcus.
Kahit na nanginginig ang mga tuhod ko ay hindi ko 'yon ininda mapigilan lang ang posibleng pagbabanggaan nilang dalawa.
Hindi ko maintindihan! Bakit lahat nalang ay ayaw kay Tyrone samantalang wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako at patunayang nagbago na siya.
Na hindi na siya katulad noon! Bakit hindi nila makitang deserve nito ang bigyan ng pagkakataong mapatunayan ang sarili para sa akin?
Why can't they even accept that he is my happiness now? Bakit wala yatang may gustong suportahan ang kasiyahan kong 'yon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top