Chapter 8: Nice lips
"Good morning, sleepyhead!" bati ni Charli habang hawak ang tray na may laman na cookies.
Kumirot ang ulo ko. Inabot ako ng madaling araw kakaisip sa sinabi ni Cheska. Nahirapan ako makatulog. Am I really deserving that spot? Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko nang sinabi niya iyon sa akin.
Umupo si Charli sa higaan ko. Inabot sa akin ang tray.
"Gawa mo?" I smiled.
Ngumiti siya at excited na kainin ko ang gawa niya. Kumuha ako at kumain. Pinagmasdan ako ni Charli habang kinakain ito. It tastes good!
"Not bad. Saan mo naman natutunan 'to?" I raised my brow.
Umakto siyang nasaktan sa sinabi ko. "Grabe ha! Anong akala mo sa'kin? Hindi marunong?" Umirap siya.
Humalakhak ako. Inubos ko ang gawa niya para hindi ito magtampo sa akin. Ako na rin nagligpit sa kusina bago maghanda para pumasok.
Nagkanda ugaga ako sa pag ayos sa sarili ko. Pakiramdam ko panibagong araw ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Charli na kabilang ako sa Seven High. May alam na kaya siyang kasama ako?
"Easy, girl." ani Charli habang pinapanood ako magmadali sa pagsuklay.
Hilaw akong ngumiti sa kanya bago nilapag ang suklay. Hindi ko alam kung paano ang basehan sa Seven High. Dapat ba akong mag ayos ng sarili para magustuhan ng lahat? What if? Argh! Hindi ko na yata kilala sarili ko.
"Nga pala, nag groupings kami nung wala ka. Exempted ka naman daw kaya walang problema."
Sumulyap ako sa kanya bago pinagpatuloy ang paglalakad.
"Anong pinag aralan niyo?"
Suminghap siya. "Some weird stuff like plants."
Ngumiti ako. Alam kong hindi interesado sa ganito si Charli. Wala siyang kaalam alam sa mga halaman at wala rin naman daw siyang balak aralin 'yon. Hindi naman daw siya katulad ni Sky na adik sa mga halaman. Kulang na lang daw tubuan ito ng ugat sa paa para maging puno, aniya.
"Naiimagine ko ang itsura mo non." I laughed.
Humalakhak ako at tinakbuhan ko siya papunta sa room. Saktong pagkaliko ko ay may matigas na bagay ang tumama sa akin.
"Elysse!"
"Oops! My bad." ani Jackson at nagpeace sign sa akin.
Tumilapon sa akin ang mga libro na hawak niya. Hindi naman daw niya sinasadya dahil marami itong bitbit. Tinulungan ako ni Charli tumayo. Ramdam ko ang pananakit ng likod ko.
Nalaglag ang panga ko nang hindi ito nag abot ng kamay sa akin. Bumulong pa ito na baka malagot siya sa mga librong tumapon sa akin.
"Geez, lagot ako nito." bulong nito.
Inis akong tumayo at binitawan ang kamay ni Charli. Anong lagot? Sa'kin ka malalagot!
"What took you so long?"
Naiwan sa ere ang kamay ko na dapat ihahampas kay Jack na nagliligpit ng gamit. Kinurot ako ni Charli at hinatak sa gilid.
Sumulyap sa akin si Jack. "Eto kasi.."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kasalanan ko pa na humarang siya sa dadaanan ko?
Walang ekspresyon na nakatingin sa akin si Ethan. He sighed heavily. Kinuha ang libro na malapit sa paa ko. Parang may sariling utak ang mga paa ko at agad na umatras.
"Take these books to Library." aniya
Tumango si Jack at agad na sumaludo.
"With Ms. Walter," dagdag niya.
Nalaglag ang panga ko. Umalis ito na parang walang nangyari. Naiwan kami ni Charli na gulat sa nangyari.
"With Ms. Walter daw," Ulit ni Jack at inabot ang ilang mga libro.
Tumawa ito. Umirap ako at tinanggap ang ang libro. Pasalamat siya at siya ang leader ng Seven High. Umirap muli ako sa kawalan bago sinundan si Jackson.
"Takbo pa more," pangangasar ni Charli.
"Kung tinulungan mo na lang ako baka matuwa pa ako."
Lumayo ito sa akin at itinaas ang kamay.
"Jackson and Ms. Walter daw" ulit niya na may halong pangangasar.
Inirapan ko si Jackson pagkatapos ibaba ang mga libro sa Library. Nakasunod lang sa amin si Charli.
"Late na tayo," ani Charli.
Agad akong nagmadali at hinatak si Charli. Hindi kami pwedeng mahuli dahil si Sir Henry ang magtuturo sa amin ngayon.
"Thanks, Ms. Walter!" ani Jackson at kumaway sa akin.
"Whatever, Jackson." Irap ko bago tinalikuran.
Pagkatapos ng klase namin ay nagyaya si Sky na kumain sa Dining Hall. Nakakapagtaka lang dahil excited ito. Minadali niya kaming paglipitin ng gamit bago umalis.
"What's happening?" tanong ni Charli na hindi pinansin ni Sky.
Nagpahatak lang kami kay Sky hanggang sa makarating kami. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin. Pati ang may mga sariling mundo ay nakatitig na sa amin.
"Hi! Sorry we're late. Tagal kasi ng dalawa." ani Sky at nilapag ang bag sa mesa.
Ngayon ko lang napansin ang apat na nakaupo sa mesa. Nakangisi sa akin si Jackson. Katabi nito si Cheska at Ethan na may seryosong pinag uusapan. Si Dylan na nag angat ng tingin sa amin.
"Ano meron?" tanong ni Charli at tumabi kay Sky.
Tumango si Ethan at nag angat rin ng tingin sa akin. Ako na lang nakatayo at hindi ko alam kung kanino ako tatabi. Maluwag sa kanan ni Ethan at puno naman sa kabilang pwesto kila Charli. Naglakad ako sa tabi nila Sky.
"Hahatakin ko pa ba ang upuan para sa'yo Ms. Walter?" Tumaas ang kilay nito.
Nahinto sa pagsasalita si Cheska at nilingon ako. Kinagat ko ang labi ko bago naisipang tumabi sa kanya. Walang nagbalak magsalita sa amin bukod kay Jackson na kinukulit si Dylan sa gilid. Sumenyas si Dylan na tumahimik ito.
"Now, this is awkward." ani Sky
"Yes.." pagsang ayon ni Charli.
Tumikhim si Ethan. "Ako na."
Umangat ang kilay ko. Para saan?
Binalik ni Jackson ang wallet sa bulsa niya. "Yun oh! Libre ni Ethan."
"Buraot as always." Umirap si Cheska.
"Ouch, Danielle. Parang hindi kaibigan." Umakto itong nasasaktan habang hawak ang dibdib nito.
Hinawi nito ang mahaba niyang buhok. "Who told you?" maarte nitong sinabi.
"What's your order?" aniya at nanatiling nakatayo sa gilid ko.
"Drinks lang, E." ani Cheska at inabot ang pera.
Hindi ito pinansin ni Ethan. Lumingon siya kila Sky at Charli na tahimik sa gilid. Pakiramdam ko ang awkward ng paligid at walang nagtatangka magsalita sa amin.
"Anything na lang, Ethan." nahihiyang sabi nila.
Suminghap si Dylan at tumayo rin. "I'll go with you."
Hindi na umangal si Ethan. Nilingon ako ni Dylan bago sumunod kay Ethan. Nabunutan ako ng tinik nang hindi ako tanungin.
"Uhm, order na kita, Elysse?" pagpresenta ni Charli.
Umiling ako. "Wag na, ako na." matabang kong sinabi bago tumayo.
Saktong pagtayo ko, ang paglapag ng mga pagkain sa mesa.
Nag angat ng kilay ito sa akin. "Where are you going Ms. Walter?"
Umirap ako. "To order."
"No need. Kumpleto na para sa lahat ito." ani Dylan at inunahan na si Ethan maglapag ng pagkain sa harapan ko.
Pinanood ni Ethan gawin iyon ni Dylan. Huminga ako nang malalim at tinanggap iyon.
"T-Thanks."
Bumalik sa pwesto si Dylan. "Yeah, thanks to him." aniya
Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nila tungkol sa isang mission. Nagpapalitan sila ng mga opinyon at usapan habang ako ay inuubos ang sandamakmak na pagkain. Pinigilan ko ang sarili ko magtanong at piniling manahimik sa gilid.
"Good idea. Any suggestions, Ms. Walter?"
Nagbara ang pagkain sa lalamunan ko. Agad akong nataranta at inabot ni Charli sa akin ang tubig.
"You're not ready." aniya.
Pinunasan ko ang labi ko. "I think, it's a good idea. That's all." simple kong sagot.
Hindi ito kumibo. Lumingon siya kay Dylan at may seryosong pinag usapan. Sumenyas si Charli sa labi ko.
"What?" bulong ko.
Naagaw ni Charli ang atensyon ni Ethan. Lumingon ito sa amin bago binalik ang tingin kay Dylan. Tinikom ni Charli ang bibig niya at kinausap na lang si Sky.
"That's what I'm talking about." Aniya.
"Hi, guys! What's happening here? Am I late?" Tumawa ito.
Sabay kaming lumingon lahat kay Stacy na nakangiti. Nakipagbeso ito kay Cheska na walang ekspresyon at pinapanood lang si Stacy. Nahinto sa usapan ang dalawa at nag angat ng tingin dito. Walang nagsalita sa amin bukod kay Jackson na binati pa si Stacy.
"O, Stacy. What's up?" ani Jackson.
Tumawa si Stacy. "I'm good as usual. How about you guys? And.." nalipat ang tingin nito kay Ethan na walang ekspresyon.
"Ethan, I've missed you.." malambing nito sinabi.
Umasim ang mukha ni Sky habang si Charli na nagpipigil ng tawa. Si Dylan naman at tahimik na nanonood sa kanila habang si Cheska ay tamad na tinatapik ang mesa. Napakamot lang sa ulo si Jackson.
Walang nagtangka magsalita sa amin. Tumikhim si Stacy at nalipat ang tingin sa akin na katabi ni Ethan.
Ngumiti ito. "I'm quite busy kaya napadaan ako dito. Anyway, namiss ko kayong lahat."
"What are you doing here?"
Tumahimik kaming lahat nang magsalita si Ethan. Nag angat ng tingin si Ethan kay Stacy na hilaw na nakangiti sa kanya.
"Uhm, I'm just asking. Masama ba?" she laughed.
Tumayo si Ethan at tinalikuran ito.
"Bukas na lang ulit tayo mag usap."
Hinawi ni Stacy ang buhok niya. "S-Sure! My pleasure."
"Not you. I'm talking to Ms. Walter."
Lumingon ito sa akin at nag angat ng kilay. Hinihintay ang sagot ko.
"S-Sure, Ethan." sagot ko.
Tumango ito bago kaming tinalikuran lahat. Bago pa man ito makalayo sa amin ay huminto ito sa paglalakad.
"Nice lips, Ms. Walter." aniya
Nalaglag ang panga ko. Matalim akong tinitigan ni Stacy bago padabog na umalis. Humalakhak si Charli at kinuha ang tissue.
"I told you, may dumi ka sa labi." aniya at pinunasan ang labi ko.
Napatulala ako. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa at maglaho dito. Pakiramdam ko abot langit ang hiya ko dahil marami ang nakarinig ng sinabi niya at mas lalong marami ang nakatingin sa amin. Bakit hindi agad sinabi sa akin ni Charli?
♡
WARNING: Hi! You might encounter some grammatical errors or typos. Hope y'all understand. See you on my next one!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top