Chapter 6: Frame
Kanina pa nagtatalo sila Charli at Sky kung kaninong bahay kami pupunta. Binigyan kami ng 2 days preparation at wala rin klase. Hindi ko nga alam kung saan ako magpapaayos. Should I call my Mom?
"Ganito na lang, sa amin na lang tayo mag ayos, okay? besides nakahanda na ang mga hairstylist at makeup." ani Sky
"Wala pa akong naiisip na susuotin," reklamo ni Charli.
Sumubo lang ako ng pagkain habang pinagmamasdan silang magtalo sa mga bagay bagay. I don't have any idea about cosmetics. Kung pwede lang umattend na walang ayos, okay na sa akin.
"O, Elysse. Ikaw ba? Ano plano mo sa buhay?" tawa ni Charli.
"I want to call my Mom."
Nagkibit balikat lang ito at hinugasan ang mga plato. Ilang oras na kami nakatambay sa dorm. Nauubusan na rin kami ng oras dahil wala kaming maisip kung ano ang pwedeng suotin.
"Formal party naman 'di ba?" tanong ni Sky.
Tumango ako. Nahinto lang sa usapan ang dalawa nang may kumatok sa kwarto. Pinagbuksan ko ito at bumungad si Ms. Holly na nakangiti sa amin.
"Good morning, girls." aniya
Agad na bumangon si Sky sa higaan at pormal na tumango. Nagpunas naman ng kamay si Charli at tumabi sa amin. Nakahilera kaming tatlo habang nakangiti sa amin si Ms. Holly.
"Your Mom called. Pinapasabi na ang susuotin mo ay nasa Office Room na. Pwede mo na kunin." ngumiti ito sa akin.
Mabilis akong tumango at excited na tingnan ang gown. Agad na umangal si Charli kasi wala pa raw siya susuotin.
Mabilis rin nagpaalam si Ms.Holly dahil inaasikaso pa raw nila ang party at venue. Maaga rin kami natulog para pumunta sa bahay nila Sky.
"Aga naman masyado," reklamo ni Charli habang nakasuot pa ito ng jacket.
"Bukas na kasi! Saka wala ka pang susuotin 'di ba? Nagpabook na ako at may gown ka na. Thanks to me," ani Sky.
Nanlaki ang mata ni Charli at agad na niyakap si Sky. Tumawa ako.
"O, tara na!" aniya.
Sinundo kami ng driver ni Sky. Maghigpit kasing ipinagbabawal ang paglabas pasok sa MA kung wala kang driver or taga sundo. Hindi rin naman kakayanin kung lalakarin mo palabas dahil masyadong malayo at tago ang paaralan. Pinilit kong gumising buong byahe pero hindi ko naman inaasahan na malayo pala. Kinalabit na lang ni Charli nang huminto ang sasakyan.
Malawak at malaki ang lupain nila Sky. Mansion ito at napapaligiran ng mga halaman at may falls sa dulo. May mga ibon na nagliliparan at mga paru paro.
"Mahilig kasi kami sa mga halaman that's why," ani Sky at sinundan namin pumasok.
Normal na pumasok lang si Charli. Parang sanay na makakita ng ganitong lugar. Malaki naman ang bahay namin pero hindi ganito kalawak at katahimik. Bumungad sa amin ang mga vase sa mansion at ang malaking frame sa gitna ng hagdanan.
"And my lola," ani Sky.
Umakyat kami sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Sky. Pinagsamang pink at white ang kulay ng kanyang kwarto. May mga bulaklak din at disenyo. Kinuha ko ang frame kung nasaan ang batang Sky ay nakangiti habang may putik putik sa mga paa.
"Cute." bulong ko.
Kumunot ang noo ko nang mapansin ang familiar na lugar kung nasaan ang batang Sky ay nakangiti sa litrato.
"Probinsya,"
Kinuha sa akin ni Sky ang frame at binalik sa ayos. Ngumiti siya sa akin.
"Favorite place," aniya.
"Nasaan na ang gown ko?" ani Charli at hindi mapakali sa kanyang pwesto.
"Nagmamadali?" tawa ni Sky, pumunta siya sa isang sulok at kinuha ang cocktail gown na kulay pula.
"Bagay 'di ba?"
Ngumiti si Charli at nagpasalamat kay Sky. Lumingon sa akin ang dalawa.
"Kinuha mo na ba 'yung iyo?" tanong ni Charli habang pinagmamasdan ang gown.
Umiling ako. "Mamaya siguro."
Tumawa si Sky. "Too late. Pinadala na ni Ms. Holly sa dressing room ko."
Excited na pumunta kami sa Dressing Room kung nasaan ang susuotin namin ni Sky. Inabot sa akin ang nakabalot na damit.
Black fitted long gown na may hati sa binti ang akin. Ngumiti ako at sinukat. Alam talaga ni Mom ang mga gusto kong type of gowns.
"Ang sexy 'te!" ani Charli at tinapik ang binti ko.
Tumawa si Sky at pinaikot ako para tingnan ang likod. Kita rin ang likod ko at masyadong showy. Kampante ako dahil wala naman akong dapat ikahiya sa katawan ko.
Lumipas ang gabi at abala ang dalawa sa paghahanda ng mga susuotin. Kumpleto na sa akin kaya tahimik ko na lang pinapanood ang dalawa.
"Sino una aayusan?" tanong ni Sky, nag angat ng kamay si Charli.
"Sige, ako na." ani Charli
Kinulot ang dulo ng buhok ni Charli. Hindi na rin pinakapal ang make up nito. Aniya, simple lang daw dahil hindi siya sanay. Pagkatapos ni Charli ay agad akong inayusan. Sabay na kami ni Sky dahil mauubusan ng oras at aabutin pa ng gabi. Call time ng party ay 6pm at dapat dumiretso muna kami sa Office Room para sa maikling pag uusapan.
Pinili kong naipa messy bun ang buhok ko. Nakahigh ponytail naman si Sky dahil sa extension sa buhok. Nagpakuha muna kami ng mga litrato bago napagpasya na sumakay sa sasakyan.
"Where's your parents pala?" I raised my brow.
"Busy, e. Nasa malayong lugar." ngiti niya.
Pinili kong hindi makatulog sa gitna ng byahe dahil sa layo. Maingay at excited si Charli dahil excited daw siyang sumayaw at sa pagkain. Tumawa kami ni Sky.
Walang tao sa hallway kaya posibleng nasa venue na sila sa Hall. Nagmadali kaming tatlo na pumunta sa Building 3. Saktong pagbukas namin at nakaupo na silang lahat sa mahabang mesa.
Ngumisi sa amin si Jack. Sinulyapan lang kami ni Cheska na nakacocktail gown katulad ni Charli. Nag angat ng tingin sa amin si Dylan bago binalik ang tingin kay Cheska na seryosong nagkukwento. Nakaayos na silang lahat habang hinihintay kami.
"Late na ba kami?" ani Charli at umupo.
"Kinda," ani Cheska at umirap.
"Kumpleto na ba lahat?" ani Sir Henry at naglakad sa mesa. Kasunod nito ang tatlong advisers na mukhang handa na rin sa party.
"Mr.Vasquez na lang," ani Sir Raven at inayos ang suot na salamin.
"Probably nasa cctv room na siya." ani Ms. Jade.
Tumango si Sir Raven at hinarap kami. "Stay together. Open for all ang party. May mga bisita tayo sa labas ng MA."
Tumango kaming lahat. "It means?"
"May mga hindi tayong imbitado na kasali." aniya
Kasabay ko sa paglalakad si Jack. Nahiwalay sa amin sila Charli dahil sa entrance way sila nakapwesto. Si Cheska naman ay bahala sa mga bisita habang si Dylan ay kausap ang mga may matataas na pwesto na dumalo sa party.
"Do I look gwapo?"
Umangat ang kilay ko at hindi siya pinansin. Naalala ko ang ginawa ko sa kanya. Naging tahimik ako sa nangyari sa amin. Hindi ako makapaniwala na nailabas ko ang kakayahan ko. Pakiramdam ko may kulang pa. Hindi ko pa nalalabas lahat.
Naabutan ko si Stacy na matalim ang tingin sa akin.
"Stay here. Kuha lang ako inumin." ani Jack at nagmadaling umalis.
Umupo ako sa gilid. Kumaway sa akin si Charli na nasa entrance. Wala na sa tabi niya si Sky. Sumenyas akong pumunta siya dito pero umiling ito.
"Where's Jack?" tanong ni Cheska.
Nagkibit balikat ako. "Kuha lang daw ng inumin."
"Fvckers. Puro babae na naman ang inatupag," aniya at naglakad paalis.
Naabutan kong nag angat ng tingin sa akin si Dylan sa malayo. Naglakad ito palapit sa akin.
"Alone?" he raised his brow.
Magsasalita sana siya nang umalingawngaw ang boses sa unahan. Bumati si Ms. Holly sa mga dumalo ganun rin si Ms. Jade. Ang dalawang advisers ay may kausap na matandang babae.
"Enjoy the party," huling sinabi ni Ms. Holly bago ibinaba ang mic.
Hindi nagpaalam si Dylan at agad na umalis sa tabi ko. Naabutan ko si Jack na nakangising lumapit sa akin. Inabot niya ang baso.
"So many pretty girls. But only I'm interested to you," tawa niya.
Natahimik ako. Hindi ko alam kung biro o ano ang sinasabi niya dahil nakangisi ito sa akin.
"Too good to lie." Umirap ako.
"Magka ugali talaga kayo ni Cheska," Napakamot siya sa ulo.
"Well, you're gorgeous and sexy pero bakit walang lumalapit sa'yo dito?" ngumisi ulit siya.
Natahimik ako sa sinabi niya. Nilibot ko ang paningin ko at napansin na halos lahat ng mga lalaki ay nakatingin sa akin.
"Is it bad?"
Tumawa siya. "Well, he is."
♡
WARNING: Hi! You might encounter some grammatical errors or typos. Hope y'all understand. See you on my next one!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top