SPECIAL CHAPTER


3 years...


It's been a while since the last time I saw our dearest school,


Monarch Academy.


Huling balita ko na lang ay ipinasara na ang Pioneer Academy utos ng isang kilalang council sa mundo nila. I haven't tried to see their place even their faces. Hindi pa ako pamilyado sa mundong ginagalawan ko noon.

Now I'm back, sa mundong kinalakihan ko. Ethan and I decided to stay here with my parents. We already have our own house, mansion kung tutuosin. Galing ito kila grandma pero noong pumanaw sila, sila Mom na ang nag-alaga kaso mas pinili pa rin nilang tumira sa maliit na bahay dahil sa akin.

Akala ko nung una ay kami lang ni Ethan but then, our friends joined. Hindi ko maiwasan na matuwa dahil nakasama ko pa sila higit tatlong taon dito sa mundo ng mga tao.

"Done?"

Lumingon ako sa isang lalaki na tamad na nakasandal sa pader. Every time I saw him, I'm at peace. His angelic face gives me peace.

Ngumiti ako bago tumayo sa higaan. We didn't used our abilities specially now we're here in another world. Mas pinili naming mamuhay katulad ng mga normal na tao dito.

He held my waist bago kami bumaba kung saan naghihintay na ang mga kaibigan ko para kumain. I just can't help but but to smile.

"Oh 'yan na pala si Lei, pwede naba kumain?" atat na sabi ni Jackson habang dinudungaw ang adobong ulam.

Ito ang dahilan kung bakit mas lalo akong humahanga sa kanila. Ultimo pati pagkain ng mga tao ay sinusubukan ng mga kaibigan kong kainin although may ganito din sa mundo nila but not all. Iilan lang sa mga kilalang pagkain sa mundo ng mga tao ang meron sa kanila.

Umirap si Cheska bago ngumiti sa akin. Inabot pa niya ang plato na dapat sana kukunin ni Ethan para sa akin.

"I'm the girlfriend." tawa niya.

Kinuha ko ito at nilapag sa mesa. Tumabi ako kay Ethan habang si Jackson naman ang nasa gilid ko na katabi si Charli.


"I tried to eat... street food ba 'yon? Ayoko yung lasa." ngumiwi si Cheska.

Tumawa ako. Pinilit ko kasi silang kumain ng fishball pati kikiam kahapon. One of my favorite foods kapag napapadalas ang gala ko dati sa labas.

"Masarap naman ah?" kunot noong tanong ni Sky habang ngumunguya.

Tumango ako. Kami lang ni Sky ang sanay sa mundo ng mga tao marahil ito ang dahilan kung bakit hindi sanay ang mga kaibigan ko. Naninibago pa rin sila sa paraan at takbo ng mundong ito pati pangulo ng Pilipinas ay pinagtataka nila.

"I like kiki... what's the name of it, again?" lumingon sa akin si Jackson.

I laughed. "Kikiam, Jackson."

Tumawa rin si Sky, parehas kami ng iniisip.

"Kain kana.." Ethan whispered, naramdaman ko ang kiliti sa tenga.

He always do this!

"Saan ba tayo pupunta mamaya? I want to try some rides!" excited na sabi ni Charli.

"A what?" Dylan asked, lumingon siya kay Charli bago lumipat ang tingin sa akin.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Ethan sa bewang ko. Lumandas ang tingin ni Dylan don.

"Ah.. rides, mostly people enjoyed that.." nahihiya kong sabi.

He nodded, bumaling siya kay Jackson na may kinukwento tungkol sa isang babae na nakita niya kahapon. Ginala kasi namin sila kahapon sa Mall, minsan lang din kasi lumabas dahil kailangan pa rin namin mag-ingat sa paligid. We didn't know.. kelan ulit magkakaroon ng delubyo.

"Eat." malalim ang boses ni Ethan habang pinagmamasdan ang pagkain ko. Ngumuso ako bago inubos ang pagkain.

Katulad ng usapan namin, ginala namin sila ni Sky sa malapit na Mall dito sa amin. Hindi pa naman namin ito napupuntahan dahil gusto nila, paisa-isa lang ang pupuntahan namin.

Sumakay kami sa van na isa sa pagmamay-ari ng pamilya namin. Isa sa mga driver namin ang nagpapaandar nito.

Maingay ang naging byahe namin dahil kila Cheska at Jackson na hindi matigil sa bangayan. Ni hindi na nga namin masundan kung saan nanggaling ang away nila.

"Basta, ayoko yung babae. She's not good for you. Baka nakakalimutan mong hindi ka normal." Umirap ito bago sinaksak sa tenga ang earphone na galing kay Charli. Sabay silang nakinig ng music.

"Hindi ba ako normal?" kunot noong tanong ni Jackson kay Dylan na nakahalukipkip lang sa unahan.

"Abnormal lang." tamad na sagot nito.

Tinanong ako ni Sky kung saan ang daan tungo sa pupuntahan namin. Siya ang katabi ni Manong sa front seat habang sa likuran nila sila Jackson at Dylan, kasunod nito sila Charli at Cheska habang kami ni Ethan ay nasa dulo.

"Lei.. palit tayo?" malambing na tanong ni Ethan.

Kinurot ko siya nang bahagyang napatingin sa amin si Cheska, umismid lang ito bago binalik ang tingin sa labas.


"What?" he laughed.

Oh god, what can I do for you, Ethan?


Pagkatapos namin sumakay sa ilang pambatang rides ay nagpumilit pa si Jackson na sumakay sa iba. Halos nasakyan na ata namin lahat dahil sa pagpupumilit niya.

"Ang bagal naman nito." reklamo ni Jackson habang nakadungaw sa bintana.

Sumakay kami sa ferris wheel na isa sa mga hiling niyang masakyan. Sinapak tuloy siya ni Ethan.

"Ginusto mo 'yan!" tawa niya.

Napailing nalang ako at tiningnan ang labas. Napaka ganda talaga ng kulay ng langit at hindi ka pa magsasawang pagmasdan pati ang araw na pababa na sa kaniyang pwesto.

Pagkatapos namin ay hindi rin kami nagtagal dahil palubog na ang araw. Isa kasi sa bilin ng mga magulang namin ay huwag magpagabi kahit nasa mundo kami ng mga tao. Delikado pa rin kahit saan kami magpunta.

"Where's Tita Frias pala?"

Lumingon ako kay Cheska na abala sa paghahanap ng mga movies malapit sa tv. Parang talaga silang mga normal na tao sa kinikilos nila.

"House, busy sila ni Dad." sagot ko, lumapit din ako para tulungan siyang maghanap.


"Goodnight girls, antok na 'ko." paalam ni Jackson, tumayo na siya galing sa higaan ko. Lumipat ang tingin niya kay Ethan na nakatitig sakin ngayon.

"Don't tell me, bro.. hindi ka nagsasawa sa ginagawa mo?" tawa ni Jackson na agad siyang sinapak sa braso ni Ethan.

Tumawa sila bago lumipat ang tingin sa akin ni Ethan. Tumayo siya at hinalikan ako sa ulo.

"Girls time, we'll sleep." he whispered.

"Oh? Tutulog na kayo?" salubong ni Charli habang basa pa ang buhok galing sa bathroom ko.

"Boring, dito muna kayo!" singit naman ni Sky at dumapa sa higaan ko.

Napakamot si Jackson bago bumaling kay Ethan. "Samahan natin si Dylan sa kwarto, we'll drink?" he asked.

Ethan immediately shifted his eyes to me, nagpapaalam kung sasagutin ba niya si Jackson.

"You should go with him. Dito lang kami." bulong ko.

"Shit. I will never do that. Kadiri tingnan si Ethan, nakakabading." reklamo ni Jackson bago lumabas sa kwarto.

Hindi rin nagtagal si Ethan sa kwarto dahil puro kami mga babae. It looks like, we're having our girls time. Mas okay na rin ito para makapag-usap usap kami.

"Dylan is being weird lately.. parang laging nakakakita ng multo." sabi ni Cheska habang nasa kalagitnaan kami ng pinapanuod.

Umismid sa tabi ni Charli habang tutok na tutok sa pinapanuod namin na love story.

"Are you sure? He's fine naman ah?" Sky answered.

Tumango ako. Wala naman akong napapansin na kakaiba kay Dylan, actually mas naging vocal pa siya sa akin. Madalas na kami mag usap pero minsan lang, kapag wala si Ethan.

"Basta! I saw him last night, sa terrace niyo.. nakatayo lang siya don na parang nakatulala na ewan." sabi ni Cheska.

"He's been acting weird.." dagdag pa niya.

Nang matapos ang palabas ay nagyaya na rin sila Charli na bumalik sa guestrooms dahil inaantok na rin daw sila. Malapit lang naman sa kwarto ko kaya sinamahan ko na sila para makita na rin ang ginagawa ng boys.

"I-I need to go back in our world... I need to fix some errands." wala sa sariling sinabi ni Jackson habang pinagmamasdan ang bote ng alak.

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya pero napawi lamang 'yon nang halikan ako sa ulo ni Ethan. I smell mint and vodka.

"Why? Sinabihan ka ni Tita?" kunot noong tanong ni Cheska bago inagaw ang baso kay Jackson.

"Yep.." wala sa sariling sagot ni Jackson.

Dumako ang tingin ko kay Dylan na tahimik na pinagmamasdan din ang baso. Nawala lang yun nang tapikin ni Ethan ang balikat niya.

"Hatid ko lang si Lei." paalam niya.

He nodded, lumingon siya sa akin bago umiwas ng tingin. Pinagmasdan niya muli ang alak.

"Let's go, baby.." bulong ni Ethan at hinatak na ako paalis sa kwarto.

Maaga akong nakatulog kaya maaga rin akong nagising sa lahat. Nagpaluto na rin ako kay Manang para makakain agad ang mga kaibigan ko.

Unang bumaba si Sky na nginitian lang ako habang nagkukusot pa ng mata. Sinundan naman nila Cheska at huling bumaba si Dylan na nakapamulsa lang pababa ng hagdan.

Nagtama ulit ang tingin namin pero agad rin siyang umiwas.

"You sure? Babalik kana ulit?" tanong ulit ni Cheska.

"Oo nga, baby Che. Miss mo agad ako?" biro ni Jackson.

Tumawa ako sa ginawa nila pero hindi ko rin maiwasan na malungkot dahil sa biglaang pag-uwi ni Jackson. I just can't imagine na wala siya sa mansion, tahimik kami kapag wala siya.

Hapon na nang mapag-isipan kong lumabas at pumunta sa garden na pangangalaga ng mga kasambahay namin. Our helpers are not normal too, galing din sila sa kabilang mundo at may mga abilities din na katulad namin pero parang normal na kasambahay lang sila sa mundong 'to.

Kumunot ang noo ko nang makitang may aso na nagtatago sa halaman. Inaamoy niya pa ito at dinidilaan.

"Hey doggy, come here."

Tumahol ito nang makita ako pero agad rin siyang umamo bago lumapit sa akin. Gumagalaw pa ang buntot nito habang nakalabas ang dila.

"Cute. Saan ka galing?" bulong ko.

Dinilaan niya ang kamay ko habang ang buntot ay hindi magkanda-umayaw sa kakagalaw.

"Lei, dito ka pala."

Nilingon ko si Charli habang dala ang baso na naglalaman ng juice. Lumuhod din siya para pumantay sa aso.

"Cute naman ng nilalang 'to. Saan galing?" tanong niya, hinawakan niya rin ang aso.

"I don't know, biglang nagpakita sa akin eh." nagkibit balikat ako.

Napahinto siya nang dilaan ng aso ang kaniyang kamay. Hinawi niya agad ang aso nang dilaan muli ito.

"Charli! Wag!" halos nataranta ako nang umimpit ang tahol ng aso.

"Something wrong with this dog. Saan mo siya ulit nakita?" nalilito niyang tanong.

Sasagot sana ako nang tumakbo ang aso papalayo diretso sa gate namin na nakabukas na ngayon.

"Wala na, umalis na Charli."

Hinawakan niya ang balikat ko habang mariin akong pinagmamasdan.


"That dog is not normal, nararamdaman ko." mariin niyang sabi. Tinabig ko ang kamay nito.


"Aso lang yun Charli, stop acting like a weird one." tawa ko para pagaanin ang loob niya.


Umiling siya. "Hindi eh, parang hindi talaga normal--"




"L-Leilei! Come here!"



Sabay kaming napatalon ni Charli nang sumigaw si Cheska mula sa pintuan. Basang basa ang kaniyang pisngi habang hindi mapakali sa kaniyang pwesto.


"Anong nangyari?" tanong ko bago lumapit sa kaniya.


"N-Nag suntukan sila ni Ethan... Ethan's mad.. he can kill Dylan--"

Hindi ko na ito pinatapos at agad tumakbo sa loob. Halos maluha ako nang makita ang itsura ng dalawa kong kaibigan na hindi makatayo sa kani-kanilang pwesto.

Dumako ang tingin ko kay Ethan na halos wala na sa sarili, he's making a fireball! Oh god.

"Ethan, stop!"

Agad ko siyang niyakap habang ramdam ko ang mabilis nitong hininga. Mabilis din ang tibok ng puso nito na akala mo'y sasabog.

Hinawakan niya ang kamay ko bago dahan dahan kinalas ang yakap sa akin. Hinarap niya ako at naging malumanay ang tingin niya sa akin.

"H-Hindi ka mawawala sa akin magkamatayan na.. pero hindi." he whispered.

Tumayo si Jackson habang hawak ang kaniyang panga. Tinulungan naman nila Charli si Dylan na halos hindi makilala ang itsura dahil sa mga natamo niya kay Ethan.

"A-Anong nangyari?"

Lumandas ang tingin sa akin ni Dylan at ilang beses pa nagmura si Ethan habang tinatakpan ang tenga ko.

"Huwag mo siyang pakinggan..wag." pagmamakaawa niya.

Tinabig ko ang kamay nito habang nalilito sa nangyayari. Umiiyak na rin ang mga kaibigan kong babae habang si Jackson ay halos sapakin na ang pader sa galit.

"Fvck! Let her know, Ethan! Don't be too selfish! Mas lalo niyang ikamamatay 'yang ginagawa mo!" sigaw ni Jackson at agad na kinuwelyuhan si Ethan na hindi man lang natinag.


Ikamamatay?


"Ano bang nangyayari?!" sigaw ni Charli habang nakayakap sa kaniya sila Sky at Cheska. Mariin ang tingin niya sa tatlong lalaki na hindi man lang siya tiningnan pabalik.

"Bryleigh.."


"Fvck. Huwag mo siyang tawagin sa ganiyan, Dylan." banta ni Ethan, lumapit agad siya sa akin.

Marahan niyang hinahawi ang mga buhok na humaharang sa mukha ko kahit na ramdam ko ang panginginig nito.

"Ethan... what's happening?"

"Baby, listen to me.. hindi ka mawawala, okay? hindi.. hindi pwede." bulong niya.

Lumandas ang luha ko habang nakikita siyang mahirapan sabihin ito. Kahit hindi niya sabihin, ramdam na ramdam ko ang takot niya habang pinagmamasdan ako.



Takot na mawala ulit ako.


"I-I see your future..." huminto si Dylan nang umambang sasapakin siya ni Ethan.

Hinarang ko ang katawan ko habang ilang beses umiling sa kaniya. Hindi niya pwede saktan ang kaibigan niya!

"Dylan, tell me.." bumaling ako sa kaniya. Nararamdaman ko agad ang paggalaw ni Ethan sa likuran ko.

"Fvck, Ethan. Back off." inis na sabi ni Jackson at hinarang din ang katawan niya.

"Baby... don't listen to him, sakin ka lang makinig.." pagmamakaawa niya.

Kinagat ko ang labi ko habang pinipigilan na umagos ang luha ko sa harapan niya. Ilang beses siya umiling sa harapan ko.

"I love you.." at tinalikuran ko siya para harapin si Dylan.


"What the fvck is happening, Dylan?" inis na sabi ko dito.

Pagod ang mga mata nito habang pinagmamasdan ako. Huminga siya nang malalim bago ako sagutin,


Na sana hindi ko nalang narinig pa.







"Y-You'll die in the future, I'm sorry.."

----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top