Chapter 9: Blood
The sun poured through my window. Maaga akong kumilos para maghanda at pumasok. Naghanda ako ng pagkain nang magising si Charli.
"Aga, ah?" aniya at sumubo ng pagkain.
Pagkatapos namin kumain at mag ayos, hindi na kami nagtagal sa dorm at dumiretso na kami sa klase. Si Sir Henry ang nagturo sa amin tungkol sa mga daggers. Hindi naman mahirap intindihin dahil madali lang ito sabi ni Charli.
"Si Jack ba 'yung nakikita ko?" tanong ng isa naming kaklase.
"Oo, siya nga! Ano ginagawa niya dito?" tanong pa ng isa.
Lumingon si Charli sa likod ko habang abala ako sa pagligpit ng gamit.
"Tara na daw. Lunch time." aniya at nauna nang lumabas.
Normal na sa akin ang set up naming ganito. Tuwing lunch time ay sabay sabay kaming pito para kumain at mag usap. Nakakapagtaka lang dahil sinundo kami ni Jackson ngayon na halatang kulang pa sa tulog dahil kanina pa ito humihikab.
Ngumiwi ako. "You don't have to do this."
Humikab siya. "Nah, it's fine besides I'm enjoying it." kumindat siya sa babaeng nakasalubong namin.
Ramdam ko ang mga maiinit nilang mata na nakatingin sa amin. Isa na don si Stacy na masama ang tingin sa akin kanina buong klase.
"I wasn't able to attend my class." bungad ni Cheska.
"Me too. I'm sleepy." ani Jackson at tumabi sa akin.
Binilang ko ang mga upuan. Kulang kami ng isa.
"Where's Ethan?" tanong ni Cheska at lumingon kay Dylan na tahimik na nagbabasa ng libro.
Nagkibit balikat ito. Tumango lang si Cheska at umayos ng upo.
"I guess, we're incomplete. Wala naman pinapasabi si Ethan so pwede tayo maaga magpahinga." aniya
Nilingon ko si Jack na mahimbing na natutulog sa mesa. Ang mahaba nitong buhok ay natatabunan ang kanyang mukha. Maputi ito at matangkad katulad kay Ethan. Ngumiwi ako nang mabanggit ko nag pangalan niya.
Tahimik lang kami kumain. Tulog si Jack kaya walang nagbalak magsalita sa amin. Tahimik lang din naman sila Sky at Charli. Si Cheska na walang pakielam sa paligid habang si Dylan na abala sa pagbabasa.
Tumaas ang kilay ni Cheska. "Ano binabasa mo?"
"Just some informations about the four towns." sagot nito at sinarado ang libro.
Maaga kaming nagpaalam sa isa't isa. Si Sky ay dumiretso sa Training Room dahil marami daw pinapagawa sa kanya si Ms. Jade. Si Charli naman ay gusto na magpahinga dahil pakiramdam niya ay kulang daw siya sa tulog.
Nasa labas na kami ng Main Building nang makita ko si Ethan na kausap si Stacy sa dulo. May mga malalaking puno kaya hindi sila pansin Ako lang yata ang nakapansin. Sinubukan kong tingnan si Charli at abangan kung nakikita niya rin ba sila Stacy pero nagdiretso lang ito sa paglalakad.
"Huy, Elysse." tawag ni Charli
Nagkibit balikat ako at hindi na sila pinansin. Bago pa man ako pumasok sa Building ay naabutan kong tumingin sa akin si Ethan.
Pagkatapos kong maglinis ng kwarto at sinubukan ko na pumikit. Kahit anong pwesto ko ay hindi ako mapakali. Tumagilid ako para makita ang mukha ni Charli na mahimbing natutulog. I was about to close my eyes when I heard someone, knocking the door.
Sinuot ko ang salamin ko bago sumilip sa orasan. It was 12:27am. Tulog na dapat kami pero bakit naman may kakatok ng ganitong oras?
Binuksan ko ang pinto. Isang babaeng nakauniporme ang nakatayo sa harapan ko. Nakayuko ito at pinaglalaruan ang mga daliri.
"Pinapatawag ka ni.. Ethan sa Training Room." aniya at agad akong tinalikuran.
"Ha? Wait-"
Kumunot ang noo ko nang nagmadali itong lumabas. Tiningnan ko muli si Charli na tahimik na natutulog. Kumuha ako ng jacket bago lumabas. Bakit naman magpapatawag si Ethan ng ganitong oras?
Madilim at tahimik na sa labas ng building. Ang tanging ilaw na lang ay sa entrance door ng Main Building. Pagpasok ko ay walang bakas ng mga estudyante. Tahimik akong dumiretso sa Training Room.
First time ko makapasok sa kwarto at isa itong malaking katanungan sa akin, kung ano ang nasa loob. Hindi na ako nagtaka nang mabuksan ko ang pintuan. Madilim ang kwarto.
Napatalon ako sa gulat nang malakas na sumara ang pinto.
"I didn't expect na pupunta ka." boses ng babae.
"W-Who are you?"
Ramdam ko ang pagbibilis tibok ng puso ko. Pakiramdam ko mali ang naging desisyon na pumunta ako dito dahil unang una sa lahat, wala akong schedule na natatandaan sa Training.
"Oh, I see. Someone's scared." aniya.
Naramdaman ko ang hininga nito sa likod ko. Agad akong umtras kahit wala akong nakikita sa paligid. Sinubukan kong abutin ang pinto pero nakalock ito.
"Bakit kaya nakapasok sa Seven High ang isang tulad mong walang alam?" Naramdaman kong lumayo ito sa akin.
"You're the one who controlled Air. But it seems that, you don't know how to handle it."
"O baka naman gawa gawa mo lang 'yan?" she laughed.
Ngumisi ako. She can't even reveal her damn face.
"Sino sa atin ang takot?"
Muli ko sanang bubuksan ang pinto nang may tumamang matigas na bagay sa binti ko. Napasigaw ako sa sakit. Naramdaman kong bumagsak ang katawan ko sa sahig. My damn legs!
Sinubukan kong tumayo at hawakan ang paligid pero wala akong makita. Ilang beses akong nagsisigaw pero mukhang walang nakakarinig sa akin. Naramdam ko muli ang pagtama ng isang bagay sa likuran ko na nagdulot ng pagsuka ko ng dugo. Fvck!
I tried to control my abilities. My hands were shaking. My vision is getting blurry. Pakiramdam ko nagsasayaw ang paligid ko.
"Shit! I told you na hindi siya sasakyan!" familiar na boses ang narinig ko sa gilid.
Narinig ko ang pagbagsak ng tunog bakal at ang pagmamadali nilang makaalis sa kwarto. Sinubukan kong hawakan ang paa ng isa sa kanila.
"S-Shit." at agad siyang umalis.
Hinahabol ko ang hangin. Pawis na pawis ako at ramdam ko ang pamimilipit sa sakit sa binti ko.
"F-Fvck. Someone help me.."
Bago ko pa man mapikit ang mata ko. Narinig ko ang ilang mga boses na pamilyar sa akin. Bumukas ang ilaw at huli kong nakita ang mukha ni Ethan.
"Fvck!" he cursed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top