Chapter 5: Meeting

Tahimik akong naglalakad sa hallway kasabay si Charli. Sa sobrang layo ng iniisip ko, hindi ko napansin ang mga tingin ng iba sa akin.

"Layo na ata narating ng iniisip mo. Care to share?"

Ngumiti ako. "Wala, iniisip ko lang paano ko malalabas ang kakayahan ko."

She raised her brow. "Hindi naman minamadali 'yan, kusa iyan lalabas."

Dumiretso na kami sa klase at nagpaliwanag saglit si Ms. Jade bago kami hatiin sa tig dalawang pares. Kumaway sa akin si Charli na kapartner niya si Sky. Tinuro ni Ms. Holly ang magiging kapartner ko.

"Ms. Stacy Dizon and Ms. Elysse Walter."

Taas baba akong pinagmasdan ni Stacy bago ako tinalikuran at pinuntahan sa naka assign na pwesto sa amin. Nagkibit balikat lang ako bago sumunod.

"Tell me what's your idea about these elemental powers." bungad niya.

May mga puzzles kaming bubuohin para makuha ang isang litrato ng Elemental Powers. May binigay na oras sa amin para gawin iyon.

"O, I forgot. Wala ka nga pa lang alam tungkol sa mga kapangyarihan." sarkastiko siyang tumawa.


Tumikhim ako at hindi pinansin ang sinabi niya. Kinuha ko nga mga putol putol na litrato bago sinubukan buohin ito. I literally have no idea kung anong klaseng elemental ito.

"Stop wasting our time kung hindi mo alam, you can go to Ms. Holly. I can do this alone." irap niya.

Umiling ako bago siya tinulungan. Bigla pumasok sa isip ko ang salitang rare at powerful. Agad kong hinanap ang ilang litrato bago sinubukan itong idikit.

"One of the strongest elements.." bulong ko habang hinahanap ang ibang litrato.

"What?"

Kinuha ko ang isang litrato at sumakto ito. Agad akong nagkaroon ng idea.

"You know what? 'Wag kana magpanggap--"

Kinuha ko ang huling litrato. "There you are."

"Air," ani Stacy at kinuha ang nabuo kong litrato.


"Ms. Holly, we're done!" Agad niyang inabot ang litrato.

Lumingon sa akin si Ms. Holly bago pinagmasdan ang nabuo namin. "Good, but I will give credits to Ms. Walter." aniya.

Nalaglag ang panga ni Stacy bago mariin na tumingin sa akin at nagmartsa pabalik sa kaniyang upuan.

"Nice strategy, Ms. Walter." ani Ms. Holly at nginitian ako.


Pagkatapos ng klase ay nagpaalam agad si Ms. Holly. Nagligpit na rin kami ng gamit bago nagpasya na kumain muna.

"Can't join. May urgent meeting ako sa Office Room." ani Charli.

"Me too," ani Sky.

Sabay silang tumingin sa akin. "I'm fine. Kaya ko naman kumain mag isa."

"Pero mainit ata ulo sa'yo ni Stacy. Kanina ka pa ata niya tinititigan."

Umiling ako bago ko sila pinilit na umalis na. "I can handle myself."

Tahimik akong kumakain mag isa. Hindi na rin natanggal ang tingin sa akin ng mga ibang estudyante. Ilan sa kanila ay nagbubulungan sa tungkol sa kumakalat na balita na wala akong kapangyarihan.

"Paano siya nakapasok sa Monarch kung wala naman pala siya kakayahan?"

"Baka kampon 'yan ng mga mangkukulam."

"O, baka naman ginamit ang kayamanan para makapasok sa MA."


Sinubukan kong ubusin ang pagkain ko kahit nawawalan na ako ng gana. Hindi natigil ang pagbubulungan nila lalo na't sinisimulan ni Stacy ang usapan.

"As you can see, isa siyang mahinang nilalang." ani Stacy at kumuha ng salamin.

"Tama, kung talagang may kapangyarihan--"

Tumili si Stacy pero hindi ko na ito pinansin. Mas pinili kong ubusin na lang ang pagkain bago tumayo. Nagulat na lamang ako na nagliyab ng apoy ang salamin niya. Agad niyang hinagis ito.

"Stop sticking your nose to others. It doesn't make you look stronger. Pathetic." aniya.

Tamad na sumulyap sa akin si Ethan bago humakbang palayo.

"Office Room." aniya bago umalis.

Nilingon ko si Stacy na matalim ang tingin sa akin. Nakita ko ang salamin niyang nasunog sa apoy.





"I told you kasama siya," ani Cheska, ang babaeng nakahigh ponytail palagi.

Nanlaki ang mata nila Charli at Sky nang makita ako. Niyaya agad nila akong tumabi sa kanila sa mahabang mesa.

"Sorry, hindi namin alam na kasama ka pala sa urgent meeting." ani Charli at hinawakan ang kamay ko.

Dumako ang tingin ko sa tatlong lalaki na nasa harap namin. Si Jackson na kinukulit si Dylan habang si Ethan na seryosong nakikinig sa advisers.

"What?" Iritadong tanong ni Dylan.

"Kasi dude, I saw Ethan kanina. Sinunog daw 'yung salamin ni Stacy." pagdaldal niya.

"Watch your mouth." ani Ethan.

Lumingon si Jack kay Ethan. "Peace be with you," aniya.

Tumaas ang kilay ni Cheska. "Bago ha? Ethan did that? For a new girl?" tawa niya.


"Stop." ani Ethan.


"What if I don't?" pangangasar nito.

"Then, I'll spill your crush." ani Ethan na nagpatahimik kay Cheska.

Siniko ako ni Charli, "Ayos ka lang ba? Usap usapan ka ngayon sa MA."

Tumango ako. "Ayos lang, ikaw ba?"

"I'm good. Hindi pa kami nagstart kasi  hinihintay ka namin." aniya

Tumikhim si Sir Henry bago nilabas ang lighter. "Next friday, we will have our Welcome Party for this year. Requested by the Head Admin of MA."

"I'm expecting you all to attend the party especially you, Ms.Walter."






WARNING: Hi! You might encounter some grammatical errors or typos. Hope y'all understand. See you on my next one!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top