Chapter 3: Stay Away
"If you have any questions, just ask me." Tumayo na si Sir Henry at kinuha ang isang pirasong cigarette sa bulsa niya.
"Ms. Elysse, let's talk." aniya
Kinakabahan akong tumayo bago sinundan si Sir Henry. Sumenyas pa sa akin si Charli na hihintayin niya ako bago kami kumain.
Naabutan kong nakatayo sa hallway si Sir Henry. Binuksan niya ang bintana bago dumungaw at sinindihan ang isang sigarilyo.
"Ano po ang pag uusapan natin?" basag ko sa katahimikan.
"Hindi na ako magtatagal pa at marami pa akong aasikasuhin." Tinapon niya ang hawak niyang sigarilyo.
"Wala bang umaaligid sa'yong kakaiba? O kahit sinong tao nagtangka alamin kung sino ka?" Tumaas ang kilay niya.
Natahimik ako. Agad na pumasok sa isip ko sina Charli at Sky. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanila kung ano ang kaya ko. Sila na ang nagsabing, pantay pantay kami dito.
"Hindi lahat ng estudyante ay pantay pantay dito. May mga sarili kayong kakayahan at 'yun ang dahilan kung bakit kayo naiiba sa isa't isa." aniya
Kinagat ko ang labi ko. Tila nabasa niya ang iniisip ko.
"Your Mom is still undecided. We can't let you have a training or at least teach you about your abilities. Hintayin pa namin ang sagot ng magulang mo tungkol dito."
"The right thing to do is, stay away sa mga taong nagtatangka alamin kung sino ka. Kung maaari, iwasan mo sila at huwag na kausapin pa."
Ito ang nagpagulo sa isip ko buong araw. Ilang beses akong tinanong ni Charli pero iniiwasan ko ang tanong nito. Pinagkakatiwalaan ko siya pero hindi dapat sa ganitong paraan.
"Tahimik mo naman, something's bothering you?" ani Charli at sumubo ng pagkain.
Umiling ako. "Wala naman. Nasaan pala si Sky?" pag iiba ko.
Nagkibit balikat siya. "Tinawag rin siya pagkaalis mo pero hindi na bumalik."
Tumango ako. Tinapos ko ang pagkain ko na wala akong kinukwento sa kaniya. Ilang araw pa lang kami magkasama ni Charli pero pakiramdam ko ang gaan na ng loob ko sa kaniya.
Narinig ko muli ang familiar na tilian ng mga tao sa Dining Hall. Pakiramdam ko wala ako sa katinuan mag isip. I sighed heavily. Nagpokus ako sa pagkain ko at inubos yon.
May umakbay sa balikat ko. "Hi! Late na ba ako?" tawa niya.
"Tagal mo 'te. Saan ka ba galing?" Umirap si Charli at ngumuso ito, tinuturo ako.
"Seven High thing, miss." sagot niya. Tinapik niya ang binti ko para tumabi.
"Eto kasi si Elysse. Tahimik masyado." pagsumbong niya.
Tumawa ako. I should stop thinking about this. "Uy, hindi ah?"
"Whatever you'll say, alam ko ang totoo." ani Charli at inirapan ako.
Buong oras ng klase kanina ay kinakalabit ako ni Charli para tanungin kung ayos lang ba ako. Hindi ko kasi siya masagot ng direkta kaya nginingitian ko lang siya. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko.
Tumaas ang kilay ko. "Alam mo?"
Nagkibit balikat si Sky. "Well, she knows your feelings." aniya
"Paano?" Agad akong kinabahan.
Tumawa si Charli. "Eto naman, seryoso agad 'te? Alam ko lang nararamdaman mo pero hindi ko alam kung ano at bakit. I used my abilities, that's why. I'm sorry." aniya
Tumango ako. Nakahinga ako nang maluwag. Sa aming tatlo, ako lang ang may kakayahan na basahin at kontrolin ang pag iisip ng isang tao pero simula nung bata ako, hindi ko na ulit ito naranasan.
"That's why, I don't deserve here." bulong ko.
"Ha? Bakit naman?" kunot noo tanong ni Sky.
Huminga ako nang malalim. "I don't have any abilities yet."
"But you have power. It's okay." hinawakan ni Charli ang kamay ko.
"Yes, pero hindi ko alam kung paano ko ito papaganahin. What if, nasa gitna ako ng trahedya at hindi ko magamit ang kapangyarihan ko? Natatakot ako. Natatakot ako na baka pati sarili kong kakayahan ay traydorin ako."
"It takes time. That's why, you're here in Monarch. To teach and guide you." ani Sky.
Tumango na lang ako. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Sir Henry na hindi nila ako tuturuan kung walang permiso nila Mom. Ganon ba kahirap para turuan ang isang tulad ko?
"It will be okay, Elysse."
Isang linggo na simula nung unang araw ko sa Monarch. Everything went good. Parang normal na araw ko lang. Inayos ko ang necktie ko bago tumingin sa salamin.
"May dadaanan lang ako sa Building 3, sama ka?" tanong ni Charli.
"Sige."
"Office Room, there you go!" ani Charli at binuksan ang isang malaking pintuan sa 1st floor.
Bumungad sa amin ang malaking kwarto. Naabutan kong nagsisigarilyo si Sir Henry sa isang bintana habang si Ms. Holly ay kausap sa mahabang mesa ang isang nakangiting guro na si Ms. Jade. Tumikhim si Sir Raven.
"Ms. Hilton, what is your concern at bakit ka nagdala ng kasama dito? You know the rules." ani Sir Raven.
Natahimik ang kwarto at nalipat ang atensyon sa aming lahat. Humingi ako ng tawad bago tumalikod. Agad na nagsorry si Charli sa akin.
"Pasensya na po," ani Charli.
"It's okay, kailangan din natin siya sa susunod." ani Sir Henry at tinapon ang isang tipa ng cigarette.
"Maupo kayo," nakangiting sabi ni Ms. Holly.
Bumalik ako sa pwesto ko at sabay kaming umupo ni Charli. Gusto na lang maglaho dahil sa katahimikan dito sa kwarto.
"Give me the papers." ani Sir Raven.
Agad na inabot ni Charli ang dala dala niyang mga papel. Pinasadahan ito saglit ni Sir Raven bago nilapag ang papel sa kaniyang mesa. Hinilot nito ang kaniyang sentido at hinubad ang suot na salamin.
"Is that all? How about the background of the student?" aniya
"Nothing, Sir." sagot ni Charli.
Tahimik ko lang sinulyapan ang kwarto. May dalawang mesa sa gilid na mukhang pagmamay ari nila Ms. Holly at Ms. Jade base sa pangalan na nakalagay. Sa kabilang gilid, ang mesa ng dalawa pang guro. Sa gitna ay may mahabang mesa at maraming upuan kung saan kami nakapalibot ngayon.
"We can ask Dylan about this." ani Ms. Jade.
"Yes, please." ani Sir Raven.
Lumingon sa amin si Sir Henry at sumenyas na maaari na kaming umalis. Saktong pagbukas namin ng pinto ay bumungad sa amin ang isang morenong matangkad na tamad na nakatayo sa pintuan.
"O, Dylan? Nandiyan ka pala." gulat na sabi ni Charli at binigyan ng daan ang lalaki.
"Elysse, tumabi ka."
Agad akong natauhan sa sinabi ni Charli at gumilid. Walang emosyon itong nakatingin sa akin bago lumapit sa mga guro.
Sinarado ko ang pintuan bago huminga nang malalim.
"Sorry, hindi ko naman alam na pati ikaw bawal do'n." aniya
"Mahigpit pala ang mga advisers dito. Ang layo ng expectations ko."
"Bakit?"
Nagkibit balikat ako. "My parents were too friendly para maging kaibigan ang mga guro na 'yon."
"You mean, kilala ng parents mo ang advisers?" Nanlaki ang mata nito.
Tumango ako. Naalala ko ang huling sinabi sa akin ni Mom na kaibigan nila ang apat na advisers. Akala ko pa naman magiging maayos ang turing sa akin dahil anak ako ng kaibigan nila pero mukhang nagkakamali ako. Tingin pa lang ni Sir Raven ay parang ayaw ako pakisamahan.
"Mababait naman sila. Hindi ko lang talaga nasunod nang maayos ang utos ni Sir Raven kaya kinailangan pa si Dylan." Napakamot sa ulo si Charli.
"Dylan? What about him?" Umarko ang kilay ko.
"He can manipulate time. That's all." tamad na sagot nito.
Tumango ako. Iniisip kung ano pa ang kaya ni Dylan. Ayon kay Charli, bihira lang daw ang mga tao na katulad ni Dylan na kontrolin ang oras. Iilan lang si Dylan sa estudyante ng Monarch ang mayroon nito.
"Pero lahat ng kakayahan natin ay may limitasyon."
♡
WARNING: Hi! You might encounter some grammatical errors or typos. Hope y'all understand. See you on my next one!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top