Chapter 30: Warning
A/N: Thankyou po sa 700 reads! Naappreciate ko po talaga sobra huhu. 10 more chapters!
I would like to invite you to read some of my stories!
1.) Hear the Wind Sing (Wind Series#1)
2.) Goddess in the Sheets
3.) Step by Step (COMPLETED)
---
Third Person POV
Ngayong gabi gaganapin ang kanilang simpleng handaan na plano ng isa sa mga guro na si Cher Henry. Napili nitong ganapin sa isang dorm room kung saan malawak at may mga higaan na nakahanda. Naglabas din siya ng mga pagkain at syempre, hindi mawawala ang beer!
Nauna nang dumating ang apat na guro at iba't ibang bagay ang kanilang pinag uusapan habang wala pa ang kanilang pitong estudyante. Hindi muna nila inisip ang mga problemang nakaabang, kahit minsan daw matuto naman silang iwasan ang problema kahit isang gabi man lang, ayon kay Cher Jade.
Sa kabilang parte, kasalukuyan na magkasama sa dorm sina Charli, Sky at Elysse na naghahanda nang kanilang sarili. Napili nilang mag pajama party dahil kay Charli.
"Corny naman nito." komento ni Elysse habang pinagmamasdan ang kaniyang dalawang kaibigan.
"Style yan!" ani Charli na mukhang tuwang tuwa sa itsura ng kaniyang kaibigan.
Napairap na lamang ito at niyaya na ang dalawa lumabas. Saktong pagbaba nila ng hagdanan, nakasalubong nila si Cheska na hindi maipinta ang mukha. Hindi niya rin gusto, ayon ang nasa isip ni Elysse.
"Damn, looks like a clown." komento niya.
Tumawa silang tatlo sa naging komento ni Cheska at niyaya na ding pumunta sa Building 3 kung saan naroon na din ang mga guro.
Pagkababa nila sa kanilang building, nakasalubong nila ang tatlong lalaki. Si Jackson na tuwang tuwa, Dylan na tamad sa mundo at si Ethan na namumula na sa inis.
I swear, I'm gonna kill someone. Kung sino man ang nag-suggest nito. Ito ang nasa isip ni Ethan.
"Cool!" komento ni Jackson nang makita ang mga kaibigan nilang babae.
Pinasadahan ni Ethan nang tingin si Elysse. How come na manage niyang magsuot ng ganyan? Anyways, she's cute.
Napagpasyahan na nilang dumiretso sa kabilang building habang ang tatlo na sila Ethan, Cheska at Elysse ay hindi matanggal sa mukha na iritado na ito.
Excited na kumatok sa pintuan si Jackson at sumalubong sa kanila ang ingay mula sa kwarto. Cool!, iyon ang nasa isip niya buong magdamag.
Nilibot ni Dylan ang tingin niya sa kwarto at tamad itong tumabi sa mga guro. Bumati naman sa kaniya si Cher Holly, tango lamang ang isinukli nito.
Lumapit ang pito sa mga guro at bumati ito ng may galang. Ayon sa mga guro, hindi sila magtatagal dahil may mga trabaho pa silang kailangan gawin kaya naman abot langit ang saya ng kanilang mga estudyante.
Hindi rin nagtagal, umalis na din ang apat. Abot langit ang ngiti ni Jackson nang makitang may mga beer sa mesa. Nakakamiss naman 'to!
Umupo ang mga babae sa sofa at napag isipan na magkuwento tungkol sa kanilang mga mission. Nanatiling malapit sa mesa ang tatlong lalaki habang pinagmamasdan ang mga babaeng masayang magkwentuhan.
"Kamusta naman mission niyo?" baling ni Dylan kay Jackson
"Good." sagot nito habang abala sa pagsasalin ng alak sa baso. Inabot niya ang dalawang baso kay Ethan at Dylan.
"Mas good kung hindi umepal ang isa." dagdag niya pa.
Kumunot ang noo ni Dylan. "Sinong umepal?" tanong niya
Nanatiling tahimik si Ethan sa tabi habang pinapatay na niya si Jackson sa kaniyang isip. Try me, asshole.
Tumawa naman si Jackson. "Wala."
Nagkibit balikat na lamang ito at pinagmasdan nila ang apat na babae na mukhang natutuwa sa kanilang pinag uusapan. Tumikhim si Dylan at ininom ang hawak niyang baso.
"May nalaman lang ako sa Kensington." aniya
Dito napaharap sa kaniya si Ethan habang nakakunot ang noo. Nanatiling tahimik si Jackson habang pinagmamasdan ang mga babae, kay Elysse.
"Well, it's not important. Nalaman ko lang na yung araw na may nangyari sa Sandovas. Yun din ang araw kung saan lumipat sila Tita Frias." aniya
Tumango si Ethan at ibinalik ang tingin kay Elysse. Who's the real Leilei?
"Tinanong ko na siya." pagsingit ni Jackson
"What?" kunot noong tanong ni Ethan habang si Dylan naman ay pinagmamasdan lang ito.
"She's not Leilei, yun ang alam ko. I tried to ask her, nung araw na may napaginipan siya."
Napaginipan? tanong sa isip ni Dylan.
"Bago kami makaalis, nanaginip siya ng masama. She's calling Leilei, yun ang sabi ni Manang pero nung tinanong ko naman siya, hindi niya rin daw alam." sagot nito.
Bumuntong hininga ito. "Just give up, bro. She's Elysse, tanggapin na natin yon. Alam kong nagdududa din kayo sa kaniya. Let her live peacefully. Masakit sa part niya kung iisipin natin siyang si Leilei." umiling ito pagkatapos niyang sabihin. Sign as he's giving up.
Hindi tumango ang dalawa. Nanatili itong kalmado habang pinapasok sa kanilang isip ang sinabi ni Jackson.
Should i give up?, ito ang nasa isip ni Ethan
-
Masayang nagkukuwentuhan ang mga babae tungkol sa kanilang karanasan sa mission. Ayon kila Charli, marami silang nakilala sa bayan ng Veda meron din siyang tinutukoy na 'misteryosong lalaki' na nakaagaw pansin sa kaniya.
"Crush mo lang yon." tamad na sabi ni Cheska.
"Kaya pala pabalik balik ka dun sa mga manggagawa ng bahay!" ani Sky
Nanlaki ang mata ni Elysse sa sinabi nito habang si Charli naman ay hindi maiwasan na mamula ang kaniyang pisngi. I'm doomed.
"Gusto mo?" tanong ni Elysse kay Charli. Nagkibit balikat lamang ito.
Tumayo si Elysse para bumalik sa kabilang building para kunin ang kwintas. Balak niya sanang itanong sa kaniyang mga kasama, baka sakaling may alam sila. Hindi naman kasi kinuha ni Jackson sa akin, aniya.
Napako ang tingin niya kay Ethan na pinagmamasdan ang galaw nito. Hindi niya akam kung bakit kailangan niya pang magpaalam pero huli na nang sabihan niya ito.
"I'll be back." aniya
---
Naglakad ng tahimik si Elysse pabalik ng Building 1. Tahimik at mukhang tulog na ang ibang mga estudyante samantalang sila ay gising at nagkakatuwaan pa.
Nang makapasok siya sa building, nakaramdam siya ng hindi tama. Pakiramdam niya ay may nagmamasid dito at nasunod. Nanatili siyang kalmado at baka nag iisip lang siya ng ikakatakot niya.
Sumakay siya sa elevator. Pakiramdam niya ay palapit ng palapit ang sumusunod dito. Hinanda niya ang kaniyang sarili sa pagbukas ng elevator.
Nakahinga ito ng maluwag nang wala naman siyang nakita. Dumiretso siya sa kanilang kwarto. At agad na pumunta sa cabinet kung saan nakalagay ang mga alahas nito.
There you go. Tumalikod na ito at bahagya itong napahinto nang mapansin na bukas ang kaniyang pintuan. Sa pagkakaalala niya, sinara niya ang pintuan.
Hindi na maiwasan ni Elysse na kabahan lalo na't medyo madilim na ang hallway. Sigurado siyang walang tao sa paligid kaya naman humarap siya muli sa kaniyang kwarto at naramdaman niya ang kirot mula sa kaniyang likuran.
Huli na lamang nakita nito, may lumapit sa kaniyang lalaki.
"C-Christian Haven?"
"Ako nga, Ms. Elysse. Nice to meet you."
Dahan dahan na ipinikit ni Elysse ang kaniyang mata parang pilit na pinapatulog ang kaniyang katawan. Naramdaman niya nalang na umangat ang kaniyang katawan sa ere.
---
"Bakit ang tagal naman nun?" kunot noong tanong ni Charli.
"Baka na traffic." sagot naman ni Cheska.
Lumapit sa kanila ang tatlong lalaki na kasalukuyang nakakunot na din ang noo.
"Where's Ely?" tanong ni Jackson at umupo sa tabi ni Sky.
"Ewan, tagal nga eh." kibit balikat na sagot sa kaniya ni Sky.
Napatalon sila nang makarinig ng isang ingay na mukhang may nabasag na baso sa mesa. Wala namang tao don kaya hindi nila maiwasan na magtaka.
"Shit."
Agad na nagmadali sila nang makaramdam na may nangyaring hindi tama. Agad na dumiretso si Ethan sa building 1 na kasunod si Dylan.
Sa kabilang parte naman ay kasalukuyang nagmamadali sila Charli sa office ng mga guro.
"Chers, may nangyari atang hindi tama!" sigaw ni Charli nang makarating sila.
Napatayo si Cher Holly nang marinig ang sinabi nito. Hindi mawala sa kaniya ang pag-aalala sa kaniyang estudyante. Isa lamang ang iniisip nito, maaaring may kinalaman ang sulat dito.
-
Nagmadaling umakyat ang dalawa papunta sa kwarto ni Elysse. Nang makarating sila, tanging isang kwintas at isang sulat lamang ang naiwan don.
Agad na dinampot ni Ethan ang sulat habang si Dylan ay kinuha ang kwintas.
'Lei, lei go away
Come again another day
Little Elysse wants to play
Lei, lei go away'
"What the hell is wrong with this? A fvcking song?" galit na sabi ni Ethan at hinarap ang kaniyang kaibigan.
Tahimik ito at pinagmamasdan ang kwintas. Kilala niya kung sino ang may ari nito,
Leilei.
"What's that?" kunot noong tanong nito.
Nang mapasadahan niya ng tingin. Naramdaman niya ang pagdilim nang kaniyang tingin. Kung sino man ang may gawa nito, malalagot.
-
Pagkalipas ng isang oras, dumating ang magulang ni Elysse. Nabalitaan nito ang pagkawala ng kanilang anak. Hindi na nila naisip na itago pa ang kanilang pagkakakilanlan sa mga malapit na kaibigan ng kanilang anak. Dumiretso ito sa office habang ang Ina ni Elysse ay hindi maiwasan na mapaluha.
"T-Tita Frias?" gulat na tanong ni Cheska. Katulad nito, ganito din ang reaksyon ni Jackson habang nanlalaki ang mata. Kumunot naman ang noo ni Charli, ngayon niya lamang nakita ang magulang ni Elysse.
"Kamusta ang anak ko?" dire- diretsong tanong nito sa kaniyang mga kaibigan.
"Elysse is missing, hinanap sila ngayon ni Ethan at Dylan." sagot ni Jade.
Bahagyang natigilan ito nang marinig nito ang pangalan. Ethan. Dylan.
Mangiyak ngiyak na lumapit si Cheska dito. Maraming tanong ang pumapasok sa kaniyang isip ngayong nagkaproblema pa sila. Tahimik lamang sa gilid si Sky at hindi maiwasan na maging masaya dahil sa wakas, nakita niya ulit ang magulang nito. Sa maling panahon nga lang.
"W-Who's your daughter, Tita?"
Bumalin sina Frias at Isaac dito. Namumugto na rin ang mata ni Cheska dahil sa labis na kaguluhan, may kutob itong tama ang hinala niya. H-Hindi kaya...
"I'm glad that my daughter found her friends here...." malungkot na sabi ni Fries habang yakap ito ng kaniyang asawa.
Tahimik lamang ang apat na guro habang pinagmamasdan ang paligid. Lahat ay tahimik at tila binabantayan ang bawat isa.
"I-Is she.."
Hindi na naituloy ni Jackson nang unahan na siya nitong sumagot. Agad na tumango si Frias at hindi na maiwasan na umiyak.
"Yes, she's Leilei."
---
WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.
Always remember that, Unity will keep us safe!
See you on my next one!
@missky07
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top