Prologue

DISCLAIMER: The content is based solely by the author's imagination including name, age, place, occupation and time. It has nothing to do with other people. Hope you'll understand. Thankyou!

PLAGIARISM IS A CRIME!

"If you use another person's work and do not attribute that work to the author, including copying text verbatim, paraphrasing a phrase or summarizing an idea, you are essentially committing plagiarism."

WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.

ps; this story is not edited. you might encounter some grammatical errors or typos. I'll get back once I've finish my series.

Always remember that, Unity will keep us safe!

@missky07

----

Nakasimangot ako habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Here we go again. Itatakas na naman ako nila Mom dahil sa mga pesteng sunod nang sunod sa akin. Hindi ko alam kung bakit ayaw akong payagan na harapin sila.

"We're going to transfer you in another school." ani Dad habang nagmamaneho.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Ililipat na naman niya ako!

"Dad! I'm okay na sa school ko tsaka may mga kaibigan naman ako dun!"

"Anak, mas ligtas ka sa bagong papasukan mo. Hindi pwedeng malaman ng mga tao na hindi ka normal. You have the powers na wala sa kanila. Tingin mo ba, hindi sila magiging interesado sa kung anong meron ka?" sabi ni Mom na nasa front seat. Bahagya niya akong sinulyapan sa salamin.

Bumuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Mom. Wala na talaga akong laban. Kapag kasi nakapagdesisyon na sila, wag kana lang lumaban. Teka, naka ilang lipat naba ako ng school? 4? 5? 6?


Naalala ko pa no'n, pitong taon gulang pa lamang ako nang makaramdam akong hindi normal sa akin. Binully ako ng mga kaklase ko na ang weird ko raw. Totoo naman, kahit ako naweirduhan sa sarili ko. Ang hindi ko lang matanggap ay sinabihan akong mangkukulam! The fvck? Matatanggap ko pa kung sasabihan akong isang Dyosa kaso Mangkukulam? Wag nalang!

Back to my story, binully nila ako sa playground. Walang teacher kaya siguro du'n nila ako napagtripan. Kinuha nila ang lunch box ko at pati na rin ang pera ko. Wala akong laban dahil mas marami sila tas ako nag iisa lang. Funny right? nagtawag pa sila ng mga kakampi.


Sa sobrang takot ko hinila nila ang damit ko, halos mahubaran ako noong panahon na 'yon. Sinabunutan pa nga ako nung isang babae pero mas kinainis ko nung hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila nila. Ininsulto din nila sina Mom, kaya sa sobrang galit ko. Bigla nalang ako nakaramdam na parang may lumalabas sa aking kamay. I can't see it pero nararamdaman ko. Nagulat na lang ako nang biglang nahirapan sila huminga. Muntik ko na sila mapatay no'n pero sayang hindi natuloy.

Nang tumuntong ako ng Highschool, akala ko air or wind lang ang kaya kong i-kontrol. Naiinis kasi ako sa teacher namin, madalas akong pinapahiya dahil lang daw sa maganda ako pero walang utak. Hindi niya binanggit ang pangalan ko pero nakatingin siya sa akin tas nakangisi. Kung pwede lang tanggalin yung pustiso niya.


Tinitigan ko din pabalik yung teacher namin no'n. Iniisip ko na sana baliktarin niya ang sinabi na mas maganda ako sa lahat at mas mautak. Nagulat na lang ako nang sabihin niya iyon katulad kung paano ko sabihin sa utak ko. Yun na ang last na pumasok siya, sabi ng adviser namin na hindi na raw siya papasok at nagresign na bilang subject teacher namin.

"Anak, we're here." ani Mom at lumabas.

Pinagmasdan ko ang paligid at hindi ko maiwasan na kumunot ang noo. Seryoso ba sila? Sa isang gubat ako dadalhin?

Narinig kong tumawa si Dad habang nakatingin sa akin. Napailing pa ito at sabay hinawakan ang kamay ko.

"Let's go."


Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Tahimik at mahangin. Napatalon ako nang hawakan ni Mom ang balikat ko. Humarap ako dito at magtatanong sana kaso hinatak na niya ako.

"Mom, what are we doing here? Uwi nalang tayo." hindi pa rin sila tumigil sa kakalakad kaya nagpahatak nalang ako kung saan.

Nararamdaman ko ang ingay ng mga tuyong dahon kapag natatapakan namin ito. Ito nalang ang nagbibigay ingay sa paligid. Hindi ko maiwasan mamangha sa mga nakikita ko. How come na ngayon ko lang nakita ito?

Nasa gitna na kami ng gubat, puro puno at mga ibon na nagsisiliparan lamang makikita. Nang makadaan kami sa isang pasikot na daan nakaramdam agad ako ng hindi tama.

"Dad, parang may mali dito." bulong ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na binitawan ni Mom ang kamay ko. Tahimik lamang sila habang naglalakad.

Nang makalabas kami sa isang masikip na daan. Sumalubong sa amin ang isang napaka gandang hardin sa paningin ko.


Wow, bakit ngayon ko lang ito nakita? Napakalawak at may mga paru-paro na nagsisiliparan sa paligid. Pakiramdam ko nasa Magical World ako.


Huminto sina Mom sa paglalakad at lumapit sa may bilog na mukhang nagsisilbing daanan. Nasa lupa ito at mukha siyang kanal para sa akin.


Binuksan ito ni Dad at niyaya kaming pumasok. Aatras sana ako nang hilain na naman ako ni Mom.


Lumusot kami at puro lupa lamang makikita mo. Nang makababa ako ay biglang nanlamig ang katawan ko. Feeling ko nagteleport kami sa hindi ko malaman. Ganito naba kalayo ang paaralan na papasukan ko at sa ilalim pa talaga ng lupa?


Sinundan ko si Dad na padiretso lamang ang daan hanggang sa makarating kami sa dulo. May hagdanan na nakaabang sa amin. Iniisip ko na baka iyon na talaga. Malapit na kami.


Sumunod ako kay Dad nang makaakyat siya. Sumunod naman sa akin si Mom at tinulungan kong makaakyat. Tumayo ako at pinagpagan ang skirt kong may dumi.

Tumambad sa amin ang napakataas na gate na kulay ginto at nakaukit dito ang pangalan ng school sa itaas.




Monarch Academy.



Hindi pa natatapos ang pagkamangha ko sa gate nang bumukas ito. May nag-aabang sa amin na isang sasakyan. Lumapit naman kami.


"Walang driver?" nagtataka kong tanong. Ngumiti sa akin si Mom at niyaya na niya akong sumakay. Si Dad ulit ang nagdrive.


Isang mahabang daan ang tinahak namin, puro mga namumuting bulaklak ang makikita mo. May mga nagsisiliparan pa rin na mga paru-paro at hindi ko maiwasan mapangiti. Napakagaan sa pakiramdam.



Tumigil ang sasakyan namin at bumaba na kami. Agad nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. Ang laki naman nitong school! Magkano kaya tuition?


Tumawa si Dad sa naging reaksyon ko at niyaya na kami lumapit. May apat na tao ang sumalubong sa amin. Lahat sila nakangiti at mukhang masaya sa pagdating namin. Dalawang lalaki at dalawang babae ang naroon.


Agad kong napansin ang isang babae na nakangiti sa akin. She's beautiful at mamangha ka talaga sa mga ngiti niya. Ngumiti din ako pabalik sa kanila.


"Long time no see, Isaac." bati ng isang lalaki at may hawak na... yosi?


Tumango si Dad at bumati din pabalik. Lumapit naman ang isang babaeng hindi mawala sa labi niya ang kasiyahan.

"Hi, Frias!" bati nito kay Mom. Nagyakapan naman silang lahat at agad na napunta sa akin ang mga tingin nila.

"She's beautiful, Frias. Just like you.." aniya. Tumango si Mom at hinawakan ako sa kamay. Natahimik kami nang magsalita ang lalaking puno ng awtoridad sa kaniya.


"Bakit hindi muna tayo pumasok?" pagyaya nito sa amin.


Sumunod kami sa kaniya at mas lalo akong napamangha sa nakikita ko. Ang daming building sa paligid at mukhang mahihirapan ako sa pag-alala nito.


Dumiretso kami sa kaliwa at makikita mong may dalawang building ang naroon. Walang mga estudyante ang nagkalat sa paligid, mukhang class hour. Huminto naman kami at humarap sa amin ang lalaki na nagyaya sa amin pumasok.

"Holly, bigay mo na ang susi sa kaniya." Lumapit naman sa akin ang isa pang babae habang nakangiti. She's friendly, yun ang masasabi ko.


Inabot niya sa akin ang maliit na susi, kulay ginto ito. Ngumiti ako pabalik at nagpasalamat.



"That's your key para sa room mo. Dorm Room 102, third floor. Hindi pumasok yung kasama mo para masamahan ka i-tour ang lahat nang meron kami."  pagsingit ng isa.

Humarap sa akin sina Mom at binigyan ako ng isang mainit na yakap.


"Be a good girl, okay? Ipapaakyat na lang namin ang mga gamit mo. Don't worry, babalik kami next month para kumustahin ka." ani Mom at binigyan ako ng yakap. Ganun din ang ginawa ni Dad sa akin.

Humarap silang lahat sa akin at sabay sabay nilang binanggit ang,



"Welcome to Monarch Academy, School of Elemental Powers! "



---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top