Chapter 7: Seven High
"So?"
"Sabi niya magkita kami sa Building 1." Pagkwento ni Jack.
Tumawa ako. Ako lang nakakaalam sa sikreto ni Jack na may babaeng sinusuyo ito. Kung sino man siya, maswerte siya dahil duwag at takot ang isang 'to. Takot ata mahuli sa usapan.
Umangat ang kilay ko. "Hindi ba bawal kayo don?"
He chuckled. "Well.."
"Sige na! Basta balik ka dito bago ka mahuli ni Cheska." tawa ko.
Tumango siya. "Babalik ako," aniya.
Mabilis siyang naglaho sa paningin ko. Nilibot ko ang paningin ko. Napakaraming tao at mga estudyanteng nagsasayawan.
May humarang sa harapan ko. "Can I dance with you?"
Isang lalaki ang nakalahad ng kamay sa akin. Kinakabahan itong tumingin sa akin na para bang isa akong mamahalin na gamit. Aabutin ko sana ang kamay nito nang may naunang kumuha nito.
"Ako na lang," ani Cheska at hinawakan ang kamay ng lalaki.
"And oh, cheers." Inabot niya sa akin ang isang baso.
Napakamot sa ulo ang lalaki bago sila pumunta sa gitna at sumayaw. Tumawa ako sa naging itsura ng lalaki dahil mukhang bigo ito. Si Cheska naman ang kasayawan niya kaya dapat maging grateful siya!
"Hindi ko naenjoy," reklamo ni Charli at tumabi sa akin.
Tinanggal niya ang kanyang heels bago nilapag ito sa gilid. Napansin ko ang pamumula ng paa nito.
"Same." ani Sky at tumabi sa kabilang gilid.
"Saan ba kayo galing?"
"Kinausap ang mga bisita na galing sa ibang bayan. 'Yung iba pa nga masungit, 'kala mo naman kung sino." ani Charli.
Humalakhak si Sky. Tinuro niya ang baso na inabot sa akin kanina ni Cheska. "Ayaw mo?"
Umiling ako. Agad kong nilagok ang baso kanina. Umasim ang mukha ko nang malasahan ko ito.
"Ganito ba talaga lasa nito?"
Tumawa si Charli. "Hindi naman ah? Baka first time mo."
Tumango ako. Pakiramdam ko naiinitan ako kahit nakafully air-conditioned naman ang Hall. Niyaya kong sumayaw sila Sky at Charli dahil kanina pa naman ako nakaupo.
"Sexy," ani Sky at sumayaw sa harapan ko.
Tumawa kami nang sumayaw si Charli. Muntik pa ako matumba kaya napakapit ako sa balikat ng lalaki. Lumingon ito sa akin at ngumiti.
"Ayos ka lang?" he smiled.
Pilit kong tiningnan ang itsura nito. Pakiramdam ko sumasayaw rin ang paligid kaya nahirapan ako kilalanin ito.
"I'm sorry, I'm sorry." pag ulit ko, habang pinipilit ko tumayo nang maayos.
"Elysse?" rinig kong sigaw ni Charli.
"Shit." a man said.
Bago pa man ako bumagsak ay nakita kong nagmadali si Ethan na saluhin ako. Katabi nito si Cheska at Charli na nag aalala sa akin. Si Sky naman ay umiiyak sa gilid.
"Keep your eyes open. Now!" utos ni Ethan sa akin ngunit ngumiti na lang ako bago pumikit.
Isang linggo ako hindi pumasok simula nung nangyari ang party. Araw araw naman bumibisita si Sky para ituro sa akin ang mga pinag aralan nila. Si Charli naman ay maaga umuuwi para lang bantayan ako. Minsan na rin dumalaw si Cheska sa dorm kasama si Jack na panay ang sorry sa akin.
"Fvck. I told her na hindi kami pwede magkita. Pero siya itong hindi sumulpot sa building." ani Jack.
Tumaas ang kilay ko. "Hindi kayo nagkita?"
Pinanood lang kami ni Charli habang nag uusap kami ni Jack sa kusina. Umiling ito sa akin at halos sabunutan ang sarili.
"Hindi. Nakipag break ako kanina." inis niyang sinabi.
"Why?"
"Because I need to. Halos isumpa ako ni Ethan dahil hindi ko ginawa ang utos niya. Nagalit rin sa akin si Cheska. Dylan's cool." aniya
Ito ang huling pag uusap namin ni Jack. Hindi na rin bumisita sila Cheska dahil tumanggi na ako. Tumawag na rin sina Mom kagabi at kinamusta ako sa nangyari. Inaayos na rin ng advisers ang nangyari sa party at kung bakit ako nahimatay sa kalagitnaan.
Umirap ako nang tanungin muli ako ni Charli. "Wala akong matandaan bukod sa sumayaw tayo."
Tumili siya. "How about Jack?"
I shrugged. "We're cool."
Tumaas ang kilay niya. "And?"
"And we're friends." sagot ko.
Umirap siya. "Hindi 'yan! Dapat, and we love each other ganon!" angal niya.
I sighed heavily. Ang aga yata mang inis ni Charli. "He told me about her girlfriend."
Hindi ko maintindihan ang gustong iparating ni Charli. Jack is already taken. Hindi rin naman ako interesado sa kanya at ganon rin siya sa akin. Pinagkatiwalaan niya lang talaga ako kaya niya nasabi ang tungkol sa lovelife niya.
"May girlfriend siya?"
Tumango ako. Sumilip ako sa salamin bago inayos ang necktie. Bilin sa akin ng advisers ay maaari na akong pumasok kung kelan ko gusto. Ayoko rin naman magtagal sa dorm dahil pakiramdam ko mas lalo lang ako hindi matatahimik.
"Baka naman kasi nag iinarte lang," komento ni Stacy.
Padabog na ibinaba ni Charli ang kanyang bag bago hinarap si Stacy.
"Ano bang problema mo?"
Tumaas ang kilay nito. "What? I didn't do anything."
Kinuha ko ang gamit ko bago hinatak ang braso ni Charli. Ayoko rin naman na gumawa ng eksena at marami ang estudyanteng nanonood sa amin. Inis na sumunod sa akin si Charli.
"Dapat hindi mo hinahayaan 'yon. Namumuro na sa'kin 'yung babaeng 'yon." aniya
Tumawa ako bago siya niyayang kumain. Saglit lang nagturo si Sir Henry dahil may aasikasuhin pa raw itong bagay. Saktong paglabas namin ay nakasandal sa pintuan si Ethan.
"How cute," pangangasar ko kay Charli.
Lumingon si Charli. "Ethan? Sino pala hinihintay mo?"
"Oh, Ethan! What are you doing here?" maarteng sabi ni Stacy at nilapitan si Ethan.
Nagkibit balikat ako. "Tara na, Charli."
Hindi pa kami nakakalayo nang may humatak sa kabilang kamay ko. Lumingon ako at pinagmasdan ang kamay nitong nakahawak sa braso ko. Agad din niyang binawi iyon.
"Ms. Walter, let's talk." aniya at tinalikuran na kami.
Nagkibit balikat si Charli at nginuso si Ethan na naglalakad palayo.
Huminto ito sa paglalakad. "Are you going or not?"
Nagmadali akong sumunod dito. Naabutan ko si Stacy na matalim na nakatingin sa akin. Humalakhak si Charli bago kumaway sa akin.
Naunang lumiko si Ethan. Habang papalapit ako, narinig ko ang familiar na boses sa may locker room.
"Ako na," ani Cheska.
"Besides, marami pa kaming pag uusapan."
Parang robot na tumango si Ethan at nilingon ako. Walang emosyon itong nakatingin sa akin bago nagpaalam kay Cheska.
Lumingon sa akin ito bago hinarap si Cheska. "Take care."
Nanlamig ako sa paraan na paano siya makitungo kay Cheska. Sila ba? Ngayon ko lang siya nakita na sumunod ito sa babae. Kadalasan, siya ang nagpapaiyak sa mga babae dito sa MA na parang walang halaga sa kanya.
"Library." aniya.
Tahimik lang ako habang sinusundan si Cheska. Nakahigh ponytail ito at sumasabay sa alon ang kanyang mahabang itim na buhok. Suot nito ang paborito niyang shade lipstick. Lumiko kami sa Library at tahimik na pumasok.
"So, saan ba ako magsisimula?"
"First of all, Let me introduce myself to you. I'm Cheska Cortez from Seven High. For sure, may idea ka na tungkol dito." tamad nitong tinapik ang mesa.
Tumango ako. Familiar sa amin ang Seven High. Kahit sina Sky at Charli ay madalas ito ang usapan nila. Posibleng may alam sila o parte sila ng grupo.
"We're only seven but unfortunately, we're incomplete. Nagback off ang isa sa amin dahil may sakit."
"I won't tell. Importante na malaman mo kung sino ang anim na ito." umirap siya.
"Ethan, Dylan, Jack, Charli and Sky are part of the team, including me. So, basically we're running out of member. Kailangan namin ng isa para mabuo ulit ang Seven High."
Tumaas ang kilay ko. "And?"
"And ikaw ang napili namin."
♡
WARNING: Hi! You might encounter some grammatical errors or typos. Hope y'all understand. See you on my next one!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top