Chapter 40: The Last Battle
"You fvckin' shit!"
Hindi ko na nakilala ang sarili ko habang nakangiting pinagmamasdan mahirapan ang matanda. I controlled him para patayin ang kaniyang sarili. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas na meron ako para gawin ito sa kaniya. Isa lang ang makakasiguro ako,
Kating kati akong pumatay ng tao.
"Baliw kana!" sigaw niya habang pinipigilan ang sariling kamay na isaksak ang patalim sa kaniyang sarili.
Lumapit ako dito at mariin na pinagmasdan ang mukha nito.
"Sino kaya ang mas baliw sa atin?"
Mas lalo akong tumawa nang makita ang takot sa mga mata nito. Alam kong gusto na niyang magmakaawa na hindi ko ituloy ang binabalak ko sa kaniya.
Umikot ako dito habang pinagmamasdan siyang pigilan ang kaniyang kamatayan.
"Bakit kasi hindi mo na ako pinatay noong hawak niyo pa ako? Masyado ka kasing pabebe eh." I laughed.
Tumawa ako nang tuluyan na niyang naisaksak ang kaniyang sarili. Hindi pa ako nakuntento, ilang beses ko itong pinasaksak sa kaniya hanggang sa mawalan siya ng buhay at naliligo sa sariling dugo.
Fair.
"Elysse!"
I froze.
Naramdaman ko ang isang yakap mula sa kaniya. I-I know he will be mad at me.
"Shh.. it's finally over." he whispered.
Tuluyan na nanghina ang binti ko sa bulong niya. Hindi ko na napigilan na lumuha habang pinagmamasdan ang ginawa ko sa isang matanda. Alam kong nadala lamang ako sa galit
"A-Are you mad?"
He chuckled. "No, I'm not."
Inalalayan na niya ako para makalapit sa mga kaibigan kong mukhang kakabangon lamang sa tulog.
"W-Where's Jackson?" tanong ko nang mapagtanto ko na wala siya sa paligid.
"Dinala na siya anak sa hospital. Alam kong maayos ang pakiramdam niya." Dad said.
I nodded. Hindi ko na naiproseso ang mga nangyayari nang yakapin ako ni Mom. Naramdaman ko ang marahan na hawak niya sa buhok ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti.
I did it, ate.
"A-Anak, wag mo na ulit gagawin 'yon." halos pumiyok ang boses ni Mom nang marinig ko ang sinabi niya.
"Omg, you're okay!" ani Cheska at agad na lumapit sa amin.
Umatras si Mom at tinabihan ito ni Dad. Nakangiti sila habang pinagmamasdan ako.
Tumawa ako nang maramdaman kong niyakap nila ako. Halos lahat sila ay nagsiksikan para lamang mahawakan o mayakap ako. Hindi rin nakatakas sa akin ang munting iyak ng mga babae kong kaibigan.
"Ang panget ng illusion ni Sky, dinala ako sa gubat. Hinabol tuloy ako ng mga asong ulol." ani Charli
Tumawa kaming lahat sa sinabi niya at kumalas sa yakap.
"Buti nga gubat lang sayo e, ako nga sa sementeryo." maarteng sabi ni Cheska. She rolled her eyes.
Nagulat ako nang maramdam ko ang kamay ni Ethan sa kamay ko. Hinigpitan niya ang pagkapit dito, ni hindi man lang pinansin ang tingin nila.
"What?" inosente niyang tanong.
"Whatever." ani Cheska.
"Let's go? Pumunta na tayo sa hospital dahil hinihintay na tayo ng mga guro niyo." ani Mom habang nakangiti sa akin.
Tumango naman kaming lahat at handa na para makalabas nang magsalita si Dad.
"Sasama sa akin si Ethan." maawtoridad nitong sabi habang nakatingin sa kamay namin.
Humalakhak ako nang makita ang reaksyon ni Ethan. Napakamot ito sa ulo at binitawan ang kamay ko.
Tinuro ko ang kwintas na nasa leeg niya.
"Keep it." bulong ko
He nodded. "I will."
-
Nang makalabas kami sa building ay halos matuwa ako dahil nakita ko muli ang mga kapwa estudyante namin na buhay pa at masayang kumaway sa amin at sinigaw ang
"Monarch Academy!"
Alam kong hindi naging madali sa amin ang malagasan ng mga estudyante pero sabi nga nila, ito ang senyales na inialay nila ang kanilang buhay para sa kapayapaan ng paaralang ito and i'll keep it forever.
Pumasok kami sa isang eskinita kung saan nanggaling ako dito kanina. Ngayon ko lang napagtanto na tago pala ang hospital ng Monarch.
Sumalubong sa amin sa labas ng pinto ang nakangiting si Cher Raven. This is my first time na makita ang ngiti niya. Nakakagaan ng loob.
Dumako ang tingin niya sa akin
"Thankyou." he said.
Tumango at nagpasalamat din dahil hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sa kanila. They are my guardians.
Si Cher Raven na ang nagbukas ng pinto at tumambad sa amin ang higaan na minsan ko na rin nasubukan. Tahimik ang paligid.
"Elysse!" ani Cher Holly at napatayo sa kaniyang upuan.
"Cher Holly." bati ko.
Umatras naman sila Cher Jade para makapasok kami sa kwarto. Tahimik ang loob at tila minamanman ang bawat isa.
Napako lamang ang tingin ko sa isang lalaking mapayapang natutulog sa kaniyang higaan.
"Jackson."
Lumapit kami dito at pinagmasdan lamang ang mukha niya.
"What happened to him?" Cheska asked.
"Amber tried to kill him pero hindi niya alam na sutil ang bata. Alam natin ang special abilities nito, speed. Mabilis siyang kumalas dito at nagpanggap na namatay. Hindi siya natamaan ni Amber." ani Cher Jade habang nakangiti sa amin.
"Pero mukhang naenjoy niya na magkunwaring patay dahil nakatulog siya mismo sa lapag." ani Cher Henry na hindi maiwasan na mapangiti sa sinabi nito.
"He's always like that." komento ni Dylan sa gilid.
Nakahinga ako nang maluwag ng marinig ko ang mga sinabi nila. Sapat na iyon sa akin dahil kahit papaano, walang nabawasan sa amin at patuloy pa din kaming lalaban nang kompleto.
"He's moving!" ani Cheska
Pinagmasdan namin ito hanggang sa gumalaw ang daliri nito at iminulat ang mata.
"Nasa langit naba ako?"
"Tanga! hindi ka kukunin ng langit!" ani Ethan habang humalakhak sa sinabi nito.
"Malamang, hindi talaga ako kukunin kung kasama kita." matabang na sagot ni Jackson.
Napailing nalang ako sa kanila at hindi maiwasan na mapangiti.
Dumako ang tingin sa akin ni Jackson at binigyan ako ng isang simpleng ngiti.
"You're okay!" manghang sabi niya
Tumawa naman ako at tumango. "I'm always okay." I answered.
"Good to know." he smirked.
Agad naman siyang binatukan ni Cheska.
"Ang himbing ng tulog mo sa lapag habang kami, halos mataranta sayo!" ani Cheska.
Napakamot naman ito sa ulo. "Sorry na bebe Che." aniya at niyakap si Cheska na ngayong pinipigilan ang sariling umiyak.
Tahimik akong lumabas nang kausapin ako ng apat na guro. Iniwan ko muna ang mga kaibigan ko at magulang ko sa loob ng kwarto.
"Thank you for saving our school." panimula ni Cher Raven
Umiling agad ako. Alam kong hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sa kanila.
"But still, thank you. Alam kong sa una pa lang, ay mapapabago mo na ang paaralang ito." aniya
Hinawakan naman ako sa balikat ni Cher Holly. "Napaka-tapang mong dalaga. Alam kong napalaki ka nang maayos nila Frias at Isaac." aniya
Tumango naman ako. "Salamat po."
"Alam kong nakarating na sa ating pinuno ang nangyaring pagsugod nila. Batid kong ipapabagsak nila ang Pioneer." ani Cher Henry na hawak na ang kaniyang yosi.
Tumango naman sila. "Yes, mabibigyan din ng hustisya ang iba." pagsang ayon ni Cher Jade.
Natahimik kami at pinagmamasdan ang bawat isa.
Nanlaki ang mata ko nang sabay sabay silang yumuko at nagbigay galang sa akin.
"We vowed our head to the one and only, Ms. Bryleigh Eloise A. Walter. For saving our school, Monarch Academy. We'll keep this forever and you will remain our living hero. May the peace will stay forever."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top