Chapter 37: Illusion
"Ayos ka lang ba?"
Tumango ako at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa malapit na naming harapin ang pinto papalabas ng building.
Kumunot ang noo ko nang makalabas sa pinto. Tumambad sa akin ang isang playground.
"Nasaan tayo?"
Bumaling ako sa kasama ko at napagtanto na nag iisa lang pala ako. Nasaan ba ako? Kanina lang tumatakbo kami papalabas..
"Lei, ayaw mo naba maglaro?"
Napasinghap ako nang makita ko ang batang Cheska na kasalukuyang naghihintay ng sagot ko. Kumunot ang noo niya.
"Nasaan tayo?"
She laughed. "Nasa playground nila Jack! Hindi mo ba naaalala?"
Umiling ako.
Umarko ang kilay niya at bigla nalang humalakhak na parang may ginawa akong nakakatawa.
"You're so funny, lei. Tara pasok na tayo sa loob!"
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa isang pintuan ng mansion. Sumalubong sa amin ang isang malawak na sala at maraming katulong ang nagkalat sa paligid.
"Ma'am Cheska at Elysse. Ano pong maitutulong namin sainyo?" sabi nung isang babae.
"Pagluto mo nalang kami manang tsaka paki-tawag sila Dylan sa labas. Akyat lang kami sa kwarto ni Jack." dire-diretso niyang sabi.
Kumunot ang noo ko
Wala ito sa ala-ala na meron ako. Lahat ng ito ay bago lamang! Hindi nangyari ang ganitong eksena at lalong hindi ko kasama si Cheska nung umalis kami ni Mom papuntang Sandovas! Bakit nandito pa din ako?
Hinatak na niya ako para makapasok sa kwarto ni Jackson. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko na akala mo'y tatakas ako dito.
Pinaupo niya ako sa higaan. Tumalikod siya para isara ang pintuan at narinig ko ang pag-lock nito.
Ngumiti siya at tumabi sa aking pwesto. Hinawakan naman niya ang kamay ko at pinisil ito.
"Tell me about your powers!" excited na sabi niya at hindi mawala ang malaking ngiti nito.
"Ha?"
She laughed. "Come on! Tell me, leilei!"
"Shit. Wag Elysse! Huwag mong sundin!"
Napatalon ako nang marinig ko ang isang sigaw. Bahagya pa akong napahawak sa dibdib at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. shit.
Kumunot naman ang noo ni Cheska.
"Why? are you okay?" she asked.
Tumango ako at hindi sinabi ang napansin ko sa paligid.
Ngumiti naman siya at hinatak ulit ang kamay ko. Bumaba kami at dumiretso sa kitchen para kumain. Kasalukuyang hinahanda ang mga pagkain na inutos ni Cheska. Nagtaka pa ako dahil apat ang plato ang nakahanda.
Umupo ako gaya ng sinabi ni Cheska. Hindi mabura ang ngiti nito sa labi habang pinagsasandok ako ng kanin.
"Hmm, mukhang masarap ang luto ni Manang ah!" he chuckled.
I froze when i realized who's talking. Pamilyar na pamilyar ito sa akin. The way he laughed.
"Hi, leilei!" aniya
Umupo siya sa harapan ko kung saan may platong nakahanda para sa kaniya. Katulad ni Cheska, nakangiti din ito sa akin habang hawak ang lollipop na hindi pa nabubuksan.
"Jackson, ask her! ayaw sabihin sa'kin powers niya!" pagsumbong ni Cheska.
Nanlaki ang mata ko habang nakaturo sa akin ang maliit na hintuturo ni Cheska.
Tumingin naman sa akin si Jackson.
"Bakit? Ano bang powers niya?" tanong nito pabalik kay Cheska.
"I don't know, ayaw sabihin eh." nakanguso nitong sabi at nilapag ang kutsara't tinidor sa harapan ko.
Tumabi si Cheska kay Jackson habang bakante naman ang katabing upuan ko.
"Saan si Ethan?" jackson asked.
"I'm here."
Nagulat ako nang hinatak nito ang upuan ko papalapit sa kaniya. Siya pala ang makakatabi ko dito.
"Why?" he asked while looking at me.
Umiling ako
Hindi siya si Ethan.
"Elysse, pigilan mo!"
"Pigilan?" bulong ko
"Pigilan ang alin?" Ethan asked again.
Umiling ako at kinuha ang kutsara't tinidor para simulan nang kainin ang pagkain.
Ano bang nangyayari?
Pigilan ang alin?
"You should eat vegetables, lei." ani Jackson at nilapag ang gulay sa plato ko.
"T-Thankyou."
Nagulat ako nang padabog na binagsak ni Cheska ang kaniyang kutsara. Napatalon si Jackson sa gulat.
"Kung ayaw mong sabihin ang powers mo. Edi wag!" galit nitong sabi at padabog na umalis sa mesa.
Kumunot ang noo ko sa biglang pagsigaw nito.
"Anong ginawa mo Lei?" mahinahon na tanong ni Jackson.
"Wala akong ginagawa!" tanggi ko
"Talaga?" he smirked at iniwan ako katulad ni Cheska.
Mahigpit kong hinawakan ang tinidor dahil sa galit. Hindi ako tanga para hindi malaman na nasa isang illusion ako. Ang pinagtataka ko lang ay bakit pinipilit nila akong sabihin ang powers na meron ako gayung, alam naman talaga nila.
"Kill them!"
"Shit. Elysse kill them!"
Natahimik ako nang marinig ko ulit ang isang sigaw. K-Kill them?
Marahan na hinawakan ni Ethan ang kamay kong naninigas na. Kinuha niya ang kamay kong hawak hawak pa rin ang tinidor.
Nanlaki ang mata ko nang isaksak niya ito sa kaniyang dibdib.
"No!"
He smiled.
"You're free, please come back to me." he said.
-
"Elysse!"
Agad akong bumagsak sa sahig at ilang beses na hinawakan ang kumikirot kong ulo. Shit.
Naramdaman ko ang yakap ni Sky at narinig ang munting hikbi niya.
"Shh... you're okay."
"Ah!"
Napatingin kami sa isang babae na namimilipit sa sakit. Agad naman dumako ang tingin ko sa isang lalaki na walang habas na hiniwa nito ang leeg ng babae at walang buhay na bumagsak sa sahig.
Vivid Finn.
She's dead.
"Fvck. Are you okay?"
Agad itong dumalo at niyakap ako. Hindi ko na napigilan lumuha dahil sa nakita ko sa isang illusion. Akala ko talaga mawawala siya sa akin.
"Kaya mo bang tumayo?" nag aalala niyang tanong.
Tumango ako at inalayan makatayo. Kumapit naman ako sa kaniyang balikat at dahan dahan na lumabas sa building.
Halos manginig ang katawan ko nang makita ang labas. Puno ito ng mga dugo at pakalat kalat na mga katawang walang buhay. Nasusunog pa ang isang garden sa gilid.
Inalalayan niya akong umupo sa tabi kasama si Sky.
"Are you sure--"
"Sky!"
Napalingon kami sa isang babaeng nagmamadaling tumakbo papalapit sa amin. Katulad namin, kapwa maraming sugat na din itong natamo. May daplis pa siya sa labi at mga pasa sa braso.
Napahinto ito nang magtama ang paningin namin.
"Elysse? Ayos ka lang ba?" nag aalala niyang tanong.
I nodded. "I'm okay, Charli. "
She sighed heavily before her gaze turn to Ethan.
"We need to hurry." mahinahon niyang sabi.
Kumunot naman ang noo ni Ethan bago tumingin sa akin. "Ano nangyari?" he asked.
"Nawawala si Jackson!"
Lumipat ang tingin niya sa akin.
"At hinahanap ni Amber si Elysse."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top