Chapter 28: Dreams

Mabilis ang araw ng pananatili namin sa Sandovas. Ngayon ay nagpapatrol kami sa bayan. Maraming tao ang excited na makita kami dahil sa dinadala namin ang pangalan ng Monarch Academy.

"Ang dami palang may gusto mag-aral sa Monarch noh?" bulong ko kay Jack habang pinagmamasdan ang mga tao na kapwa nakatingin din sa amin.

Kumaway sa akin ang batang nakausap ko non. Ngumiti ako at kumaway pabalik.

"Yes, one of their dreams is our school." aniya at nagpatuloy sa paglalakad.

Kasama namin ang ilan sa mga taga bantay at si Manang na may hawak ng payong. Kanina ko pa kasi siyang sinabihan na huwag na akong payungan dahil ayos lang naman sakin maarawan kaso nagpumilit siyang payungan ako.

Huminto ako nang may humarang sa aking batang lalaki. Agad naman naging alerto ang mga taga bantay pati na rin si Jack na hawak ang isang kamay ko.

"Chill, he's a child." sabi ko sa kanilang lahat.

"Isa po sa mga ipinagbilin sa amin na hindi kayo maaaring lapitan ng kahit sino sa bayan na ito." sabi nung isang taga bantay

Tumingin ako kay Jack para manghingi ng tulong. Bumuntong hininga naman siya at hinarap ang taga bantay.

"Let her." aniya

Walang nagawa ang mga taga bantay kundi magmasid sa paligid at hayaan akong malapitan ng isang bata. Lumuhod ako para pumantay sa kaniya.

"Hi."

Nagulat ako nang yakapin ako nito. Naramdaman ko ding naalerto si Jack nang yakapin ako nito. Kumalas naman ito sa yakap.

"Ang ganda niyo po pala! ang bait pa!"

Tumawa ako at pinisil ang kaniyang pisngi. "Thank you, cute mo din!"

Kumunot ang noo ko nang may kunin siya sa kaniyang damit at lumitaw ang isang lollipop. Inabot niya sa akin ito.

"Ayos lang?" tanong ko

Tumango naman siya. "Sayo na po yan, ang bait mo po kasi!"

"Ely, let's go." ani Jack

Tumayo na ako at bahagyang ginulo ang buhok ng bata. How i wish na may kapatid ako. Ang cute siguro!

Kumaway na sa akin ang bata at tumakbo sa kaniyang magulang na nakangiti sa amin. Tumango ako dito at umalis na.

Pagkatapos naming ikutin at tanungin ang mga tao tungkol sa kanilang pamumuhay. Umuwi na din kami agad.

Dumaan muna kami sa pinuno ng Sandovas upang ipabalita ang nangyari sa pagpapatrol.

"Mabuti kung ganon. Narinig ko nga na maraming tao ang humahanga sa inyo. Lalo na sayo, Ms. Elysse."

Tumango ako dito at nagpasalamat.

"Of course, everyone will love her." ani Jack at sumang ayon naman agad ang pinuno.

Pasimple ko itong siniko para tigilan na niya ang kaniyang kahibangan. Tumawa naman ito at napailing.

"Mauna na po kami." paalam niya

Tumango ulit ito sa amin at pinaalala na may handaan bukas ng umaga bago kami bumalik sa aming pinanggalingan.

"I will miss this place." sabi ko kay Jack habang paakyat na kami sa kwarto.

"You can always come back here. For sure, people here will miss you." aniya

Tumango naman ako dito

"Okay, goodnight Jack."

"Goodnight."

-

Nagising ako sa labas ng isang mansion. No, nasa isang.... panaginip ako.

Nilibot ko ang tingin sa labas ng mansion. Bahagya pa akong nagulat nang lumitaw si Mom and Dad sa tabi ko.

Sinubukan kong magsalita para kamustahin sila ngunit nanatili itong nakasara. Mukhang ayaw akong pagsalitain sa panaginip.

Sumalubong sa akin ang isang batang Dylan. He looks cute while wearing his plain white tshirt and short.

"Hi Dylan!" kusang lumabas sa bibig ko. Ano bang nangyayari?

"Hello, lei." aniya at lumapit sa akin para yakapin. Wait. Lei?

Nagulat ako nang lumitaw ang batang Cheska habang nakangiti sa akin.

"Let's play, lei!" aniya at hinatak ang aking kamay para lumabas.

"Why are you guys still calling me Leilei?" kusang lumabas muli sa aking bibig. Hindi ko magawang magsalita! Ano ba kasing nangyayari?

Lumapit sa akin ang batang Ethan at hindi ko maiwasan na tumitig dito. Ibang iba ito sa Ethan na nakasama ko ngayon. Ito ba ang sinasabi nila? Soft side of Ethan.

"Leilei is cute and Bryleigh is pretty. What do you prefer?" malambing na tanong nito sa akin.

Bahagya akong kinilabutan nang ngumiti ito sa akin.

"Bryleigh!"

Bahagya itong tumawa sa sinabi ko

"Okay, I'm still calling you Leilei."

---

"Ms. Elysse? Gumising ka po!"

Napatalon ako sa aking higaan nang sumalubong sa akin ang mga mata ni Manang. Kapwa ito hindi mapakali at parang may gustong sabihin

"Anong nangyayari Manang?"

Huminga ito nang malalim at ibinuka ang bibig para magsalita nang makarinig ako ng isang sigaw.

"Ely? Fvck. Anong nangyari? Ayos lang ba siya?" ani Jackson na biglang lumitaw sa harapan ko gamit ang kaniyang abilities.

Tumango ako dito. "A-Ayos lang ako, ano bang nangyari?" tanong ko at lumingon kay Manang.

"Narinig ko kasing may sinisigaw kang pangalan. Akala ko naman may kaaway ka o may nangyari. Naabutan kitang tulog pero yung katawan mo naninigas na.... parang gustong makawala." aniya habang may pagkalito pa din sa nangyari.

Gustong kumawala ng katawan ko sa isang panaginip. Kung ganon, anong kinalaman ng panaginip ko kay Leilei?

"Anong pangalan ang sinisigaw ko Manang?"

Kumunot ang noo ni Jackson sa tanong ko. Bumaling din ito kay Manang na kapwa mahinahon na rin.

"Teka, L-Lei? Leilei ata."

Bumuntong hininga ako. Alam kong hindi ko isisigaw iyon kung wala itong kinalaman sa akin. Maaaring naisigaw ko lang yun dahil nasa isang panaginip ako. Tama.

"Ha? Bakit mo naman..." ani Jackson at hindi tinuloy ang sasabihin.

Tumikhim ito at biglang sumeryoso ang mukha. "Maligo kana, nakahanda na ang pagkain sa ibaba." aniya

Tinalikuran na kami nito habang si Manang ay nanatili sa aking tabi habang hinahawakan ang aking kamay. "Ayos kana ba talaga, hija?"

Tumango ako. Maayos naman siguro ako.

siguro.

-

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako. Tumambad sa amin ang ibat ibang klase ng pagkain at mukhang masasarap ito. Hindi ko tuloy maiwasan na magutom.

Nakatalikod sa akin si Jackson na abala sa pagkuha ng pagkain. Ayon kay Manang, galing dito ang pinuno nila kaso umalis din agad dahil may aasikasuhin daw ito. Humingi din ito ng paumanhin dahil hindi niya kami maihahatid bago umalis.

"Jack."

Lumingon siya sa akin at ibinalik muli ang tingin sa pagkain.

"Kumain kana tapos mamaya uuwi na din tayo." aniya

Bumuntong hininga nalang ako sa sinabi niya at sinunod. Tahimik ang kusina dahil kaming dalawa lang ang natira dito. Mukha kasing ayaw akong kausapin ni Jack kaya hindi ko nalang din siya pinilit.

"Sinabi mo ba talaga yon?"

Inangat ko ang tingin ko kay Jack at bahagyang kumunot ang noo.

"I mean, sinigaw mo ba talaga pangalan ni Leilei?" ulit niya.

Nagkibit balikat ako dito dahil hindi ko naman alam ang buong nangyari. Ang alam ko lang ay

napaginipan ko ang nakaraan ni Leilei.

Bumuntong hininga naman siya at pinagpatuloy ang pagkain. Medyo nalilito ako ngayon kay Jackson dahil nanatili itong tahimik at mukhang may malalim na iniisip.

"W-Wala kaba talagang alam kay Leilei?" tanong niya habang ang tingin nito ay nasa pagkain.


Umiling ako dito dahil iyon ang totoo. Maaaring napaginipan ko lamang si Leilei dahil masyado siguro akong nacucurious dito.



"O nagpapanggap ka lang bilang Elysse?"

---

WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.

Always remember that, Unity will keep us safe!

See you on my next one!

@missky07


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top