CHAPTER 1

Chapter One

Mirthene De Escamilla

Why do most of us hate Mondays? Is it because we are dragged to do some shit we didn't want to do in the first place?

Sino nga bang gustong bumangon ng maaga sa panibagong araw para lang matusta ang utak sa eskwela? Sa trabaho? O kahit sa buhay nalang?

Why do we hate Monday so much? Is it because it means doing the same thing all over again? or an indication to move your ass for another five days straight doing things you are too tired of?

Bakit ang Martes, katabi lang naman ng Lunes pero hindi naman masyadong nasisisi?

Bakit si Miyerkules nagagawang paluwagin ang isip natin dahil nasa gitna na siya ng linggo?

Bakit kapag Huwebes, mas ganado na tayo?

Bakit nga ba naiinis tayong pumasok ang panibagong Lunes pero masaya tayo sa tuwing dumarating ang Biyernes?

Bakit mas nagbubunyi sa pagsapit ng Sabado at Linggo?

Masasabi kong kanya-kanya naman tayo ng rason sa buong pitong araw na mayroon ang isang linggo.

Kung halos lahat ay kinasusuklaman ang Lunes, ako naman ay taliwas ang nararamdaman para doon.

Monday feels like a fresh start for me.

Monday gives me hope to do better things for the rest of the week.

Monday becomes my motivation to fight back on life.

Ewan ko ba... pero higit sa lahat, Lunes ang unang araw na nakita ko ang lalaking alam kong mas matagal pa sa pitong araw na mananatili sa puso ko.

Lunes unang nagtama ang mga mata namin.

Dahil excited ako sa ideya ng kolehiyo, maaga akong gumising at nag ayos para makarating sa Campbell International University.

Hindi naman na bago ang ganito sa akin dahil likas naman na talaga akong masipag pero pakiramdam ko ay triple ang effort ko ngayong college na ako.

Suot ang pink na t-shirt na may nakasulat sa kaliwang bahagi ng brand ng damit, isang ripped jeans pang ibaba at ang aking pink na chuck taylor ang suot ko sa unang araw sa kolehiyo.

Monday.

Dalawang buwan kong hinintay ang Lunes na ito para sa araw na makakakilala ako ng mga panibagong tao sa buhay ko.

High school has been so good to me and I'm hoping that my college life will be just as awesome too.

Lumapit ako sa whiteboard at kinuha ang panulat na nakasingit sa gitna kasama ang eraser.

Ako ang unang estudyante sa loob ng silid na ito. Kung siguro'y matatakutin lang ako ay hindi ako tumuloy pero dahil determinado ako ngayong araw, hindi ko na naisip ang mga nakakatakot na pala-isipan.

I started writing on the board with my usual arts on both sides of a greeting. Hindi na bale kung mapagalitan ako ng professor namin, gusto ko lang batiin ang mga magiging kaklase ko ngayong araw.

I want them to read what I wrote on the board. Na kahit hindi ko sabihin sa kanila isa-isa ang mga katagang welcome freshies ay ako parin ang unang bumati sa kanila sa eskwelahang ito.

I jumped a bit when I heard the door opened. Natigil ako sa pag guhit ng mga borders dahil sa pagdating ng unang panauhin na literal na nagpahinto sa pag galaw ng kamay ko maging ng aking paligid.

I saw a tall handsome guy standing beside the door looking at me with furrowed brows. Hindi ko alam kung may nakikita ba siyang kakaiba sa likod ko o talagang sa akin nakatitig ang mga matang madilim at may mabibigat na talukap.

Maingat niyang isinara ang pinto. Sa paglapat no'n sa hamba ay hindi ko napigilang mapahugot ng isang malalim na paghinga. My heart began to pound aggressively inside my chest.

Napalunok ako ng makita ang paglapit niya sa akin.

"Good morning." Pormal niyang bati pagkatapos ay huminto sa harapan ko.

My breathe become short when his expensive perfume reaches my nose. His scent literally blew my mind far away from reality.

Natutulirong napatitig ako sa mga mata niyang kasing ganda ng kulay asul at kumikinang na dagat habang pinupuri ng haring araw. Ang matangos na ilong na nagdedepina kung gaano ka-perpekto ang walang kapintasan niyang kabuuan. Ang mapupulang labi na gusto ko nalang haplusin para titigan kung may lipstick bang nakalagay o wala...

What a start of my college life, huh?

The side of his lip slightly arched when he saw me memorizing every details of his face.

"Ang gwapo mo..." Wala sa sarili kong bulong.

"What?"

Napatalon ako ulit dahil sa narinig!

Pumikit ako ng mariin at kahit na masakit ang iwan ang mga mata niya ay pinili ko paring itigil ang pagtitig sa gwapo niyang mukha dahil sa kahihiyan.

"G-Good morning!"

He chuckled. Ang tawang halos yumakap sa akin. What the hell Mir! Anong naiisip mo!

Tinalikuran ko siya at nanginginig ang mga kamay na ipinagpatuloy nalang ang ginagawa.

"I thought I heard you say something else..."

Ako naman ang natawa dahil sa kahibangan ko at pagiging totoo sa nakita. He is really handsome! Hindi naman ako nagsisinungaling pero hindi ko rin gustong umamin sa harapan niya!

"W-Wala kaya..." I murmured.

Shit! Mir what are you doing?! Pumikit ako ng mariin at pinigilan ang sariling kabahan kahit na ramdam ko ang iilang hakbang niya patungo sa gawi ko.

"Really?"

Pinigilan ko ang sarili kong lingunin siya.

"Hundred percent!" Dagdag kasinungalingan ko bago ipagpatuloy ang patapos kong borders.

"Welcome freshies?" Puna niya sa isinulat ko.

"Freshies like freshman. Common sense?"

I bit my lower lip because of that. Hindi ko mapigilan ang kaba ko at naiinis akong sa tuwing ganito ako ay alam kong pagsusungit na ang kasunod na lalabas sa labi ko.

"I know but it sounded like pussies."

Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa kanya. Hindi nawala ang ngisi sa labi niya dahil sa sinabi. Tinaasan niya ako ng kilay ng pati ang bibig ko ay napaawang narin!

"Freshies? Pussies? Get it? Common sense?" He playfully blurted.

"Bastos!" Marahas kong ibinato sa kanya ang hawak kong marker pero mabilis siyang nakailag.

"Gwapo naman!" Humahalakhak niyang sabi.

Nagmartsa ako pabalik sa mga gamit ko at siya naman ay nanatiling nakasunod sa akin habang patuloy ang nakangising mukha.

Monday.

Ang unang araw na nakilala ko ang unang taong hindi ko akalaing magkakaroon ng malaking parte sa aking pagkatao.

I didn't expect that Monday will be my most anticipated day of the week.

Na sa tuwing naririnig ko ang salitang Lunes ay siya kaagad ang unang pumapasok sa isip ko.

His playful smirk, gorgeous face and gestures that made me fall for the first time.

That's the first reason why Monday is my favorite among the seven days of the week.

Napangiti ako ng makita ang nakasulat sa aking binder sa pangalawang linggo ng semester.

His full name...

Nang tumunog ang wrist watch ko ay itinuon ko na ang pansin sa pintuan bago nagsimulang mag countdown sa mga papasok na estudyante sa silid.

Hindi pa man natatapos ang pagbilang ko ng hanggang sampu ay nasulyapan ko na ang pamilyar na lalaking hinihintay ng mga mata ko.

Monday.

Ang tanging araw sa isang linggo na nagkikita kami dahil sa pagiging irregular student niya.

Pinigilan ko ang nakakabaliw na pagkalampag ng puso ko ng marinig ang pag upo niya sa likuran. Humugot ako ng sapat na tapang at dahan dahan ko siyang nilingon.

Mas bumilis ang tahip ng puso ko dahil sa paglingon ko ay siya namang paglingon niya pabalik sa akin! Damn it!

Mabilis kong ibinalik ang aking ulo sa harapan kasabay ng pagsapo ko sa nagwawala kong dibdib!

Tumikhim ako at umayos ng upo pagkatapos ay kinagat ang pang ibabang labi...

Bakit ba ako masaya? Bakit ganito nalang sa tuwing nakikita ko siya?

Kumurap kurap ako at sinubukang lingunin ulit ang lalaking gustong gusto ng mga mata ko...

Sa muling paglapat ng mga iyon sa kanyang gawi ay kasabay naman ng pagbulong ng aking utak sa pangalan na nakasulat sa aking binder...

Marcus Findle Warner...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top