Chapter 31: Marleigh Elysse Aldaine

A/N: Hi guys! I just want to promote my new story, "Goddess in the Sheets" hope u'll try this one!

---

Third Person POV

Hindi maiwasan ng matanda na ngumiti sa kaniyang pasalubong. Perfect timing.

"Paano mo siya naidala dito?" tanong niya

Ngumiti ang lalaki. "Spell and i used some syringe." aniya

Pumapalakpak ang matanda at pinuntahan ang babaeng kasalukuyang walang malay. Nakatali ang magkabilang kamay nito at nakasandal sa puting pader.

Kawawang bata. ayon ang nasa isip niya.

Narinig nito ang pagbukas sara ng pintuan. "Ano na gagawin natin dyan?" tanong ng isang babae habang papalapit sa matanda.

Napaisip ang matanda at maya maya ay humalakhak ito na parang tuwang tuwa sa kaniyang naisip. "Hindi ko muna siya gagalawin."

Kumunot ang noo ng lalaki. "Bakit naman hindi? Nandito na siya!" angal niya.

Ngumuti ang matanda. "Of course we will continue our plan but for now, bakit hindi muna natin paglaruan ang isip niya?" tanong nito pabalik.

Tumango ang dalawa at sumang ayon ito. Agad naman itong nagpaalam at iniwan ang matanda habang pinagmamasdan ang walang malay na si Elysse.

Napangiti ang matanda nang unting unti dinidilat nito ang kaniyang mata. Takot. Ang sumalubong dito.

"Nasaan ako?" mahinahong tanong nito habang minamanman ang paligid.

"Welcome to our territory!"

Sinubukan niyang gamitin ang kaniyang special abilities pero nabigo lamang ito. Mukhang nabasa ng matanda ang kaniya iniisip.

"You can't use your abilities here. Nakashutdown ang powers mo dito sa kwarto. Mapapagod ka lang hanggang sa bumigay na ang iyong katawan." nakangisi nitong sabi.

"Ilabas niyo na ako!"

"I know you! I swear, hindi nila ito magugustuhan lalo na't sumaway ka sa rules!" dagdag pa niya habang nagpupumiglas.

Lumapit ang matanda at hinawakan ito sa baba. Sinigurado niyang magtatanda ang bata sa kaniyang ginawa. Hinigpitan niya ito na halos bumaon ang kuko tsaka binitawan.

"You better zip your fvcking mouth or else, i'll kill you." banta niya

Natahimik ang babae at nag iisip ng paraan kung paano makakawala. Isa lang ang nasa isip niya, alam naba nila?

"Good."

Lumayo ang matanda at kumuha ng upuan. Nilagay niya ito sa harapan ng babae at umupo.

"Nagustuhan kaya nila ang mensaheng pinaiwan ko?"

Kumunot ang noo ng babae

"Gusto mo ba malaman ang sikreto?" bulong ng matanda. Sapat na iyon para marinig ng babae.

"Pero bago yun, tatanungin muna kita." aniya

"Sino ka?" tanong niya

Hindi kumibo ang babae. Pinagmamasdan niya lamang ang matandang halos mamula dahil sa galit. Ilang beses siya nitong tinatanong ngunit pinili niya lamang manahimik. Then, she hits the bull's eye.

Naramdaman niya ang dugo mula sa labi nito. Shit. Masyadong napalakas ang sampal sa kaniya ng matanda

"Sinabing sino ka eh!" sigaw ulit ng matanda.

Tumawa ang babae kahit na ramdam niya ang pamamanhid ng kaniyang labi.

"Ikaw ang nagpadukot sa akin tas ngayon, tatanungin mo kung sino ako? Tanga kaba?" sagot nito.

Galit na lumapit ang matanda at hinila ang buhok nito. Halos matanggal na ang buhok dahil sa higpit ng kaniyang paghahawak.

"Bastos ang bibig mo dapat sayo, pinapatahimik! " sigaw niya

"Pero dahil mapapakinabangan kita sa plano ko, pagpapasensyahan kita." aniya at binitawan ang buhok nito.

Bumalik ito sa kaniyang upuan at mariin na pinagmasdan ang babae.

"I know your elemental powers and also your special abilities. I know every single of it." ngisi niya

Tumahimik ang babae at nakipagtitigan lamang ito. Kung magpapakita pa ako ng katapangan, baka hindi na ako magtagal pa dito sa mundo.

"Frias and Isaac." aniya at dito naagaw ang atensyon ng babae. My parents..

"Magaling magtago ang magulang mo ha? In fairness, medyo nahirapan ako. Medyo lang naman." aniya at humalakhak.

"Anong kinalaman ng magulang ko dito?" mariin na tanong niya.

"Ano nga ba? Hmm... Sila lang naman ang dahilan kung bakit nahirapan akong hanapin ka." aniya

Kinilabutan ang babae sa sinabi niya

"Sandovas."

Kumunot ang noo ng babae nang banggitin nito ang isa sa mga malapit na bayan sa kaniya. Ang Sandovas.

Tumawa ito. "Iba talaga ang pakay namin sa Sandovas kundi ang isang pamilya na galing don. Nakiepal kasi kayo eh, hindi dapat kayo ang puntirya namin." inis na sabi nito.

Agad naman napalitan ng ngiti ang labi nito. "Okay na din naman kasi nahanap ko din ang isa sa nagmamay-ari ng Mind Control." aniya

"Alam niyo bang bilang nalang kayo sa mundong 'to? Hulaan mo nga kung nasaan sila."

Kumunot ang noo nito sa sinabi ng matanda. Nag-iisa nalang ako?

"Syempre, sumakabilang buhay na pero ang kanilang kapangyarihan ay nasa amin."

"At ikaw ang susunod sa kanila." malamig na sabi nito habang mariin pa rin siyang tinititigan.

Nawalan na ng pag-asa ang babae na makalabas pa ng buhay sa kwartong ito. Alam niyang pursigido na ang matanda na ituloy ang binabalak sa kaniya. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam sa kaniyang magulang bago man lang ito lumisan.

"Hindi ko maitutuloy iyon kung may sagabal sa paligid." dagdag pa niya

"Masyado silang napalapit sayo." aniya at bahagyang lumapit ang matanda sa babae.

"Ano bang meron sayo?" tanong ulit nito.

Naramdaman ng matanda na walang balak sumagot ang babae kaya naman bumalik ulit siya sa kaniyang upuan.

"Magkuwentuhan muna tayo. Bigyan muna natin ng oras para makapagplano ang mga magliligtas saiyo."

Nanatiling tahimik ang babae habang pinagmamasdan ang matanda. Baliw na ito. yun ang nasa isip niya.

"Alam mo bang inubos namin ang pamilya na naging malapit sa inyo?" tanong nito

Nanatiling tahimik pero marami na ang tanong sa isip ng babae kung ano ang tinutukoy ng matanda. Nanlamig ang kaniyang katawan nang may maalala ito.

"Lei, come here na! Punta na tayo sa Sandovas."

"It's my friend's birthday. Pupunta lang kami ng Sandovas and we'll back."

"Nilayo siya sa amin and that's the last time i saw her."

Unting unti nabubuo ang mga tagpi tagping mga kwento. Hindi niya maiwasan na matakot dahil maaaring totoo nga ang hinala niya. H-Hindi pwede...

Naalala niya ang mga sinabi sa kaniya ni Jackson, ang mga kwento nitong hindi niya maintindihan dati at ngayon..... unting unti na siya naliliwanagan.

'Tama paba na malaman ko ang lahat ng ito?' iyon ang tanong na paulit ulit tumatatak sa kaniyang isip.

Hindi niya maiwasan na kilabutan sa mga sinasabi ni Jackson. It looks like, matagal na siyang binibigyan ng hint pero hindi niya ito maintindihan.

"Naalala lang kita sa kababata namin. Our precious friend."

"O nagpapanggap ka lang bilang Elysse?"

'Sino ba talaga ako?'

Ipinikit niya mariin ang kaniyang mga mata habang inaalala ang mga sinasabi sa kaniya. Mga panahong napagkamalan siyang si Leilei, mga kwento tungkol kay Leilei at ang kuwintas na hawak niya ay mula kay Leilei.

Ngumisi ang matanda nang makita ang babae na naguguluhan ito. Hindi mapakali ang mga mata at ang mga labing nanginginig na gustong malaman ang katotohonan.

Isang malaking tanong sa matanda kung bakit walang maalala ang babae sa trahedyang ginawa nila sa pamilyang naging malapit sa kanila.

Oo, inubos nila ang pamilyang iyon at kinuha ang mga kapangyarihan. Lahat sila ay may angking kakaibang abilities, mind control. Ito ang dahilan kung bakit inubos nila ang pamilyang ito at tanging kapangyarihan lamang ang tinira.

Ang abilidad ng isang tao ay maaring maipasa depende sa taong naghahawak nito. Ang grupo ng matanda ay marunong at bihasa sa pag-agaw ng mga kapangyarihan ng iba. Pinag aaralan nila ito dahil ito ang magsisilbing daan nila para makontrol ang buong mundo gamit ang kakaibang abilities ng isang tao.

Lumapit ang matanda sa babaeng nakatulala nalang ngayon. Pagod at kawalan ng pag-asa ang sinisigaw ng mga mata nito.

Tumawa ito at hinawakan muli sa buhok ang babae.

"Isa lang naman ang gusto ko eh."

"Ibibigay mo ang special abilities mo o papasabugin ko ang mga bungo ng kaibigan mo?"

---


WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.

Always remember that, Unity will keep us safe!

See you on my next one!

@missky07








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top