Chapter 33: Waiting

Third Person POV

Panibagong araw pero para kay Ethan isa itong bangungot. Kasalukuyan sila ngayong nag iikot sa ibat ibang bayan nagbabasakaling makita man lang ang bakas ni Elysse.

Hinati nila ang kanilang gawain, ang apat na guro ay nagplano sa maaari nilang gawin sa susunod. Ang magulang naman ni Elysse ay may ibang inasikaso habang si Sky ay nanatili sa Monarch para magbantay at maghagilap ng impormasyon.

"Sigurado ba kayong nandito siya sa bayan?" kunot noong tanong ni Cheska habang nililibot ang tingin sa bayan ng Veda.

"Wala tayong kasiguraduhan sa lahat, all we need is to move forward and keep finding." ani Dylan at nilapitan ang isang pagawaan ng mga sasakyan.

-

Sa kabilang parte naman, sila Jackson at Charli na naghahanap sa bayan ng Sandovas. Halos isa isahin na nila ang mga bahay para maisigurado na lahat ay napuntahan nila.

"May nakita po ba kayong babae? Maikli po ang buhok nito tas medyo may kaputian. Hmm... sexy na din po! pero di ko siya type kasi baka malagot ako. Ano? May nakita po ba kayo? Kasi kung wala, aalis nalang kami. O sige na, bye." dire diretsong sabi ni Jackson sa isang matandang lalaki na hindi man lang nagawang sumagot.

Agad na binatukan ni Charli ito

"Tanga kaba? Hindi mo man lang pinasagot si Tatay!" iritadong sabi nito habang naglalakad papalayo sa matanda.

"Ang tagal kasi sumagot." tanggi niya.

-

Where are you, Lei? iyon ang nasa isip ni Ethan habang nagiikot sa bayan ng Javier.

Pinili niyang mag isa at sarilihin ang paghahanap sa bayan dahil pakiramdam niya, hindi pa rin nito maiproseso ang mga nalaman nila kagabi. Hindi rin sila nakakuha ng sapat na pahinga para lamang masimulan na ito maghanap.

Una bago sila sumabak sa ganitong paraan, sinubukan ni Dylan gamitin ang kaniyang abilities pero naging traydor ito at ang ipinakita lamang ay ang pag-alis ni Elysse sa dorm kung saan ginanap ang mini celebration. Ayon sa kaniya, maaaring may ginamit ito para hindi niya magamit ang abilities at matakpan ang nangyaring pagdukot kay Elysse. Hindi biro ang kalaban, aniya.

Lumapit ito sa isang matandang babae na naglalakad sa gitna ng kalsada. Matanda na ito at mukhang nahihirapan maglakad gamit ang kaniyang tungkod.

"Lola, ayos lang po ba kayo?"

"A-Ayos lang ako hijo." sabi ng matanda.

Tumango naman si Ethan at bahagyang inilalayan ang matanda.

"Hijo, mag iingat kayo."

"Huwag niyong hayaan na masakop nila ang mundo natin.."

Umalis na ang matanda at hindi man lang nilingon ang nagtatakang si Ethan. Nagpatuloy ito sa paghahanap at magtanong sa iba pero iisa lamang ang kanilang nagiging sagot.

"Hindi namin nakita, paumanhin po."

-

Sa office, kasalukuyang nagpaplano ang apat na guro. Dumating ang magulang ni Elysse.

"Hindi natin sila pwedeng bintangan na sila ang may kagagawan nito. Pwede nilang baliktarin ang pangyayari at baka tayo pa ang magmukhang sinungaling." ani Henry habang sinisindihan ang isang sigarilyo.

Tumango si Raven. "Alam natin mahilig silang makipaglaban ng patagilid." aniya

"Ano na gagawin natin? Hindi tayo pwede basta basta nalang sumugod don!" ani Holly habang pabalik balik sa kaniyang pwesto.

"Hindi tayo susugod don. Bibisitahin ko ang Pioneer Academy at susubukan na libutin ang paaralan nila. Maaaring nandun lang din si Elysse." ani Raven at umupo sa kaniyang upuan.

"Kung ano man ang kalalabasan nito, hindi natin kailangan takasan sila.
Mas makapangyarihan tayo pero hindi natin pupwedeng maliitin ang mga kakayahan nila." ani Henry

"Maaaring pinaghandaan nila ito, nakakalungkot lang na nadamay ang ibang estudyante sa kanila." dismayadong sabi ni Holly.

"Simula't umpisa, hindi hangad ni Amber na magpatayo ng paaralan. Ginamit niya ito para sa sarili niyang plano. He used his students para itapat sa atin." ani Raven

"Paano na yung anak ko? wala tayong kasiguraduhan na buhay pa siya! Kilala natin si Amber, wala na siya sa katinuan!" pagsingit sa kanila ng Ina ni Elysse.

"Alam kong buhay pa siya." ani Henry at tinapon ang sigarilyo sa basurahan.

"Naniniwala ako kay Ethan. He's sharing this bond with Elysse. Hindi ko alam kung saan galing iyon basta alam kong konektado sila sa isa't isa."

Tumango si Raven sa sinabi nito.

"Maaaring ganon nga, wala naman kakaiba kay Ethan ngayon. Kung nalaman niyang may nangyaring masama, he could tell us." aniya

Nagulat sila nang may bumukas sa pintuan at tumambad si Jade na mukhang may kailangang sabihin.

Agad naman itong lumapit kila Raven.

"I saw Elysse!" sigaw niya.

Nanguna nang tumakbo ang magulang ni Elysse at tinanong kung nasaan ito ngayon. Sinagot naman ito ni Jade habang nagmamadaling tumakbo.

"Nasa hospital siya ng MA." sagot niya.

Nang makarating sila sa isang kwarto, agad naman lumapit ang magulang nito.

Umiiyak ang Ina ni Elysse habang pinagmamasdan niya ang kaniyang anak na walang malay. Namamaga ang baba nito at namumula ang pisngi. Magulo din ang buhok nito.

"A-Anong ginawa nila sayo?" bulong nito.

Lumayo ang asawa nito at ilang beses nagmura habang pinapatay na sa isip kung sino ang walang awang gumawa nito sa kanilang nag iisang anak.

"Tangina. Papatayin ko talaga kung sino ang gumawa nito." galit na sabi nito at lumapit sa kaniyang mag-ina.

"Nakita ko siya sa hallway malapit sa library. Walang tao dahil class hour buti nalang dumaan ako don para kunin ang librong ituturo ko sa klase." ani Jade habang malungkot na pinagmamasdan ang kaniyang estudyante.


Tumango si Raven. "Ang nakapagtataka lang ay kung bakit binalik pa ito sa atin. No, don't get me wrong, it's just.... nakakapagduda." ani Raven at sumandal sa tabi ng pintuan.

Tahimik nilang pinagmamasdan sila Frias at Isaac habang hawak nito ang kamay ng kanilang anak. Wala pa din itong malay hanggang ngayon.

Ilang oras lamang ay pumasok na si Sky habang nagmamadaling makalapit sa higaan. Napahinto ito nang makita ang kalagayan ng kaniyang kaibigan.

"N-No.."

Hindi pa naiproseso ni Sky ang nangyari sa kaniyang kaibigan nang bumukas ulit ang pintuan.

"Leilei!" sigaw ni Cheska

Hinayaan nila Isaac at Frias na makalapit ang mga kaibigan nito. Kahit dito nalang ay makabawi din sila.

"W-What happened to her?" kabadong tanong ni Jackson nang makalapit ito.

Bahagya siyang natigilan nang makita ang itsura nito. Nagmura ito at galit na umalis ng kwarto.

"Fvck, di ko kaya." aniya at padabog na sinara ang pintuan.

Ilang oras ay nanatiling tahimik ang kwarto. Dumating si Charli na kasunod ni Ethan at Dylan. Umalis na ang apat na guro kasama ang magulang ni Elysse. Hinayaan nilang manatili muna ang mga kaibigan nito sa tabi ni Leilei.


"Look at her, m-mukhang hindi naging madali ang pinagdaanan niya." maluhang sabi ni Sky habang nakatayo sa gilid nito.

"She looks tired but she still manage to fight." ani Charli habang pinagmamasdan ang walang malay na si Elysse.

Tahimik lamang si Ethan sa tabi at ilang beses na nagmumura sa kaniyang isip. Dapat hindi ko nalang siya hinayaan.

"Alam na kaya niya?" tanong ni Cheska

Dito napalingon ang lahat sa kaniya. Tumikhim si Dylan at lumapit kay Elysse. "Alam na niya." bulong nito.

Kumunot ang noo ng iba sa sinabi nito. "Sundan ko lang si Jack." paalam niya.

Bumuntong hininga si Ethan at nagpasya nang lumapit sa kama. Umupo siya sa upuan at hinawakan ang kamay ni Elysse.

"Please wake up, we're waiting." mahinang bulong nito.

---

WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.

Always remember that, Unity will keep us safe!

See you on my next one!

@missky07






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top