Chapter 4: Clueless

"Ramdam ko ang hiya ni Charli non." tawa ni Sky.

"Paano pa ako?" I rolled my eyes.

"Sino ba kasing may sabi na dalhin ka sa office room? Ikaw pa lang na estudyante ang nakatapak don." ani Sky at kumuha ng pagkain sa tray ko.

"Ako? How about you?" Umarko ang kilay ko.

"I mean, not in the Seven High." aniya.

Ilang beses ko na narinig ang Seven High pero sa pagkakataong ito, ngayon lang ako nacurious sa bagay na iyon. Sa pagkakaalam ko, ito ang  may mga matataas na pwesto sa MA pero posible kaya na kasama si Charli dito?

Bumalik kami sa klase dahil may mga lesson pang ituturo si Ms. Jade tungkol sa mga halaman. Tuwang tuwa si Sky dahil isa raw ito sa mga paborito niyang topic sa klase.

"Wound and the process of wound healing are the two most important concerns of human."

"Some commonly used herbs and medicinal plants used as wound healers. Remember, only professionals can only do this."

Pagkatapos magturo ni Ms. Jade ay kinausap niya sa labas si Sky.

"Argh! Hate ko talaga ang topic kapag plants and stuff." ani Charli at niligpit ang gamit.

"Because you don't know how to deal with it." ani Sky na kakabalik lang.

"Well, I'm not. Ayoko lang talaga saka wala naman akong kakayahan na gumamot sa mga sugatan." irap ni Charli.

Tumawa lang si Sky at niyaya akong lumabas. "You know how to heal people?" I asked.

"Kinda," aniya.

"She's still learning about it. Hindi rin naman madali aralin ang mga halaman 'di ba? I heard, kapag mali ang halaman na napili mo, pwede mong ikamatay dahil sa lason." ani Charli

Tumango si Sky. "Hindi rin madali aralin. Kailangan alamin mo kung ano ang dapat na halaman ang ipang gagamot mo."

Tumango ako. "I'm interested to learn that."

"Well, I'm not." ani Charli.

Humalakhak si Sky. "Hindi na kita pipilitin." tukoy niya kay Charli. "I can teach you but maybe nextime." Ngumiti sa akin si Sky.

Pagkatapos namin kumain. Hinatid namin si Sky sa 3rd floor kung nasaan ang Training Room. Ilan lang ang estudyante ang nagkakalat sa ikatlong palapag. Tahimik at mahangin ang lugar. Rinig sa labas ang mga huni ng ibon.

"Thankyou, guys! See you tom?" ani Sky at kumaway sa amin.

Binuksan ni Sky ang pinto at bumungad ang apat na estudyante sa loob nito. Nag uusap si Jack at 'yung babae na nakapulang lipstick, kasama nila si Dylan. Nakatalikod ang isang lalaki na kausap rin nila.

Bago lumingon sa amin si Ethan ay saktong nagsara ang pintuan. Hinatak na ni Charli ang kamay ko dahil hindi kami pwede magtagal dito lalo na't wala kaming schedule sa Training Room.

Kinagabihan, maaga kaming kumain ni Charli. Maaga rin daw kasi siya papasok dahil dadaan pa raw siya sa Building 3. Hindi na ako nagpumilit sumama at baka mapagalitan na naman siya ni Sir Raven.

"You really want to learn some plants stuff?" tanong ni Charli habang inaayos nag higaan.

"Maybe, but I'm willing."

Humiga ako sa kama at pinagmasdan ang puting kisame. "I wonder, how will you control your powers?" ani Charli at humiga rin katulad ko.

"I don't know." tipid kong sagot.

"You're one of a kind. Very rare yet powerful." aniya

"Can't imagine how will you control other's mind." dagdag pa niya.

Maagang pumasok si Charli at naiwan akong tulog sa kama. Nag iwan siya ng ulam at may sticky notes na nakalagay.

'Eat well Ms. Gorgeous!'

Ngumiti ako bago kinain ang luto niya. Hindi naman maalat at hindi rin mapakla. I'm not familiar with this food. Maybe later, I can ask her.

"Where's Charli?" bungad sa akin ni Sky.

"May kailangan daw siya asikasuhin sa Building 3. Wala pa rin siya?" tanong ko pabalik.

Umiling si Sky. Bumalik kami sa aming pwesto nang dumating si Sir Henry. Wala pa rin si Charli kaya hindi niya maaabutan ang ituturo ngayong araw.

Matapos ipaliwanag ni Sir Henry ang iba't ibang parte ng katawan ay agad siyang nagpaalam sa klase. Niligpit niya ang kaniyang gamit at tumingin sa mga kaklase ko na parang may hinahanap.

"Ms. Elysse, kindly go to Building 3 may pag uusapan tayo."

Sinamahan ako ni Sky hanggang labas ng Office Room. Hindi rin siya nagtagal dahil ayaw niya raw mahuli at mapagalitan ng advisers. Huminga ako nang malalim bago kumatok sa pintuan.

"Come in," rinig kong boses ni Sir Henry.

Bumungad sa akin ang familiar na kwarto. Ang apat na advisers ay nakaupo na rin sa mahabang mesa habang pinapanood ang galaw ko.

"Nagmana ka talaga sa Mom mo, so gorgeous. Kaya nabaliw si Kuya Isaac kay Frias." tawa ni Ms. Holly habang nakangiti sa akin.

Hilaw akong ngumiti bago umupo sa harapan nila. Hindi nag angat ng tingin sa akin si Sir Raven dahil busy itong nagbabasa ng mga papel. Si Ms. Jade naman ay may dala pang halaman sa mesa na galing daw sa tinuro niya. Tumikhim si Sir Henry.

"Hindi ko naman inaasahan na mapapaaga pala ang pagsabi namin sa'yo nito." tawa niya.

"Nang umapak ka sa MA. Alam mo na dapat ang responsibilidad mo. Pero hindi sinabi sa'yo ng magulang mo ang mga kakayahan na mayroon ikaw."

"Because they're too scared."

"Too scared to let you know that you're one of a kind." aniya.

Tumaas ang balahibo ko. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Charli. Posible kayang may kinalaman ito sa sinasabi ni Sir Henry?

"You know what's interesting? Your abilities and elemental power."

"Air can be used for practically anything. You can shield yourself from anything that could harm you. You can control basically with other element except for Earth or you can call it, Land." ani Sir Raven, binaba nito ang suot niyang glasses.

"Aside from that, your abilities is not normal. You could make people do what your want. You can also kill somebody using your special abilities."

"B-Bakit hindi ko ito magamit?" kinakabahan kong tanong.

"Because it's not the right time. Your power is still processing. Your abilities is shutdown. This was your parents decision. To shutdown your senses." sagot ni Sir Henry at binunot ang isang sigarilyo.

"Paano po kung may masamang mangyari sa akin?"

"We will never let that happen." ani Ms. Jade at nginitian ako.

Nanlamig ang katawan ko sa mga nalalaman ko. There you have it, Elysse. Alam mo na ang tungkol sa sarili mo. Bakit pakiramdam ko hindi pa ito sapat? Dahil ba hindi ko pa kaya ilabas ang totoong ako?

"Hi, Ms. Air."

Nilingon ko ang likod ko. "Stop calling me that." banta ko.

Higit sa lahat, ayokong mailabas agad kung ano ang meron ako. Sinabihan rin ako ng mga advisers na hangga't kaya ko itago, itatago ko. Hindi pwedeng malaman agad ito ng lahat.

Tumawa si Jackson. "Like Mother like Daughter?" Umarko ang kilay niya.

"What do you mean?" huminto ako sa paglalakad.

"Well, too scared to face the reality?" ngumisi siya.

Agad na nag init ang ulo ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko umuusok ako sa galit. Higit sa lahat, ayokong madamay ang mga magulang ko dito.

"Can you please stop?!"

Nangilabot ako nang humagis ang katawan ni Jackson sa pader kasabay ang hangin mula sa labas ng bintana. Pinunasan ni Jackson ang kanyang labi at napansin ko ang pagdudugo nito.

Nalaglag ang panga ko sa itsura niya. Nilapitan ko ito at tinulungan tumayo.

"And too kind." aniya


Nagawa pa niyang tumawa sa sitwasyon niya. Kinuha ko ang panyo ko at dinampi sa labi niya. Hindi agad kinaya ng konsensya ko ang nangyari sa kaniya. Isa sa nagpagulo sa isip ko ang biglang paghagis ng katawan ni Jack.

"Still can't handle the power, how about the abilities? I bet not." boses mula sa likuran.

Nakapamulsa ito at walang emosyon na nakatingin sa akin. Kasabay ng hangin, ay ang pagtangay ng kanyang buhok.

"Woah, Ethan? Akala ko ba nasa Training Room ka? Training Hours ngayon, ah?"

Hindi ito pinansin ni Ethan at agad na umalis na parang walang nangyari. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. It hurts but it's true. Ano nga ba ang mapapatunayan ko sa sarili ko? Wala.
Now I know why my parents let me stayed here. Because I'm clueless.





WARNING: Hi! You might encounter some grammatical errors or typos. Hope y'all understand. See you on my next one!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top