Chapter 36: Monarch vs Pioneer
Nagising ako nang makarinig ako ng isang sabog at sigaw sa labas ng kwarto ko. Kasalukuyan pa din akong nasa higaan.
Agad kong tinanggal ang mga nakakabit sa katawan ko at nagmadaling lumabas ng kwarto.
Napahinto ako nang magtanto kong hindi ako familiar sa lugar na 'to. Alam kong hospital pero kahit isa, hindi ko pa nagawang tumapak dito.
Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa isang eskinita na tinatabunan ng mga malalaking dahon. Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok.
Halos manginig ako nang maabutan ko ang ilang estudyante na kasalukuyang nakikipaglaban sa kapwa estudyante. Hindi students ng Monarch ang iba.
I was about to run when someone tried to stop me. Halos manlaki ang mata ko nang itinaas niya ang kaniyang kamay habang hawak ang isang dagger.
"Lei!"
I froze
"TABI!"
Nanlaki ang mata ko nang walang hirap patayin ni Cheska ang lalaki. Nakabulagta na ito sa sahig habang naliligo sa sariling dugo.
Humarap sa akin si Cheska. "Can you fight?" nag aalala niyang tanong.
I nodded. "Nasaan ang iba?" sigaw ko
She shook her head. "I don't know! Hanapin mo sila sa loob ng Main Building!" sigaw niya bago harapin ang tatlong estudyante. Agad naman siyang gumawa ng mga matutulis na yelo at walang habas na isinaksak ito sa kanilang puso.
Tumango ako at tumakbo papasok sa main building. Lahat ng mga gamit ay halos wala na sa maayos na pwesto. Maraming basag na salamin at mga upuan na nagkalat. Malayong malayo sa itsura dati ng Monarch.
"Ah!"
Napahinto ako nang makita ang kaklase kong babae na nahihirapan harapin ang limang kalaban na galing sa Pioneer. Nauubusan na siya ng lakas para kalabanin ang iba. Isa lang ang masasabi ko, mukhang handa ang mga kalaban sa pagsugod dito.
Lumapit ako at hindi na nagdalawang isip na tanggalan sila ng hininga. Dahan dahan silang humarap sa akin habang nanlalaki ang mata. Hindi rin nagtagal, bumagsak silang lahat sa sahig.
Natahimik ako nang makita ko ang mga katawan nilang walang buhay.
"T-Thank you, Elysse!"
"Are you okay?" tanong ko
She nodded and urge me to save others.
Tumakbo na ako at iniwan siya. Dumiretso ako sa auditorium na minsan ko na din napuntahan. Maraming estudyante ang nagkalat sa paligid halos hindi na makilala ang paaralan.
Umiwas ako nang patamaan ako ng isang babae sa balikat. Medyo nadaplisan ako pero hindi ko pinansin 'yon. Kinuha ko ang isang dagger na nasa lapag at agad na sumugod sa kaniya. Let' s play fair
-
Halos hingalin ako nang iwasan ko ang dagger na hawak niya. Masyado siyang magaling kung ganito ang labanan.
"Tired?" she smirked.
Tumayo ako at nginisian din siya. Mukhang wala siyang alam sa kakayahan ko.
"Not yet."
Humalakhak siya at marahas na pinunasan ang dugo mula sa labi niya.
Naglakad siya habang hawak ang dagger sa kaniyang palad. It looks like she's having fun. Poor girl
"Do you know what kind of powers na meron ako?"
Natigilan siya nang marinig ang sinabi ko.
"What?"
I laughed. Sapat na 'yon para magalit siya.
"Air"
Nanlaki ang mata nito at bigla nalang bumagsak sa sahig. Hawak nito ang kaniyang leeg at pilit naghahanap ng hangin sa kaniyang katawan.
"Dapat kasi tinanong mo muna ako bago ka nakipaglaban."
Tinalikuran ko na ito at lumabas sa Auditorium. Paikot ikot ako at nagbabakasakali na makita ko ang mga kaibigan ko. Nasaan na kaya sila Mom?
"Elysse!"
I stopped. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses. Halos mangiyak ako nang makita ko ang kaibigan kong hirap na hirap maglakad papunta sa akin.
"Sky! O-Okay ka lang ba?"
She nodded. "A-Ayos lang ako, napuruhan lang." she smiled.
"Ano bang nangyayari sa paligid? Bakit... bakit--"
"Sumugod sila, nagkabaliktad ang sitwasyon dahil Monarch ang dapat susugod sa Pioneer kaso nahuli tayo. Hindi handa ang lahat sa pagdating nila kaya ilan sa atin ay napuruhan." aniya habang hinihingal.
"N-Nasaan sila Mom?"
Inaasahan ko ang sagot sa kaniya pero umiling lang ito sa akin at ngumiti.
"I don't know, nagkahiwa hiwalay kami nang sumugod sila."
She tapped my shoulder. "Sorry."
I sighed. "N-Nasaan sila.... Ethan?"
Gaya kanina, umiling din ito. "Kahit mga teachers hindi ko makita. Masyadong malawak ang Monarch para makita sila. But as of now, alam kong buhay sila." she answered.
Hinawakan ko ang kamay nito at hinatak para hanapin ang iba. Kung magsasama sama kami, malakas ang porsyento na manalo kami dito.
"Saan kayo pupunta?" maangas na tanong nung lalaki habang hawak niya sa leeg ang estudyanteng babae dito sa Monarch.
"Put it down." ani Sky at tinutukoy ang dagger na nakaturok sa leeg ng babae.
Tahimik kong sinenyasan si Sky na saluhin ang babae. Tumango naman siya at hinintay ang senyas ko.
"Wag kayong lalapit!" sigaw niya
Huli na para mageskandalo pa siya dahil tuluyan na siyang bumagsak sa sahig habang hawak nito ang kaniyang leeg.
"T-Thankyou." sabi nung babae
Bahagya akong napahawak sa balikat ni Sky nang makaramdam ako ng hilo. Pakiramdam ko, sumasayaw din ang paligid.
"A-Ayos ka lang ba?" Sky asked habang hawak ako sa braso.
Tumingin sa akin ang babae at marahan na hinawakan ang pulsuhan ko.
"Bumibilis ang tibok nito... maaaring nag aadjust pa ang katawan mo. Don't push yourself, baka mapahamak ka."
Tumango ako. Pinilit ko ang sarili kong maglakad habang nakakapit sa balikat ni Sky. Katulad ko, paika ika na din siya dahil sa mga sugat na natamo niya kanina.
"We need to hurry." bulong ni Sky
Tumango ulit ako at minadali ang pag lalakad habang wala pa kami nakakasalubong na kalaban.
Napatalon kami nang makarinig kami ng isang pagsabog mula sa labas ng building at iniluwa nito ang nagliliyab na apoy.
"Ethan.."
"Tara na! Labas na tayo dito!"
Agad akong hinatak ni Sky at hindi na ininda ang sugat namin. Medyo nahihilo ako pero sinabayan ko ang paglalakad niya. Mukhang napuruhan ako kanina.
"You can control basically with other element except for Earth."
"Maaari kang mapahamak kapag nakipag sanib pwersa ka sa nagmamay ari nito."
Mapait akong ngumiti nang maalala ko ang bilin nila sa akin. Maaari ito ang naging epekto kaya nagiging ganito ang pakiramdam ko pero sa pagkakaalam ko, hindi naman nakipag sanib pwersa sa akin si Sky.
Hindi nga ba?
Kung ito man ang dahilan, masaya ako kahit papaano nakasama ko ang nag mamay ari nito.
kahit ikapahamak ko pa.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top